0

BADASS HEIRESS CHAPTER 22


Report

FULVIA POV*
” Okay kalang ba? Jack? Wag kang mag alala kay Cassidy magiging okay din ang lahat.” Masyado na naapektuhan si Jack sa mga nangyayari at naging tahimik ito, masyado na din ang tulog ni Cassidy na hindi pa din na gigising.
” 2weeks na Theodor ano nangyayari sa katawan ni Cassidy?” tanong ko kay Theodor na tinitingnan si Cassidy.
” Wala naman siyang problema ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi siya gumigising lahat ng test ay okay siya.” Matambay na tumingin kami kay Jack na tulala pa din sa natutulog na si Cassidy.
May dala siya tuta na nakakulong isang rottweiler for sure hindi ito maamo ng bilhin niya puro band aid din ang kamay niya. pero alam ko si Cassidy matutuwa siya kay Jack na tumanggap na bilang MAFIABOSS at naging magaling sa Negosyante.
Kitang kita sa mga mata ni Jack ang lungkot habang nakatitig ito sa taong mahal niya.
” Gumising kana diyan. Masyado muna minahal ang kama may regalo ko sayo.” mahinahon at malungkot na sabi niya at ipinakita ang aso na dala niya na tahol ng tahol kay Cassidy.
” Matutuwa siya kasi may bago siyang baby.” masaya kung sabi kay Jack pero hindi ito umiimik at nakatungo lang.
” Jack kaya mo ba? May mission tayo Mamaya sure kaba okay kalang ba kaya mo ba?” sabi ni Theodor na nakatingin kay Jack tumango naman si Jack at tumayo nag aalala na kami kay jack sa mga kinikilos niya.
” Saan ka pupunta?” sabi ko pero hindi ito nagsalita at umalis lang ng walang ingay.
” Hindi ako sanay na ganoon si Gago madalas ay panay ingay at kulitan ang naririnig ko ngayon ay kakaiba siya parang hindi si Jack.” sabi ni Theodor na nakatingin din kay Cassidy.
“Sanay kasi tayo na masayahin at walang problema si Jack kaya siguro na nibago tayo.” sagot ko kay Theodor na tumango lamang.
After 2hours ay andito kami sa lumang gusali para sa bigayan ng mga baril na kailangan sa mission hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sa mangyayari.
” Wife ? ” tawag sa akin ni Hell na nag aalala.
” Pakiramdam ko may mangyayaring kakaiba—
BANG BANG***
CASSIDY POV*
Asan ako? Bakit napakadilim dito? Mapatingin ako sa paligid at nakakita ako ng liwanag.
” Gumising kana.. Ang tagal muna natutulog minahal muna yata ang kama.” si Jack ba yun naririnig ko bakit parang naririnig ko ang lungkot sa boses niya? Siguro nagdadrama na naman.
Pinakingan ko lang ang bawat salita ni Jack at tumakbo ako ng tumakbo.
Isang malakas na pwersa ang tumulak sa akin at nalaglag ako sa kama.
” Punyeta .. Aray ko naman.” hawak hawak ko ang akin pwet ng magising ako.
Napagala ang aking mga mata sa kwarto ko at anyari bakit may pabulaklak sila? Ehh may prutas pa ? Anyari?
Humanda sa akin yung bobong Jack na yun pinagselos na naman ako sa Bal na iyon, tapos hindi pa manlang pinuntahan.
Mabilis ako tumayo at nanakbo sa labas ng makita ako ni Manang rose ay halos magtaka ako ng bigla niya ako yakapin at umiiyak.
” Manang umagang umaga ng dadrama asan si Jack babaliin ko pa buto ng bobo na yun.”
JACK ADII POV*
Putsha!! Nakatago ako sa isang lamesa nagkakabarilan na gawa sa mga pekeng transaksyon na ginawa ng Mafia.
” Lumabas kana Jack! Ikaw ang bago dito na Mafia akala ko ba ay magaling ka?” sabi ng lalaki sa akin na busy sa kakadada.
” Ulol! Kahit ano pang sabihin mo wala kang mapapala mapapatay din kita tarantado.” sigaw ko at gumulong pamunta sa kabilang bahagi.
BANG BANG**
Halos tamaan na nga ako ng mga bala nya pero agad kung sinipa ang malapit na bangkuan.
” Hoy.. Bobong Jack ” Hindi ko alam kung na nanaginip ako o narinig ko talaga sa tenga ko ang tawag ng taong mahal ko putsha.
” Ang kapal ng mukha mo na hindi ako pansinin samantalang ikaw pa tong gago ka ang nambabae?” Malakas...


