1

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 16


Report

THIRD PERSON’S POV
Dyther Icexel Elcano, ang anak ni Salvador Elcano– na Consigliere ng mga Marchese. Dahil pinsang buo ni Salvador Elcano si Gisella Marchese na ina ni Easton Artfael Marchese, naging magpinsang makalawa si Dyther at Easton.
Dahil dito, pamangkin ni Dyther si Galileo Arthfael Marchese. Sana gets niyo HAHAHAHA.
Nasa kwarto ni Gali si Easton, Dyther at ang doctor at apat na nurse na kasalukuyang nag che-check sa kalagayan ni Gali.
“Mataas pa din ang lagnat niya Sir Easton. Bibigyan ko siya ng reseta, ang mga nurse na ang bahalang mag administer nito sa kaniya.” ani ng doctor na lalong nagpa sad boi kay Easton Hahahahhaha.
Tulog si Gali, naka dextrose pa din at namumula ang buong mukha dahil sa lagnat.
Hindi malubos maisip ni Easton kung anong pinagdaanan ng anak sa kamay ni Ashari. Gustong gusto na niyang patayin yung babaeng ‘yon. Nagsinungaling ito sa kaniya at wala pang kahit sinong tao ang buhay hanggang ngayon na nagsinungaling sa kaniya.
Umalis na ang doctor at apat na nurse. Naiwan si Easton at Dyther sa loob.
Pinagmamasdan nila si Gali na nahihirapan sa pagtulog dahil sa sakit.
“Where’s that girl?” ani ni Easton kay Dyther. Nag-iigting ang panga niya. Gusto niyang manuntok tuwing naaalala si Ashari.
“Pagkatapos namin magbreak fast, bumalik siya sa kwarto niya, may aasikasuhin daw.” sagot naman ni Dyther bago umupo sa kind sized bed. Hinawakan niya ang leeg ni Gali. “He’s better than yesterday.”
Nakita ni Dyther ang ibang galit na nararamdaman ni Easton. Hay nakoo, basta talaga kapag kay Gali, walang mapaglagyan ang galit niya. Nakakuyom ang kamo nito, nag ngangalit ang panga at matalim na matalim ang tingin.
“I wanna kill her! Oras na malaman kong tauhan siya ng mga Silvia, ako mismo kikitil sa buhay niya.” galit nitong asik.
“Chill Easton. Chill!” pag pigil naman ni Dyther. Halata kasi na puyat na puyat na si Easton kaya hindi na ito nakakapag desisyon ng tama. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Simula pa nung nawala ang anak hanggang ngayon. “Alam mo naman na sobrang lapit ng anak mo sa kaniya. Who knows what happened pero iba ang pakikitungo ni Gali kay Ashari. Mahalaga siya sa anak mo Easton. Gali looks at her as if she’s her real mom. If you kill her, ano sa tingin mo ano mararamdaman nitong bata?”
Lalong nagpuyos ang nararamdaman ni Easton. “Bakit kasi sa dinami dami ng babae, siya pa? Walang modo, walang galang, masama ugali, sinungaling, mukhang pera at walang takot miski kay kamatayan.” Hoy grabe ka naman Easton, baka pag narinig ka ni Ashari bigla ka nalang sapakin non.
“Bakit siya pa napili ni Gali? I can hire a baby sitter! The one that will really take care of him. Hindi yung tatratuhin ang anak ko na parang batang hamog.” frustrated na si Easton. Ang panget kasi ng ugali ni Ashari, ayan tuloy.
“Sa dami ng maids, butlers and personal body guard ni Gali, wala ni isa sa kanila ang itinuring ni Gali na Nanay niya. It’s only Ashari, Easton. You can just pursuade her to treat your son better. She wants money anyways, she’ll do whatever it takes para magkapera. Why don’t you give her bribe para alagaan ng maayos ang anak mo?” suggestion ni Dyther.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Easton na nakaupo sa isang sofa chair na nakatabi sa bed ni Gali. “You know what, you’re the worst Consigliere I ever met. Ang panget mo mag advice.” direktang sabi ni Easton.
