0

Ako Naman Kabanata 4


Report

DahiL sa nangyare sa amin ni Mikmik ay naging MortaL Enemies kame!
Kung Maldeta sya.. Mas Maldeta ako.!
Di na kme nagpapansinan ..
Di na kme nag uusap..
Eh ano nman?
Pagkatapos nya ko sabihang PATAYGUTOM..
Tingin nya Babatiin ko pa sya..
Pinagbati nga kme pero sa Puso ko itinuring ko na syang kaaway..
SimuLa nun.. Di na kme nagLaro..
Pati si Totoy.. Di na alam kung kanino sasama..
Kung sa akin ba o Kay mikmik..
Pero wala na ko dun..Bahala si Totoy kung sino ang gusto myang makasama sa amin ni Mikmik..
Mahirap Lang din ang buhay niLa Totoy.. KatuLad lang din namin…
“Marya?? “twag nito sa akin isang araw habang nakikita nyang mag isa akong naglalaro sa bakuran nmin..
May hawak itong planggana ..
“Bakit?? Saan ka galing?? ” tanong ko.. “bakit ka may planggana?? ”
“naghatid ako ng isda kela kap..”, sagot nito..
Tiningnan ko si Totoy ..kahit may kaitiman ito dahiL nasunog na ang balat sa araw s pagsama sa laot umaga gabi ay di mapagkakailang gwapo ito..
“Sumama ka pla sa tatay mo sa pagLalaot? “tanong ko.
Tumango ito..
“Malapit na pla graduation mo.. “,sabi nito
Tumango ako saka ngumiti .
“Manonood ako “, sabi nito na ikinatuwa ko .
Magsasalita na sana ako kaso ang malanding si Mikmik ay nagmamadaling kumapit sa kamay ni Totoy ..
“Toy?! Kanina pa kita hinahanap.. Andto ka lng pla “,sabi nito sabay tingin sa akin ng masakit ..
Napataas ang kiLay ko.. Akala nya maganda sya.. Para syang pugita !
“Basta toy ha??Yung sinabi mo ha?? Tuparin mo? “saka matamis na ngumiti..
Sinadya ko yun para asarin si Mikmik.. Alam ko kseng may gusto sya kay totoy eh..
Agad hinila ni Mikmik si Totoy palayo..
“Anong tutuparin mo? “narinig ko pang tanong ni Mikmik kay totoy..
Masaya akong pumasok sa bahay..
Pangiti ngiti pa akong tumabi kay tita at nagLambing..
“tita?? Sasali po ako sa lahat ng intermission sa graduation nmin “, msaya kong sabi dto..
Nagulat nman si tita sa sinabi ko dahiL d nman talaga ako sumasali sa mga ganun ..
“bakit anong nakain mo at sasali ka? “tanong ni tita sa akin..
Tumawa ako ..
“gusto ko lng po maipakita ang talent ko sa baryong to “,
Pero ang totoo.. Gusto ko lng magpa impress kay Totoy…
Syempre panunuurin nya ko e..
Tumango si tita kaya mas lalong lumapad ang...


ngiti ko..
Nung nagtanong si Maam Siony Sa amin kung sino sino ang sasali sa mga internission ay agad akong nagtaas ng kamay…
“Sge Marya.. Sali ka “,
“Sasalihan ko po Lahat Maam “, sabi ko..
Lahat na kinarer ko na..
Sumali ako sa Dula dulaan..
Sa Tula
Sa sayaw na pearly shell ..bulaklak.. Spagitte..
Basta limang sayaw ata yun ang sinalihan ko..
Pti nga folk Dance na pantomena.. Pinatos ko pa..
Pati sa kanta.. Di ko pinalagpas.
Masaya akong umuwe ng bahay para sabihin kay tita at tito na sumali ako sa intermission namin…
Kumakain na kme ng hapunan..
“tito.”. Basag ko sa katahimikan ..
Agad umangat ang tingin ni tito at tiningnan ako..
“Sumali po ako sa mga palabas ng graduation namin.. “,
Nakita kong natuwa si tito..
“opo.. Kaya magpapractis na po kme sa bahay ni Maam mula bukas “, paalam ko.
“eh anong oras? Baka mamaya gabi ka na uuwe.. Di pwede delikado sa daan “, sabi ni tito..
“Uuwe po ako agad “,
Nakita kong tumango si tito..
Masaya akong pinagpatuloy ang pagkain.. Nang bigla akong may naalala..
“Ate Esang.. Gawin mo mga costume na gagamitin ko aa. “, pang iinis ko dto…
Nakita kong sumimangot si ate..
“Tita.. Ayaw ata ni ate “, sumbong ko agad.
“gawan mo na Esang.. Patulong ka nLang kay Long at Boboy “, sabi ni tita..
“Opo tita “, narinig kong sagot ni Ate kay tita..
SimuLa nung araw na nag away kme ni Mikmik ay minsan ko nlng asarin si Ate.. Yung asar ko napunta na kay Mikmik..
NagsimuLa na ang praktis..
Nakita ko namang matyagang tinatahi ni aye Esang ang mga damit na susuutin ko.. Pinaghirapan nyang paghiwa hiwalayin ang hibla ng sako na gagawing palda para sa sayaw na Pearly shell ko..
Pawis na pawis ang noo nito at naawa ako kay binilhan ko sya ng softdriks kela ate Nenet..
“Oh. Inom ka muna “, sabi ko sa kanya..
Nakita kong ngumiti si ate.. Saka agad inabot ang basong bigay ko at mabilis na nilagok ang laman..
“Msarap? “tanong ko..
Tumango ito “,
“Salamat Marya ” sabi nito.
Pangiti ngiti akong pumasok sa loob ng bahay..
Di alam ni ate.. Yung perang pinambili ko ng sofrdrinks na ininom.nya ay ang perang nakita ko sa damitan nya..
Napatawa ako ng malakas.
Tiyak uusok na naman ang ilong ni ate sa galit sa akin
-itutuloy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.