0

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 6


Report

ASHARI’S POV
Kasalukuyan akong nagpapaload dito sa maliit na sari-sari store ni Aling Marites. Alas syete na ng umaga. Kaylangan ko na ng load para matawagan ko na ang magbibigay sa akin ng kayamanan ko MWAHAHA!
Karga karga ko ang 500 Milyones ko. Nilalaro laro niya si Winnie the pooh kaya wala siyang pake sa paligid.
“Woww ang cute cute naman ng batang iyan Ashari. Kinidnap mo ‘yan noh, umamin ka.” kita mo ‘tong si Marites hindi lang chismosa, napaka judger din!
“Aling Marites, kung wala ka din namang magandang sasabihin, pwede ba na pakiputulan nalang ng etits yung pusa mong lalaki at paki talian na din ang obaryo ang pusa mong babae para di sila sa bahay namin naglalampungan.” inis na sabi ko bago inilapag ang isang daan at dos pesos kong bayad sa maliit na butas ng tindahan niya.
“Panget talaga ng ugali mong bata ka! Pati pusa ko di mo pinapalampas!” inis din na kinuha ni Aling Marites ang bayad ko. Pagbalik niya, dala na niya ang cellphone niyang de keypad. “O ayan, itype mo na number mo.”
Kinuha ko ang cellphone ni Aling Marites. Ano ba naman ‘tong cellphone niya, di na makita numbers. Burado na. Habang nag t-type ako, nararamdaman ko na nilalaro laro ni 500M ang buhok ko.
“Ano ba ‘tong cellphone mo Aling Marites, kasing tanda yata ‘to ni Enrile e. Jurassic na Jurassic ang itsura.” ibinigay ko na ulit kay Aling Marites ‘yung cellphone niya.
Hindi naman ako sinagot ni Aling Marites. Nagtaka ako kung bakit tahimik siya, pagkita ko, nakatitig siya kay 500 M.
“Parang pamilyar sa akin ang mukha ng batang ‘yan.” sabi ni Aling Marites habang inaabot ang jurassic phone niya. “Parang nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saan.”
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Omygulay! Mukhang mag kakaroon pa ako ng kaagaw sa 500 M ko.
Agad kong itinalikod si 500 M. “Ay pamangkin ko to sa pinsan Aling Marites. Nagkita na kayo dati nung 6 months palang siya.” pag-a-alibi ko.
Nagkunot naman ng noo si Aling Marites. Parang inaalala niya kung talaga bang may pamangkin ako sa pinsan. “Hmm, baka nga, kaya siguro siya pamilyar.”
Nag ring na ang cellphone ko kaya alam ko na naload na ni Aling Marites. Magmamadali pa naman sana akong umalis ng may biglang nagsalitang nilalang na nakasandal sa gilid ng tindahan ni Aling Marites.
“Ashari.” malalim na boses niyang tawag sa akin.
Leche, lahat ng balahibo ko sa katawan nagtayuan ng marinig ang nakakakilabot na boses na’yon!
Huwag kang lilingon Ashari! Huwag kang lilingon!
Nagkunwari ako na wala akong narinig. Maglakad na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat para pigilan.
“Ashari, mag-usap na tayo. Hindi ko sinasadyang lokohin ka. Nangangako akong nagbago na ako at kaya kong patunayan iyon sa’yo.”
YUCK! YUCK! YUCK! AS IN YUCKKKK TO THE MAX!
Siya si Tony Perez, leader ng pipitchuging gangster dito sa brgy namin. Ex ko siya, 5 YEARS AGO!!!
Walang hiyang lalaki ‘to! Ang tagal tagal na nung natapos relasyon namin. 13 years old palang ako non! Hindi pa din ba niya makalimutan ‘yon? Araw araw, walang palya tuwing nakikita niya ako ganyan siya.
Isa siya sa pinaka malaking pagsisi na nangyari sa buhay ko. Napaka tanga ko nung 13 ako at pumatol ako sa gangster wannabe na’to. Kadiri talaga! Ang panget panget niya! Mukha siyang pinya! Kung ma-ibabalik ko lang ang nakaraan, isa siya sa mga taong aalisin ko sa buhay ko nung 13 ako!