Ngumisi naman si Dyther. Yup, tulad ng ama niya na si Salvador Elcano o Boy Vintage kung tawagin ni Ashari, si Dyther ay isa ding Consigliere– “Correction Easton, Consigliere in the making. Hindi ko pa sure kung para dito ba talaga ako.”
Hindi naman nagbigay ng opinyon si Easton. Basta siya, nag-aalala sa anak niya at ito ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.
“Anyways, Leonard handles your responsibilities outside and inside the mafian organization quite well.” -Dyther.
Si Boy Wonder Around ay si Leonard. Ang second in command ni Easton.
“Good. Keep me updated.” maikling sagot ni Easton.
Magsasalita pa sana si Dyther pero hindi na siya natuloy dahil may kumatok sa pintuan.
“It’s me, Shera.” ahhh, si Shera ang Assitant ni Easton. She handles mafian papers and documents, kung tutuusin, siya ang may pinaka delikado ang buhay dito sa buong mansyon dahil siya ang may hawak ng lahat ng dokumento. Siya ang may pinaka maraming nalalaman kaya siya ang pinaka nasa delikado sa lahat.
“Come in.” -Easton.
Pumasok naman si Shera. Tipikal na secretary type ang dating nito. Nakausot niya ngayon ng pencil cut na skirt at blue na longsleeves. Kitang kita pa din ang hubog ng sexy nitong katawan kahit pa sabihin simple lang ang suot nito ngayon.
Lumapit ito sa kanila dala dala ang isang folder.
“Here’s the information you needed about Ashari Jenesse Silvia Ferell.” Shera handed out the folder to Easton.
Kinuha naman ito ng binata.
Binukasan niya ang folder at binasa ang nakasulat dito. Si Dyther naman ay tahimik lamang na nag iintay sa kung ano ang nakasulat sa loob.
“She’s not related to any Silvian Mafia.” pag-s-summarize ni Shera sa lahat ng nakasulat.
Isinara ni Easton ang folder at pikit mata na ibinalik ito kay Shera.
“You may leave.” utos nalamang niya sa babae.
Akmang aalis na sana si Shera pero bigla itong bumalik “Before I leave Sir…” ani nito. “I just wanted to tell you na Monday na po bukas, Ashari needs to go to school. Kapag nalaman ng parent niya or ng teacher niya na she’s missing that will be a big ruckus.”
Naihilamos ni Easton ang palad sa mukha. Nakalimutan niya na hindi pa nga pala ito tapos sa pag-aaral. Hindi katulad niya na isa ng bachelor at wala ng pinoproblema sa skwelahan.
“She’s not allowed to go outside hanggat hindi gumagaling ang anak ko.” madiin na paninindigan ni Easton.
Hindi naman maintindihan ni Dyther kung ano ang dahilan nito para hindi paalisin si Ashari. Malinaw naman na hindi ito myembro ng mga Silvia. Kung tutuusin, pwedeng pwede ng umalis si Ashari dahil wala namang itong atraso sa kanila.
“Ok Sir, i’ll tell everyone to still keep an eye on her and guard her well.” pag tugon ni Shera. “I’ll be going then.” yumuko ito at umalis na din.
Muling naiwan ang dalawang magpinsan.
Sumandal sa sofa si Easton at matiim na tumingin kung nasaan ang anak. Pinagmasdan lang siya ni Dyther.
“So ano na ang plano mo kay Ashari? You didn’t want her to be Gali’s babysitter, you didn-”
“I want to kill her.”
Binato ni Dyther ng unan si Easton sa ulo dahil bigla siyang pinutol nito sa pagsasalita.
“Why did you do that?” galit na asik nito sa kaniya.
“Think straight Easton! Hindi siya myembro ng mga Silvia. Hindi mo pwedeng ikulong dito habang buhay si Ashari. She’s not Gali’s mom! Bakit hindi mo pa paalisin ‘yung tao? It’s better to make her gone hanggat wala pa siyang nalalalaman.” naalala ni Dyther na todo nga pala sa kakulitan magtanong yung si Ashari. Feel niya talaga e hindi matutulog yung babaeng yon hanggat hindi nakakahanap ng sagot.
