A Sweet Summer



**ISANG NAPAKATAMIS AT NAPAKAGANDANG BAKASYON.**
WHOOOW!! It’s summer!

**Ako si ANA AGUILAR . 16 taong gulang na sa kasalukuyan,napakasimple ko lang, tulad ng isang kabataan na wala pang muwang, di pa marunong mag ayos o maglagay ng mga kolorete sa pinge. Nakatira ako sa probinsya, ang magulang ko ay sina Francia Aguilar at Romeo Aguilar. Apat kaming magkakapatid ang panganay ay si Jack Aguilar, sinundan ni Rolly Aguilar at ang aming bunsong kapatid na si Jay Aguilar. Kakatapos ko pa lamang sa pag aaral ng High School sa aming sikat na paaralang St. Paul National High School. Bakasyon ngayon at ayaw kong tumambay nalang sa bahay, nakakabagot at malulungkot ka lang, naisipan kong mag apply sa Summer Job dito sa aming City Hall kaya inasikaso ko ng mabuti ang lahat ng requirements na kakailanganin. Nang makompleto kuna, agad-agad kong ipinasa sa Peso Office at yun nga sa madaling sabi ako ay napabilang sa mga mag susummer Job ngayon bakasyon ang maswerte pa ay nakasama ako sa tinatawag na Dole’s SPES (Special Program for the Employment of Students).

Subrang pasasalamat ko sa panginoon sa biyayang aking natanggap. Yung feeling na excited ka? Sa kung ano ang inyong mga gagawin, hanggang dumating ang araw na hinihintay ko, pasukan na naming ng mga magsasummer job,

*WHOO! Eto nay un! First day, kaya kailangang maayos lahat, ngingiti ka sa mga kasama mo, makikipagkilala, magkakaroon ng grupo na parang nasa school ka lang, yung mga gawaing ganun, ang saya sa
pakiramdam. *Dito nagsimula ang lahat ng Unang nangyari sa buhay ko, unang trabaho, unang kita na paghihirapan ko,at “BAKA DITO RIN MANGYARI ANG UNANG PAG-IBIG KO”. Wika ng isip ko. Hahaha
Oo, Pag-big nga po!
Dito ko kaya siya makikilala ang lalaking magpapatibok ng puso ko. ?

**Siya si Troy Bron, sa una pa lamang di nyo aakalaing matalino.
Ganito ang nangyari:

**di ko siya kilala, madalas ko lamang siya nakikita na kasama ang dalawang lalaki na lagi niyang kasama. Meron na akong grupo nun sina Nerry at Jenny kaming tatlo rin ang magkakasama palagi.
Itong sila Troy andun sila tumatambay sa malapit sa bench sa tabi ng mataas at malaking puno ng Talisay. Isang araw nauna kaming tatlo ng kaibigan ko maupo doon at dumating sila,

** Sus! Hala ka! Napangiti ako at tinanong ang sarili ko: “SINO KAYA ANG JOWA NYA DITO SA DALAWA?” Di kasi ako makapaniwala na gurly gumalaw ang isa sa mga kasama niya at silang tatlo ay subrang magdikitan. At eto na nga, dumating na ang araw na kami nagkakilala dahil etong dalawa kong kasama ay napakadaldal rin (hahaha) Ganito ang nangyari:

Jenny: Hi! Nagsasummer job din kayo?

Jeff: ah! Oo kayo din ba?

Jenny and Nerry: anong pangalan nyo? Maari bang malaman?

Jenny: ako nga pala si Jenny, at sila naman ang mga kaibigan ko.

Nerry: ako naman si Nerry .

Ana: ah! Ako si Ana, hello! Nice to meet you.
(Ngumiti at sabay tawa si Troy bago magpakilala)

Troy: ako nga pala si Troy at sila naman ang mga kaibigan ko.

Jeff: (ang medyo gurly kung gumalaw) hi! Ako naman si Jeff ang dalaga sa grupo namin.
(tawanan kaming lahat )

Jenny: sino ang boyfriend mo sa kanila?

Troy: haha si Gab ang boyfriend niya.

Gab: hi ako pala si Gab. (pangiting pakilala niya) oi! Wag kayong maniwala kay troy sya ang boyfriend ni jeff (sabay tawa)

Nerry: naku! Siguro kayong dalawa ang boyfriend niya wag na kayong mag away.

Troy: oo! **Boyfriend niya kami ang kanyang “LALAKING KAIBIGAN” haha

Ala una na ng hapon kaya kailangan na naming bumalik sa trabaho, nagkataon na kailangang pumili ng mga kagrupo at nagkahiwahiwalay kaming tatlo ng kasama ko. Naging kagrupo ko si Gab, at sina Jeff at Nerry.

