0

Ako Naman Kabanata 26


Report

Napasimangot ako ng makita ko si Tom ..
Pero d ako makapagsatsat dahiL anjan si Kuya Long..
Ayaw kong pagalitan ako ni Kuya Long..
Dederetso na sana ako sa kwarto para magbihis ng tawagin ako ni Kuya Long..
Huminto ako ..
“Bkit po Kuya? ”
“pinagpaalam ka ni Tom sa akin.. Kung pwede ka daw pumunta sa birthday nya.. ”
“Ayaw ko po kuya.. Masakit po ang uLo ko ngayon “pagdadahiLan ko..
“Wag ka na magpalusot Marya.. “, buking ni kuya Long sa akin “wala ka nmang boyfren e kaya ok lang mag enjoy ka kahit paminsan minsan”
DahiL sa sinabi ni Kuya Long ay mas lalo akong naasar kay Tom ..tumingin ako kay Tom at nakita kong ngumiti ito..
Nainis lang ako Lalo..
Pero wala na kong magagawa..
Kaya pumayag na ko ..
“basta dapat bago mag 8 naibalik mo na ko dto “, sabi ko kay Tom..
Tumango ito
Nagbihis na ko..
Isang pantalon at Fit na black t. Shirt. Di na ko nag abala pang mag ayus ..
Sino ba sya para magpaganda pa ko..
Paglabas ko ay masaya nagpaalam si Tom kay kuya Long… Hinawakan ako nito sa kamay pero agad ko ding hinila ang kamay ko.. Ayaw kong makipagholding hands s kanya..
Sumakay kame sa motor nyang nakaparada sa labas ng bahay..
At maingat na pinagdrive ito ni Tom papunta sa kaniLa ..
Pagdating namin dun sa bahay ay maingay na agad ang maririnig mo sa labas..
Tila may party. Party.. Malakas na tunog ng speaker..
Nakita...


kong nandun na ang mga ilang katrabaho namin..
“Marya.. Ipapakilala kita kela Mommy at Daddy.. “, sabi ni Tom sabay hiLa sa akin.. Hawak nito ang palad kong pinagsakop ng mga palad nya..
Pinakiramdaman ko kung may kuryente bang dadaloy sa kamay ko tulad ng kuryenteng dumadaloy sa twing hahawakan ako ni Totoy pero wala talaga..
Nagpahila ako kung saan nakapwesto angga maguLang ni Tom..
“Mommy ..Daddy “, tawag agad ni Tom kht malayo pa kme..
Agad lumingon sa amin ang mga maguLang ni Tom.. At Ngumiti ito..
“Oh anak.. Ito na ba yung sinasabi mong babaeng gusto mo? ” tanong agad ng Mama ni Tom pagkalapit nmin ..
Kahit gustong gusto kong sumimangot ay pinigiLan ko..
“Opo Mommy.. Si Marya.. “, masayang sagot ni Tom..
Tumingin sa akin ang mommy ni Tom saka ngumiti..
Ngumiti din ako dahil ayaw ko din nmang maging bastos sa magulang ni Tom..
“eh kelan mo ba sasagutin tong anak ko? “tanong pa neto..
“binasted ko na po “nabigLa din ako sa sagot ko..
natahimik ito..
“Bigyan mo nman ng pagkakataon ang anak ko “, sabat nman ng papa ni tom ..
Ngumiti ako khit napipilitan. Pero d ako tumango..
Ayaw ko silang umasa..
“Wag nyo nman pong ipressure si Marya “,saway ni tom.
Saka nagpaalam na itong pupunta na kme sa table ng mga katrabaho namin..
Pagdating dun ay umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi pa sa akin si Tom..
Masaya silang nag uusap usap samantalang tahimik lang akong nakikinig sa kaniLa..
-itutuloy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.