0

:Dark Christmas


Report

Isinulat ni :Dhanica/Dhenice
Genre: Gore/Drama
Ilang hakbang nalamang ay malapit na malapit na ako sa bangkay ng taong ito. Yumuko ako at pinulot ko ang punyal na ginamit ko sa kanya. ” Be good, Sir ha?” wika ko habang nakangisi pa sa bangkay na puno ng dugo sa mukha at katawan. Dahil sa sak-sak na iginawad ko sakanya.
Tama lang ito sakanila sa mga taong mapang abuso sa kapwa. Mga taong pansarili lang ang iniisip. Hinila ko ang bangkay. Bangkay na hiwa-hiwalay ang parte ng katawan. Paano walang sawa kong pinag-tataga ang kanyang paa, kamay, maging ang kanyang ulo. Kay sarap sa pakiramdam ko, lalo na nang maamoy ko ang dugong pumatak sa sahig nang i-angat ko ang kanyang pugot na ulo.
Isa-isa ko itong isinilid sa sakong dala ko. “May maihahanda ako mamaya sa notche buena,” mga katagang binigkas ko. Oo tama matutuwa ang mga anak ko pag-niluto ko ito. Hindi na kami magugutom. Hindi na muling iiyak si Cleng-Cleng at Jolina sa pagkalam ng sikmura. Bumalik ang tingin ko sa mga katawang pinag pira-piraso ko. Kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi.
Hindi ako ganitong tao alam ko sa sarili kong hindi, pero pinilit nila ako. Gusto ko lang naman ay ang patas na pamamalakad. Pero naging maramot sila. Naging maramot sila ngayon pang panahon ng pandemya. Kay lupit ng tadhana bakit kung sino pa ang mahirap sila pa ang pinagkakaitan ng tulong.
Habang inilalagay ko sa sako bag ang mga katawan ng aming butihing Mayor. Napatigil ako sa ginagawa. “Butihin nga ba?” mga katagang pilit na tumatakbo sa aking isipan. Sandaling nanayo ang balahibo ko sa isiping butihin ang aming Mayor. “Kailan ba siya naging mabuti?” bulong ko pa.
Nang matapos ako sa pag-silid ng mga pira-pirasong katawan niya. Dumiretso ako sa lababo para mag hugas ng kamay. Dahil ayokong makita ang bahid ng mga dugo na sila ang may gawa. Sa una’y hindi ko maatim na gawin ito. Pero kalaunan nasasanay na din ako.
Sinalubong ako ni Cleng-Cleng kasama ni Jolina, ang aking mahal na bunso. Nakita ko ang kasiyahan sa kanilang mga mata nang masilayan nila ang dala-dala kong supot. Alam nilang may maihahain ako ngayong pasko. “Mama, adobo ang gusto kong luto nan ha!” tumatalon pang padyak ni Jolina.
Bilang isang ina kay sarap makita na ganito kasaya ang iyong mga anak. Walang pagsidlang kaligayahan dahil alam mong hindi sila magugutom sa araw ng pasko. Hindi na tulad ng dati na halos mamalimos na lamang para may pambili nang pangkain. Tapos pag-kakasyahin ang kakapirangot na pagkain para maibsan lang ang gutom.
Bakit kaya ganun, hindi ba kami kasali sa mamayang pilipino? Kaya pag-dating sa aming mahihirap parang napakadamot nilang mamigay. Habang inaayos ko ang karneng aking iluluto, napansin ko ang dilat na mata niyang naihalo pa. Kapag mga ganitong parte hindi ko na isinasali sa aking pag-luluto.
Kaya itinapon ko na sa basura. Hinugasan Kong mabuti ang mga mga karne hanggang mawala ang bakas ng dugo dito. Narinig kong may mga nanga-ngaroling sa kapitbahay. Dinig kong sinasabayan iyon ni Jolina at Cleng-Cleng habang nakadungaw sa bintana.
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas.
And a happy new year…… 🎶🎶
Merry nga ba talaga ang pasko? kung ako ang tatanungin. Ayoko na sanang ipagdiwang ang pasko. Dahil bukod sa hindi naman iyon bagay sa tulad naming mahirap. Mas lalo pang pinahirap ng dahil sa pandemic na ito. Pero ayokong maramdaman iyon ng aking mga anak. Gusto kong habang bata pa sila maging masaya sila. Para sa akin isang “fairytales” nalang ang pasko. Kaya habang bata pa sila gusto ko mabuhay sila sa pantasya na masaya ang pasko ngayong pandemya.
Biglang nagbalik tanaw sa akin ang lahat-lahat bago pa mangyari ang mga bagay-bagay na ginagawa ko ngayon.
***********
“Melinda, magtatanggal ako ng tao. Isa ka sa maalis, matumal ang pasok ng pera lockdown ngayon,” sabi ng amo ko. Isa akong serbidora sa maliit na kainan malapit sa palengke. Dalawang daan araw-araw ay pinag-kakasya ko na. Iniwan ako ng ama nila Cleng-Cleng at Jolina. Mag-isa kong...