“Hehehe, kalimutan mo na’yon. Kilala mo naman ako, isa akong mabuting tao na may busilak na puso. Napatawad na kita, huwag na nating ibalik ang nakaraan okey?” pilit akong ngumiti pero sa loob loob ko, kung hindi ko lang karga si 500 M, e kanina ko pa siya na-upper cut!
“Naku kayo talagang dalawa. Bagay naman kayo e, muling ibalik ang tamis~”
“EWWW. KADIRI KA ALING MARITES.” -sigaw ng utak ko! Pakanta kanta pa siya kaderder lang talaga.
Ngumiti nalang ako kasi ayoko ng pahabain pa to. Kating kati na mga t-bak sa paa ko na umuwi para matawagan na ang genie ko! Ang magbibigay sa akin ng kayamanan!
“Sige uwi na—”
“Hindi, hindi ko matatanggap Ashari, kaylangang magkabalikan tayong dalawa!”
Biglang nag init ang ulo ko! Sa sobrang inis ko, kinuha ko si Winnie the Pooh kay 500M atsaka iyon ipinukpok sa ulo ni Tony!
“Acck, saktan mo pa ako Ashari! Ang sabi nila kapag mahal ka ng isang tao, sasaktan ka! Bilis na, saktan mo pa ako!”
Walang hiyang ‘to!
“Alam mo, kung sakit lang din naman pala ng katawan hanap mo, bakit di ka nalang makipagbardagulan sa mga ka gangster mo? Pinag-iinit mo ulo ko kaaga aga e.”
Hindi ako pinakinggan ni Tony. Biglang nag iba ang aura niya. Bigla siyang nagtaka at napatingin sa buhat kong bata.
“Sino ‘yang karga mo Ashari? Pamilyar siya ha pero ang cute niya!!”
Isa pa’to mukhang magiging kaagaw ko pa nakuu. Akmang pipisilin niya ang pisngi ni 500 M, pero agad kong tinapik ang kamay niya gamit si Winnie the Pooh.
“Wag mo hahawakan 500-este anak ko!” asik ko.
Nanlaki ang mata ni Tony at hindi makapaniwalang pinaglipat ang tingin sa amin ni 500 M.
Itong si 500 M naman mukhang nakaintindi at nakisakay din. “Mamah, yab na yan kita.” sabi niya sabay yakap sa leeg ko.
“ANAK MO?” sigaw ni Tony.
“Anong anak akala ko ba–” pinandilatan ko ng mata si Aling Marites. Itong chismosang judger na’to ilalaglag pa ako e.
“OO ANAK KO. KAYA PWEDE BA TIGILAN MO NA KO. Shoo! Madami pa akong gagawin, magpapayaman pa ako. Byeee!”
Dahil karga ko si 500M, hindi ko na iflip ang hair ko. Umirap nalang ako at nag-martsya na palayo.
Gulat na gulat si Tony, buti naman at ng di na niya ako masundan hmpf.
“Mamha, i yab you.” ito namang living banko ko, nawiwili na! Tsk, baka nakakalimutan niyang hindi ako mabuting tao! Pinag t-tsyagaan ko lang siya dahil kaylangan ko ang 500M.
Di na ako nag I love you too, aba baka masanay e! Maghihiwalay na din naman kami mamaya noh!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay, niring ko ang 454 hotline, mabilis naman itong sumagot.
“Hello?” sabi ng boses na nasa kabilang linya.
“Ah, hello po! Nasa akin si 500M- este Galileo Arthfael Marchese. Paano ko po makukuha ang 500M ko?” wala ng patumpik tumpik pa! Wala ng plastikan pa, pera lang ang mahalaga sa akin dito.
IBIGAY NIYO NA 500 MILYONES KOOO!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay, ibinaba ko muna ang 500 Milyon ko sa sala set.
“Mamha, buhat mo ato.” nagpupumilit siya na buhatin ko pa din siya. Aba, namimihasa na talaga ‘tong batang ‘to ha.
“Saglit lang, tatawagan ko lang ang pamilya mo para bigyan na nila ako ng malaking malaking pera! Diyan ka muna okeh?” nagclick ako ng kamay at kinindatan si 500M. Tumalikod na ako pero umiingit pa din siya. Nagpapabuhat pa din.
Ay nako, mamaya ka na! Mas mahalaga ‘tong tawag kaysa...


