0

Buntis ako😂


Report

‘BUNTIS AKO, MA’

“Maaaa, huhuhuhu” Umaatungal kong tawag kay mama.

“Ano na naman yun?” Tsk. Umiiyak na ko’t lahat-lahat masungit pa din

“Sorry maaaaa. Di ko po talaga sinasadya” Napakunot noo naman siya

“Pinagsasabi mo?”

“Sorry po maaa, di ko po sinasadya. Promise!” Sabi ko habang umiiyak pa rin

“Ano ba kasing problema mo?” Naiinis na niyang sabi

“Naging marupok po ako!”

“Matagal ka ng marupok kaya tigilan mo ko” Nak ng. Mama ko ba talaga to?

“Buntis ako ma!” Pagdadabog ko sa kaniya

“Oh? Sige na, baba kana. Matutulog na ko—”

“Ma naman eh! Di mo b ko mahal? Di mo ba ko anak? Di ka man lang ba magagalit?” Nagtatampo kong tanong sa kaniya. Parang wala lang...


kasi sa kaniya eh

“Tigilan mo ko sa kalokohan mo. Inaantok na ko”

“Ma! Buntis ako, buntis! Ano bang di mo maintindihan—”

“Anak ng LOVEMIR! TIGILAN MO KO HA?! INAANTOK NA KO, UMALIS KA SA HARAPAN KO AT BAKA MASAPAK KITA!”

“Waaaah HUHUHUHU DI MO KO LAB!”

“Ewan ko sayo. Ambisyoso ka talaga kahit kailan, kelan ka pa nagkamatris aber?! At san naman lalabas yang bata mo?! Jan sa ulo ng putotoy mo, haA?!”

napayuko naman ako at napakamot sa ulo. Oo nga noh? Hays. Ikaw talaga lovemir, wala ka palang kepyas nun.

“Kelangan pala ng kepay noh? Sige ma, tulog kana! Labyo.” Sabi ko saka tumakbo nakapulot kasi siya ng tsinelas at babatuhin ako.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.