0

Ang Hindi matahimik na kaluluwa Ni Covid Patient kabanata 2


Report

Ang Hindi matahimik na kaluluwa Ni Covid Patient # 314😷❤️
.kabanata 2
Marco: Hindi mo ba dadalhin sa hospital si Shai? O baka iniisip mo na namn Ang gastos?
Janna: Hindi na muna, bumaba na naman Ang lagnat nya, monitor kuna Lang muna..
Marco: cge Hindi na muna ako uuwi, dito muna ako magpapalipas Ng Gabi!!
Janna: Anu???? I mean, a Hindi ka bagay dito chief mahirap Lang kami, at maliit Lang Ang bahay namin.
Marco: natatakot kaba na my kasama ka dito? Nag magagandang loob Lang ako Mrs, dito nalang ako sa sofa matutulog, ayaw mo nun, my taga bantay kayong pulls at Isa pang hepe! O natatakot Kang malaman Ng asawa mo na my lalaking natutulog dito??
Janna: Hindi naman sa ganun Kaya lang…
Marco: Kaya Lang Anu?
Renz: mommy bakit ayaw mung matulog si sir pogi dito? Dahil ba pogi sya mommy?
Marco: ” Napa smile sa tanong ni Renz ”
Janna: Hindi naman sa ganun anak Kaya Lang, nakakahiya na ksi ky chief eh, teka bakit ka naka smile Jan? Pinag tatawanan mo ba ako?
Marco: Wala masaya lang ako! Bakit ba Parang galit ka? Yung iba nga dyan kinikilig pag nakikitang naka smile ako eh.
Janna: iba Yun iba Rin ako!
Marco: oo nga pala bakit kapa pala kikiligin e my asawat anak kana. Pero cge na payagan mo na akong matulog dito, kahit ngayong Gabi Lang, nag aalala Lang Kasi ako ky Shai,
Janna: cge kung Yan Ang gusto mo dito kana matulog.
Marco: salamat Mrs.
Janna: Teka bakit kaba missis NG missis e my pangalan Naman ako!
Marco: oo nga pala Hindi pa pala Tayo nagkakilala, Marco nga pala ” sabay lahad NG kamay nya ky Janna ”
Janna: Jannalyn ” Janna ” for short. At inabot Ang kamay ni Marco.
Renz: sir pogi bakit hawak mo po Ang kamay ni mommy? Nagagandahan kaba sa kanya?
Marco: a.. oo maganda Naman talaga Ang mommy mo,. anu a.. e
Janna: my inabot Lang sya sakin anak.
Renz: patingin nga NG kamay mo mommy,. Wala Naman eh.
Janna: Renz anak ,mabuti pa mag laro nalang Kayo NG Tito Marco mo dun sa Salas at maghuhugas Lang ako NG mga pinggan.
Renz: cge po mommy, Tara na po sir pogi.
Marco: Renz pwede bang tawagin mo nalang ako NG Tito Marco?
Renz: opo, Hali kana Tito Marco.
Pagkatapos ay naglaro muna si Renz at Marco bago natulog, binigyan si Janna si Marco Ng extra toothbrush na Hindi pa nagagamit para mkapag sipilyo Ito, inayos nya Rin Ang higaan Ng lalaki, binigyan nya Ito Ng unan at kumot..
Janna: chief cgurado kaba na ok kalang dito?
Marco: wag Kang mag alala, sanay ako matulog sa sofa.. at wag mo na akong tawaging chief Marco nalang.
Ng gabing Yun ay nanaginip ulit si Janna,.
Jonna: o, Anu ate, nag uumpisa palang ako, nag bago na ba Ang isip mo??
Janna: tama na Jonna, pls Tama na..!!
Jonna: mukhang hindi na mag babago Ang dicisyon mo, Kaya uunahin Kuna si Shai, tapos isusunod ko Naman si Renz,. Magiging masaya na kami rito ate..
Janna: tumigil kana Jonna, bakit ba nag kakaganyan ka?? Anu bang nangyayari sayo?? Hindi ka naman ganyan dati a.
