0

Ang Hindi matahimik na kaluluwa Ni Covid Patient


Report

Ang Hindi matahimik na kaluluwa Ni Covid Patient # 314😷😱
Disclaimer: This is a work of fiction.
Kabanata 1
Jannalyn: hysstt anung gagawin ko sa inyong mga Bata Kayo! Saan ko Kayo iiwan? Kung Hindi ako mag tatrabaho, malamang mamamatay tayo sa gutom!!! ngayong ,uso pa Naman Ang covid,. Kung bakit ksi na imbento pa yang virus ,na nakaka hawa na Yan!! Marami tuloy Ang namatay at nawalan NG trabaho!!
Renz: bakit mommy asan si ate Loreta?
Jannalyn: nag paalam sya Nung nakaraang araw, Hindi muna daw nya Kayo mababantayan ksi masama daw Ang pakiramdam nya. Baka mahawa raw Kayo..
Si Renz ay 5 yrs old, napaka bibo, at subrang cute, mabait na Bata Ito, Ang nakababatang kapated nya namn ay si Shai. Dalawang taong gulang lamang Ito,.
dalawang araw ng Hindi nakapasok sa trabaho si Janna, at kapag Hindi pa sya pumasok ngayon ay tatlong araw na syang absent,. Takot pa Naman syang masesante dahil Wala silang pang gastos, baka Wala na Silang pangkain Lalo pa ngayong bumibili pa sya NG gatas Ni Shai,. Ayaw nya namang mamatay Silang lahat sa gutom.
Jannalyn: *hmmp bahala na*
Kumuha sya ng damit Ni Renz at Shai, nilagay nya Ito sa bag, naglagay din sya ng diaper at gatas, pinaliguan nya ang dalawa, binihisan, at pinakain, tapos naligo na Rin sya at nag bihis dahil papasok sya ngayon sa trabaho “BAHALA NA” Yun Ang NASA isip nya sa mga oras na Yun!
Janna: Tara na mga anak..
Agad nyang binuhat si Shai, at sumakay sila NG tricycle.. Dahil bawal Ang Bata sa call center naisip nyang iwanan Ito sa pulis station na malapit sa pinag tatrabahoan nya, para daw safe Ang dalawang Bata Lalo nat pulis Ang mag babantay rito..
Natatawa sya at kinakabahan sa mangyayari, Bastat kakapalan nya nalang Ang mukha nya,
Janna: * bahala na si kupido, Yun Ang nsa isip nya..* Mamah, dun po kami sa police station.
Driver: cge po ma’am.
Agad silang bumaba ng tricycle.
Janna: mga anak dito muna Kayo iiwan Ni Mommy ha, magpakabait Kayo, Renz bantayan mo Ang kapated mo ha, wag mo syang pababayaan, magtatrabaho Lang si mommy babalik din ako agad.
Renz: yes mommy.
Pumasok silang tatlo sa loob ng police station. Nakita nya Ang isang pulis, nakatingin Ito sa bulletin board, Ang ibang pulis Naman ay frontliners, Nasa check point..
Kaya agad itong nilapitan Ito Ni Janna.
Janna: sir good morning po, iiwan ko PO muna sayo Ang mga anak ko sir, agad pinabuhat Ni Janna sa pulis si Shai, Ito po yung bag nila kumpleto na po yan lahat sir, late na po ako.
At bumaling KY Renz..
Janna: anak magpakabait ka ha, wag malikot, aalis na si mommy. * Sabay halik sa dalawang Bata, agad pa nitong pinictioran si Marco, para pag mawala Ang dalawang Bata ay dito nya Ito hahanapin, naging wais Lang sya, pagkatapos ay nag mamadali na syang umalis”..
Nagulat Si Marco sa ginawa ng babae, halos Wala syang nasabi, agad itong umalis na Parang ipo ipo iniwan nito sa kanya Ang dalawang anak nito? At higit sa lahat pinictioran pa sya nito, patunay na NASA kanya Ang dalawang Bata
Marco: teka Lang miss, anung gagawin ko dito??? Pero Wala na, at Hindi na sya narinig Ng babae, dahil nag mamadali itong umalis.
Marco: hysst, anung akala sakin Ng babaeng Yun baby sitter? Aba pinictioran pa ba Naman ako ,kasama Ang dalawang Bata, Anu Ang akala nya sakin kidnaper?