Si Jenny at Troy naman ang magkasama. Pumunta kami sa mga barangay at nag interview tungkol sa kanilang mga kita sa pagtatrabaho at anong mga hanap buhay ang meron sila. Ng matapos na ay bumalik na kaming lahat sa plaza habang naghihintay sa leader namin.

** kaming anim, Ang grupo ko at grupo ni troy ay nagkabonding sa kiosk. Syempre! Nagbibiruan hanggang sa nagsihingian ng number!
Nerry: hoy! Jeff, pwede ba naming hingiin ang cp number niyo?
(tawa si Gab at Troy)

***Itong si troy talaga halos lagi nalang ngingiti o kaya tatawa. Hmmm nakakainis di ba!

Jeff: ah oo naman sige!
(sinulat sa papel)

Gab: ako din ba?

Nerry: aba! Oo naman dapat lahat tayo.

Jenny: friends na naman tayo diba?

Troy: ayuko ibigay number ko, pagbinigay ko eto wala na akong number (tawa na naman niyang sinabi)

Nerry: ay grabe naman sya isulat mo lang naman di naman simcard ang hihingiin namin.

Ana: ay! Ako walang number, wala akong cellphone eh!

Troy: oh! Wala siyang cellphone kaya di nalang din ako magbibigay haha

Ana: (ngumiti) ibigay muna para text text kayo.

Troy: hmmmm sige na nga (pabebeng sabi niya)

**NAGTAWANAN LAHAT **

Jenny: bhest, bigay mo yung number ni tita para naman may contacts tayo.

Troy: haha oo para textmate namin si nanay mo.

Ana: grabe ka troy!

Nerry: Oo nga ana.

Ana: sige na nga. (sinulat ang number)

Uwian na at naghiwahiwalay na sila ng daan tanging si Ana at Jenny nalang ang magkasama, close talaga silang dalawa dahil classmate sila since 3rd year high school hanggang 4th year.

HABANG NAGLALAKAD PAUWI:

Jenny: bhest! Ang cute ni troy nuh!? (ngumingiting wika niya)

Ana: naku! tumigil ka nga bhest, eh halos panay tawa lang naman sya kanina eh.

Jenny: oi! Si bhest! Kunwari pa syang di nakocutetan kay troy!
Bhest, crush ko sya! Haha ( tawa ni jenny na tila kinikilig)

Ana: ay! bahala ka bhest, ingat lang ha. Baka umiyak ka! (ngiting wika ko sakanya)

PAGDATING SA BAHAY………..

(tumutunog yung cellphone ni nanay)

Jay: Nay! Tumutunog po yung cellphone mo! May nagtetext po yata!

Nanay: Ana , pakitignan nga ng cp ko kung sino ang nagtetext.

(kinuha yung cp at tinignan)

Ana: Nay, number lang po.

Nanay: Anong sabi?

Ana: wait po basahin ko.

(nang mabasa niya, napangiti siya at tila di makapaniwala)
(taas kilay pang nalalaman at sinasabi sa isip na “HMMM! WHEE! DI NGA? HIMALA NAGTEXT! “ )

Nanay: oh! Ana! Sino ang nagtext at ano ang sabi?

Ana: ah wala nay! Sa akin pala po nagtext. Katrabaho ko po sa City Hall. Nangungumusta lang.

Nung araw na iyon nagsimula na ang pagiging textmate namin ni troy, halos minuminuto ay hawak kuna ang cellphone ni nanay kapag nasa bahay ako.
Hindi ko dinadala kasi ang cellphone ni nanay ay yung may antenna? Alam niyo ba yun?
Hehe oo! Nahihiya kasi ako baka pagtawanan nila ako. Pero alam naman ni troy na hindi ako nagdadala ng cp kasi di yun akin. Ilang araw pang lumipas lagi kaming nagkakatext na dalawa, at nakakatext ko rin ang ibang kasama namin na sila jeff, Gab, nerry at Jenny.

Si troy madalas siya nagkukwento tungkol sa buhay niya, nagkakabiruan din kami, hanggang nasabi niya rin ang tungkol sa lovelife nya.

** OO MAY GIRLFRIEND SYA! , (nalungkot) hmmm di ko alam bakit ba ganun ang nararamdaman ko ng sinabi niya yun sakin.

**Eh sa una subrang naiinis ako sa kanya! Siguro dahil na rin sa nakagaanan ko siya ng loob sa madalas niyang pagkukwento about life niya. Haha madalas ko nga siyang binibiro na ipadala namin ang kwento niya sa MMK para naman malaman ng mundo.

