1

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 15


Report

ASHARI’S POV
Naglalakad kami ni Boy Hayop sa isang mahabang pathway ng hardin. Malayo layo na kami mula sa mansyon ng mga Marchese. Ewan ko din sa isang ‘to kung saan niya ako dadalhin at parang kaylangan muna naming magtagtag ng taba bago makarating sa pupuntahan namin.
“Malayo pa ba tayo?” bugnot kong reklamo sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ulit. Susuntukin ko mukha niya para di na siya makangiti e. “Medyo malapit na…” sagot niya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa harapan.
“Siguraduhin mong masarap talaga luto ng pupuntahan natin ha, napagod ako sa paglalakad.” pasusungit ko na sa kaniya. Ha, hindi na ako mag babait baitan sa isang ‘to tutal napatunayan ko na na isa din siya sa mga masasamang budhi at kampon ni Isprikitik.
“I promise, she won’t fail your taste buds.” sagot naman nitong si Boy Hayop, hindi niya manlang pinansin ang pagsusungit ko.
Pasimple ko siyang tiningnan sa peripheral vision ko. Mas matangkad siya sa akin pero sigurado ako na hindi siya kasing tangkad ni Boy Isprikiton. ‘Yung dating at aura niya sobrang kalmado at palaging nakangiti. Tipikal na nasa loob ang kulo at manipulative ganon! Kung hindi ka talaga magaling kumilatis ng tao–kagaya ko, ay nako, madadali ka ng isang ‘to. Katamtaman lang ang built ng katawan niya, halatang hindi taong gym at hindi madalas mag workout, malayong malayo ang katawan niya sa katawan ni Isprikiton na panay muscle. Gwapo siya, ‘yung kagwapuhan niya e ang light sa mata. Hindi siya masakit tingnan, gets niyo ba? Yung features ng mukha niya, pretty boy ang ganap, hindi sharp! Nadala na din siguro ng light ash blonde niyang buhok. Dyed kaya ‘yan o natural?
“Stop staring, matatalisod ka niyan.” ani niya sa akin na ikinagulat ko. Hanep, may sa third eye ba’tong isang ‘to? Hindi naman ako nakatitig sa kaniya ng direkta ah? Pasimple nga lang akong nakatingin sa kaniya.
“Feelingero ka pala e. Hindi kita tinititigan fyi.” umirap ako, paglanding ng tingin ko sa sahig, bigla akong natalisod. “AY GWAPO KA!” bulalas ng bibig ko.
“HAHAHA! Nahuhuli ka sa sarili mong bibig Ashari.” bigla naman siyang bumulalas ng tawa. Umayos kaagad ako ng paglakad dahil medyo napahiya ako doon ng very light.
Inirapan ko nalang ulit siya. Hindi na ako papatol, sayang lang laway ko sa kaniya. “Ah Dyther.” Char lang, may bigla akong naalala. “May tanong ako…”
“Ano tanong mo Ashari? I would be gladly answer that.”
Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. “Umayos ka ng sagot ha, seryoso ako.”
“Of course. Seryoso naman ako sa lahat ng ginagawa ko.” Blah blah blah, kaya pala seryoso ka din na ipalapa ako kay Madona na Uranggutan na Inggitera. “Spill the question.”
Pinag-isipan ko pa muli kung itatanong ko ba talaga sa kaniya ‘yung naiisip ko. Baka mamaya imbis na sagutin niya ako e baka bigla nalang nyia ako ipa-salvage dito. Haler, ang layo na namin sa kabihasnan, wala ng tao na nakapaligid sa amin, wala ng nakakita…sobrang dali lang para sa kaniya na tegiin ako dito.
“Gusto ko lang kasing malaman, ano ba ang mga Marchese?” alangan kong tanong.
“Tao? Syempre hindi sila hayop, ang mga nasa Zoo sila yung hayop Ashari.” sagot naman kaagad ni Boy Hayop.
