1

CAN YOU BE MY WIFE? Chapter1


Report

“Ayusin mo ng yang trabaho mo Reporter Zia! Palaging walang kwenta ang sinusulat mo!. Anong pinagsusulat mo tungkol kay Kael Chen! Huh! Wala kana bang magawang ibang report na ma isulat!” Sigaw ng boss niya. Nag headset nalamang siya dahil sa inis ng bunganga ng boss niya!, Ganito kasi siya mga trabaho kaya wala siyang kasalanan kong totoo ang naisulat nyang article tungkol kay Kael Chen!. “- Alam mo bang tumawag sa amin si Kael tungkol sa inisulat mong article sa pag papakasal nya kay Miss Rose! At ngayon alam nang mga tao ang secret engagement nila!. Nakikinig kaba reporter Zia!” Sigaw ni Boss liam.
Napasapo nalamang siya sa noo dahil sa mga sinasabi nito.
“Oie Boss Liam! Nandito kalang pala? Kay aga-aga ang init ng ulo niyo kumain na muna tayo sa labas!” Sabi ni Jerald. Kumindat ito sakaniya, Napiling nalamang siya sa ginawa ni Jerald alam naman niyang kapag bungangaan siya ng boss niya ay agad ito pinapaalis ni Jerald sa isang matatamis na salita! Bakla kasi si sir Liam sabi ng mga ka office mate niya ang pangalan na ginagamit nito ay Lea! Napakadiri pakinggan!.
Tinitipa niya ang keyboard ng may isang kamay na may hawak na Oishi at juice, Tinignan niya kong sino si Jerald lang pala,.
“Kumain ka muna!,”
Hinihimas niya naman ang batok niya na sumasakit dahil sa stress niya sa trabaho kailangan niya matapos lahat ng article sa araw na ito. Kinuha niya ang ibinigay nito at tumabi ito sakaniya.
“Pwede mo naman yan tapusin bukas! Kesa palagi kalang nakatutok sa monitor!.” Sabi nito. Hinawakan nito ang pesngi niya at pinatingin sa mukha nito, ” -Tignan mo ang putla muna! Hindi katulad dati na mala paraloma ang mukha mo! Ays! Ako na ng tatapus nito!” Sabi nito. Kinuha nito ang mouse, Tumitingin lang siya sa ginagawa nito.
Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya dahil parang nagugustohan nadin niya ito dahil sa mga sinasabi nito sakaniya at pagiging maalaga nito, Napaka gentle man talaga ni Jerald, Ilang beses na niya ito Binasted hindi parin sumusuko!. Tahimik lang niya pinapanood si Jerald sa ginagawa ng may malakas nanamang bunganga ang narinig nila.
“Ano bayan Zia! Wala kana bang magawa! Si Bebe Jerald talaga ang pinagawa mo sa sariling article mo!. Makakalayas kana! Ayaw ko sa mga taong tamad gumawa ng sariling article! ” Sigaw nito. Kaya naman agad tumayo si Jerald at yumuko sa kay boss.
“Boss naman! Ako talaga nag presenta na ako mag tapos ng gawain niya!” Sabi ni Jerald sa boss nila. Ngunit napa snob lang ito sakaniya na tumututol talaga ito. Tumayo siya at ibinigay agad ang resignation letter, Kunot noo naman ito sakaniya.
“Fine kong yan ang gusto mo!. Ito ang resignation letter ko! Ayaw ko kasing may nag fired sakin sa kaunting mali. Gusto ko ako mismo ang tatanggal sa posisyon ko! Nagka intindihan ba tayo boss Liam!” Walang gana na wika niya. Nag simula narin niya kinuha ang mga gamit na nasa lamesa niya, wala siyang paki kong matanggal man siya sa serbisyo niya wala naman talaga siyang mali na ginawa.
“Zia naman!” Nakamaang na salita ni Jerald.
“Ayos lang, maghahanap lang ako ng ibang trabaho! Ayaw ko kasing...