Jonna: oo nga pala ate, inisa Isa kunang patayin Ang mga doctor na nag experimento sakin, sa wakas ay nakagante na Rin ako..!!
Janna: anung ibig mung sabihin Jonna??
Jonna: well, pinatay ko lng Naman sila dahil pinatay Rin nila ako.
Janna: Anu???? Dba covid Ang sanhi Ng pagkamatay mo??
Jonna: nag karoon nga ako NG covid sa ibang bansa, !! Pero winakasan nila Ang buhay ko dahil sakin nila ininjection Yung kanilang sample sa ginawa nilang experiment, Kaya Lang pumalpak sila Kaya namatay ako..
Janna: * umiyak* Hindi makapaniwala sa sinabi Ng kakambal nya.. sinong doctor Ang gumawa nun sayo Jonna??
Jonna: wag na ate dahil napatay Kuna nga silang lahat, Kaya nakagante na Ko, ngayon Ang mga anak ko Naman Ang kukunin ko, para makasama Kuna sila dito.
Janna: Kung kukunin mo Sila, para mo na Rin silang ginantihan tulad Ng ginawa mo sa mga doctor..
Jonna: Kaya nga ate, matatahimik Lang ako Kung pakkasalan mo si Raymond, ayoko mapunta sya sa ibang babae, gusto kung Makitang buo Ang pamilya ko, pag ikaw Ang kasama nila parang ako na Rin ikaw kasi magkakambal tayo.
Janna: Hindi mo ako naintindihan Jonna, my nag papatibok na Rin Ng puso ko.
Jonna: Sino, Ang pulis na Yun?? Gusto mo bang patayin ko Rin sya tulad Ng ginawa ko sa mga doctor?
Janna: Yan Ang wag na wag mung gagawin Jonna, subrang kabaitan Ang pinapakita nung tao sakin ,Lalo na sa mga anak mo..
Jonna: Basta, Hindi sya Ang makakasira Ng mga Plano ko,
Janna: Tama na pls, umiiyak n Sabi ni Janna.
Jonna: o, Anu ate mamili kana papatayin ko si Shai o pakakasalan mo si Raymond, sagutin muna Ang mga tanong ko!!!!!
Janna: umiyak na umiyak nalang sya,Alam Nyang seryuso si Jonna, baka kukunin talaga nito si Shai..
Marco: Mrs, gising uy, gising,
Renz: umiiyak, mommy gumising ka mommy, huhuhuhu mommy..
Janna: * nagising* bakit anung nangyayari??
Marco: binabangongot ka, kanina kapa namin ginigising, umiiyak si Renz ayaw mo daw magising Kaya ,ginising nya ako sa labas habang umiiyak, napano kaba???
Janna: Wala masama Lang Ang panaginip ko, *at agad nyang niyakap si Renz* tahan na anak, ok na si mommy wag ka Ng umiyak.
Renz: pero ilang besis ka Ng binabangongot mommy..
Marco: mag dasal ka Kasi bago ka matulog para Hindi ka bangongotin.
Janna: nagdadasal Naman ako bago matulog. Masama Lang talaga Ang panaginip ko..
Bumaling sya ky Shai mainit na Naman Ito, tumingin sya sa orasan malapit Ng mag alas tres Ng madaling araw oras na Ng pag inum Ng gamot Ni Shai, Kaya ginising nya Ito para uminom Ng gmot,
Marco: cge lalabas na ako, Renz matulog kana ha..!
Renz: Tito pogi,dito ka nalang Kaya matulog sa tabi namin ni mommy, Baka Kasi bangungutin na Naman si mommy eh.
Nagkatinginan Sina Janna at Marco.
Janna: anak Hindi pwedeng matulog sa tabi natin Ang Tito Marco mo, my girlfriend na ksi Yan, Kaya bawal na, Anu, gusto mo bang magalit Ang girlfriend nya at awayin ako?
Renz: Hindi po. Kung my girlfriend na si Tito Marco e di hiramin mo sya sa girlfriend nya mommy.
Janna: anak Hindi Naman pwede yun, cge na matulog kana ulit,
Marco: sundin mo na Ang mommy mo Renz ,cge na matulog kana. Janna labas na muna ako ,matulog kana Rin ulit.