Pulis: uy chief, anak mo???
Marco: Hindi,
Agad nyang dinala Ang dalawang Bata sa kanyang opisina..
Marco: anung gagawin ko sa inyo,? Hindi ako marunong mag alaga Ng Bata. Anu ba Naman Yung nanay nyo, napaka burara. Kung Kani kanino Lang Kayo iniiwan..
Maya Maya pa ay biglang nakatulog si Shai sa balikat nya..
Buong maghapon na binantayan nya Ang dalawang Bata. Medyo pagod, kanina pa dapat Ang out nya, pero Hindi pa sya makauwi dahil hinihintay pa nyang dumating Ang Ina ng dalawang Bata, mabait Naman Ang dalawang Bata, Hindi malikot, Kaya Lang minsan Hindi NYa Alam Kung Anu isasagot sa mga tanong Ng batang lalaki, tinanong Kasi sya nito Kung Anu Ang pangalan nya, Kung ilang taon na sya, Kung saan sya nakatira,. At Kung bakit daw Ang pogi nya 😂, pero tinanong din nya , Kung Sino Ang palangan nito, Ang sagot Ng Bata ay Renz daw, at Ang kapated nito ay si Shai, tinanung din nya Kung saan Ang daddy nito, Sabi Ng Bata ay nag tatrabaho sa ibang bansa..
Naisip Ni Marco, Kung nag tatrabaho sa ibang bansa Ang daddy nila, bakit kailangan pang mag trabho Ng asawa nito, bakit di nya nalang patagilin sa trabaho Ang asawa nya, para my mag alaga sa dalawang Bata..
Natigil Ang pag iisipan nya Ng biglang my pumasok na isang pulis..
Oscar: uyyy bro chief, kaninong mga anak yan?? Sabay tawa nito..
Marco: my babaeng nag iwan dito Ng mga anak nya..
Oscar: e di baby sitter kana pala ngayon.?
Marco: tigilan mo nga ako!
Oscar: bagay din Naman sayo!! ” Sabay tawa ulit at saka umalis”
Marco: Loko loko!
Mag aalas sais na Ng hapon, nasa labas na Ng office si Marco, kasama si Renz at Shai. Hinihintay nya Ang pag dating Ng Ina Ng dalawang Bata pra makauwi na sya, kanina pa alas singko Ang out nya, Hindi Rin nya pwedeng iwan Ang dawalang Bata sa kasamahan nyang pulis.
Mayamaya pa ay dumating na si Janna..
Marco: hyss salamat Naman..
Janna: sir, maraming pong salamat sa pag babantay Ng mga anak ko.
Marco: sa susunod Mrs, hanapan mo nalang Ng taga bantay, kawawa Ang dalawang Bata, paano kung sa masamang Tao mo pala sila iniwan, baka anung gawin sa Bata..
Janna: Kaya nga sir dito sa pulis station ko sila na isipang iwan, dahil alam Kung safe sila…
Marco: saan ba Ang asawa mo??
Janna: * hindi nakasagot si Janna*
Yumuko nalang Ito..
Marco: cge na umuwi na Kayo at Gabi na..
Janna: cge sir salamat po ulit..
Tumalikod na si Janna, kasama Ang dalawang Bata.. hanggang s may naalala sya.
Janna: oo nga pala sir teka sandali !
Marco: bakit Mrs? My problema ba??
Janna: sir Wala po pala kaming pamasahi..
Marco: Anu? Kahit pamasahi sakin kapa hihingi??
Janna: sorry sir walang wala talaga eh, cge mag lalakad nlang kmi, baka hating Gabi na kmi makarating sa bahay.
Marco: o Ito na…
Janna: 500? Wala kabang barya dyan sir??
Marco: Wala Yan Lang Ang barya ko, Kaya umuwi kana, mahamog na baka magkasakit pa yang mga Bata..
Janna: salamat sir Ang bait mo..
Marco: Hindi ako mabait, at Hindi ako naaawa sayo, naaawa ako sa dalwang Bata .
Janna: salamat ulit sir bye..
* Sumunod na araw Wala pa Rin nag babantay sa dalawang Bata, agad nyang pinaliguan Ng umagang Yun, binihisan at pinakain, nag lagay ulit sya sa bag Ng mga damit at gatas,. Pati na diaper.
Pumara ulit sya NG tricycle.
Janna: mamah sa police station nga..
