0

Alapaap


Report

Masaya ang bawat pagbangon sa umaga. Nakakahalina ang bawat pagbukas ng mata at masilayan ang napakagandang tanawin na masusulyapan mula sa bintana. Maligaya ang aking puso dahil isang biyaya ang makapiling ka sa bawat segundo ng sandali.

Alas dose ng tanghali, nagmamadali akong makasakay ng bus dahil tiyak na lagot nanaman ako sa aking propesor kung ako ay mahuhuli nanaman sa klase. Mainit at siksikan, nakakairita. Kaya dali dali akong pumasok ng bus at nagbabakasakali na maramdaman ang lamig sa aircon. Nakakadismayang makita na siksikan nanaman at wala na kong oras para maghintay ng kasunod kaya pagtitiisan ko na lang.

Hindi ko inaasahan ang pagtapik mo sa aking braso. Isa kang ginoo na may mabuting puso. Hinayaan mo akong umupo sa pwesto mo. “Thank you”, sambit ko, na mahinhin ng kaunti.

Unang pagkikita pa lang natin ay napukaw mo agad ang aking atensyon. Nakita ko rin sa ID mo na sa kalapit school ka lang pala nag-aaral, swerte! Gusto pa kitang makilala.

Noon, di ako naniniwala na sa unang beses ay imposible ang mahulog sa isang tao. Di rin ako makapaniwala sa aking sarili at hinanap kita ng parang baliw, hindi kasi malinaw ang pagkakatingin ko sa ID mo.

Hanggang sa inaabangan na kita lagi sa pagsakay ng bus, tumititig sa school niyo, at umaasa na makita kang muli. Noong una, hinangad ko lang na makita ka dahil gusto kong magpasalamat ngunit parang masyadong mababaw ang dahilan ko na iyon, imposible pero totoo! Iba ang naramdaman ko nung araw na...


iyon.

Lagi akong nagdadasal na makita sana kita ulit dahil tatlong buwan na ang nakakalipas ay hindi pa rin ulit kita nakikita. Hanggang sa inalok ako ng kaklase ko na magkaroon ng blind date, sinubukan ko. Para lang mabaling na ang atensyon ko sa iba.

Hala! Si—ya yon! sabi ko sa kaklase ko. Labis akong natuwa! Syempre di ko na pinalampas ang araw na yon.

Nagkwentuhan kami ng matagal at nakilala namin ang isa’t isa. Sobrang saya ko. Naging dahilan siya ng muli kong pagkabuhay.

Lagi na kaming lumalabas at palaging nagsasalo sa kwentuhan. Nagtataka ako palagi kung bakit palagi siyang nakajacket kahit mainit, di ko pinapansin pero naccurious ako. Tinanong ko siya. Ang sabi niya lang ay gusto niya ang temperatura ng mainit. Pero habang nakatitig sa mata niya ay parang may iba itong sinasabi.

Lumipas ang maraming linggo. Hindi kami nagkita. Walang paramdam, walang paalam.

May depresyon pala siya.

Pinuntahan ako ng mga kaibigan niya para malaman ko ang sitwasyon niya. Pinuntahan ko siya sa kanila at naabutan ko ang pagod na pagod na isang ginoong may maamong mukha ngunit may tinatagong hirap.

Kinumbinsi ko siyang pumasok ulit. Tinulungan ko siyang bumalik ang dati niyang kaligayahan. Lagi ko siyang pinagdadasal at hinihiling na mas maging matatag pa siya.

Hindi man kami sabay na nakapagtapos sa parehong taon, humabol siya at pinangako na aayusin ang buhay niya para na rin sa magiging pangarap namin.

Unti-unti kaming nakaahon at masayang magkasama hanggang ngayon.

Tunay nga na alapaap ang pakiramdam ng taong tunay na umiibig.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.