“She’s the one that made my son sick! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, gusto ko na ako mismo magpaparusa sa babaeng ‘yon!” giit ni Easton. Sobrang short tempered talaga nito. Ito ang problema sa kaniya. Masyadong mainitin ang ulo kaya hindi gumagana madalas ang utak. Panay galit pinapa-iral. Ilang beses na siyang nalintikan dahil sa ganyang ugali. Hindi marunong magtimbang ng tamang desisyon dahil palaging nauunahan ng emosyon.
“Gali will be fine! He’s getting better Easton. Just let the girl go home!”
“No, hindi pwede!” madiin nitong turan.
“And why?” tanong muli ni Dyther.
“I told you already. She has to pay for what she have done to my son!”
Sumeryoso na ang tingin ni Dyther kay Easton. Sumasakit ang ulo niya sa pinsan. Bakit ba ang kulit nito? Hindi naman ito natural na ganitong kakulit ah!
“Baka nakakalimutan mo na siya ang nagligtas sa iyo at sa anak mo, Easton. If it’s not for her, baka parehas na kayong wala ng anak mo. Hindi pa ba sapat ‘yon to pay for what she have done to your son?” pagpapaalala ni Dyther.
Bumakas sa mukha ni Easton ang realization. Nakalimutan niya ang parteng ‘yon. Ilang segundo siyang natigilan oero bumalik din agad sa paninindigan na…
“No, she’ll stay!”
Tumayo na si Dyther kasi alam niya na wala ng pupuntahan ang usapan nila ni Easton. Sarado na utak niyan kaya alam niya na nag aasakya nalang siya ng oras.
“I’ll get going.” pagsuko ni Dyther.
“Saan ka pupunta?” galit pa din asik ng pinsan na si Easton.
“Magpapahangin o kaya pupuntahan si Ashari,”
“And why would you go to her?” pagdududang tanong ni Easton.
“Who knows, maybe I will get her and drive her home?” nagtuloy siya sa paglalakad paalis.
“Anong sabi mo Dyther?” hindi niya pinansin si Easton. Binuksan niya ang pinto. “Hoy subukan mong gawin yung sinabi mo, hinding hindi ka na makakabalik dito sa mansyon!” sigaw sa kaniya ni Easton.
“Take good care of your son! Huwag mong pababayaan ang pamangkin ko!” ani niya bago tuluyang umalis.
Narinig pa niya na tinatawag siya ni Easton pero dahil alam niyang hindi nito iiwan si Gali, nagtuloy na siya sa pag alis.
Wala naman siyang balak pumunta kay Ashari. Kung tutuusin nga, ayaw niyang makita ang babaeng ‘yon! Masyadong makulit. Tuwing naiiwan silang dalawa, tanong ng tanong tungkol sa kung ano ba ang mga Marchese. Manong itahimik nalang kasi sana ang bibig.
Ikakapahamak pa niya yung kakatanong niya e.
Dumiretsyo si Dyther sa parking area ng mansyon. Nagdrive siya paalis. Babalik nalamang siya mamayang gabi o kaya ay bukas na ng umaga. Depende sa mood niya.
ASHARI’S POV
Napakatagal sagutin naman ng magaling ko ama ang tawag ko! Alas syete palang ng gabi sure naman ako na hindi pa siya tulog.
Kung may byahe man siya, ihinto niya muna truck niya para makausap ako! Hindi pwedeng ako mag-a-adjust! Sila ng truck niya at ng edsa ang mag adjust sa akin!
Ma-l-lowbat na akooo! Kapag di ka kaylangan, tawag ka ng tawag, kung kaylan kaylangan kita saka ka di sumasagot bwisit! Pag ako nalowbat, wag na niya ako kakausapin kahit kaylan!
“Sobrang sweet talaga ni Sir Easton kay Gali noh? Sana mapansin na ako ni Sir. Willing na willing akong maging step mother ni Gali.”