Sa kanto ay my check point Kaya pinagalitan sya NG pulis..
Pulis : Mrs, Alam nyo Naman na my Covid nilabas nyo pa Ang mga anak nyo??
Janna: ah sir, taga DSWD PO ako, turn over ko po tong dalawang Bata na to,.
Pulis: ah ganun ba sorry miss.. cge makakaalis na Kayo..
Janna: salamat sir…* Sa isip Ni Janna nakalusot na Naman sya, dapat madiskarte sya sa buhay ngayong may pedemya. Free covid pa Naman sila, Kaya Hindi sya natakot na baka mahawaan Ang dalawang bata, baka bukas ay nandyan na Ang nag babantay sa mga Ito .
Kaka baba palang Ng sasakyan si Marco Ng bigla syang salubungin ng isang babae at dalawang anak nito.
Marco: ikaw na Naman??
Janna: sir, baka Naman ,please last na to.
*At agad nyang Pina karga KY Maco si Shai, at iniwan din dito si Renz.* at tumalikod paalis sabay sabing.
Janna: salamat sir..
Wala Ng nagawa si Marco dahil mabilis pa sa kidlat na umalis si Janna.Kaya dinala na Naman nya Ang Bata sa kanyang opisina para bantayan buong hapon.
Mag alas sais Ng hapon Ng dumating ulit si Janna..
Marco: ganyan kaba talaga ka irresponsible??
Janna: sir, last n to, pag Hindi Kasi ako mag tatrabaho sisante na ako..Marami na akong absent.
Pulis: chief nilagay ko na po sa mesa nyo Ang mga papelis!!
Marco: cge salamat!!
Janna: ibig mung sabihin, ikaw ang hepe dito?
Marco: oo bakit? Hindi ba halata Mrs?
Janna: * sa isip nya, patay!! *
Marco: cge umuwi na Kayo!! At Ng makauwi na Rin ako..
Janna: maraming salamat ulit sir..
“After 10 seconds”
Janna: a sir Yung Anu po.
Marco: Anu? Wala kana Naman bang pamasahi Mrs?
Janna: Meron pa, nandito pa Yung sukli NG 500 na binigay mo kahapon , gusto ko Lang sanang kunin yang bag NG dalawang Bata.
Marco: ” namalayan nya na NASA kanya pa pala Yung bag” sorry.. Ito na!
Janna: ” mukhang matatawa” NASA balikat pa ksi nito Ang bag na my lamang diaper at gatas. Salamat chief paano bukas ulit!
Marco: Anu?
Janna: biro Lang.. cge aalis na kami.. Renz ,Shai mag ba-bye na kayong dalawa.
Renz: ba-bye po sir pogi..
Shai: bye..
Ang akala nya ay huli na Yun, pero sumunod na tatlong araw ay si Marco parin Ang nag alaga sa dalawang Bata.
* One week later*
Renz: Alam mo ba mommy napanaginipan Kita, sinabihan mo daw ako na mag papakabait ako dahil Mahal na Mahal mo kami ni Shai, at Sabi mo pa na Hindi ko pababayaan si Shai, oo mommy, magpapakabait talaga ako. Mahal n Mahal din Kita mommy, * sabay yakap KY Janna*
Janna: Mahal na Mahal din Kita anak…
Renz: mag work ka ba ulit ngayon mommy, iiwanan mo ba kami ulit dun sa mamang pulis na pogi???
Janna: Hindi anak, day off ko ngayon, nakakahiya na ksi dun sa pulis na Yun, hepe pala nila Yun, nag mukha tuloy akong engot anak..
Renz: anung engot mommy??
Janna: Wala Yun ,anak kalimutan muna Yun.
Ng mga oras na Yun, hinintay Ni Marco, Kung darating Ang babae, naawa Kasi sya rito Lalo na sa mga bata, at na miss nya na Ang mga Ito, Hindi Kasi Ito malikot, at nakakaaliw, day off nya ngayon, pag dumating Ang mga Ito, ay Plano nyang dalhin sa kanila, malawak Ang mansion nila, makapaglaro Ito ng maayos, makakakain Ng masasarap.
Malapit Ng magtanghali pero Hindi Ito dumating Kaya napag dicisyonan nya nalang na umuwi..
*Gabi habang natutulog*
Biglang umiyak si Shai. Kaya agad nya itong kinarga at pinatahan.