Janna: cge
Marco: bago lumabas NG pinto ” oo nga pala , Wala pa akong girlfriend , cge matulog kana ulit good night”
Nakatingin parin si Janna sa pintong nilabasan Ni Marco, sa isip nya Hindi sya papayag na Pati Ito ay idadamay Ni Jonna, napakabait pa naman Ni Marco sa kanila. Pero Ang Isa pang kinatatakutan nya, ay baka totohanin Ni Jonna na kukunin talaga nito si Shai. Wag Naman sana Yun Ang Sabi Ni Janna sa sarili. Ipagdasal nya nalang Ang kaluluwa ni Jonna para matahimik na.
Kinabukasan, inasikaso muna Ni Janna Ang dalawang Bata, sabay silang nag almusal Pati si Marco..
Marco: papasok kapa ba sa trabaho?
Janna: oo, kailangang Kung magka pera para sa mga gastusin namin!
Marco: paano Ang dalawang Bata,? my sakit si Shai..
Janna: nandito Naman si ate Loreta Hindi NYa pababayaan si Renz at Shai,
Marco: pero iba Ang pg aalaga Ng isang Ina, Kung gusto mo susuportahan Kita hanggang matapos tong covid , saka kana mag trabaho pag Wala na itong nakamamatay na virus na’to.
Janna: wag na Marco pera mo Yun, Ayo Kung maging pabigat kami sayo!
Marco: buong puso ko namang ibiibigay Yun, wag Kang mag alala s pera kikitain ko din namn Yun.
Janna: wag na salamat nalng sa offer mo,.!
Marco: Hindi ka ba pinapadalhan Ng Mr. Mo sa abroad?
Janna: a…. Lockdown din ksi dun Kaya Sabi nya Hindi muna sya maka kakapag padala..
Marco: ibig mo bang sabihin Kayo pa?
Janna: a… Anu Hindi ko Alam.
Marco: bakit naman Hindi mo Alam?
Janna: Anu kasi, a.. Hindi ko Alam Kung Mahal pa nya ako, isang besis sa isang linggo nalang Kasi sya Kung tumawag.
Marco: * sa isip nya ,bakit ko ba tinanong Yun Kung Mahal pa sya NG asawa nya, * nga pala Janna kalimutan mo na Yung tanong ko.
Janna: Hali kana kumain na Tayo.
Pagkatapos kumain ay nag bihis si Janna para pumasok sa trabaho, dumating narin si ate Loreta Kaya pwede na nyang iwan Sina Renz at Shai dito, hinated muna sya Ni Marco sa kanyang pinagtatrabahuan, saka Ito umuwi para maligo at mag pabihis, dahil papasok Rin ito s trabaho.
Ng gabing papalabas Ni Janna sa kanyang pinagtatrabahuan ay nakita nya ulit si Marco,.
Janna: o.. Marco my problema ba??
Marco: Wala hinihintay Lang Kita, Tara na uwi na tayo..
Sa mga oras na Yun ay kinikilig na Naman si Janna, parang musica sa pandinig nya Ang sinabi Ni Marco na Tara uuwi na tayo, ibig sabihin dun na Naman Ito matutulog. Makakasama na Naman nya ito.
Marco: oo nga pala , dun muna ako matutulog bahang my sakit si Shai, nag aalala Kasi ako sa batang Yun.
Janna: cge ikaw Ang bahala , pero pag pasensyahan muna Ang bahay namin ha. Nang mga oras na Yun Hindi maimagine Ni Janna Kung bakit kinikilig sya kapag kinakausap sya Ni Marco.
Marco: Wala Yun, Hindi ako maarting Tao,
Pag baba nila Ng sasakyan ay agad kinuha Ni Marco Ang mga laruan at pagkain na binila nya kanina sa isang Mall, pag pasuk nila sa loob ay agad silang sinalubong Ni Renz.