Natigilan ako sa pag tutok sa cellphone ko na nagriring ng may dumaan na dalawang maid dito sa may gawi ng garden kung nasaan ako.
Hindi nila ako mapapansin dahil nasa madilim na part ako ng bench na nasa gilid ng halaman.
Grabe lang ha, ansabeh? Willing na willing daw maging step mother? Gusto niyang asawahin ‘yung pabibong murderer na ‘yon? Aba, hindi ba niya nabalitaan na kamuntik lang akong mapatay nung pinagpapantasyahan niyang Easton Isprikiton?
“Ay trruuuue ka diyan sismars! Ang gwapo gwapo kaya ni Sir tapos sobrang bait pa sa anak! Handa akong magpaanak kahit bente kay Sir Easton!”
Luh, mas malala naman ‘yung isa. Bente pa nais! Isang anak nga lang papatay na si Isprikiton pano pa kaya kung bente. Baka siya na mategi non sa dami ng isipin niya.
“Kung hindi pwede si Sir Easton, kay Sir Dyther nalang tayo!”
Kamuntik lang akong mahulog sa pagkakaupo ko. Hanep, bakit ba bet na bet nila yung dalawang ‘yon? Yung isa mamamatay tao, yung isa naman hayop. Gwapo lang sila parehas, pero yung ugali sagad pa sa kasamaan ng ugali ko. Sana naging mukha nalang sila noh!
“Ayyyy, true ka diyan sismars!!!!!! Sila nalang na mga Sir ang nagpapakalembang sa akin dito sa mansyon.”
Sumibangot ako at nagmakeface sa dalawang maid na nagchichikahan. Papanget ng taste nila. Kung kakalembang nalang sila, doon nalang sa kumbento hindi yang pinagpapantasyihan nila mga walang kwentang tao.
“HINDI KA BA MAGSASALITA? PAPATAYIN KO NA’TO, ISTORBO KA SA BYAHE KO!”
Nagulat pa ang katawang lupa ko ng sumigaw sa kabilang linya ang magaling kong tatay.
“BAKIT KA SUMISIGAW?!” sigaw ko pabalik!
“Oh bakit ka nga tumawag?”
“TAWAGAN MO PROFESSOR KO SA MATHEMATICS AT STATISTICS SABIHIN MO NA HINDI AKO PAPASOK BUKAS!”
“At bakit hindi ka papasok? Ano nanamang ginagawa mong kalokohan ha?”
“May lagnat ako–” pagsisinungaling ko. May lagnat naman talaga kaya di makauwi…si Gali may lagnat. “Kaya di ako papasok.”
“Geh.” pagpayag kaagad ng magaling kong tatay. O diba, napaka bait walangya! Napaka caring! Napaka maaalalahanin! “Sabihin mo sa lagnat mo, mag iingat siya sa’yo.” dagdag pa ng tatay kong magaling.
Ayan, ganyan kaming dalawa. Parehas walang pakielamanan sa buhay! Pinalaki niya akong ganito….mag-isa, binubuhay ang sarili…independent kuno.
“Geh bye.” hindi ko na siya inintay na sumagot pa pabalik. Ibinaba ko na ang tawag.
Sakto, nalowbat ang cellphone ko. Madilim dito sa pwesto ko. Kanina phone ko yung nagbibigay liwanag, ngayon na lowbat na siya, para na akong nilalamon ng dilim.
Wala akong charger na dala. Hindi ko naman alam kung kaynino ako manghihiram dito. Wala ako sa mood makipag kaibigan kahit kanino, ayaw ko silang kausapin lahat. Si Dyther sana kaso lumayas daw siya. Kung saan siya nagpunta? Ewan, hindi ko din alam. Hindi naman kami close na close para malaman ko pa yon.
Tumayo ako at naglakad na papasok sa mansyon. Babalik nalang ako sa kwarto ko at matutulog.
Gusto ko sanang bisitahin...


