0

Act of Valor or Act of Rebellion


Report

Isinulat ni : dhenice
Patayin ang lahat ng hangal na yan sigaw ng isang lalake sa mga kawal.. wala ni isa man ang dapat matira yan ang ipinaguutos ng leader na si Akaido..
Kaya dali-dali nagsisunuran ang mga kawal. Lahat ng mga tao doon ay walang awang ginigilitan ng leeg. Pinuputulan ng ulo. Sinasasak ng paulit-ulit. Halos nagkalat ang mga bangkay at amoy na ang lansa sa paligid. Nakakaawang pagmasdan ang mga taong pinapatay. At winawak-wak ang ulo at kunin ang utak.
Nasaksihan lahat iyon ng batang babae. Nagsusumiksik ang bata sa gilid ng lamesa. At piliit na pinagkakasya ang katawan. Ngunit kahit anong tago niya nasilayan parin siya ng lalakeng ito. Bago pa siya nakasigaw may pina Amoy ito sakanya na ikinawala niya ng malay.
Sino ba si Akiado, isang half Pinoy half Japanese business man na walang puso at isang ganid na tao. Walang ibang inisip kundi ang pan sariling kaginhawaan.
Bukod sa pagtayo ng mga establishamento,may isa siyang sariling laboratoryo na kung saan ang utak ng tao ay nililipat nila sa isang robbot para ibenta sa ibat ibang bansa.naniniwala kasi sya na mas mabilis maprogram kung Utak ng tao ang gagamitin nila sa mga robbot.
Lumipas ang maraming taon naiba na ang bayan ng Servantes. Ang mga dugong nagkalat dahilan pagpaslang at mga gutay-gutay na katawan ng tao ay wala ng bakas. Bagkus mga naglalakihang estblishamento nalamang.
Nag-sasanay si Zhey. Isa na siyang ganap na robot pero ang balat nito at katawan ay naiiugnay tulad ng sa isang tao sinasanay ang mga tulad nilang robot para ibenta sa ibat ibang bansa upang gawing mga asasin.
“Itama mo sa gitna. Ayusin ang paghawak ng baril,” turo ng Gavino kay Zhey isang miyembro na kung tawagin ay “Madella Venteta”.
Sumunod naman ang tinawag na si Zhe. Pagka kalabit sa baril diretso ang bala nito sa sentro ng isang bilog na papel basehan na tumama ang bala sa gitna.
Pumalakpak si Akaido habang papalapit sa dalawa. Hindi magkamaliw ang kanyang kasiyahan sa nakikitang improvement ng robbot na ito.
“Magaling Gavino! isa ka talaga sa pinakamagaling na tagapagsanay sa mga robot na tulad nila, dahil diyan may bonus ka pag naibenta na yang si Zhey.”
Napangisi naman sa tuwa ang tinawag na Gavino. Galante ang kanyang amo alam niyang tutuparin nito ang kanyang sinabi. Mas ginugusto kasi nito na tao ang nagtuturo sa mga robot kumpara sa kung lalagyan ito ng sariling systema or disket para i-program.
Ito ang kaibahan ng Madella Vindeta kumapara sa ibang mga kumpanyang gumagawa ng mga Robot.
Samantalang napatiim baga naman si Zhey,nagtataka siya sapagkat nakakaramdam siya ng inis at galit sa lalakeng dumating. gustong-gusto niya itong paputukan ng baril sa ulo. Magiging kasiyahan para sakanyang makita ang sabog nitong ulo.
Sa lahat ng mga Robot si Zhey ang naiiba dahil may mga damdamin siyang hindi dapat para sa mga Robot. Minsan naiisip nya baka nagkamali ang mga taong lumikha sknya kung kayat nakakaramdam siya ng kawangis sa isag tao.
Isa siyang Robot pero bakit ganito nalamang ang tindi ng pagkainis niya sa Lalakeng kaharap, sumisidhi ang pagkamuhi niya sa matandang ito.
“At ikaw Zhey galingan mo pa para mapakinabangan na kita. Malaki din ang nagastos ko sayo para magawa ka. Kaya wag na wag papatay- patay,” naka ngising turan nito.