pinagkikialam ang mga trabaho ko!” Pag paparinig niya sa boss niya, Ngunit umalis lang ito, Kinuha naman agad ni Jerald ang kahon at inis na ipinatong sa lamesa.
“Wag kang aalis! Pagsasabihan ko ang baklang yun!” Sabi nito, Ngunit hindi niya ito pinansin kinuha lamang niya ang mga gamit. Ganito talaga ang personality niya minsan malamig at masungit!.
“Ayaw mo talaga mag paawat? San kanaman kukuha ng trabaho?” Tanong nito.
“Sa company na tatanggapin ako! Simple!” Sabi niya at umalis sa harapan nito. Agad naman hinawakan ni Jerald ang braso niya.
“Ako na mag dadala!, Alam kong mabigat!” Sabi nito at ngitian siya!, Nag oo lamang siya at ibinigay ang kahon,. Nakarating naman sila ni Jerald sa parking lot at inilagay sa likod ng kotse ang kahon.
“Salamat!” Sabi niya at ngumiti. Kahit sa ngiti niya ay hindi makikita ang sigla. Napailing na lamang siya. Isang masinglang ngiti ang ibinigay ni Jerald sakaniya. Pumasok siya sa kotse, paandarin niya sana ang kotse ng kumatok ito sa window ng kotse, napatingin naman siya dito agad niya binaba ang window upang marinig niya ang sinabi nito.
“Tawagin mo ako kundi text kong nakauwi kana or may trabaho kanang mapapasukan!” Sabi nito. Nag oo lamang siya at isinirado ang pinto. Pinaandar niya ang kotse tumingin siya sa G.P.S tracker sa isang company na applyin niya dahil sawa narin siya sa buhay reporter at sa suplado nyang boss!. Agad naman siyang napahinto na may isang lalake na malapit niya mabangga naka toxido ito at naka black eye glasses satingin niya may kaya sa buhay.
“Lumabas ka sa kotse na yan! Kong ayaw mong mag papatawag ako ng pulis!” Sabi nito. Tumalima siya sa sinabi ng lalake, Kahit nag mamadali siya ay inis na inis siyang lumabas!, na sa harapan lang kasi niya ang Company ng Chen madami ding mga tao nag lalakad at nakatingin ang mga tao sakanila! Yung iba walang pakialam.
“Miss hindi ko alam kong bakit mabilis ka nag mamaneho! Alam mo ba ang limit sa highway na ito?” Sabi nito. Kinuha niya ang wallet sa bulsa kumuha siya ng two thaousand, baka modos lang ng lalakeng ito!.
“Ito pera! Sa susunod wag mo akong biktimahin! May mas mayaman sakin!” Sabi niya. Ngunit hinawakan nito ang braso niya.
“Hey miss! Alam mo ba na ako ang nag mamayari ng building na iyan?” Sabi nito. Inis niya binawi ang braso! Na iinis siya sa mga sinasabi nito! Hindi siya tanga upang maniwala sa sinabi ng lalakeng ito.
“Pwede ba! Wala akong oras sa kalokohan mo!” Sabi niya. May sinabi ito ngunit hindi na lamang siya nag salita. Nilakad niya ang hallway daladala ang resume niya,. Mga mga applicant din at mataas ang pila ang iba naman ay nakasimangot na lumabas sa office ang iba naman ay lumuluha.
“Wag kayong pipila! Napakasama ng magiging boss niyo! Pagsasabihan kayo ng masasamang salita!” Sigaw ng isang babae na kinalagkad ng guardia palayo. Marami namang nag back out dahil sa sinabi ng babae at siya na ngayon ang na sa maindoor sana naman matanggap siya! Kundi mag mokmok lang siya sa kwarto at maghahanap nanaman sa online kong may kailangan na aplicante!.
.
🍂Susunod! Chapter 2? (😘)


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.