Mabuti at tumahan Ito, at nakatulog ulit, badang alas tres Ng madaling araw, bumangon si Renz habang nag sasalita Ng mommy, mommy, mommy, Kaya gumising si Janna, at nakita nya si Renz naglalakad Ng tulog malapit sa pinto, agad syang napatakbo papunta rito, hinawakan niya ito sa braso para Hindi tuluyang makalabas, niyogyog nya Ito sabay sabing:
Janna:Renz anak gising Renz, San ka pupunta??
Kaya gumising Ang Bata at umiyak, sabay yakap sa kanya.
Renz: napanaginipan ulit Kita mommy, umalis ka raw, tapos Sabi mo babalikan mo kami Ni Shai kukunin mo kami at mag sasama na tayo.
Janna: Hindi ako alalis Hindi ko Kayo iiwan, pangako ko Yan, nandito Lang si mommy! Wag mo nang isipin Yun , Tara matulog kana ulit at babantayan Kita, hindi ako aalis sa tabi mo.
Natulog ulit si Renz pero si Janna ay Hindi pa Rin makatulog iniisip nya ang mga sinabi Ni Renz, hanggang sa my narinig syang parang vase na nahulog sa labas..
Kaya agad syang lumabas ng kwarto, pinindot Ang switch Ng ilaw Kaya lumiwanag Ang buong paligid, Maya Maya pa ay nag on and off ito, sabay bagsak Ng litrato Ng kapated nya.
Janna: Jonna Alam Kung nandito ka, Kaya pls patahimikin muna kami, ako na Ang Bahala sa mga Bata, Hindi ko sila pababayaan ,wag muna silang kunin Jonna, mga Bata pa sila, maawa ka sa mga anak mo.
Nagulat ulit Si Janna dahil bumagsak ulit Ang isang Vase sa likuran nya.
Janna: Tama na Jonna, manahimik kana, wag mo na kaming guluhin alang alang sa dalawang anak mo.
Renz: mommy?? Anung ginagawa mo rito sa labas? Sabi mo kanina Hindi ko kmi iiwan babantayan mo kmi habang natutulog?
Janna: Wala anak ah, hinabol...


ko Lang Yung pusa. Tara na pumasok na tayo sa kwarto..
* Kinabukasan*
Paano nato Hindi na naman ako makapag trabaho Wala Naman mag babantay sa dalawang bata, baka sa susunod na araw Wala na kaming kakainin, ayoko Namang mamatay kami sa gutom.
Janna: hmmm Alam ko na,
* Sa check point*
Hindi nakalusot si Janna sa isang pulis, Kaya dinala sya nito sa presento.
Pag dating dun ay agad nyang nakita si Marco, alam nyang mabait Ito, nagulat Ito Ng makitang nakasakay syang sa isang patrol car.
Pag baba nya s patrol car ay agad nakita Ni Janna si Marco, kaya yumuko nalang sya sa subrang hiya.
Pulis: good morning sir, Ito palang babaeng to na nagpa panggap na taga DSWD daw, turn over nya daw mga Bata sa DSWD, baka kidnapper to Ng mga Bata sir..
Marco: dalhin nyo sya s opisina ko,
* Sabay talikod at pumasok sa opisina nya.*
Dinala Naman Ng mga pulis si Janna sa opisina Ni Marco, pati na Ang dalawang Bata.
Marco: Wala ka ba talagang mapag iwanan s mga anak mo?? Napag kamalan kanang kidnapper Mrs. Tumigil kana Kaya sa pag tatrabaho dba abroad naman Ang asawa mo?
Janna: paano nyo nalaman na abroad Ang asawa ko sir??
Marco: sinabi na sakin Ni Renz, NASA ibang bansa raw nag tatrabaho Ang daddy nya, bakit Mrs, naghiwalay ba Kayo Kaya Hindi kana nya sinusuportahan?
Janna: Hindi sumgot..
Marco: Anu na ngayon Ang Plano mo sa mga anak mo, pwede Kang makulong at makasuhan sa ginagawa mo Mrs.
Janna: sir pag hindi ako magtatrabaho mamamatay kaming lahat sa gutom!!
Marco: Tama pala Ang hinala ko, Hindi ka NGA sinusuportahan Ng Mr .mo..
Janna: Tama po Kayo sir .* Sagot Ni Janna habang naka Yuko at umagos Ang mga luha sa mga Mata nito.
