0

Ako Naman Kabanata 25


Report

Pagkatapos ng masayang Birthday Party ni Tito ay nagpasya na kong magpalipat sa ospitaL ng bayan namin .
Anjan na rin nman si Ate Esang para magbantay kay Tito..
Sa ngayon gusto ko na munang lumayo sa baryo kung saan saksi ito sa totoong pagmamahal ko para kay totoy…
Isang taon na rin mula ng maghiwalay kme ni totoy pero andun parin ang sakit…
Sariwa padin ito at tila wala na ata talagang balak pang gumaling ..
Napabuntong hininga ako..
Mag to twenty four na ko sa sunod na linggo.. Pero wala akong balak mag selebret ng birthday ko…
Dito ako nakituloy sa boarding house ni Kuya Long habang nandto ako sa bayan..
Ok Lang nman kse malaki ang boarding house saka wala din nmn palagi si Kuya..
Nasa trabaho ako ngayon at busy sa pagsusulat.. Nakakunot ang noong seryuso sa pagsusulat ng mga records ng pasyente…
“Marya??? “twag ni Tom sa akin..
Di ko sya pinansin… Naiinis na ko sa kanya dahiL lagi nLang sya nagpapalipat khit saan ako nakadesitino..
Saka nakukulitan na ko sa kanya..
“Nako..! marya paLa ang masungit na nurse na yan.. ”
“Di man Lang marunong ngumiti ”
“Pinaglihi ata sa sama ng Loob.. ”
“Maganda pa naman sana “,
Rinig kong mga buLungan ng mga pasyeteng nandun..
Tiningnan ko siLa saka pinagtaasan ng kiLay..
“pangtusukin ko kaya ng injectiong may lason tong mga to “, bulong ko. saka napangisi ako..
DahiL sa...


ginawa kong pag ngisi ay magsi alisan sila saka yung iba ay umiwas ng tingn..
Magaling..
Parang narinig ata nila ang sinabi ko..
“Marya “, tawag ulit sa akin ni Tom..
Tiningnan ko sya. Di ko sya sinagot dahiL tinatamad akong kausap sya..
Ngumiti ito..
“BIRTHDAY KO NGAYON! “msayang saad nito…
Tinaasan ko lng ito ng kilay..
“eh ANO NMANG PAKI KO? “mataray kong tanong..
“talaga birthday mo doc?? “sabat ng isang nurse na nandun..
Masayang tumango si Tom.
“At mamaya.. Magpapainom ako “, sabi pa nito…
“saan doc?? “tanong agad ng isa sa mga nagtutumpokang mga nurse dun sa desk..
“sa bahay Lang… Malapit Lang dto.. “, sabi ni Tom.
DahiL wala akong balak pumunta ay di na ko nagpakita pa ng interes..
“Marya.. Punta ka “, sabi nito..
Nakatingin sa akin ang mga kasamaahan ko ..
Tila inaantay ang sagot ko..
Tumingin ako sa mga mata ni tom.. At nakita kong nakki usap ito..
Pero di nya ko madadala sa kaartihan nya.
“Ayaw ko !” mataray n sabi ko saka mabilis na umalis..
Ano nmang paki ko kung birhday nya. Tse!
Hanggang sa pag uwe ko ng gabi ay di ko na nakita pa si Tom..
Napangiti ako..
Sa wakas wala ng asungot para ngayong Araw..
Masaya akong naglakad pauwe.
Pero nguLat akon ng makitang nasa boarding house namin si Tom. At kausap si Kuya Long…
-itutuloy
Parang ayaw ko ng ituloy..
Natatamad na ko 😭


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.