si Gali, ichecheck ko lang kung humihinga pa yung bata kasi sa kaniya nakasalalay ang paglayas ko sa bahay na’to. Pag nategi siya, tegi bumbum din ako.
Kaso naman kasi, si Easton Isprikiton akala mong gwardya kung magbantay kay Gali. Abay hindi umaalis sa kwarto. Bantay sarado yung bata. Hindi ko tuloy malapitan man lang para silipin.
Ewan ko din naman noh, pero dinala pa din ako ng paa ko sa labas ng kwarto ni Gali.
Madilim na dito sa hallway, isang ilaw nalang yung bukas. Infairness, nagtitipid din pala ang mga Marchese sa ilaw?
Tahimik akong nakasandal sa pader. Wala lang, bet ko lang sumandal.
“Ashari?” nag angat ako ng tingin ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Pagkita ko, si Kumareng Helen—yung nanay ni Dyther. Kumare na tawag ko sa kaniya, kesa naman Aling Helen diba? “Ashari dear why are you here? Why don’t you go inside?” tanong niya sa akin.
Lumapit naman ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niya. “Hoy Mam Helen huwag kang maingay, malalaman ni Easton na nandito ako! Ayaw non na lumapit ako dito sa kwarto ni Gali.” pagpigil ko sa kaniya.
Tumango tango naman siya. Ayan, good girl! Tinanggal ko na yung pagkaka takip ko ng palad sa bibig niya.
“I’ll go get inside. Kakausapin ko lang si Easton. You sure you don’t want to go in? Ayaw mong makita si Gali? Ako bahala sa ‘yo, basta ako kasama mo, Easton will never harm you.”
Umiling nalang ako at pinalis palis na siya. Shoo!
“Wala naman akong pake kay Gali! Pasok ka na sa loob!” wika ko sa kaniya
Dito nalang ako! Ayaw ko ding makita ‘yung mukha ng Isprikiton na’yon at baka masuntok ko lang mukha niya.
“Owkey? You said so…wala kang pake huh?”
Pumasok naman si Kumareng Helen. Naiwan ulit ako sa labas.
May dumaan nanamang nagchichismisan na mga maid. Sa sobrang busy nila sa chismis, di na nila ako napansin. Bawal nga ako dito diba, kapag nakita nila ako papalayasin nila ako dito.
“Ilang gabi ng walang tulog si Sir Easton. Nag aalala na ako para sa kalagayan niya.” wow concern na concern kay Easton ang froglet.
“Kaya nga e, simula ng nawala si Gali sobrang depress na siya. Ibang iba sa Sir Easton na kilala natin.” depress pa siya ng lagay na’yon? Pano pa pag di na siya depress? Edi lalo akong tegibumbum?
“Baka si Sir pa ang magkasakit niyan sa ginagawa niya. Dapat magpahinga din siya.”
“Hindi naman kasi nakikinig si Sir kahit kanino. Ilang beses na siyang pinupuntahan ni Sir Dyther para sabihan na magpahinga muna pero hindi pa din siya nakinig.”
“Balita ko nga si Sir Leonard ang naghahandle sa works ni Sir Easton ngayon.”
“Kasalanan nung Ashari talaga lahat to e.”
Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko yung sinabi nung maid. Hahabulin ko sana saka sasabunutan yung dalawang froglet ng bigla na silang lumiko sa hallway!
Hindi makapaniwalang natawa nalang ako. “Wow ha, so bakit parang kasalanan ko? Kasalanan ko na hindi humihinto kakaalaga ‘yang Sir niyo? Kasalanan ko ha e siya nga tong matigas ulo. So bakit kasalanan ko?????? Sagutin niyo ko mga palakang kekok!!!!” sigaw ko sa hallway as if narinig naman ako nung dalawa na nakaliko na.
Bwisit naman! Ang ayaw ko sa lahat e napagbibintangan ako!
Papadyak na aalis na sana ako at babalik na sa kwarto ng lumabas si Kumareng Helen mula sa kwarto ni Gali.