Nakita Naman Ni Marco na umiiyak si Janna Kaya lumbas muna Ito.
“Few minutes later”
Nakita Ni Janna na my nag bukas Ng pinto, at pumasok si Marco, my kasama itong dalawang pulis.
Marco: kayong dalawa, Bantay nyo muna Ang dalawang Bata at my pupuntahan Lang kami babalik kami agad.
Pagkatapos ay bumaling sa kanya si Marco.
Marco: sumama ka sakin.
Sumunod sya Kay Marco, tinungo nila Ang parking lot, sumakay silang dalawa sa sasakyan nito at dinala sya si Marco sa isang Mall. Agad silang bumaba Ng sasakyan tinungo nila Ang daan papuntang grocery, kumuha si Marco ng dalawang making cart sabay sabing
Marco: mamili kana Ng mga kakailanganin nyo, mga gatas Ng Anak mo, lahat NG gusto mung bilhin at kainin kunin muna..
Janna: pero wala akong pera.
Marco: wag ka Ng mag alala sa gastos dahil ako lahat Ang magbabayad. Basta tumigil kana sa pag tatrabaho, bantayan mo nalang mga anak mo.
Janna: salamat po, chief..
Marco: * Hindi na Ito sumagot,*
Kumuha na si Janna Ng mga kakailanganin nila, Gatas Ni Shai, pagkain at mga delata, bigas, kunti Lang kinuha nya dahil nahihiya sya KY Marco, pinapanuod Lang sya nito habang nag grocery, pagkatapos ay tinungo na nya Ang counter, at nakasunod sa likuran nya si Marco.
Marco: Ito Lang ba lahat Ang kinuha mo?? Aabot ba to Ng isang buwan Mrs??
Janna: aa.. Oo chief ok na po to!!!
Marco: Po??? Nag mumukha Naman akong matanda nun Mrs, halos magkaedad Lang tayo o baka matanda kapa nga sakin.
Janna: * hmmm ako matanda?? Mrs daw, naku chief Miss palang po ako, * nasa isip Ni Janna.
Marco: Hintayin mo ako dito, sandali Lang ako..
Ang ginawa Ni Marco ay dinagdagan nya Ang mga kinuhang grocery Ni Janna, kumuha din sya NG bigas na NASA pack, karne, hot dog, dinaganan din nya Ang gatas Ni Shai at Renz, Kaya nahihiya na naman si Janna sa mga kabaitang pinapakita sa kanya Ni Marco.
Pagkatapos nilang mag grocery ay kumain muna sila sa isang mamahaling restaurant, pagkatapos ay tumungo na sila sa pulis station para kunin Sina Renz at Shai..
Oscar: ha! Ha! Bro chief ka date mo?
Marco: kaibigan ko !
Oscar: ” sa mahinang boses” kaibigan lang? Naku Ang ganda Nyan, ! O baka galing na nga Kayo sa motel? ” Sabay tawa”
Marco: ang dumi NG utak mo!! Baliw.. hahaha. dyan kana nga!
Oscar: bro chief Teka sandali nag uusap pa Tayo!
Marco: kausapin mo sarili mo!! Mag trabaho kana nga!
Oscar: cge sa susunod na Gabi mag iinuman Tayo, marami Tayong dapat pag usapan, marami ka ksing Hindi sinabi sakin.
” Pero Parang Hindi sya narinig ni Marco”
Pagkatapos ay hinated na sila Ni Marco sa kanilang bahay, hinakot ni Marco Ang kanilang mga pinamili papasok ng bahay, pagkatapos ay inabutan nito si Janna Ng sampung libo..
Janna: ano to?
Marco: para sa mga gastusin nyo.
Janna: Hindi ko matatanggap Yan chief, ok na tong mga pinamili mo, salamat NGA pala sa lahat lahat.
Marco: kunin mo na,!!
Janna: chief Hindi ko talaga matatanggap Yan, subra subra na Ang lahat NG groceries na binigay mo..
Marco: pambayad mo sa kuryente at tubig..
Janna: my tinabi pa Naman akong kunting pera . Salamat nalang..
Marco: Kung ayaw mo Hindi na Kita pipilitin, cge uuwi na ako,..
Sabay talikod ky Janna at sumakay na sya sa sasakyan nya..
