0

Bakit Ako? Kabanata 6


Report

Ngayon ang Araw ng pagtatapos ko ng HighschooL ..
Subrang saya ko dahiL d ko binigo ang mga tumuLong sa akin..
Talagang ginalingan ko upang makabawe sa kaniLa ..pati narin para matuwa siLa tito ..
Valedictorian ako..
Masayang masaya ako sa araw ng graduation ko lalo nat andun si Tito at si Tita na masayang masaya dahiL subrang proud daw sila sa akin..
“Lagi naman po kayong Proud khit sa maliit na bagay na na aacheive ko tita ey.. “, maluha luhang sabi ko kay tita sa harap ng mga nagpaaraL sa akin.. “Maraming salamat din po nanay at Tatay dahiL sa walang sawang pagsusuporta.. “, baling ko kela nanay at tatay na umaiiyak na rin dahiL proud sila sa akin.
Nakita ko si titong tahimik lang sa tabi…
Agad ko itong niLapitan. Tumabi ako sa kanya..
“May problema po ba? “nag aalalang tanong ko..
Pag angat ng ulo nito ay nakita ko ang maluha luha nitong mga mata..
“Wala anak.. Nagpapasalamat lng ako sa Diyos dahiL lagi Nyang tinutupad ang panaLangin ko.. Kaya ikaw wag mo kakalimutang magpasalamat Lagi… “,
Tumango ako..
Pagkatpos ng Graduation ay nauna na siLa tita sa tabing dagat…
Samantalang ako ay dumaan muna sa bahay niLa nanay para kunin ko ang mga gamit ko..
Mahigit 2 months din ang bakasyon kaya mahaba habang pahinga bago ako pumasok ng kolehiyo..
Niyaya sila tito nila nanay na kung pwede ay pumunta muna sa bahay nila pero nagmamadali na sila tito dahiL mag aalala na si Tita kay Marya ..
Pagdating sa bahay ay agad kong kinuha ang bag kong may mga lamang gamit..
Nagmamadali na ko dahiL baka mainip na sila tito sa kakantay sa akin..
Paglabas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo dun si HersheL at tila inaantay ako ..
“Long babalik ka pa ba? “malungkot na tanong nito..
Ngumiti ako..
“Oo nman.. Maiksing sagot ko ..
“pwede na ba ko sumama? “inosenteng tanong nito..
Umiling ako ..
“di pwede.. Walang kasama siLa nanay “,...


sagot ko saka ginuLo ang buhok nito ” ikaw talaga “,
Nakita kong pilit itong ngumiti..
“tara baba na tayo “, yaya ko saka hinawakan ang kamay nito..
Pagbaba namin ay nadatnan kong nakaupo sa sala sina nanay at tatay….
” oh bat Ganyan ang mukha ng bunso.. Mamimiss mo ba si Kuya? “birong tanong ni Tatay kay HersheL..
Nakita kong tumango ito..
“opo. Mamimiss ko po si Kuya Long “, sagot nito..
Nagtataka talaga ko.. Kuya ang tawag nya sa akin kpag kaharap namin sila nanay at tatay..
Pero kapag kaming dalawa lng LONG lang ang tawag nya sa akin..
Pero di ko na inisip yun at mas iniisip ko ang makaalis na at baka naiinip na sila tito..
“Ah sge po Nay.. Aalis na po ako at baka naiinip na sila tito.. “, paalam ko sa dalawang matanda sa harap ko..
Nakita kong tumango ang mga ito kaya nagmamadali akong pumihit sa pinto pero hinawakan ni HersheL ang kamay ko ..
“Kiss ko kuya.. “, sabi nitong nagpuppy eyes pa..
Narinig kong tumawa ang mag asawa.. Khit nagmamadali ako ay yumuko ako para halikan si HersheL sa pisngi..
“ingat kayo dto “, sabi ko saka ginulo ang kulot nitong buhok.
Pagkalabas ko ng pinto ay Agad akong nagpara ng tricycle para mapuntahan na sila tito…
Pagkadating ko sa tabing dagat ay nakangiti akong kinaway ni tito at tita..
Agad akong lumapit sa mga ito…
“tara na.. Manalangin muna tayo anak “, sabi ni tito..
Yumuko kme ni tita dahiL si Tito ang nanalangin para sa kaligtasan namin sa pag uwe..
“Amen “, sabay na bigkas namin ni tita pagkatapos ni titong manalangin..
Habang nsa byahe pauwe sakay ng bangka ay tahimik akong nanalangin para magpasalamat sa lahat ng pagpapalang natanggap ko araw araw..
At masaya akong nakauwe kme ng Baryo na ligtas.
-itutuloy
Oh sya..
Yan na po muna.
Mejo mahirapan ako magtyp sa cp ko
Dahil nagloloko..
Binato kse ng bebe ko ang cp ko. 😭


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.