sa pagpapabuhat mo.
Kumuha ako ng tubig sa jug at uminom. Syempre dapat fresh ang boses natin. Hindi dapat boses sindikato para di mapagkamalang kinidnap ko anak nila.
Pagtapos uminom, umupo ako sa upuan ng dining table dito sa kusina.
“4…5…4…” niring ko kaagad ang 454 hotline, mabilis pa kisap mata na sumagot ito. Wow ha, mukhang abang na abang sila sa pagtawag ko.
“Hello?” sabi ng malalim na boses na nasa kabilang linya. “Marchese hotline.” pagpapakilala ng lalaking nasa kabilang linya.
Nagtataka ako bakit parang ang ingay doon sa lugar ng kausap ko. Tapos parang umuugong pa yung telepono. Ang sakit sa tenga! Ano ba’yan.
Ay kalma ka Ashari, dapat mabait kang makipag usap okey? Kalimutan mo munang masama kang tao.
“Ah, hello po! Nasa akin si 500M- este Galileo Arthfael Marchese. Paano ko po makukuha ang 500M ko?” char. Ito na ang natural na ako. Hindi na ako babai.
Wala ng patumpik tumpik pa! Wala ng plastikan pa, pera lang naman talaga ang mahalaga sa akin dito.
IBIGAY NIYO NA 500 MILYONES KOOO!
“Are you sure you are with Galileo?” seryosong sabi ng nasa kabilang linya.
“Oo nga, kulit mo.” sagot ko.
“Let me hear his voice.” utos nung kausap ko. Tumayo ako sa pagkaka-upo at patip toe na naglakad sa 500M ko.
Yes naman! Ito na tooooo! Nakikita ko na ang future ko sa pagyaman. Yesssss!
“Mamha buhat.” ayan, nagpapabuhat pa nga po noh.
“Speak ka muna Gali, bilis. Kausapin mo ‘yung nasa phone.” itinapat ko sa tenga ni 500M ang phone ko.
“Henlo? Whot dist?” ang cuttteeee naman ng 500 Million koooo. Ang sarap ipagpalit sa kayamanan ahahaha!
“Confirmed, it’s Galileo!” sagot ng nasa kabilang linya. Parang may kausap pa siya na iba e. Siguro kasama niya.
Napasuntok ako sa hangin! YESSSSS! MAYAMAAANNNN NA AKO!
“So paano ko na nga po makukuha ang 500 Milyon ko?” nakangiting anghel kong tanong habang paikot ikot na ako dito sa salas dahil sa tuwa.
“Bring Galileo at Vintagio Museum later at 10 am. We’ll meet there and we’ll swap him with the money.”
Napatalon ako sa tuwa!!!! YES NAMAN! MALAPIT LANG DITO YUNG VINTAGIO! ISANG SAKAY LANG YON NG TRICYCLE!
“Ok po, noted.” nakangisi kong sagot.
“Siguraduhin mong maibibigay mo sa amin si Galileo, kung hindi, ngayon palang, magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay.”
Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa sinabi nung boses na nasa kabilang linya. Bakit parang binigyan naman na ako ng death penalty?
“O-ok po. Promise, dadalhin ko si Gali. On time mismo!”
“Good. I will call you back at 10 am.” seryosong sagot nito atsaka ibinaba ang tawag.
Napalunok ako at dahan dahang napatingin kay Gali. Nakikipaglaro siya kay Winnie. Ng mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya, ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis.
Bakit parang may parte sa akin na nagsasabing huwag kong dalhin si Gali mamaya?
Aish ano ba ‘tong nararamdaman ko?
Tsk. 500 Million! Isipin mo ang 500 Million ASHARI JENESSE S. FERELL!!!

