0

Adopted the Billionaire Son chapter 02


Report

Tahimik lamang akong nakasandal sa pintuan ng aking silid. Habang nakatingala sa agiwin kong kisame na ilang taon kunang hindi na lilinis dahil naging abala ako sa pag hahanap ng trabaho.
Dahil kinakapos na ako sa aking pa ngangailangan sa aking pang araw araw.
“Aaahh!!” Narinig kong sigaw ng babae na parabang hirap na hirap ito.
Kaya napatuwid naman ako ng tayo, dahil sa narinig kong sigaw ng babae. Na sinabayan pa ng nangangalit na kulog at kidlat.
“Sige pa iha kunting tiis nalang. Malapit nag lumabas ang anak mo.” Sabi naman ni nanay Suraya.
Ito kasi ang unang taong tinawag ko para tulungan ako. Dahil sa manganganak na nga iyong babae.
Dati kasi itong kumadruna na nag papaanak ng libre sa mga taong walang pang bayad sa hospital.
At katulad nga ng sinabi ng babae na dalhin ko siya sa bahay ay ginawa ko.
Dinala konga siya dito sa aking munting bahay na minana ko pa sa aking mga magulang na halos mag kasunod lamang na pumanaw.
Kaya naman sa gulang na labing anim, ay namuhay na akong mag isa. Sa gabay narin ni nanay Suraya na isang matandang dalaga.
At makalipas nga ang ilang sandali, ay narinig ko na ang isang malakas na iyak ng isang sanggol. Kaya naman agad akong pumasok sa aking silid. Kung saan na nganak ang babaeng iyon.
Napatingin naman ito sa akin ng makapasuk ako. Pero sandali lamang iyon dahil na pako ang tingin nito sa kanyang anak na umiiyak sa kamay ni nanay Suraya.
Napangiti naman ako ng makita ko ang isang malusog na sanggol na lalaki.
“Inno punasan mo na siya at ng mapalitan na ng tuyong damit.” Utos naman sa akin ni nanay Suraya.
Agad naman akong tumalima, dala ang isang maliit na palanggana na may maligamgam na tubig. At isang malinis na labakara ay pinunasan ko ang maputik na katawan ng babae.
At tumambad sa akin ang katawan nitong puro sugat at mga pasa.
Bigla ko naman na alala iyong babaeng bumangga sa akin kanina.
Lalo na na’ng makita ko ang bakal sa palapulsuhan nito na nag mistulang pulseras niya.
May mga sugat narin namang gumaling na, at mukhang ma lalalim ang pag kakasugat ng mga iyon. Dahil narin sa mga peklat nitong nag mistulang nauka sa kanyang balat.
At sa itaas na bahagi ng taenga sa kanyang ulo. Ay may mahabang peklat pababa sa kanyang batok.
At talagang maaawa ka kong makikita mo ang etsura nito sa kapag malinis na.
Hindi ko lunos maisip kong anong hirap ang punag daanan nito sa kamay ng kung sino para sapitin niya ang ganitong kalagawan.
Halos masuka naman ako ng mahawakan ko ang sugat nito sa kanyang paa. Dahil lumubog ang isa kong dalire. Pero pinilit ko paring tapusin ang pag pupunas ko sa kanya. Kahit gusto ng bumaliktad ng sikmura ko dahil sa hindi na kanais nais na amoy ng sugat nito sa paa.
At makailang palit narin ako ng malinis na tubig para pang linis sa mga binte nitong maraming sugat.
At na’ng matapos ko na itong linisan a pinalitan ko naman ito ng malinis na damit.
Nagulat pa ako ng may makitang malaking peklat sa likuran nito.
Ano ba ang kasalanan ng babeng ito? Bakit subra naman yatang pag papahirap ang dinanas niya.
Pag katapos ko itong bihisan ay...