Tumingin lamang si Zhey dito na parang walang narinig. Isa nga pala siyang Robot kaya dapat wala siyang emosyong nararamdaman.
Nagtataka man sa kanyang sarili nagsawalang kibo nalamang siya. maya-maya dadalhin nanaman sila sa laboratoryo upang mag dag-dag ng piyesa.
Bawat kasi aktibidad na kanilang ginagawa ay sinasave iyon sa memory ng computer na nakalakip sa kanilang likod para di na hirap mag program pa ang mga taong bibili sa kanila.
Sa laboratoryo bawat robot may naka assign na isang scientists, si Leandro ang naka assign sakanya. Isa sa pinakamagaling na scientist sa Madella Vendeta Company (MVC).
Nais man niyang itanong sa matanda bakit may mga bagay siyang nararamdaman gayun pa man siya ay isang robot. Tinawag siya ni Leandro dahil may ilalagay daw ito sa kanyang likuran.Isang disc na kung saan duon nakasave ang system na kanilang gagawin. Isa lang ang gusto niyang gawin ang patayin si Akaido.
Samantalang Umuwi ang nag-iisang anak ni Akaido si Riyota. Walang kaala-alam ang binata sa kung anong lihim ng kanyang ama. Pumarada ang puting limusin sa loob ng bahay nila Akaid. Si Rhiyota tinaguriang anak ng “Kanemochi no jitsugyoka” ibig sabihin mayamang businessman.
Ang daming bisita ng mga araw na iyon malamang mga kasama ng kanyang ama. Mga business taikun yung iba dito. Pakiwari niya mauumay nanaman siya sa samut saring mga tanong sakanyan. Di naman kasi talaga siya mahilig sa ganito. Ang kanyang Ama lamang ang makulit.
Nilibot niya ang kanyang Mata sa kabahayan,marami na talaga nag nabago dito. Ang dating simpleng tahanan nila ngayon ay masasabing mansiyon na. Napakagaling talaga ng kanyang Ama.
Wala naman kasi siyang kaalam alam sa mga maitim na aktibidad ng kanyang ama kung kayat bilib na bilib din siya sa mga achievements nito.
Samantalang abala si Leandro sa pag aayos ng mga gamit ng mapalingon siya kay Zhey na nakapikit. Napabuntong hininga siya. Naalala niya paano niya nilika ang robot na ito. Iniba niya ito sa lahat kung ano man ang kanyang rason siya nalamang ang nakaalam nito.
Nilapitan niya ang robot na si Zhey may pinindot siya sa likod nito. May ikinabit nanaman kasi siyang bagong piyesa.
Tumitig si Zhey kay Leandro, marami siyang nais itanong dito alam niyang may kakaiba sknya bilang Robot. Kaya hindi na niya papalagpasin ang pagkakataong ito.
“Ikaw ang maylikha sakin? Tanong niya dito.
“Bakit may mga pakiramdam ako na hindi nauugnay sa isang robot? Muli niyang tanong.
“Marami kang bagay na hindi mauunawaan. Ang dapat mo lamang gawin ay mag sanay ng magsanay.” Tanging sagot nito sakanya.
Nalilito man pero tinikom na lamang niya ang kanyang bibig dahil sa mga bagay na ito alam niyang wala siyang makukuhang mga sagot.
Si Riyota sa silid na malapit sa kanyang kuwarto ay may katabing silid na nagsisilbing opisina ng kanyang ama pag ito ay nasa bahay lang.
Pumasok siya dito at nagmasid. Lahat may japanese feature hati man ang nationality ng kanyang ama pero mas nangingibabaw dito ang pagiging japanese.
Pumukaw sakanyang mga mata ang Papel na halatang bagong print pa mula sa computer nito nakalagay sa lamesa . May nakasulat na logong MVC.