tinataguyod ang mga anak ko. Swerte na ‘pag may maipakain sakanila tatlong beses sa isang araw. Pero kadalasan kapos na kapos talaga.
Marso akinse ng taong ito ng pumutok ang sakit na covid 19. Buong mundo naapektuhan, marami ang nawalan ng trabaho. Isa na ako doon wala akong mga kamag-anak na malapit sa akin para hingan ng tulong. Pero kahit malapit pa sila isang kahig isang tuka din naman. Hirap sa pagkain noon. Ang sakit para sa akin na makitang umiiyak ang mga anak ko dahil sa gutom.
Narinig kong namimigay ng ayuda. Pero bakit parang hindi nakakarating sa amin? Kahit isa wala akong natatangap. Nabalitaan ko din yung programa sa SAP. Pero lumabas na hindi ako qualified para tumanggap ng pera. At sino ang karapat-dapat? Ang kamag anak nila o kaibigan na malalapit sa paanan ng mataas na opisyal?
Tandang-tanda ko nakikiusap ako noon kay kapitan na kung maari ay makahingi ng kaunting tulong para sa aking mga anak. Pero halos hindi pumasok sa isip ko ang mga katagang sinabi niya.
“Botante kaba, rehistrado kaba para bumoto?” mariing sabi nito.
“Pero kap, gutom na ang mga anak ko kahit noodles lang po. Nakikiusap po ako sanyo,” kulang nalamang ay lumuhod ako noon sa kanya.
“Pasensya kana Melinda, baka malintikan ako kay mayor kasi ang protocol sa pag-bibigay ng ayuda dapat ay botante ka.” Pag-tanggi nito sa pakiusap ko.
Halos mapamura ako sa mga sinabi niya. Mangiyak-ngiyak kong nilisan ang barangay hall. Wala akong maipapakain sa mga anak ko. Halos mabaliw na ako sa kakaisip. Pero isang ideya ang pumasok sa aking utak. Tama nga sila walang ina ang hindi gagawin para sa kanyang mga anak. Kaya isang gabing madilim alam ko may maihahain ako kila Cleng-Cleng.
“Sino ka?” takang tanong niya mula sa dilim.
“Kapitan ang bilis mong makalimot,” ngiting balin ko sa kanya. Walang kaabog-abog ko siyang sinaksak sa dibdib. Hindi niya nagawang manlaban dahil hindi naman niya alam na may hawak akong patalim. At nang makita kong humandusay ang kanyang katawan sa sahig na wala ng buhay.
Doon ko inumpisahan na unti-untiing hatiin ang kanyang katawan. Tinadtad ko ang kanyang daliri ng pinong-pino. Sinunod ko ang kanyang mga braso, binti, at ulo. Napapikit ako sa aroma ng kanyang dugo. Naisip ko may maihahain na ako kila Jolina. Makakakain na ang mga anak kong buto’t balat nalang dahil was kapayatan.
May nakuha naman akong limang daan sa bulsa ni Kap. Ibibili ko ng rekado at yello. Para ang mga karneng hindi maaubos ay maitatabi ko sa ice box na luma. Napangiti ako sa isiping iyon. Kung walang tulong mula sa gobyerno. At walang trabaho na mapapasukan dahil sa pandemya. Kailangan makagawa nang paraan at ito ang solusyong aking naisip.
“Mama, luto na ba iyan?” nakangiti na tanong ni Jolina sa akin. Ito ang dahilan na mabalik ako sa kasalukuyan.
“Malapit na anak, konting lambot pa makakakain na tayo ng notche buena,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Napangiti ako pandemya man pero may ihahain ako sa mga anak ko ngayong pasko. Siguro kung patuloy akong makikiusap sa mga opisyal ng gobyerno baka kahit ngayong araw ng pasko wala kaming pagkain.
Napatingin ako kila Cleng-Cleng nakatunghay sila sa basag naming orasan. Narinig kong nag-bibilang sila.
“10, 9, 8 , 7….. merry christmas mama!” mababakas ang saya na bati nila sa akin habang nag-tatatalon pa. Handa na ang pagkain sa lamesa. Salamat kay mayor may nakahain na pagkain ngayong pasko kahit pandemya. Salamat sa karne niya na walang sawa kong pinag-tatadtad. Marami-rami ito kaya may makakain pa kami sa susunod na araw.
Malamig ang simoy ng hangin.
Kay saya ng bawat damdamin,
Ang tibok ng puso sa dibdib.
Para bang hulog na ng langit.
Himig pasko’y laganap, mayroong
Sigla ang lahat. Wala ng kalungkutan.
Puro lang kasiyahan.🎶🎶🎶
Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin. Sabay tumingala sa kalangitan. ” Patawad,” sambit ko.
Pero masaya ako dahil alam kong bilang ina lahat ginawa ko mairaos lang ang kumakalam na sikmura ng aking mga anak. Dahil ito sa crisis maging sa malupit at ganid na pamamalakad ng mga opisyal ng gobyerno.
Wakas.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.