0

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 11


Report

THIRD PERSON’S POV
Tanda niyo ‘yung Man in Black na hinampas ni Ashari ng suitcase at pinagulong sa hagdan? Ayorn, nagising na siya. Bumalik siya sa mga mansion ng Silvia– ang pinaka malakas na kalaban ng nga Marchese.
“THEY SENT AN ICE CREAM TRUCK OF DEAD SILVIAN SOLDIER! SA TINGIN MO UUPO LANG AKO DITO AT HINDI SILA IPAGHIHIGANTI?” nag pupuos sa galit si Ryder Everett Silvia, isang Caporegime, anak ng Big Boss.
“Calm down Ryder…” mahinahon na ani ng Big Boss habang naka daop palad ito sa kaniyang swivel chair.
“Pero Dad–”
“Why don’t you try to be more like your brother? Do not use your useless mouth unless you will say something important.” kahit sabihing mahinahon ang Big Boss, ramdam na ramdam pa din ang matikas at ma-autoridad nitong tono. Sapat na para mabahag ang buntot ni Ryder.
Si Ryder ang bunso sa magkakapatid na Silvia. He’s only 17 pero isa na siyang Caporegime. Hindi siya ang Under Boss dahil ang kuya niya na si Rebel Hakeem Silvia ang napili ng ama upang umupo sa posisyon na ito.
Wala ang kaniyang kuya kaya naman siya muna ang nandito kasama ang ama.
“Report to us what happened.” utos ng Boss sa Silvian Soldier na nakayuko lamang dahil sa kahihiyan.
“W-we failed Boss. Hindi namin nakuha si Galileo. Dumating ang mga Marchese. Si Easton Marchese.”
Tumikhim ang bagang ni Ryder pero pinigilan niya ang galit. Isang salita pa niya, mapapalabas siya ng Ama at ayaw niyang mangyari yon.
“And the 500 million?” dagdag pa na tanong ni Big Boss.
Nasamid ang lalaking Silvian soldier. “H-hindi ko po alam ang buong pangyayari dahil wala na akong malay. Pero pagkagising ko, naabutan ko po na nasa buong lobby ang pera. Nakakalat po doon. Kasalukuyan na pong nag-i-imbestiga ang mga detective natin. Tinutukoy na din po nila kung saan dinala si Floyd pati na ang iba pa.”
Si Floyd ay ang Caporegime nang grupo. Siya yung maskulado na nakalaban ni Easton.
Tumango tango ang Big Boss. Napaka kalmado nito kahit pa sabihing pumalpak sila sa plano.
Hindi na napigilan ni Ryder na magsalita…
“Hindi na ako magtataka kung bakit kayo natalo. Si Easton Marchese ang nakaharap niyo, siya ang Under Boss ng Marchese at hindi siya basta basta. Kung si Kuya Rebel ang nakaharap niya, siguradong nasa atin na ngayon ang bata.”
Lalong yumukod ang Silvian soldier. “Ang totoo po niyan, kayang kaya po namin silang talunin. Hostage po ang bata, ibinaba nila ang mga armas nila at wala na silang kalaban laban.”
Nahampas ni Ryder ang sala table, “O e ayon naman pala, bakit hindi niyo pa siya natalo?”
“Iyong babaeng may dala kay Galileo. Siya ang dahilan Boss. Siya ang dahilan kung bakit kami natalo.”
Babae? Hindi mapigilan ni Ryder ang sarili na matawa ng sarkastiko.
“Anong magagawa ng isang hamak na babae? Natalo kayo dahil sa babae?” Hindi makapaniwala si Ryder. Anong babae ba ‘yon? Isang assasin? Specialy trained mafian soldier? Ano!!!?
“We’ll wait for the investigation. As for now, gusto kong kuhanin mo ang information tungkol sa babaeng sinasabi mo.” utos ng Big Boss. “Lahat lahat, naiintindihan mo ba ako?” madiin na dagdag nito.
Tumungo ang Silvian soldier. “Yes Boss, as soon as possible dadalhin ko sa’yo.”
Umalis na ang Silvian soldier. Kalmadong sumandal sa backchair ang Big Boss. Kakauwi lamang nito galing ng ibang bansa at ito na kaagad ang bumungad sa kaniya.
Gusto muna niyang magpahinga. Tatawagan niya ang anak na si Rina para siya muna ang mag asikaso sa mansion.
—-
ASHARI’S POV
“So you’re a Silvia huh?”
Ano nginingisi ngisi ng Glutton na’to? ‘Yung ngisi niya parang may halong galit e. ‘Yung parang gusto akong sakmalin anytime! ‘Yung tipong ngisi na pasalamat ako at may glass wall na nakapagitan sa amin kundi kanina pa niya ako nategi!
Natahimik silang lahat.
Hindi ko alam pero ang tingin nila, nakafocus sa akin. Miski ‘tong limang goons na kasama kong nakaposas at nakatali sa silya, iba ang tingin sa akin. Parang gulat pa sila, so ano mayroon? Bakit hindi ako informed ha? May nalalaman ba sila na hindi ko nalalaman? Wala man lang nagchika sa akin?
“You’re a Silvia?” asik na tanong ni Gori. ‘Yung kasuntukan kanina ni Fishton.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
E bakit pati siya curious sa middle name ko? Ayaw niyo sa aplido ng tatay ko, Ferell?
“The information lacks evidence kung connected nga ba siya sa mga Silvia, Sir. We will find more about her information.” sabi nung sexytary, pagbasag niya sa tahimik at naka akward na ambiance.
Nag-init bigla ang ulo ko!
“HOY KAYO!” tumingin ako doon sa babae....