THIRD PERSON’S POV
Patuloy ang busy at magulong mansion ng mga Marchese. Lahat bangag na at puyat dahil sa magdamag at walang tulugan na pagtutok sa mga incoming calls at information tungkol sa location ni Galileo.
Anong oras na ay wala pa ding tumatawag na maayos na makakapagpatunay na nasa kanila nga ang bata.
Nasa kwarto si Easton Marchese, nag-iisa at nade-depress na sa mga pangyayari. Hindi pa siya kumakain simula ng nalaman niya na nawawala si Gali. Hindi maatim ng sikmura niya na kumain kung naiisip niya na ang anak niya ay baka hindi nakakakain ng tama.
Hindi kasi basta basta ang pagkain na inihahanda para kay Gali. May sarili itong nutritionist at talagang bawat sangkap ng pagkain at gatas nito ay kalkulado at talagang sinuguradong sapat at tama lamang para sa bata. Hindi ito tinitipid sa pagkain, hindi nag gagatas ng mumurahin at hindi din ito pinapakain ng cerelac.
Hindi na alam ni Easton ang gagawin niya. Wala siyang lead sa kung nasaan ang anak niya.
Lahat ginawa na niya. Inutusan na niya ang pinaka magagaling na detective at hunters para lang mahanap ang anak. Pero hanggang ngayon, wala pa din. Hindi din niya alam kung saan hahanapin ito.
Wala siyang magawa kaya nagkulong nalamang siya sa madilim na kwarto. Naka-upo lamang siya sa King sized bed at seryosong nakadaop palad. Halatang halata na ang puyat sa kaniya dahil sa nangingitim na eyebags. Wala pa din siyang ligo kaya ang gulo ng itsura niya.
In short, depress na talaga ang koyang mo!
Kasalukuyan siyang nakikipagtalo sa mga negatibong isipin ng may biglang nagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto.
“SIR EASTON!” nag-angat ng tingin si Easton, halos masilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa labas. “SIR MAY MALAKI TAYONG PROBLEMA!”
Hindi na alam ni Easton kung kakayanin pa ba niya ang maririnig. Problema? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nasa pinaka mahinang kalagayan siya.
“Anong problema?” garalgal na tanong niya sa Caporegime na pumasok sa kwarto.
“Sir, nahack po ng mga Silvia ang hotline natin.”
“ANO!?” napatayo nalang sa galit si Easton. “ANONG NANGYARI? BAKIT NAHACK? AT NG MGA SILVIA PA TALAGA?”
Nasuntok ni Easton ang pader. Ilang beses niyang ibinuhos ang galit doon hanggang sa dumugo ang mga kamao niya.
Wala talagang gagawing maganda ang mga Silvia sa kanila.
Silvia La Familia, ang mortal na karibal ng mga Marchese sa mafian community. Malakas ang kutob ni Easton na ang mga Silvia ang dumukot sa kaniyang anak. For some important reason, they badly want Galileo!
Pero ayon sa pinakamagaling na detective na nahanap niya, wala sa mga ito ang bata kaya naman sa National TV na niya inilabas ang balita para ipahanap ang anak.
“They are on the move. I think they will filter out incoming calls at magpapanggap na Marchese para sila ang makakuha kay Gali.”
Lalong nag-igting ang panga ni Easton!
“Have you tried to hack their system?” asik ni Easton sa kausap.
“Yes Sir, may ilang circumference ang nasasagap namin sa mga nakakausap ng Silvia pero hindi lahat.”
Muling sinuntok ni Easton ang pader. Gulong gulo na ang utak niya.
“SIR EASTON!”
Nag angat siya ng tingin ng isa pang Caporegime ang dumating.
“What is it now?” hindi niya mapakaling tanong.
“Sir, we were able to hack Silvia’s system. Nag leak ang calls nila sa mga tumatawag at nagsasabing nasa kanila si Gali and Sir…”
Inintay ni Easton ang sasabihin nito. “Sir, Galileo is confirmed to be with a girl. Ang mga Silvia ang nakausap niya and they set to meet at Vintagio Museum this morning, 10 am.”
Agad na nabuhayan ng loon si Easton sa narinig. Finally, natukoy na nila kung nasaan si Gali.
However, hindi pa siya dapat magpaka kampante. Silvia ang kalaban nila ngayon at dapat siyang gumawa ng aksyon bilang Second in Command. Lalo na ngayong panahon na nasa ibang bansa ang kaniyang ama na Boss ng mga Marchese.
“Gather your mafian soldiers. Pupunta tayo sa Vintagio, 10am.” ma-autoridad na utos ni Easton.

Writen’s by VictoriaGe


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.