Napatingin siya sa lahat ng mga robot na andun pero may isang robot na umagaw ng kanyang pansin. Kung iyong sisiyasatin napakagandang Robot nito. Malalaman mong mga robot sila base sa kanilang mga suot na yari sa metal ngunit labas ang kanilang mga mukha. Para itong mga clone dahil balat ng tao ang mga mukha nito pero ang mga suot nila ay yari sa metal.
Nagulat si Akaido na hawak nito ang papel na dapat ay hindi nito makita.
“Oh anak hinahanap ka ng iyong Ina,” agaw nito
ng attention .
Hindi naman siya nagkamali binitawan nito ang papel at lumabas ng silid. Pakita kana muna sknya Anak at susunod ako sabi nito.
Pagkalabas ng Anak dali dali nyang nilagay sa attachicase ang papel na iyon. Kinandado ito at sabay pag labas ng pinto.
Si Zhey alam niyang may nililihim sakanya si Leandro aalamin niya ito. Alam niyang hindi siya basta basta robot dahil. May damdamin siya at isa pa masyadong matalas ang kanyang pag iisip. At ito ang kanyang aalamin.
Tinaon niyang walang tao sa lugar gabi na nuon ng mapagtantong lahat ay umalis na pinasok nya ang opisina ni Leandro. Sa kanyang pag hahalungkat nahulog sa sahig ang isang Litrato , si Leandro nakaakbay sa isang lalake alam niyang si Leandro ito kahit bata-bata pa base sa nunal na nasa pisngi nito.
“Sino ang lalakeng ito? tanong ng kanyang isip bakit kinakabahan ako ng makita ko ang litratong ito muli niyang naisip. Nasa ganun siyang situation ng may narinig siyang kaluskos na tila ba ay may tao kung kaya’t dali-dali siyang lumabas at bumalik sa kanyang puwesto.
Pero nakuha na niya ang Litrato at bukas na bukas din itatanong niya ito kay Leandro familiar kasi ang mukha ng lalake sa litrato. Malakas ang kutob niya may kinalaman ito sa kanyang mga nararamdaman.


/> Kinabukasan, muli niyang nilapitan si Leandro ipinakita niya dito ang Litrato. Gulat na gulat ito nanlaki ang mga mata nito.
“Saan mo nakuha ito? nakielam ka sa gamit ko!” Galit nitong tanong.
“Alam kong kaiba ako sa lahat at alam kong alam mo iyon gusto kong malaman ang totoo. kung sakali anong rason mo para ibahin ako sa lahat ng experimento niyo dito!” May diin sa kanyang pag kakasabi.
Tila wala na siyang kawala sa babae. Kaya isinalaysay niya ang buong-buong pangyayari . Na ikinagulat naman ni Zhey.
“Anong kinalaman ko sakanya?” tanong niya dito.
“Siya ang iyong Ama, na pinatay ni Akaido sampu ng mga kabayan sa San Servantes.” Diing turan nito.
“Kaya ikaw Zhey…” huminto pa nitong Turan “ikaw ang papatay sakanya.” Sabi nitong nakangisi pa.
Nag-apply itong scientist sa laboratoryo nila Akaido ng malaman nito na gumagawa ng robot ang kumpanya. Nais niyang maging bahagi ito ng kumpanya dahil sa pansariling kadahilanan.
At isa si Zhey na naging proyekto niya, kaiba sa lahat dahil ito ay totoong tao. Hindi niya ginawang lubusan na gawing robot ang babae- dahil may mas matindi siyang plano.
May mga bagay na isinalin lamang siya dito upang hindi makahalata si Akaido na hindi ito robot.
Ang lahat kasi ng Robot na iyon sinasanay at binebenta sa ibat ibang bansa upang gawing armas sa labanan.Nang malaman ni Zhey ang katotohanan. Nag-uumapaw ang galit nito kay Akaido kaya naman pala ganun na lamang ang pag ka suklam niya dito sa tuwing makikita ang matanda.
Di na siya nag dalawang isip. Papatayin niya si Akaido. Mag-babayad ito sa ginawa nito sa kanyang ama at ng kanyang Ina. Muling nagbalik ang ala-ala niya. Siya ang Batang pilit na pinagkakasya ang sarili para maitago sa lamesa. At si Leandro ang taong kumuha sakanya. Hangang sa mawalan ng ala-ala.