“Hindi ako nakikipag-utuan Dyther.” inis na sabi ko sa kaniya. “Ano nga kasi ha? Sindikato ba sila? Terorista? NPA? Bakit may mga baril sila na free nilang dalhin kahit saan? Ikaw? Ano ka ba? Marchese ka din ba? May baril ka din? Bakit hindi niyo pa ako pauwiin, 500 million lang naman ang gusto ko diba? Mananahimik naman ako pagkatapos at magpapakalayo layo, kakalimutan ko lahat ng nakita ko dito. Bakit si Gali sobrang importante niya, ano ba siya ha? Si Easton bakit parang legal na legal sa kaniya ang pumatay? Wala man lang pagdadalawang isip papatayin niya talaga ako kahapon. Ano ba kayo ha? Sino ba kayo?”
Oo na, sunod sunod na tanong ko. E sa naipon e, ngayon lang ako nagtanong kaya sinulit ko na!
Huminto sa paglalakad si Dyther lumagpas ako ng mga apat na hakbang kaya bumalik pa ako sa pwesto niya. “Ano? Sagutin mo na…” pagpilit ko sa kaniya kasi nakatingin lang siya sa akin ng diretsyo at parang wala siyang balak na magsalita.
“Alam mo Ashari…”
“Ano? Ano naaaa?” atat kong sabi sa kaniya.
“Ang dami mong tanong…” nagkamot siya sa batok niya at parang nahihirapan talaga siyang isipin kung alin sa mga tanong ko ang una niyang sasagutin. “Pero sige, ito lang ang masasabi ko sa lahat ng tanong mo…”
“Bilis! Bilisan mo naa! Katagal naman sumagot, natatae ka ba ha?” pabibo naman kasi ‘to, kadami pang segwey. Ganyan ako pag natatae na e, di agad makasagot sa mga tanong ng titser.
“Hindi ako natatae!” giit niya.
“Edi hindi. Ano nga?!”
“Marchese…” kumurap ang mata ko sa pag intay sa isasagot ni Dyther. “You know what Ashari, kung mahal mo pa ang buhay mo, you better not ask those questions. Do not even dare to find aswers. Mas maraming alam, mas delikado…” casual na casual niyang sabi na para bang hindi threat ang pagtatanong ko kabaligtaran sa mga isinagot niya sa akin. Naglakad na ulit siya..naiwan akong nakatulala.
Boy Hayop talaga! Sa dinami dami ng tanong ko, wala siyang sinagot kahit isa!
“HOYYYYYYY! WALA AKONG PAKE KAHIT DELIKADO! KAYLANGAN KO NG SAGOT!!!!! HINDI AKO MAKAKATULOG MAMAYANG GABI HANGGAT HINDI KO NALALAMAN LAHAT! DYTHEEEERRRRRR SAGUTIN MO AKO!” sigaw ko sa kaniya dahil ang layo na niya sa akin.
“THEN DON’T SLEEP! LEARN TO READ BETWEEN THE LINES ASHARI! KNOW THE WORD, CURIOUSITY KILLS THE CAT!” sigaw niya pabalik sa akin habang dire diretsyo sa paglalakad niya.
Bwisit naman! Hindi talaga ako makakatulog nito kakaisip! Dapat bago ako makalayas sa lugar na’to, malaman ko man lang kung ano talaga sila!
“HOY BOY HAYOP INTAYIN MO KOOO!” nagpapapadyak na tumakbo ako pasunod kay Dyther.
“Come in…” pagyaya ni Boy Hayop sa akin sa loob ng isang bahay…
Ibang iba ang style ng bahay na’to, para akong bumalik sa year kopong kopong dahil sa parang bahay ng Medieval Period ang itsura nito. Ibang iba sa itsura ng mansyon doon sa harapan. Nasa bandang likudan na kasi ‘to at nakahiwalay sa ibang building. Para na itong nasa gitna ng gubat dahil sa dami ng puno sa paligid. Hindi nga kaagad makikita ang bahay na’to dahil nakatago e. Idagdag mo pa yung ilang vines na naka-akyat sa bricks na wall ng bahay. O diba, para akong bumalik talaga sa panahon kung kaylan naimbento ang cellphone ni Aling Marites–ang Jurassic Age.