Binigay Ni Marco Ang mga laruan Ni Renz at Shai, nag pasalamat Ang dalawang Bata, Kita sa mga mata nito Ang subrang saya at excited sa mga pinamili nyang laruan, bumili Rin sya ng meryenda at ulam nila. Ang meryenda nyang binili ay burger ,spag , fries, at fried chicken ng Jollibee, Kaya nadagdagan Ang saya Ng dalawang Bata, bumili Rin sya NG malaking pizza, sa isang sikat na pizza hauz. At ulam sa isang mamahaling restaurant..
😷😷😷
4 days na natulog dun si Marco, at dahil Wala Ng sakit si Shai ay Hinintay nya nalang si Janna upang ihated sa bahay nila, araw2 nya Rin dinadalhan Ng meryenda Ang dalawang Bata,
Sumunod na araw ay day off Ni Marco naalala Niya na baka wala ng bigas at Grocery sa bahay Ni Janna, at baka Wala na Rin gatas Ang dalawang Bata Kaya napag desisyunan nyang mag grocery, binili nya lahat Ang mga kailangan nito, Kasi pag yayain nya pa si Janna ay baka tangihan na Naman sya nito, hinated nya Ang grocery sa bahay Ni Janna, Ang nadatnan Niya ay si ate Loreta, Wala dun si Janna NASA trabaho
Loreta: Wala si Janna NASA trabaho .
Marco: ate ihahated ko Lang tong pinamili ko para sa mga Bata..
Loreta: salamat sir, malaking tulong to sa kanila, Alam mo Naman Ang hirap Ng buhay ngayon, naawa NGA ako dyan ky Janna e, Alam mo bang naubos lahat ng inipon nya dahil sa dalawa nyang pamangkin?
Marco: sinung dalawang pamangkin ate?
Loreta: Hindi mo ba Alam? Pamangkin Lang ni JANNA Sina Renz at Shai.
Marco: Anu?????? * Hindi makapanilawa* Sina Renz at Shai??
Loreta: oo sir hindi sila totoong anak Ni Janna, anak sila NG kakambal Nya ,na namatay sa covid sa wuhan China , dalaga pa po yang si Janna sir Ang swerte mo sa kanya, dahil kahit kailan Hindi pa Yan nagkaka boyfriend. Mabait na Bata si Janna, at...


syempre swerte din nya sayo dahil my boyfriend syang pulis na, gwapo pa.
Marco: ah , hindi ko po girlfriend si Janna ate,.
Loreta: ha!! Ganun ba ? Ay pasensya na sir.. akala ko boyfriend ka nya.
Marco: ate pwede bang kwentohan mo ako sa naging buhay nila.??
Loreta: cge sir. My kambal yang si Janna , si Jonna Ang pangalan , sya Ang nanay NG dalawang Bata, dalawa Lang Silang mag kapated at patay na Rin Ang mga magulang nila, dito sila lumaki sa bahay na to, subrang close sa isat Isa Ang dalawang kambal na yan. Bago magka covid , e na hospital yang si Renz dahil sa hika, si Janna lahat Ang gumastos dahil kamamatay Lang Ng mommy Ni Renz, mga tatlong buwan na Hindi nakapag padala Ang mommy nya simula NG magka virus sa wuhan China, hanggang sa namatay sya dun Hindi na sya nakapag padala, Kya ayun si Janna lahat gumastos, simula sa gatas diaper, lahat NG kailangan NG dalawang Bata.
Marco: e Ang ama Ng mga Bata??
Loreta: ah, c Reymond?? NASA ibang bansa din , Hindi Rin nakapag padala matagal na dahil lockdown din doon.
Marco: ganun po ba ate, salamat po pla, at inabutan din Ito Ni Marco Ng limang libong piso..
Loreta: para saan to sir??
Marco: pambili nyo po Ng bigas at ulam, isipin nyo nalang po na pamasko ko Yan sa inyo..
Loreta: matagal pa Ang pasko sir, pero salamat, malaking tulong to sa pamilya ko,. Tama si Janna napakabait mo talaga , salamat uli sir..
Marco: Walang Anu man ate.cge alis na ako.
Loreta: mag iingat po Kayo sir..