na sipa ang inabot ko at tumilapon ako.
BANG BANG
Kitang kita ko si Cassidy na pinatamaan ang mga kalaban namin ng bala at halos maubos na niya lahat at nakangisi sa akin na ikinatakbo ko papalapit sa kanya at yumakap.
” Putsha!! A-yo-ko na magising kung panaginip lang kita.” sabi ko pa dito na yumakap sa kanya ng maigi miss na miss ko na sya.
CASSIDY POV*
Napangiti naman ako sa ginawa ni Jack nakwento sa akin ni Manang na ang tagal ko daw nakatulog at sobra daw ang paghihirap ni Jack lagi daw itong tulala yung kape nga daw na tinitimpla hinaluan na ng juice sa sobrang kabobohan.
” Hindi mo ako namiss talaga.” Biro ko dito pero nagulat ako ng halikan ako nito ng mas nagpakabog ng puso ko.
Halos huminto ang puso ko sa mga halik na binigay ni Jack sa akin at napapikit ako natauhan ako ng haplosin nito ang mukha ko.
” Hindi ko ka kayanin kung magtatagal kapa halos mabaliw ako Baby…” sabi nito na nakatingin sa akin.
” Tsk!! Matagal kanang baliw.—
” At talagang dito pa kayo nag loving…
Mabilis akong kumilos at pumunta sa likod ng kalaban at ngumisi nakakamiss palang pumatay ng mga walang kwentang tao.
Mabilis kung pinatamaan ang kalaban gamit ang baril ko at tumalsik sa akin ang dugo at lumanghap ako ng sariwang hangin namiss ko ang lahat.
” Putsha!! Sa dami mong mamimiss yang pag paslang pa talaga.” nakanguso na sabi ni Jack.
” Naiinis pa din ako sayo gago ka alam mo bang umihi yung babae mo sa sahig sa sobrang takot.” sabi ko dito at umalis sa harapan niya habulin niya ako.
” Waaahhhh Cassidy.” Nakita ko ang patakbong Fulvia at yayakapin sana ako ng biglang hilahin ako ni Jack at siya ang yumakap.
” Epal napaka papel mo Fulvia chuuu.. Dun ka sa Asawa mo wag kang nakikihati ng Atensyon.” Jack said.
” Payakap lang naman namiss—
” Ako na yayakap iyayakap nalang kita.” siraulo talaga minsan.
Nakadating kami sa Mansyon ay nakita ko ang maliit na tuta sa maliit na cage ay nakasiksik lamang ito.
” Regalo ko yan—
Mabilis kung niyakap si Jack at hinalikan sa Labi ang saya saya ko sa bago kung babies nakakatuwa.
” Maraming salamat Baby.” sabi ko at sabay alis sa tabi niya at nanakbo sa tuta.
Binuksan ko ang kulungan at nagulat ako ng kagatin ako nito.
” PUTSHA!! BABY.” Nag aalalang sabi ni Jack.
Ngumiti lang ako at hinawakan ko ang ulo ng tuta alam kung natatakot siya kaya pinuprotektahan niya lang ang sarili niya.
” It’s okay hindi kita sasaktan.” nakangisi kung sabi sa tuta at nakita kung tumingin lang ito sa akin at unti unting kumawag ang buntot.
” Baby.. Okay kalang ba? ” sabi ni Jack sa akin ng makalapit.
Kinarga ko ang tuta at agad naman ako dinilaan sa mukha na ikinatawa ko ang cute niya.
” Tsk!! Tanga talaga para sa aso magpapakagat. Halika at gagamutin natin yan kamay mo.” hila sa akin ni Jack at pinaupo ako sa kandungan niya.
” I call her CaJah it’s mean you and me.” tumingin ako kay Jack at namula naman ito.
” I like it at mukhang gusto din ni CaJah ohh.” Natatawang sabi ni Jack at pinaghahalikan siya ni Cajah.
” Alam mo ba nung natutulog ako ikaw lang ang naririnig ko sa panaginip ko yung iyak at drama mo ay rinig na rinig ko.” sabi ko at nakangiting nilalaro ng isang kamay si CaJah.
” Dun ko lang naisip kung gaano mo ako kamahal at mas minahal pa kita Lalo Jack.” sabi ko na ikinaluha ni Jack ang drama na niya talaga.
” Mahal na mahal kita takot na takot kaya ako nung una talaga hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka sa akin mababaliw ako.” Niyakap niya ako at napangiti ako talagang napakaswerte ko na kahit bobo pala itong si jack totoo pala kung magmahal.
To be continue…
# LazyPandaAuthor❤📝


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.