0

ANG ASAWA KONG CARING AT MAHAL NA MAHAL AKO


Report

Lahat naman ata nang tao sa mundo makulit, mababae man iyan o malalalaki. Ang sabi pa nga nila. Mababait sila at sobrang mapagmahal at mapag-alaga. Maikli lang ang buhay sa mundo kaya lagi mong piliin ang maging masaya sa mga oras at araw na lumilipas. Kasama ang taong minamahal mo.
Kaya, lang minsan ‘di ba? May mga tao na hindi marunong magpahalaga. Hindi nakikita at nararamdaman kung gaano ka kahalaga at kamahal-mahal. Hindi nila naiisip kung may tao pa bang sa buhay nila matatagpuan ang kagaya mo.
“Bakit ka ba nandito? Elle, ‘Di ba? Sinabi ko na sa ‘yo na h’wag kang pupunta sa opisina ko dahil nag tra-trabaho ako. I’m so busy, na fu-frustrate na nga ako sa maraming gawaing inaatupag ko dadagdag ka pa,” galit na mahinang sigaw ko sa kaniya. Napangiti na lang ito. And I hate that sh*t. Naiinis ako.
“Ano bang ginawa kong masama do’n, Jake, wala naman, ah. Dinalhan lang kita nang makakain. Ty’ka kahit araw-araw mo pa akong papagalitan at sisigawan. Hindi ‘yan oobra sa akin, hindi ‘yan ang magiging daan para alagaan kita. Naiintindihan mo,” aniya pa niya. Natawa naman ako ng pagak sa sinabi niya at muling pinagsasalitaan ng masakit na salita dahilan para tumulo ang mga luha nito.
“Ang sama mo, ang sakit mo talaga magsalita. Bakit gan’yan ka? Ang daya mo pagdating sa akin gan’yan ka pero sa iba hindi. Alam mo, nasasaktan ako sa pagmamahal mo pero kasi, Jake, mahal kita. Mahal na mahal kita.” Nagawa parin nitong ngumiti sa gitna ng nararamdaman niyang sakit sa pinagsasabi ko sa kan’ya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.
Simula nang nawala bumagsak ang kompanyang pag-aari nang lola ko kasabay no’n ang pagkawala niya. Nagbago na ako. Naging manhid ako at bulag sa mga bagay na nanatili at nandirito para sa akin. Lalo na ang babaeng ito na nasa harapan ko. Na sa araw-araw nagagawa kong saktan sa mga salita ko. Hindi ko siya binibigyan ng oras at atensyon na dapat naman talaga.
“Pahalagahan mo naman ako, Jake. Ingatan at alagaan mo ako habang nandito pa ako sa tabi at buhay mo. Habang nabubuhay pa ako kasama mo. Mahalin mo naman ako ng puno ng saya kagaya no’ng simula. Alam mo ang gusto ko lang naman ay maramdaman ko na mahal mo ako, asawa mo ako, e.” Naiiyak ay aniya niya sa harap ko. Pinigilan ang luhang bumabagsak pilit na nilalaban ang nakakamatay na sakit na nasa puso niya dahil sa akin. Bakit ganito ako sa kaniya? Bakit? Bakit ngayon? Nasasaktan ako.
“Elle,” Wala akong maisagot, masabi o kahit na anong salita na lumabas sa bibig ko wala. Natulala ako. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng malakas at makita na sobra ko na palang nasasaktan at napapahirapan ang asawa ko. Puro na lang kasi ako trabaho. Nakakalimutan ko nang may asawa...


akong kailangan din ako.
“Wala ka nang oras at panahon sa akin. Pero ayos lang ‘yon alam ko ang ginagawa mo. Isa pa hindi ka naman nagloloko kaya ayos lang.” Napangiting wika nito. Pinahiranp mo na ang luha sa pisngi. Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at pinakiramdaman siya.
Anong klaseng asawa ako at lalaki sa buhay niya. Bakit ang sama ko sa kaniya. Bakit ngayon ko lang naramdaman na may babae akong minahal. Nakalimutan kong may mahal ako. Nakalimutan kong may tao na nagbibigay sa ‘kin saya at pagmamahal. Sh*t ang bobo ko. Bakit ngayon ko lang ito na-realize.
“Elle, tama na. I’m sorry. Hindi ko sinasadya.”
“Pero alam mo ‘yong hindi maayos, Mahal?” Pagpatuloy nitong parang ‘di narinig ang sinasabi ko. “Ay ‘yong ipagtatapat ko sana sa ‘yo at ekwento lahat sa ‘yo ang nangyayari sa akin at ang nararamdaman ko. Masaya man ‘yon o hindi. Pero wala ka. Hindi ko magawa kasi busy ka. Ayokong magalit ka kasi nakakalimutan mong mahal mo ako.” Napayakap ako bigla sa kaniya pero pilit ding tinulak ako nito papalayo habang humihikbi at humahagolgol ito sa iyak. Ang sakit. Sobrang sakit.
“Sir, gising na po. Sir, gising na po kayo. Gabi na po. Kailangan n’yo munang umuwi sa inyo at magpahinga.” Wika ng isang boses ng babae dahila para magising ako.
“Wait, nurse. Ang asawa ko hindi ko siya p’wedeng iwan dito. Nasaan siya? Nurse nasaan ang asawa ko‽” Sigaw kong umiiyak.
“Sir, wala na po ang asawa n’yo matagal na po s’yang wala. Dahil sa brain tumor niyang sakit. Kaya, tanggapin mo ng paunti-unti na wala na siya.” Mga salitang nagpadurog sa puso ko. Durog at pinong-pino.
“Kasi, nababaliw ako. Mahal ko siya. Umaasa parin ako na babalik siya. Na babalik siya sa akin. Na babalian niya ako. Miss ko na siya. Miss ko na ‘yong asawa kong sobrang Mahal ako at iniingatan.” naiiyak at napahagolgol ay parang batang sumbong ko. Parang ayoko ng mabuhay sa mundo. Sobrang hirap at sakit.
“Sir, hindi po kayo magiging maayos pag hindi n’yo tatanggapin ang katotohanan na wala na po ang asawa n’yo. At sana po pagdating ng araw matanggap n’yo na yon kasi bilin niya. Mabuhay kang masaya at payapa. Kaya, please lang. Bro, kaibigan kita, kaibigan ko rin siya. Aysusin mo na buhay mo.” Paliwanag pa nito sa ‘kin. Na s’yang agad ay tinalikuran na akong nakaupo sa upuang lumuluha.
Wala, gan’on talaga ang buhay. Kaya dapat sa araw-araw marunong tayong magpahalaga nang tao sa buhay natin lalo na pag mahal na mahal tayo. Lalo na pag laging nand’yan para sa atin. Pag mawala na sila sa buhay natin doon lang natin makikita at nararamdaman kung gaano kahalaga ang isang tao at ang buhay na binibigay nito sa atin.
________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT
Thanks for reading mga MAHAR.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.