Hindi maintindihan Ni Marco Kung bakit napakasaya nya Ng nalaman nyang, Hindi pala tunay na anak Ni Janna Ang dalawang Bata, ibig sabihin dalaga pa Ito, at ayun sa sinabi Ni ate Loreta ay Wala pa daw itong boyfriend, pero naisip nya bakit parang masaya at excited syang Makita si Janna? In love na Kaya sya dito? Unang Kita palang nya ky Janna ay parang mataray Ito, at na pag kamalan pa nga nya itong baliw dahil Basta nalang iniwan sa kanya Ang dalawang Bata, pero naaawa sya rito dahil ginagawa nito Ang lahat para maka Kita Ng pera panggastos, maganda si Janna, sexy, at higit sa lahat Hindi maarte. Tuwing tinititigan nya Ang mga Mata nito ay parang iiyak Ito Kaya lalong naaawa sya dito, Lalo na ngayong Alam nya na naubos Ang mga inipong pera nito para sa mga pamangkin nya. Maalaga din si Janna sa Bata nakita nya Kung paano sila asikasuhin Ni Janna,.
NG gabing Yun ay nakalimutan nyang sunduin si Janna dahil lasing na sya, Niyaya Kasi sya ni Oscar na pumunta sa birthday NG Isa sa mga tauhan nyang pulis at nag inuman na Rin sila mag aalas dyes na NG Gabi Kaya halos lasing na lasing na sila.
Oscar: bro, totoo ba talagang kaibigan mo Lang Yung babaeng kasama mo last week?
Marco: oo, kaibigan ko Lang Yun.
Oscar: baka Naman. Pwede mo akong ipakilala dun Ang ganda nya kasi.
Marco: wag na. Ang dami mo NG babae.
Oscar: pero mas maganda Yun kysa mga babae ko.
Marco: Anu isasama mo na Naman sa collection mo NG mga babae?
Oscar: Hindi, pag Ganun na kaganda Ang magiging girlfriend nko pakakasalan ko na Yun.
Marco: wag na, dahil hindi kana mag babago,.
Lindon: Alam nyo mga pre, naawa talaga ko dun ky aling Bebang!
Jun: Yung nagtitinda dati malapit sa office?
Lindon: oo eh, kapitbahay Kasi namin Yun, na ospital ksi sya sanhi NG diabetes, tapos covid Yung findings NG doctor.
Nagkatawanan Silang lahat,
Jun: ibang klase talaga Ang mga doctor Anu!!
Pio: Parang tulad Yun NG byanan NG anak ko, arthritis Yung sakit nya, covid din Sabi NG doctor.
Rowel: si mang Lando, nagka uti covid din Sabi NG doctor.
*Nag katawan na Naman silang lahat*
Marco: ” natatawa” * sa isip nya, iba talaga mag kwento Ang mga tauhan nyang pulis matatawa ka talaga*
Yumi: si Aling kriselda Yung nag pa blotter dati dahil my babae raw Ang Asawa nya, naku nag laslas , at Ang findings NG doctor covid din..
*Hahaha*
Oscar: si mang popong tinaga NG bayaw nya, dahil sa awayan nila sa lupa, ayun na hospital.
Mga pulis: Anu Ang findings NG mga doctor?
Oscar: edi tinaga, alangan namang iba , e tinaga nga sya, alangan namang covid e Wala pa namang covid nun nung nangyari Yun.
Marco: walang hiya ka nag kwento kapa.!! Matagal na pala Yun.
Oscar: ” tumawa NG malakas”
😷😷😷
Tuwing lalabas ng call center si Janna ay palaging naka abang dito Ni Marco, parang nanginginig tuloy Ang mga tuhod Ni Janna sa subrang nerbyos,. Isa Lang Ang Alam nya in love na sya KY Chief Marco.
Janna: oh Marco , bat mupa ako sinundo e Wala na namang sakit si Shai, magaling na sya.
Marco: ah, gusto ko sanang dun mag hapunan sa inyo, pero Kung ayaw mo, ihahated nlang Kita tapos uuwi na ako..