Samantalang si Riyota di siya mapakali. Iba ang pakiramdam niya sa papel na nakita niya nuong araw na pumasok siya sa opisina ng kanyang ama. Kita kasi ang takot at pag-aalala ng kanyang ama ng tumingin ito sa papel na hawak niya.
Hindi siya nagkamali lalo na ng marinig niyang may kausap ito sa kabilang linyan. May nais itong ipapatay dahil sa hindi nito pag bigay ng lupa.
Nagimbal siya sa nalaman ang kanyang Ama ay isang Sindikato. May mga ilegal pala itong gawain. Ang sakit ng kanyang puso sa natuklasan.
Samantalang si Zhey planado na kung paano siya makakapasok sa mansyon nila Akaido at kung paano nya ito papaslangin. Kaya pala ganun nalang ang galit niya sa taong ito may malaki palang dahilan.
Abril 23,2017
Araw na pinakahihintay ni Akaido ang kanyang ika Pitong-put taong gulang. Malaking selebrasyon na kanyang pinaghandaan dahil ito din ang araw na makakasama niyang muli ang kanyang anak .
Ito din ang araw na pinakahihintay ni Zhey at Leandro. Napaghandaan na nila ito ni Zhey kung kayat hindi na pwede pang maudlot.
Nagkakasiyahan na sa buong mansiyon,masasarap na pagkain. Makukulay na ilaw, magagandang mga palamuti. Umalingaw-ngaw ang nagsasalitang Emcee…
“Ladies and gentle man, we would like to call our very own Mr. Akaido Heridos the celebrant..
Kasabay ng tutugin, biglang umusok sa buong kapaligiran. May nagbato ng tirgas. Halos himatayin ang matanda sa tindi ng Usok. Ganun din ang kanyang Asawa at si Riyota.
Nawalan ng malay si Akaido ganun din si Riyota,nagulat ang mag ama dahil nasa isang abandonadong gusali na sila.tuliro dahil nakagapos ang kanilang mga kamay. At may takip ang kanilang bibig.
Sino ang may sala? sino ang may pakana? sabi ng kanilang isip. Anong gagawin nila halos tuliro si Akaido. Hangang nawalan nalang ito ng malay. At nang magising nasa isang abandonadong gusali sila.
Isang babae ang lumabas sa isang pinto nakamaskara ang mukha nito tanging mata lamang ang nakalabas. Lumapit ito kay Akaido tinangal ang telang nakabalot sa bibig nito.
“Sino ka? anong kailangan mo sakin? malakas na tanong nito?.
“Dimo talaga ako makikilala Aikaido,” ngisi ng dalaga. Sabay tangal sa nakabalot sa kanyang mukha upang lumantad.
Gulat na gulat ang matanda. Maging si Riyota ang babae sa Litrato. Tama Zhey ang naalala niyang nakalagay sa pangalan nito.
“Ikaw ang robot na ginastusan ko ng malaki. lapastangan ka!!!! Sigaw nito.
“Hangang ngayon naniniwala ka parin na isa akong Robot? sorry Akaido pero nagkakamali ka ako si Zhey, ang anak ni Leonardo na pinaslang nyo!!!! .Nangingilid ang luhang sigaw nito.
“Naniwala kang ako ang pumaslang at sino ang naglagay kokote mong iyan?” Ngiting turan nito. “Ikaw pala ang batang yun na pinalabas ni Leandro na pinatay nya.” sabi pa nitong muli.
Naguluhan si Zhey sa pinagsasabi nito, bakit naman sya gustong paslangin ni Leandro eh kung tutuusin tiyuhin niya ito.
“Nagulat ka ano?” tawa nito, “ako at si leandro kasama ng iyong ama ay matalik na magkakaibigan,” panimula nito. “Tanging yang Leandro na yan ang pinaka ganid samin sa salapi,” muli nitong turan. “hindi niya matangap na ako ang umangat sakanla. Nung nais kong bahagian ang iyong ama ng mas malaking halaga kung sakaling pumayag ito na tulungan akong bilhin ang lupa ng Bayang Servantes di nagustuhan ng iyong tiyuhin at pinaslang nya ang iyong ama at ina sampu ng mga kababayan. Pero ginamit niya ang pangalan ko!” Sigaw nito.