Mabilis akong nagtatakbo papunta sa kaniya. “Kamusta na si Gali?” tanong ko kay kumareng helen.
Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka. “I thought you do not care?”
Bigla akong natigilan. Tumikhim ako at nag ayos ng tayo. “Tatanungin ko lang kung buhay pa, for your info ho, hindi ako makakalabas ng buhay dito kapag nategi si Gali. Concern ako sa buhay ko, hindi sa kaniya okey???”
Bigla namang bumakas sa mukha ni Kumareng Helen ang pag-aalala. Kinabahan ako sa tingin niyang ‘yon.
“Gali is not fine. Sa tingin ko nga 50:50 na siya.”
“HAAAAA???????” sigaw ko sa sinabi ni Kumareng Helen.
Mygoodnes, anong nagyari kay Gali? Ganon na ba kalala ang sakit niya? Hindi ako mapakali. Parang bigla bigla gustong pumasok sa loob at suntukin si Easton. Anong alaga ba ginagawa niya sa anak niya ha? Bakit hindi gumagaling?
“Shhhhhh! Bawal mag ingay hindi ba? They will know that you’re here.” nag shh sign pa si kumareng helen kaya lalo akong nataranta. Pero hindi ko dapat ipahalata. Kinagat ko ang mga kuko ko para kalmahin ang sarili ko. “Ashari dear, I think you should visit Gali before his little life ends…”
“Hoy wag ho kayong ganyan. Pinapatay niyo na si Gali kahit hindi pa man e.”
“Well life is short.” sarap hambalusin ni Kumareng Helen. Nag aalala ba siya o tinatakot ako? Bwisit, alam ko na kung kaynino nagmana si Dyther. Magkaugaling magkaugali silang dalawa!!!! “I think I’ll get going na Ashari dear. It’s getting late, time for bed. Sana hindi magtuloy sa alam mo na…ang mahimbing na pagtulog ni Gali. Let’s pray for him ok?”
Tumalikod na si Kumareng Helen at iniwan ako mag-isa. Balisa at hindi na malaman kung ano gagawin. Ano ba ibig niyang sabihin sa ‘Sana huwag magtuloy sa mahimbing na pagtulog si Gali?’ mahimbing na pagtulog as in….as in…
Aish!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinihit ko na ang pintuan at pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko, ramdam ko kaagad ang madilim na aura na bumabalot sa paligid. Napalunok ako at parang gusto ko nalang mag back out.
Pero hindi, ichecheck ko lang kung tama ba si Kumareng Helen. Hindi ko patutulugin si Gali para hindi siya magtuloy sa mahimbing na tulog! Hindi siya pwedeng mategi dahil ako talaga ang matetegi kapag natsugi siya.
Naglakad ako ng dahandahan.
Kitang kita kahit dito palang sa pwesto ko si Easton. Nakadukdok siya sa bed ni Gali. Mukhang natutulog na ito, o nagtutulog tulogan? Ewan ko, basta ako tahimik lang! Sisilipin ko lang talaga si Gali, promise!
Kapag nagising si Easton, susuntukin ko nalang siya para makatulog na siya ng tuluyan! Tama, ganon ang gagawin ko!
Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa bed. Mukha kaagad ni Gali na payapang natutulog ang tiningnan ko.
Bakit parang okey naman siya? Nagoyo yata ako ng bwisit na Kumareng Helen na’yon ah? E ok naman ‘tong itsura ni Gali. Parang hindi na nga nilalagnat e.
Nakaswero pa din siya pero wala na yung mga beeping apparatus na nandito kahapon.
Ok naman si Gali ah? Asan 50:50 ditoooo?
Nagoyo talaga ako ni Kumareng Helen. Mag-ina talaga sila ni Dyther!!!! Arrgghhh!
Akmang aalis na sana ako sa pinaka tahimik na paraan ng biglang mahagip ng mata ko si Easton na nasa kabilang side ng bed. Nandito kasi ako sa kabilang side nagpunta para hindi niya ako maramdaman na pumasok.
Nakadukdok pa din siya. Halatang pagod na pagod na siya sa pagbabantay.