Janna: oo Naman dun kana kumain, walang problema, welcome na welcome ka sa bahay, *** kahit dun kana tumira e pwedeng pwede***
Marco: may sinasabi kaba??
Janna: ah… Wala, Sabi oo pwedeng pwede…
Marco: Tara uwi na tayo , baka hinihintay na tayo Ni Renz at Shai..
Janna: talagang Hinintay na talaga tayo Ng dalawang Yun..
Pagdating nila sa bahay ay agad silang sinalubong si Renz at Shai.
Ng gabing Yun ay tinulungan syang mag luto Ni Marco, sa isip ni Janna ay para silang bagong kasal na may anak na, Kaya kilig na kilig na namn si Janna, si Marco namn ay enjoy na enjoy tuwing kasama nya si Janna at Ang mga Bata, gusto nya na kasing mag kapamilya, Kaya kapag NASA bahay sya Ni Janna ay parang feel nya ay mag asawa na sila.
Pagkatapos kumain ay nakipag laro
Muna si Marco sa dalawang Bata tapos ay nagpaalam na itong umuwi na.
Ganun na Ang naging sitwasyon nila, sabay Rin Ang day off nila, Kaya magkasama sila buong araw hanggang gabi..
Isang Gabi, pauwi na si Janna kasama si Marco, Ng sinalubong sila Ni Renz.
Renz : mommy, mommy nandito na si Daddy… Ipinakita pa Ng Bata Ang mga laruan nyang bigay Ng daddy nya.
At tumakbo si Renz papunta sa daddy nya sabay sabing.
Renz: daddy, daddy Nandito na si mommy.!!
Nagkatinginan Sina Marco at Janna..
Janna: nandito kana pala Reymond. Kumusta??
Reymond: kanina Lang ako dumating Janna, ok Lang ako, Kayo Ng mga Bata kmusta?
Janna: ok Lang Naman kami rito Ng mga Bata. Kagagaling Lang sa sakit si Shai.. pero magaling na sya.
Reymond: oo sinabi sakin Ni ate Loreta. Ah my bisita ka pala..
Janna: oo, si Marco,. A Marco si Reymond NGA pala.
Nag kmustahan Ang dalawang lalaki,
Reymond: boyfriend mo?
Janna: hindi, kaibigan ko. upo ka muna Marco , magluluto Lang ako ng hapunan natin.
Sabay silang kumain pagkatapos kumain ay niyaya Ni Renz na maglaro si Marco, mas close Ang dalawang Bata KY Marco kysa daddy nila.
Marco: Janna dito ba sya matutulog?
Janna: oo, teka Alam mo na ,na Hindi ko totoong Asawa si Reymond?
Marco: oo, Alam ko Rin na pamangkin mo Lang Sina Shai at Renz, sinabi na sakin ni ate Loreta. Pero Janna dalawa Lang Kayo dito, babae ka, at…lalaki sya.
Janna: pero Wala syang matutuluyan Marco, kawawa Naman sya at Isa pa, dito talaga sila nakatira sa bahay namin nung NASA abroad ako.
Marco: Kung dito sya matutulog cge dito na Rin ako matutulog.
Janna: Anu???
Marco: ayaw mo yata e. Cge uwi nalang ako..mas feel mo pa Yata na makasama Ang bayaw mo kesa sakin .
Janna: Anu kaba, Hindi sa ayaw kitang patulugin dito, nagulat Lang ako sa sinabi mo.
Marco: bakit nakakagulat na ba ako ngayon? Dati Naman akong natutulog dito ah!
Janna: Ito Naman , Kung anu anung sinasabi, Tara pumasok na nga tayo, at marami pa akong aayusin..
Marco: hmmp excited kalang e Kasi nandyan na si Reymond.
Natawa nalang si Janna sa mga sinasabi Ni Marco.. sa isip nya nag seselos Kaya si Marco ky Reymond?
Marco: Malay mo mapagkamalan ka nyang kambal mo,.
Janna: paano mo nalaman na kakambal ko Yung asawa nya??
Marco: Wala , secret ko na Yun,.
Janna: sabihin muna ksi Sino nga Ang nagsabi sayo??