Janna: bye, salamat ulit, * sigaw Ni Janna *
Umalis na Ang sasakyan Ni Marco Kaya pumasok na sya sa loob ng bahay, kinagabihan ay Hindi agad sya makatulog sa kakaisip ky Marco,
Janna: subrang bait nya, kahit mukhang snabero, pero higit sa lahat, Ang pogi…….. Hysssss ….. Bakit Kaya sya Ang iniisip ko, hmmm makatulog na nga, pero Sana magkita pa kami ulit…
Nakatulog si Janna , pero subrang sama Ng panaginip nya..
Jonna: kukunin ko na mga anak ko ate, miss na miss Kuna sila..
Janna: maaawa ka sa kanila Jonna, masaya n sila dito, at gagawin ko namn Ang lahat para maging mabuting Ina sa mga anak mo..
Jonna: cge pero sa isang kundisyon ate..
Janna: anung kundisyon Jonna?
Jonna: gusto ko Kayo Ang magkatatuluyan Ni Raymond..
Janna: Anu?? Nahihibang kana ba Jonna? Asawa mo Yun!!
Jonna: Kaya nga ate pakasalan mo Ang asawa ko, dahil gusto Kung Makita na buo Ang pamilya ko.
Janna: Hindi maari Yun Jonna, oo magkakambal nga tayo, pero Hindi ibig sabihin nun na iisa Lang Ang tibok Ng puso natin, Hindi ko gusto si Raymond.
Jonna: mag kamukha tayo ate Alam kung magugustuhan ka Rin Ni Raymond.
Janna: pero Hindi ko sya Mahal, Wala akong gusto sa kanya, Kaya plss Jonna, wag mo na kaming guguluhin..
Jonna: cge Kung ayaw mo,kukunin Ko nalang ang dalawang anak ko..
Janna: wag Jonna pls nag mamakaawa ako sayo,
Umiyak Ng umiyak si Janna, hanggang sa niyogyog sya Ni Renz, nagising Ito Ng marinig Ang iyak nya..
Renz: mommy, mommy,…. Umiyak Rin ito..
Nagising si Janna sa kaka yogyog Ni Renz sa balikat nya..
Janna: anak ,bakit ka umiiyak??
Renz: kasi mommy narinig ko na umiiyak Kasi Kayo e..
Saka pa na alala Ni Janna Ang kanyang mga panaginip, at umiyak din pala sya dahil my mga luha na umagos galing s kanyang mukha.
Janna: anak masama Lang Ang panaginip Ni mommy, pasenya kana, cge na matulog kana ulit, dito lang ako babantay Kita.
Kinabukasan ay pumasok si Janna sa trabaho dahil bumalik na Ang taga bantay Ng dalawang Bata.
Pagdating ni Janna ay umuuwi rin Ang taga bantay Ng dalawang Bata dahil malapit Lang Naman Ang bahay nito sa bahay nila..
Pag uwi nya Ng sumunod na Gabi, 7pm na sya dumating agad syang sinalubong Ng dalawang Bata..
Renz: mommy, Alam mo ba pumunta dito si Sir pogi, dinalaw nya kami Ni Shai..
Janna: kailan?
Renz: ngayong hapon po.. hinanap ka NGA nya mommy, e. Sabi ni ate NASA trabaho ka.
Janna: ganun ba, cge maglaro ka muna dito anak ha, mg bibihis Lang ako, para makapag hapunan na tayo.
Renz: cge PO mommy..
Kinabukasan ng Gabi palabas na sya NG call center Ng biglang makarinig sya NG isang pamilyar na boses,
Marco: Ang tigas talaga Ng ulo mo..
Janna: a.. ikaw pala chief, sorry my nag babantay naman sa dalawang Bata, sayang ksi Ang sahod kung Hindi ako mag trabaho..
Marco: paano Kung my mga kasama ka dyang covid positive paano Ang dalawang bata? Mahahawaan mo sila .
Janna: free covid pa Naman tayo chief e..
Marco: Yun Ang akala mo, my limang cases tayo ngayon Ng covid, isang nurse, dalawang frontliners, isang senior citizen at isang guard malapit dyan sa pinag tatrabahoan mo.
Janna: Lima palang Naman eh!
Marco: Ang limang covid positive pwedeng maka hawa NG isang daan.
Janna: isang daan palang Naman!
Marco: Ang isang daan pwedeng maka hawa NG isang libo!
Janna: isang libo palang Naman, Anu kaba!
Marco: lutang ka Yata ngayon ah!