pinusod ko ang mahabang buhok nito na mukhang hindi na nadadampian ng tubig at shampoo. Dahil sa tigas nito.
Wala naman akong natinig ni isang reklamo mula sa kanya. Kahit pa na gagalaw ko ang mga sugat nito.
Siguro ay manhid na ang katawan nito sa sakit, dahil sa hirap ng dinanas nito.
“Kay gwapong bata naman ng anak mo iha.” Nakangiting sabi ni nanay Suraya.
Napatingin naman ako sa babae. Nakita kong ngumiti ito ng maiabot ni nanay Suraya ang kanyang anak.
Agad niya itong hinagkan at hindi na niya napigilan pang umiyak.
“Patawarin mo ako anak.” Mahinang bulong nito sa kanyang anak na nakatingin lamang sa kanya.
“Ano palang pangalan mo?” Tanong ko sa babae.
Napatingin naman ito sa akin sandali pero nanatiling tikom ang maputla nitong labi.
Napatingin naman ako kay nanay Suraya na napapailing. Dahil hindi sinagot ng babae ang tanong ko.
“Wag kang mag alala iha, mapag kakatiwalaan mo kami ni Inno. Kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo ay na iintindihan namin iyon.”
Sabi naman ni nanay Suraya habang nag liligpit ito ng mga gamit niya.
Pero nanatili paring tahimik ang babae na mahigpit na hawak ang kanyang anak.
Kaya naman pinabayaan na lamang namin ito.
“Salamat po nanay at pasensya napo sa abala.” Sabi ko kay nanay Suraya.
Na’ng ihatid ko ito sa.labas ng bahay ko.
“Wala iyon anak, tawagin mo nalang ako kung may problema sa mag ina ha?”
Bilin pa nito bago binuklat ang kanyang payung.
Hindi pa kasi tumitigil ang ulan.
“Sigi po mag ingat po kayo.” Sagot ko naman.
“Ikaw na ang balaha sa mag ina Inno ha? Yung mga bilin ko.” Pahabol pa nito bago tuluyang umalis.
“Opo!!” Sigaw ko naman at agad sinarado ang pintuan.
At diretso akong nag tungo sa kusina, para ipag luto ng noodles yung babae.
Para naman mag kalaman ang tiyan nito. Dahil mukhang hindi pa ito kumakain katulad ko.
“Hhmmm…Hmmmm.”
Napatigil naman ako dahil sa natinig ko. Na’ng mapadaan ako sa aking silid kong nasaan iyong babae.
“Hhmmm…Hhmmm.”
Narinig kong sabi ng babae, habang marahan nitong inuugoy ang kanyang anak na nasa kanyang mga bisig na nag mistulang duyan.
Kawawa naman silang mag ina, at dinadanas nila ang ganitong buhay.
💚 Sakabilang dako 💚
“MGA INUTIL!!!
ISANG BABAE LANG ANG PINAHAHANAP KO HINDI N’YO PA MAKITA SA DAMI N’YONG IYANG MAG P*TANG*NA KAYO!!!”
Galit na sigaw ng babae sa mga kalalakihang nakahilira sa kanyang harapan.
Lahat ng mga ito ay nakayuko at niisa ay walang gustong mag salita.
“Madam masyado pong malawak ang-
Isang putok ng baril ang nag patigil sa pag sasalita ng lalaki.
Ganoon nalang ang takot ng iba pang mga kalalakihan ng makita nilang bumulagta nalang sa harapan nila ang lalaking tinangkang mangatwiran sa babae.
May tama ito ng ulo sa noo na ikinamatay nito ng dilat ang mata.
“SINO PA SA INYO ANG MAG REREKLAMO NG MAPATAY KO NA?!!”
Galit na sigaw ng babae sa mga kalalakihan.
Wala naman sumagot dahil sa takot nilang matulad sa lalaking walanang buhay na nakahandusay sa harapan nila.
“KAHIT SAANG LUPALOP KAPA NG MUNDO MAG TAGO JERISH MAHAHANAP AT MAHAHAMAP PARIN KITA!!!”
Galit na sigaw ng babae.
💚 A/N: Pasensya na na tatagalan ang pag UD ko dahil wala po akong sariling cp pang UD 😂😅


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.