Ang sabi ng mga froglitang maid kanina, simula daw ng nawala si Gali, hindi pa siya natutulog na maayos. Lahat ng responsibilidad niya, ipinasa muna niya sa iba.
Ganon kahalaga si Gali para kay Easton Isprikiton.
Kaya hindi na din ako magtataka kung handa talaga siyang pumatay ng tao para sa anak.
Handa pa nga siyang magbigay ng 500 Million e. Ay nako, kung ako yon, gagawa nalang ulit ako ng panibagong anak. Di ko aaksayahin pera ko noh!
Biglang nagflash sa utak ko si Tatay.
Ang magaling kong tatay…
Naalala ko nung bata ako, ganyan din siya sa akin…maalaga, maaruga, hindi ako iiwan hanggat hindi ako gumagaling…
Akalain mo ‘yon, may mabuting nagawa din pala sa akin ang tatay ko.
Aish, Ashari kung ano ano nanaman naaalala mo e. Umayos ka nga, hindi ito ang panahon para isipin mo tatay mo!
Bumuntong hininga ako ng mahinang mahina bago dahan dahang naglakad paalis.
Nakakatatlong dalawang palang ako ng biglang may malamig na boses ang nagsalita.
“What do you think you are doing?” malalim na boses nitong tanong. Naestatwa naman ako. “What are you doing here?” galit na agad niyang tono.
Dahan dahan kong ipinihit ang katawan ko paharap sa kaniya. Lamp shade lang na nasa side table ang ilaw dito kaya kalahati lang ng mukha niya ang may liwanag.
Kitang kita ko sa mata niya ang galit na tingin sa akin. Pero hindi na’yon ang napansin ko…
Pagod na siya.
Pagod na ‘yung mga mata niya.
Parang humihingi na ng saklolo at gusto na munang magpahinga, pumikit at matulog.
Tumayo siya. Naglakad naman ako papunta sa kaniya.
“Get out of here, ayokong makita ang mukha mo. Get out of my sight or else i’ll–”
“Magpahinga ka na muna, ako na magbabantay kay Gali.” pagputol ko sa kaniya. Saktong huminto ako sa paglalakad dahil narating ko na ang harapan niya.
Nakatitig lang siya sa mata ko, ganon din ako sa kaniya. He really has this sharp and deep black raven eyes. Despite the eye bags na gawa ng ilang araw na pagpupuyat at pagod, kitang kita pa din ang ganda ng mata niya.
“I don’t trust you.” nag iigting ang panga niyang wika.
“Edi don’t. Hindi ko naman sinabi na pagkatiwalaan mo ako.” nag alis ako ng tingin sa kaniya at ibinaba ang tingin ko jay Gali. “Matulog ka nalang sa sofa kung ayaw mong iwan kaming dalawa ni Gali dito. Ako na magbabantay sa kaniya.” may sofa kasi dito na mahaba, pwedeng pwedeng tulugan. Mukhang inilagay talaga to dito para paghigaan ni Isprikiton pero mukhang hindi naman niya ginagamit.
Nilampasan ko si Easton, umupo ako sa inuupuan niya kanina.
“Umalis ka diyan.” madiin niyang utos sa akin.
“Ako na nga magbabantay sa kaniya. Bakit ba ang kulit mo? Matulog ka na don!” singhal ko naman sa kaniya.
“I don’t sleep! Alis! Umalis ka dito!” hinila niya ang braso ko para patayuin ako sa pagkakaupo ko.
Ipinanganak ba tong makulit? Bakit ba daig pa niya bata kung magmaktol?
“Anong i don’t sleep? Kaya ang panget panget mo na e, hindi ka kasi natutulog!”
Natigilan siya sa sinabi ko. Laling nagalit ang lolo mo. “What did you say?”
“Sabi ko matulog ka na!” sigaw ko.
“Don’t order me around! Mas matanda ako sa’yo!” sigaw niya pabalik.