Janna: anung utang? Wala pa akong utang , pero utang na loob Meron , sayo!!!
Marco: Kita muna, lumabas din Ang ebidensya, mabuti pa cguro patingnan na Kita sa doctor mukhang my sayad kana Yata!
Janna: naku ayuko, dahil Ang sayad pag pinatingnan mo sa doctor ngayon magiging covid Ang kalalabasan nun. Pero Kung ikaw cguro Ang magiging doctor cge!
Marco: anung sinabi mo?
Janna: Wala my sinabi ba ako?
Marco:my sinabi ka eh! Yung huli mung sinabi ngayon ngayon Lang!
Janna: Yung covid?
Marco : Hindi iba Yung narinig ko.
Janna: Wala nga Ang kulit!
Marco: cge na nga ! Tara na ihahated na Kita.
Janna: wag na nakakahiya, paano Kung my covid na pala ako, mahahawaan pa Kita!
Marco: ayos Lang.. Kaya Tara na hatid na Kita!
Janna: * kinilig sa mga sinabi Ni Marco, Ok Lang pala sa kanya Kung my covid ako at mahawaan ko sya?*
Marco: Anu pang hinihintay mo??
Janna: a.. cge na nga !
Pinagbuksan sya Ni Marco Ng pinto, bago pumasok sa sasakyan ,at pag baba nya ay pinag buksan ulit sya nito, sa isip Ni Janna Napaka gentleman na napaka pogi pa, Kaya kinikilig na namn sya.
Marco: Hindi mo ba ako aanyayahang makapag kape man Lang sa loob para makita ko namn Ang dalawang Bata???
Janna: oo nga pala chief mag kape muna Kayo sa loob, Tara na.
Agad syang sinalubong Ni Renz,.
Renz: mommy, my sakit PO si Shai..
Janna: Anu??? My sakit si Shai??
Renz: opo mataas po Ang lagnat nya mommy!
Dali Dali nyang tinungo Ang kwarto Kung Saan si Shai at Ang nagbabantay rito. Napainum na daw Ito Ng gamot, Kaya humina na Ang lagnat nito. Kaya pinauwi na nya Ang Yaya Ng dalawang bata. At Hindi na nya namalayan na NASA labas parin pala si Marco.
Marco: hi Renz, kmusta?
Renz: ikaw pala, sir pogi, hinated mo ba si mommy?
Marco: oo, nagkita kasi kami sa labas kanina..kmusta n Kayo Ni Shai?
Renz: ok Lang po, Kaya Lang my sakit ngayon si Shai .
Marco: kailan Lang sya nag kasakit?
Renz: kanina Lang po.
Marco: saan pala nakalagay Ang kape nyo? Magkakape muna ako, nakalimutan ko ksing mag kape kanina e..
Renz: dito po sir pogi..
Marco: bakit mo pala ako tinatawag na sir pogi? Bakit pogi ba talaga ako? Yung totoo bawal mag sinungaling Ang bata.!
Renz: opo Ang pogi pogi nyo po!!
Marco: kamukha ko ba si James Reid ?
Renz: opo.
Marco: Yung daddy mo pogi din ba?
Renz: opo pogi din po!
Marco: Sino Ang mas pogi saming dalawa ?
Renz: Kayo PO eh.
Marco: * naisip nya bakit pala nya tinanong NG ganon si Renz? * Na co- curious ba sya sa daddy nito Kaya sya nag tanong NG ganon?
Natigil Ang pag uusap nila Ng lumabas si Janna..
Marco:kmusta na si Shai? Oo NGA pala nag timpla na ako NG kape,.
Janna: bumaba na Ang lagnat nya!! Pasensya kana, Hindi na Kita na timplahan NG kape, natataranta Kasi ako kapag my sakit Ang Isa sa mga Bata.
Marco: ok Lang Yun ako nalang Ang nag timpla NG kape, masarap pala Ang kape nyo dito.
Janna: pare parehu Lang Naman Ang lasa NG kape ah. Dependi na Yun sa nag timpla, Kung masarap talaga syang gumawa NG kape, oo nga pala dito kana mag hapunan.
Marco: Hindi ba nakkahiya?
Janna: bat kapa mahihiya e ikaw nga Ang bumili nitong lahat.
Marco: kahit na.
Renz: sir pogi cge na dito kana kumain pls..
Marco: cge dito na ako kakain,. ” Sabay sulyap ky Janna ”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.