Lilinga linga naman ako sa paligid na pumasok sa loob ng bahay. Bumungad kaagad sa akin ang isang malawak na salas na lumang style din ang mga gamit. Sobrang linis at sobrang...


minimalist ng vintage style nito. Sinara ni Dyther ang pinto kaya medyo dumilim sa salas. Tanging liwanag na mula sa bintana lamang ang nagbibigay ilaw dito sa loob.
Ang tahimik…
Walanjo, bakit parang feeling ko may hindi nanaman magandang gagawin si Dyther? Bakit parang kaming dalawa lang dito? Nasaan na yung cook na sinasabi niya?
“Dyther, wala ka namang planong reypin ako dito diba?” diretsahan ko ng tanong sa kaniya. Oras na sumagot siya ng oo, tatakbo na kaagad ako!
“Kung mang r-rape ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ‘yon Ashari…” bars! Iba talaga sumagot ang isang ‘to. Smooth pero panira ganon!
“May trust issues na kasi ako. Naniniguro lang ‘to naman. ”
Hindi na niya ako sinagot, naglakad na siya paliko sa kanan. Sinundan ko naman siya…
“Well she’s just a kid honey, Easton should spare her.”
“I told him to get easy on her pero mukhang matapang din ‘yung batang babae.”
“How old is she anyways?”
“18? Turning 19? Who knows?”
Nakakarinig ako ng mga chismisan mula doon sa pinto na nasa dead end ng nilalakaran namin ni Boy Hayop. Boses ng isang babae at lalaki. Matatandang boses!
“See, she’s young! I should talk to Easton myself. Pupunta ako mamaya sa mansion.”
Bakit feel ko ako ‘yung pinagchi-chismisan ng mga matatandang froglet na naguusap sa loob? Aling Marites hanggang dito ba abot virus mo?
“Bet he won’t accept attendees since si Leonard ang pinahawak muna niya sa mga internal affairs at other business ngayon, bumaba muna siya sa responsibilities para alagaan si Gali.”
“Bilib din naman ako kay Easton, he’s too caring, he’ll do anything for Gali.”
“Helen honey, wala ka bang work? You are focusing on other’s too much.”
At si Easton na nga po ang pinag-uusapan nila noh. Ha, caring? E hinayaan ngang mawala yung anak. Ano caring don aber?
“I have pero Peter is on duty, they don’t need me there as long as he’s on work.”
Binuksan ni Dyther ang pintuan. Pagbukas palang niya ng pinto, sinalubong kaagad ng amoy mabangong mabangong baked goods at brewed coffee ang ilong ko. Ugh, parang nagutom agad akoooo!
“Oh, Dyther!” naglanding ang mata ko sa lalaking naka-upo sa dining table, nagkakape ito at nagbabasa ng news paper.
Minukhaan ko siya…
E?
SI BOY VINTAGEEE!
Oo, ‘yung kasama ni Boy Isptikiton! Anong ginagawa niyan dito? Sa kaniya ba yung boses ng lalaking naririnig ko kanina? AHA! KAYA PALA HA!
“Hey Pops,” napatingin agad ako kay Dyther. Pops? “I bought her here.” turo niya sa akin.
Tumingin naman si Boy Vintage sa akin. “Ashari…” at kilala na nga din po niya ako noh. “Your here for breakfast? Umupo na kayo.”
Inilahad naman niya ‘yung kamay niya sa mga upuan na bakante. Six seater ang upuan pero tatlo lang kami dito kaya feel ko ang laki laki ng space.
Nakatitig lang ako kay Boy Vintage bago sumunod kay Dyther. Umupo ako sa upuan na katabi ng kay Dyther.
“Psst, sino siya?” pagsiko kong bulong kay Dyther.
“He’s my father.” malakas namang sagot ni Boy Hayop kaya ayan tuloy napatingin si Boy Vintage sa amin.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. O anong tinitingin tingin mo diyan ha? Ako kilala mo, ikaw di kita kilala unfair!