“Fyi ha. Di kita inoorder kasi di ka naman menu. Atsaka isa pa, pake ko kung mas matanda ka, e tumatanda ka naman ng paurong!” mas nilakasan ko ang boses ko.
“WHAT?” sigaw niya ng mas malakas! ” GET OUT! GET OUT OF HERE!”
Tumayo ako at inis na lumapit sa kaniya.
Nyenyenye! Nagmake face ako.
“Get out. Get out mo ulo mo! Sabing matulog ka na!!!!” hinila ko siya sa braso. Parang nagulat pa siya sa ginawa ko kaya di siya nakapalag. Dinala ko siya sa sofa at ini-upo doon. Hinawakan ko siya sa balikat atsaka inihiga ang ulo niya sa may unan na nasa unahan.
“I said I don–ac@hdjwldnsllwndk”
Akmang tatayo pa siya ng daganan ko siya gamit ang unan! Ayan di ka ngayon mapagsalita ha. Buti nga sayo!
Ng tumahimik siya, saka ko lang siya tinanggalan ng unan sa mukha. “I’ll kill you.” asik niya habang hinahabol ang hininga.
“Mabait ako ngayon kaya hindi kita papatulan. Sige na, sulitin mo na pagiging mabait ko ngayong gabi. Matulog ka na.” sabi ko nalang atsaka tumalikod na.
Bumalik na ulit ako sa upuan na nasa bed side. Si Gali na ulit ang tiningnan ko.
Huy, bukas lumakas ka na ha. Gusto ko ng umuwi e, may pasok na ako. Di naman pwedeng dito nalang ako forever. Pag galing mo at pag uwi ko, hindi na tayo magkikita kahit kaylan.
Nandito ka na sa totoo mong magulang. Nakita ka na ng tatay mo…pero yung 500 million ko, drawing nalang hay buhay. Atleast madami naman akong naexperience, sige pwede na din yun!
Pagaling ka na Gali hmmm. Gusto ko na ulit marinig yung cute mong boses. Gusto ko na ding makita yung maliliit mong hakbang—YUCCKKKKK! ANO BA TONG NAIISIP MO ASHARIIII? EWWWWW! NAPAKADRAMA!
Nandito ka para bantayan si Gali kasi pag nategi siya, tegi ka din okey? Kung ano ano pinag i-i-isip mo! Duhhhh!
“Hoy tulog na!” lumingon kasi ako sa gawi ni Easton. Ang bwisit na Isprikiton, masamang masama ang tingin na pinagmamasdan ako.
“Hindi ako matutulog. Babantayan kita! Malay ko ba kung bigla mong sakalin ang anak ko.”
“Sobra naman trust issues mo.” ani ko nalang. “Huwag kang mag alala, hindi ko sasakalin si Gali.”
“Psh, tingin mo maniniwala ako?” edi wag.
“Ilang taon ka na ba Easton?” pag iiba ko ng tanong. Naalala ko lang bigla.
“Wala kang pake.”
“Bakit ang aga mo nagka-anak?”
“Don’t ask stupid questions.”
“Ang bata mo nakasagasa ng tilapia ah.”
“What’s with your mouth? Walang preno!”
Umirap naman ako. “Kaylan ako pwede umuwi?” tanong ko nalang.
“You’ll know when.”
“May pasok na ako bukas.”
“I know.”
“Hindi ba ako pwedeng pumasok? Dito nalang ako uuwi.”
“No, mag home school ka dito!”
Nag taas ako ng kilay. Walanjo! “College na ako hindi grade school susginoo, ano tingin mo sa akin? Kaedad ni Gali?”
“Bakit ba ang kulit mo? Don’t leave, that’s an order! Sabi mo ikaw magbabantay sa kaniya ngayon why are you talking to me? Magbantay ka! Matutulog na ako!” ewan ko ha, pero tumatanda talagang paurong si Easton.
Tinalikuran pa niya ako at nagtalukbong ng unan sa bandang ulo.
Inirapan ko nga. Hays… mahaba habang bantayan to.
Inaantok na ako.
Writen’s by victoriaGe


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.