Marco: syempre police ako nuh, kaya malamang pinaimbistigahan Kita,
Janna: Alam ko na, sinabi cguro sayo lahat lahat Ni ate Loreta !!
Renz: mommy, si Shia umiiyak hinahanap ka nya.
Janna: oo anak nadyan na..
Agad nyang pinuntahan si Shai, humingi na Ito Ng gatas dahil antok na antok na pala Ito, Kaya umiyak.
Pagkatapos nyang patulugin si Shai ay inayos na nya Ang higaan Ng dalawa, si Reymond ay sa dating kwarto ni Jonna, si Marco Naman ay sa sofa..
Hindi na tulog Ang dalawang Bata sa tabi Ni Reymond, Kaya dun sila natulog sa tabi Ni Janna, NASA kwarto na Sina Janna at Ang mga bata Ng lumabas si Reymond sa kwato na nilaan sa kanya ni Janna.
Reymond: at dito ka Rin pala natulog ha!
Marco: bakit pare my masama ba, dati na akong natutulog dito ah!
Reymond: Wala Naman, aminin mo nga sakin nililigawan mo ba si Janna??
Marco: Hindi ko sya nililigawan pare, magkaibigan Lang kami..
Reymond: so, bakit dito ka natulog, Wala ka bang bahay na mauuwian, ?
Marco: meron Naman Kaya Lang trip ko Lang matulog dito..Bakit pare my problema ba?
Reymond: , Ito Lang Ang masasabi ko sayo ,wag na wag mung liligawan si Janna..
Marco: bakit Naman , dalaga Naman si Janna, anung masama dun??
Reymond: kundi ako Ang makakalaban mo, * sabay talikod at tinungo nito Ang kwartong inayos Ni Janna para sa kanya..*
Marco: tingnan Lang natin.. nag seselos kapa pala ha, pwes abangan mo Ang gagawin ko..
Hindi masyadong makatulog si Marco, sa kakaisip ky Janna, ganun din si Janna KY Marco, pero siReymond dahil sa pagod sa byahi pauwi Ng pilipinas ay agad syang nakatulog.
Jonna: kmuzta kana Mahal Kung asawa? Nakauwi kana pala Ng pilipinas!!
Reymond: Jonna,? At agad nya itong niyapos sa panaginip, miss na miss nakita, kiss kana namin Ng mga Bata, bat mo kami iniwan.?umuwi kana Jonna..
Jonna: patay na ako Reymond..!!
Reymond: oo Alam ko, umuwi kana!!
Jonna: gusto nyo bang isasama ko Kayo dito ng mga Bata??
Reymond: ano kaba Jonna, wag mung idamay Ang mga anak natin.
Jonna: Alam mo namang gusto Kung mabuo Ang pamilya natin dba??
Reymond: oo, ako Rin ,pero Hindi dyan s kabilang mundo, patay kana, kmi buhay pa..
Jonna: pwes pakasalan mo si Janna..
Reymond: Baka hindi ako Mahal Ni Janna,??
Jonna: hayaan mo, at gagawan ko Ng paraan!!
Reymond: paano?
Jonna: akong bahala, matatahimik Lang ako pag pinakasalan mo Ang kakambal ko, pag hindi mo ginawa Yun , kukunin ko Kayo Ng mga Bata..
Pagkatapos ay nagising si Reymond. Napanaginipan na Naman nya Ang asawa nyang si Jonna, labis Ang pagkalungkot nya Ng mabalitaan nyang namatay Ito sa China ,dun Kasi Ito nag trabaho, pang 314 na covid patient dun si Jonna, at tulad Ng ibang Chinese sa wuhan, kasama ito sa Hindi na ligtas.
Ng Makita nya si Janna kanina ,parang gusto nya itong yakapin, nag seselos pa nga sya knina sa kasama nitong lalaki, dahil nakikita nya rito ay Ang asawa nya, magkamukhang magkamukha Kasi silang dalawa, Kaya mommy Ang tawag dito Ni Renz at Shai. Dahil akala NG dalawang Bata ay Ito Ang mommy nila. Para Kasi itong the Bella twins, na magkamukhang magkamukha.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.