“Salvador Elcano is the name if you ask.” ay wow ha, parang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko.
“Di ko ho itatanong pero dahil sinabi niyo na, sige na din!” mataray kong sagot. Psh, kung mag ama sila ni Dyther, for sure magka-ugali sila. Tutal magkamukha nga sila ng aura kung tutuusin e.
Tumayo si Dyther na katabi ko… “I’ll go help preparing breakfast. Usap lang kayo diyan.”
HOY WAG MO KONG IWAN DITOOO!
Sigaw ng utak ko pero wala, iniwan din ako ni Dyther.
“So how’s your first night of sleep here in Marchese’s?” tanong ni Boy Vintage ng maiwan nalang kaming dalawa dito. Bakit parang ganyan din yung tanong ni Dyther sa akin kanina? Hmmm, sabi na e–like Father like son!
“Ok naman, pero mas ok sana kung papauwiin niyo na ako.” sagot ko.
Humigop siya sa kape niya at inilipat ang news paper. Para siyang tatay ko, hindi mawawala sa umaga ang balita. “As you can see Ashari, we were not the ones who will decide wether you go home or not. Si Easton dapat ang kausapin mo tungkol diyan.” sagot nito habang nagbabasa sa news paper.
“E ayaw nga akong kausapin ng isang ‘yon. Kitang pinalayas nga niya ako sa–”
“Ohhh, we have a visitor.”
Naputol ako sa pagsasalita ko ng may biglang um-epal. Paglingon ko sa nagsalita, isang babae na halos kaedad na din ni Tatay ang lumabas mula doon sa dirty kitchen. May dala siyang plato na may roasted chicken. Lumapit siya sa amin…sa dining table.
Ibinaba niya ang plato ng chiken sa gitna ng table. Nakasunod sa kaniya si Dyther na may dalang mga plato…
“Let me guess, you are Ashari right?” nakangiti nyang tanong sa akin habang tinatanggal ang suot na apron. Ibinaba niya ito sa chair na bakante.
Nakatitig lang ako sa mukha niya…
Pinagmamasdan bawat wrinkles, fine lines at signs of aging sa mukha niya…
“Dyther son, pakikuha din ‘yung fried rice atsaka ‘yung cordon bleu.” ani niya kay Dyther na bumalik sa kitchen. “Sorry for slow phase movement namin ngayon ha, wala kaming maids since nandoon sila ngayon sa mansion, busy for so you know reasons…” hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.
“Gutom ka na ba Ashari? Don’t worry, luto na lahat. We’ll just let Dyther prepare everything.”
Tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita pero ako ito pinagmamasdan pa din siya.
“Honey, she seems stunned with your beauty.” wika ni Salvador the Boy Vintage.
Tumawa ng mahinhin ang babae bago ito umupo sa upuan na kaharap ng kay Dyther.
“Ashari dear, ako lang ‘to, huwag kang ma-star struck sa ganda ko.” pabiro niyang sabi.
Wala sa sarili na umiling ako… “Maganda kayo pero di kayo ka-star-star struck.” wala sa sarili kong sabi.
Kita naman na parang nainis siya sa sinabi ko. Pero yung inis na hindi nagagalit ganon. “I won’t take that as a compliment.”
Nakatulala lang ako sa mukha niya bago ko itanong yung tanong na kanina pa tumatakbo sa itinatago kong kokote.
“Nagkita na ho ba tayo dati? Sobrang pamilyar kasi ng mukha mo.” wika ko.
Saktong nagbababa na si Dyther ng cordon bleu, natigilan siya sa pagbaba nito dahil sa tanong ko. Si Salvador the Vintage boy, nahinto din sa pag babasa ng news paper. Para bang hindi nila ine-expect ang tanong ko.
Sure ako na pamilyar talaga siya…
Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
Tumikhim naman si Girl Pamilyar at ngumiti sa akin…
“I think this is our first meeting, Ashari.” sagot niya…
Writen’s by VictoriaGe


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.