“HOY IKAW BABAE! TRESSPASING OF PRIVACY YAN HA! ANONG KARAPATAN MONG HALUGHUGIN BUO KONG PAGKATAO?” sigaw ko doon sa sexytary. Tumingin lang ito sa akin bago ako pinilosopo…
“I have a name, it’s Shera so don’t call me hoy. And also, trespassing of private property ‘yon. There’s no such thing as trespassing of privacy.” metikulosa niyang sagot sa akin. Bigla akong natameme ng marealize ko ‘yung sinabi ko. San ko nakuha yung trespassing of privacy?
“Ah basta naintindihan mo naman ako diba? Wala kang karapatan para imbestigahan kung sino ako. Private property ako!”
Tiningnan lang ako ni Shera, hindi na siya sumagot pa.
Muling tumahimik ang lahat. As in, tahimik lang ang lahat. Nakikiramdam ako, parang anytime papasabugin ng mga armadong lalaki na nandito sa enclosed basement ang ulo ko e. Bakit kasi ganyan sila makatingin?
Ano bang mayroon?
Napalunok ako at dahan dahang ibinalik ang tingin ko kay Boy Pogi. Nakalimutan ko nanaman ang pangalan niya. Ano nga ulit? Baston? Kariton? Isprikiton? Arrghh, ang hina ko talaga sa pangalan.
Nagngangalit ang panga niya sa galit. “Put her on another room. Kaming dalawa ang magtutuos.” utos ni Isprikiton sa kung sino man ang susunod sa kaniya.
Nagkunot ako ng noo. Anong sabi ni Kariton? Kaming dalawa mag tutuos? As in kaming dalawa lang????
Nataranta ang buong pagkatao ko ng kalagan ni Boy Wonder Around ang pagkakatali ko sa silya.
“Huwag kang pipiglas kung ayaw mong pasabugin ko bituka mo.” lalo akong nataranta ng itapat niya ang mahabang baril sa bandang bewang ko.
Para akong mauupusan ng hininga. Mga bwisit na sindikato ‘to! Anong gagawin nila sa akin ha????
“You’re in charge here, Salvador.” utos ni Baston kay Boy Vintage bago siya naglakad palabas sa pintuan karay karay niya yung tatlo pang armadong lalaki.
“Tumayo ka diyan.” utos ni Boy Wonder Around. Walanjo, nanginginig tuhod ko na tumayo.
Pinalo ko ng mahina ang tuhod ko. Mga tatlong beses! Umayos ka tuhod ha! Si Isprikitik lang ‘yon, huwag kang matakot leche!
Tumayo naman ako. Yung utak ko pumapalag na. Gusto ko ng tumakbo palayo at tumakas kaso bigla akong matatameme kapag nakikita ko yung mahabang baril niya na nakatutok sa bewang ko.
Mga walang hiya! Irereklamo ko sila ng kidnapping oras na makalaya ako dito!
Lumabas kami sa enclosed room ni Boy Wonder sa pintuan na nasa likod. Nadaanan pa namin ‘yung isang bantay na seryosong nakatingin sa akin.
O ano, isa ka pa! Tatandaan ko mukha niyo! Lahat kayooooo!
Naglakad kami sa parang tunnel. Madilim ang daan at lamp shade lang na nasa dingding ang ilaw. Wow ha, parang nasa mga basement ako ng mafia na napapanood ko sa Kdrama.
Dirediretsyo lang ako, nasa likod ko si Boy Wonder. “Lumiko ka sa kaliwa.” lumiko naman ako kasi nakaharang yung baril niya sa kanan na lilikuan.
Waaah, bat ganon, parang yung kanan na likuan yung papunta sa labas. Itong nilikuan ko, parang lalo akong pinupunta sa kadulu-duluhan ng walang hanggan.
“Pano pag lumindol dito?” pasimple kong tanong kay Boy Wonder. Hindi siya sumagot. “Edi masaya para sabay sabay tayong mabaon dito!” ako na sumagot sa sarili kong tanong. Kakahiya dito kay Boy Wonder e.
Lalong dumilim sa paligid. Tanging isang ilaw na nasa tapat ng isang bakal na itim na pinto ang nagbibigay liwanag sa lugar.
Pag dating namin ni Boy Wonder sa harap ng pinto, nauna siyang naglakad at binuksan ang pinto.
Hindi manlang nasilaw yung mata ko dahil miski yung ilaw sa loob, ang dark! Walanjo, saan ba ako dinala ni Boy Wonder at parang kay kadiliman naman niya ako ihaharap?
“Pasok.” seryoso nitong utos. Napalunok ako at dahan dahang pumasok sa loob.
Pagpasok ko, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lugar. Dark ambiance pero para akong biglang nag teleport sa mga pinag aaralan ko sa Archeology class. Panay artifacts, books, maps, globes, oriental furnitures…everything.
I was astounded na nakalimutan ko ng haharap nga pala ako sa pinaka mortal kong kaaway sa mundong ibabaw.
Si Isprikiton prikitik!
“Leave.” utos ni Boy Isprikiton.
Umalis naman ang apat na armadong lalaki. Kaming dalawa nalang ni Boy Isprikiton ang natira. Lalo akong kinabahan. Hoy bakit kayo aalis! Dito lang kayo! Huwag niyo kaming iwaaannnnnn!
Nagwawawala ang buong kalooban ko pero si Boy Isprikiton, prenteng prente na nakaupo sa isang black na sofa, at matalim ang mata na nakatingin ng diretsyo sa akin.
Bwisit na tingin yan, parang sinasaksak ako sa bawat parte ng katawan ko ah!
“Now we can talk…” malamig at malalim ang boses nitong wika. “…alone.”
Napalunok ako ng tatlong beses.
Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa pag uusap naming dalawa.

Writen’s by VictoriaGe


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.