Litong-lito si Zhey sa mga pinagsasabi nito. kinuha nya ang kanyang Espeda at nilapit sa leeg nito. Nakadiin ito sa may lalamunan ni Akaido. Nasa ganun silang sitwasyon ng may pumalakpak sa likuran.
“Magaling-magaling para na din tayong nag reaunion, kaso ang anak ni Leonardo ang andito,” nakangising sabi nito.
“Hayop ka Leandro, matapos kitang tanggapin muli sa kabila ng pang ta-trydor mo sakin sigaw naman ni Aikaido.
Bago pa nakakilos si Leandro nagpakawala ng matinding sipa si Zhey. Si Riyota na nadamay sa paghihiganti ay unti-unting kinakalas ang pag kakagapos mabuti nalamang at ung singsing na nabili nya sa US pwedeng maging weapon dahil secret knife pala ito.
Bumulagta sa flooring si Leandro kasabay din ng pag sipa ni Riyota sa sword ni Zhey na nakatutok sa lalamunan ng kanyang ama.
Nawalan ng balanse ang dalaga kung kaya napasubsob sya sa semento dali-dali naman pinakawalan ng binata ang ama. Kahit pa ano nangyari Ama parin niya ito.
Bago pa man makalabas ang mag ama sa abandonadong Building,naging maagap si Leandro nakuha nya si Riyota. At tinutukan ng Baril sa ulo.
Si Zhey mas napuno ng galit para kay Leandro kung ganun ginamit lamang pala siya nito para sa pansariling kapakanan. Lalapit sana ai Akaido para iligtas ang anak ngunit nabaril ito ni Leandro sa balikat.
Hindi makakapayag si Zhey na maging instrumento sya kung kayat sinipa nya ang kahoy na malapit sakanya na tumama sa ulo ni Leandro.
Nabuwag ito at nabitawan si Riyota. Sabay ng pagkabuwag nito, tinapunan ito ni Zhey ng kutsilyo na tumusok sa kamay nito. Napasigaw ito sa sakit.
“Gaga ka Zhey magbabayad ka sabi nito tatayo sana ito ngunit maagap ang dalaga. Hindi na sya nanghinayang. lumapit sya dito at sinaksak ang matalim na espada sa balikat nito. Lalo itong napasigaw sa sakit.
Biglang umalingaw ngaw ang tunog ng sirena hudyat na may mga police na. Dahil sa narinig dali-daling nilisan ng babae ang gusali at mabilis na nakapag tago.
Kinuha ng mga police ang dalawa upang patawan ng kaso. Sina Akaido at Leandro ay matagal na palang may list sa mga kapulisan. Mga malaking sindikato ang kinabibilangan ng mga ito.
Samantalang si Riyota kukunan nila ito ng statement. Dinala sila sa police station. Nagbigay ng pahayag ang binata. Masakit man isipin pero kailangan niyang itama ang mali.
Ayaw niyang mabuhay sila at ng pamilya nya sa maling gawain ng kanyang Ama .Samantalang hahanapin niya si Zhey. Gusto niyang maliwanagan ang lahat. At di ba niya alam bakit ng magtama ang kanilang mata. May kakaiba siyang naramdaman. Isa din ito sa nais niyang mabatid. Yung kakaibang pakiramdam na ngayon lang niya nadama.
Nang mga oras naman na iyon naniniwala si Zhey hindi pa tapos ang laban. Namatay ang mga magulang niya dahil kila Aikado at Leandro. Dugo sa dugo buhay ang kinukuha. Buhay din ang kapalit makipag hihiganti din niya ang kanyang mga magulang. Habang hinahasa niya ang Espadang hawak-hawak niya, Idinako niya ang kanyang mata sa labas na animo ay nandoon lang ang kalaban.
The end….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.