0

UNWANTED LOVE CHAPTER TEN


Report

DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER TEN
Paika-ika na naglakad si Bryan papuntang banyo ng kwarto niya. Pinagsisisihan niya ang paggulong sa kama. Pwede naman siyang tumalon nalang sa tuwa kesa gumulong pa, ito ngayon ang napala niya. Pagkatapos ng sampong minuto ay lumabas na siya ng kwarto. Tapos ng kumaen ang mga kasama niya.
Naki-usap muna siya kay Brayll na si Manang Saleng muna ang maghahatid sakanya sa school dahil masakit ang balakang niya. Pumayag naman ang bata, pero nagtataka si Trisha kung saan niya nakuha iyon dahil ayos pa naman siya kagabi.
“Ok ka lang ba, nadulas ka ba o nahulog?”, nagaalalang tanong ni Trisha.
“Uuyyy si mommy concern kay daddy”, patawa-tawang sabi ni Brayll.
Nakisabay din sa pagtawa sina Bryan at Manang Saleng. Namula naman si Trisha dahil sa sinabi, bakit nga ba niya nasabi yun dapat nga wala siyang pakialam.
“Nadulas ako sa banyo madulas kasi saka kakagising ko lang nun”, nakangiting paliwanag ni Bryan.
-Wag ka ngang ngumiti pinapahirapan mo lang ako eh- sabi ni Trisha sa isip niya.
Naiwan si Bryan sa bahay, alas nwebe pa kasi ang pasok niya. Nasa labas siya ng bahay ng biglang tumawag ang kaibigan niyang si Jay, isa itong NBI agent.
“Bro i Just want to warn you, nandito na si Leo. Kakauwi lang niya sabi ng tatay ko kaya bro ingatan mo ang mga taong mahal mo”, ang sabi ni Jay sa kabilang linya.
Napakuyom si Bryan at galit ang mukha niya. Hindi pwedeng mahanap ni Leo kung saan naroroon sina Trisha at Brayll. Proprotektahan niya ang mga ito ano man ang mangyari. Lalo na ngayon alam niya ang lahat tungkol kay Leo.
Ang tatay ni Jay ay pinagkakatiwalaang attorney ni Don Enricho, ang ama ni Trisha. Kung ano man ang nangyayari sa bahay ng don ay pinapaalam ng attorney sa anak at pinapaalam naman ni Jay kay Bryan.
“Salamat sa information bro, balitaan mo lang ako”, ang sagot ni Bryan.
Dali-dali na siyang nagbihis at pumunta saglit sa trabaho niya para silipin ang pinapatayong building. Saka siya dumeretso sa pinapasukan ni Brayll at binantayan ang bata. Pagkatapos niyang sunduin ay pinuntahan niya naman si Trisha para samahan ito hanggang magsara ng flower shop.
Abala noon si Trisha na nagbebenta ng mga bulaklak, ng biglang dumating si Bryan. Nagtataka siya kung bakit iba ang awra ng binata, para itong balisa at laging tingin ng tingin sa paligid.
“Ok ka lang ba talaga Bryan?”, ang tanong ni Trisha habang magkaharap silang nakaupo ni Bryan.
“Ah oo ok lang ako masakit pa talaga ang balakang ko”, pagdadahilan ni Bryan.
Sabay na din silang umuwi, ng gabing iyon ay tinawagan ulit ni Bryan si Jay.
“Bro i need to hire your persons, magpadala ka dito para bantayan ang mag-ina”, ang sabi ni Bryan.
“Are you sure bro? Alam na ba ito ni Trisha?”, ang sagot ni Jay.
“Hindi pa, sa ngayon gusto ko muna na tayo lang ang makakaalam. Ayaw kong magpanic siya lalo na si Brayll siya ang lalong maapektuhan”, ang sabi ni Bryan.
“Ok sure magpapadala ako ng tatlong tao ko para hindi halata na binabantayan nila ang mag-ina”, ang sabi ni Jay. At doon na natapos ang usapan nila.
Napagpasiyahan ni Trisha na huwag munang magbukas ng shop ngayon. Naubos naman ang mga bulaklak kahapon kaya pwede siyang magpahinga. Late na siyang nagising at wala na ang mga tao sa bahay. Maging si Manang Saleng ay wala din
Napagisipan niyang maglinis sa bakuran ng...


