0

ex gf


Report

10months and 2days kami ng girlfriend ko, palagi niya yang sinasabi sakin tuwing nag aaway kami😓ayaw niyang matutulog kami na hindi kami okey,nung una kasi para sakin hindi okey yun, kasi hindi ko naman makokontrol antok ko at nakakainis kasi matagal tagal pang usapan to e palagi niya akong kinulit. EVERYFUCKING TIME!😑 kesyo di niya kayang matulog knowing na galit pa ako sa kanya, or wag na muna raw ako matutulog hanggat dipa kami nagkakaayos, nirarason niya pa nga minsan sakin na buti pa raw ako nakakatulog ng hindi kami nag kakaayos, sya daw hindi. sa isip ko nun simple lang naman gagawin niya ipipikita niya lang naman mata niya haysss.. ang iniisip ko nun hindi siya makatulog kasi baka iiwan ko siya. paranoid kasi yun🤔 diko naman siya iiwan, gusto ko lang naman matulog😪 ang hindi ko lang na realized gusto lang namn pala niya na magkabati kami bago matulog. para matigil na siya sa kakaiyak niya, para dina mabigat sa pakiramdam niya na matulog kasi bati na kami. ganon lang kasimple kasi ganon din ka importante sa kanya na okey kami💋 hindi ko rin agad na realize na matagal kona pala siyang hindi nasusuyo🤦 kasi sobrang ng hihina nako sa kakapractice at kakalandyaw namin ng mga friends ko. pag free time ko dun ako sa girlfriend ko🙂 sa free time na yan, madalas *nag aaway lang kami* kasi sobrang taas ng pride ko kahit wala namang dapat pag awayan at kainisan nagagawa kong magalit at makipag break ng paulit ulit kasi alam ko sa sarili ko na di niya ako kayang iwan sobrang kampante ko nun kasi mahal na mahal ako ng girlfriend ko😥 now that i realized everything, *inaaway ko siya palagi* all this time akala ko siya yung maarte yun pala ako yung madaling magalit😅 sa dulo siya parin yung nanunuyo kahit ako yung may mali saming dalawa kasi ang nasa isip ko lang nun sobrang depressed nako😑 sabay pa siya ng sabay so dapat siya yung manuyo, tinutulogan kopa yan when all this time napaka lambing niya. 😊 siya nag motivate sakin everytime na bumabagsak ako sa subject namin. lagi niya akong sinasabihan na...


*andito lang ako para sayo babe wag kang susuko may chance pa* sa time na yun wala akong iniisip kundi mag cutting sa science namin then nung last period na bumagsak ako at uulit raw ako sabi ng teacher ko kaya nag summer ako para maka grade 10 successfull naman. naka grade 10 ako🙂 then dumating sa punto na sumuko na rin siya at ang sabi niya lang ” wala na yung babe na nakilala ko, wala ng babe na nag sabi sakin na as much as possible na hindi niya ako papaiyakin. yung sinabi mong mahaba naman ang pasensya mo at hindi ka marunong magalit kaya panalo ako sayo? wala na rin hindi mo lang alam kung gano kasakit sakin na matulog ng humihikbi. you lost the man you promised yourself to be.😥💔 lambig lang pinagkait mo pa. naging mabigat sayo kahit mag sabi lang ng sorry, minsan pilit pa. ako na lang pumipilit nito, pagod nako😭 umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko, kinabukasan may pasok nakita ko siya diko alam kung ano sasabihin ko basta ang alam ko lang gusto kong magkaayos kami pero huli na pala may manliligaw agad siya, sobrang nadurog ako nun diko alam pumilipit puso ko pagka sabi niya sakin na meron na talaga💔😭 pinapunta niya ako sa room nila kasi may sasabihin raw siya. sa mga oras na yun nanghihina ako di ako makapag focus sa school kahit mga kaibigan ko diko na pinapansin.😭 uwian na ng klase at pumunta nako sa room nila at nag usap kami. bigla ko siyang niyakap sabay sabing *diko alam ang sasabihin ko or may dapat ba akong sabihin* pero andito lang ako para sayo wag kang susuko, may chance pa😭💔 bumitaw siya sa mga yakap ko at hinawakan niya kamay ko tiningnan niya mga mata ko sabay sabing, “wala na” 💔 tsaka ko lang narealize lahat ng kagaguhan ko, kung kailan iniwan niya na ako. sobrang naging kampante akong di kami mag hihiwalay💔😭 nung una sinisisi ko pa siya na sinayang niya yung mga pinag samahan namin😟 pero as it turns out, ako pala yung sumayang sa kanya😭 sobrang sakit💔😭

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.