bahay, at may napansin siyang dalawang lalaki na nasa malapit sa bahay niya. Binalewala niya ang mga ito baka bisita ng kapitbahay niya.
Pagdating ni Manang Saleng kasama na niya si Brayll. Hindi daw masusundo ni Bryan ang bata dahil may meeting ito. Pero gabi na ay hindi parin umuuwi si Bryan kaya hinintay ni Trisha. Tulog na din ang anak.
Narinig niyang may dumating na kotse at si Bryan iyon, dali-dali siyang lumabas pero bumaba si Bryan mula sa kotse niya kaya natigilan si Trisha. May nakita ulit siyang taxi na huminto at lumabas ang isang babae. Yumakap ito kay Bryan at saka hinalikan sa labi. Papasok na sana siya sa loob pero nalingunan niyang itinulak ni Bryan ang babae.
Nakikipagusap na si Bryan sa babae na tila galit na galit ito. Hinila ng binata ang babae at pinasakay sa taxi. Noon na naisipan ni Trisha na pumasok, baka isipin ng binata na pinapanood niya ang pakikipaglandian nito.
Nanikip ang dibdib ni Trisha, at hindi nga niya ipagkaka-ila na nagseselos siya.
-Sino ang babaeng iyon sa buhay mo Bryan- ang bulong niya sa isip.
Mali siguro na binigyan niya ng kahulugan ang pinapakita ni Bryan na kasweetan sakanya. Kaya ito siya ngayon at nasasaktan sa nakita.
Kinubukasan ay hindi na kinikibo ni Trisha si Bryan, nagtataka naman ang binata. Inisip nito na baka nakita ni Trisha ang ginawa ng babae kagabi. Gusto niyang magpaliwanag pero paano? Kailangan niyang gumawa ng paraan para makapagpaliwanag kung iyon man ang dahilan ng pagtatampo ni Trisha. At kailangan na din niyang masabi ang nararamdaman niya bago pa mahuli ang lahat.
Nagsasarado na noon si Trisha ng dumating ulit si Bryan, inaya niya itong sumakay sa kotse pero nagmatigas si Trisha at naglakad nalang. Bumaba si Bryan at saka hinarap si Trisha.
“Ano bang problema? Sumakay kana mag gagabi na”, wika ni Bryan.
“Ano bang pakialam mo sakin? Yung gf mo ang isakay mo jan hindi ako”, ang sabi ni Trisha.
“Nagseselos ka?”, ang nakangising sabi ni Bryan. “Sabi ko na nga ba nakita mo kami, hindi ko yun gf. Nakilala ko lang siya sa hotel tapos ayun demanding na gusto ng sumama sakin”.
“Sa mismong harapan pa ng bahay ka hahalikan ng babaeng yun”, singhal ni Trisha.
“Nakita mong hinalikan niya ako, nakita mo din siguro kung paano ko siya itulak at kaladkarin pasakay ng taxi?.”, paliwanag ni Bryan.
Hindi nakaimik si Trisha kaya sumakay nalang siya sa kotse. Sumunod naman si Bryan, imbis na sa bahay ang deretso nila ay sa restaurant ng hotel kung saan nagtratrabaho ang binata.
Nagtaka naman si Trisha dahil walang tao ang restaurant, pagdating nila sa loob ay may isang mesa na naayusan. May bulaklak sa gitna at dalawang kandila, na tanging iyon lang nagbibigay liwanag sa paligid.
Inaya siya ni Bryan para umupo, sinerve na din ng mga waiter ang pagkain at alak. Masaya ang kalooban ni Trisha dahil napakaromantikong tignan ang paligid. Bago sila kumaen ay nagsalita si Bryan.
“Siguro nagtataka ka kung bakit tayo andito, First date natin to. Kasi Trisha mahal kita, mahal kita simula pa nung nagkita tayo sa reunion noon. Mahal kita hanggang ngayon at lalo na kay Brayll. Will you accept my offer and let me escort you please?”, malambing na sabi ni Bryan.
Hindi tuloy alam ni Trisha ang isasagot.
-Dapat ko bang tanggapin Bryan, kahit na pinagdududahan parin kita?- bulong niya sa isip.
Pagbibigyan na kaya ni Trisha ang pusong magmahal ulit sa kabila ng mga nangyari sa kanya? Abangan sa susunod na kabanata.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.