MONDAY, PASUKAN NA ULIT…….

(Naghihintay ang lahat sa may Kiosk sa gitna ng plasa, andun na lahat nang biglang magkakwentuhan)

Jenny: hi bhest! Kumusta ka?

Ana: ayos naman po bhest, bakit?

Jenny: (kinikilig na tinuturo si troy) bhest si troy oh ! ang cute niya talaga lalo pa kapag nangiti.

Ana: haha sabihin ko ba bhest? (inaasar si jenny)

Jenny: oi! Wag bhest, nakakahiya.

Nerry: hi jeff! Musta na? anong nangyari sa outing niyo? (tinutukoy yung outing na napag usapan ni nerry at jeff sa text)

Jeff: ah di ako natuloy sumama, walang budget eh! (patawang wika niya)

Nerry: oh! Gab ano yan? (tinuturo ang hawak na papel) si troy hindi naman nagrereply sa mga text, yun ba talaga ang number mo?

Jenny: oo nga! Hindi yan nagrereply! Kahit man lang hi!

**Nagulat ako nang marinig ko yun!
Huh! Di sila nerereplayan?
Whee!

** Imposible naman,eh madalas ko nga syang katext eh lagi syang may load.

**Mga sinasabi ko sa isipan ko.
Tinignan ko si troy dahil bigla syang tumingin sa akin , sabay ngiti na tila wala ng matang nakatingin sa akin dahil sa napaka singkit niyang mata!

Troy: Huh! Nagtetext ba kayo? Eh wala naman akong narerecieve na text galing sainyo.

Nerry: whee! Wag na troy! Talagang ayaw mo magreply.

Troy: (natatawang nagsabi) wala akong load eh! Tawagan niyo nalang ako.

Ana:…………………. (walang masabi)

Troy: sa susunod iload niyo ako para mareplayan ko kayo.

(pasingkit na tawang sinasabi)

Nerry: naku! Wag nalang troy! (naiinis na wika ni nerry)

**Bumalik na ang lahat sa trabaho, magkasama ulit kami ni jenny sa grupo. Dahil di ako mapalagay sa usapan kanina, tinanong ko ulit sya.

Ana: bhest, totoo bang di nareply si troy?

Jenny: aba! Oo bhest di naman nagtetext eh.. nakailang send na nga ako L,, (nalungkot) pero bakit bhest natanong mo?
(nagtatakang reaction) hmmmm… bhest nagkakatext ba kayo ni troy?

Ana: Aah! Eeh! Oo!? (nahihirapang sabihin ang totoo)

Jenny: huh?? Ano ? talaga? Oi bhest!

Ana: oo nga! Nagtext sya nung araw mismo ng binigay natin ang mga number.

Jenny: oh tapos ano pa nangyari? (kinikilig)
Ana: hala Sya! Bakit ganyan tanong mo?
Jenny: wala lang Masaya lang ako. (kinikilig na binibiro si ana habang kinikiliti)
Ana: tumigil ka bhest ha!

Jenny: sige na bhest ikwento muna.
(naglalambing sa kaibigan)

Ana: okay! Ganito kasi yun:
“Nung araw na ibinigay natin yung mga number,
pag uwi ko sa bahay nagtext sya. Eh, sakto!
Wala naman akong ginagawa kaya nagkatext kami, nagkukwento
sya about sa family niya, kung saan sya nag aaral dati,
yung mga paborito niya at ayaw. Yun at nagtatanong din sya sa
akin. Panay biruan lang din kami sa text.
Loko-loko yan si troy eh! (napapangiting wika kay jenny)
Kaya nagulat ako ng sinabi niyo kaninang di sya nagrereply sainyo.

Jenny: oi! Si bhest!

Ana: oh bakit ?

Jenny: crush ka siguro nya bhest?? (nagbibirong wika niya)

Ana: hmmm imposible yun! May girlfriend sya!
(diin na pagkasabi)

Jenny: (nalungkot) hmmm talaga? L Akala ko wala syang girlfriend, pero okay lang yan bhest, maghihiwalay din sila! (inaasar ang kaibigan)

Ana: naku! Bhest tumigil kana jan ha!

Jenny: aabangan ko ang story niyo bhest!
Okay lang na di maging kami kung ikaw naman bhest ang makakatuluyan niya!

**NAPANGITI NALANG DIN AKO SA PAG AASAR NI JENNY**

Ana: haha oh abangan natin (pangiting wika kay jenny) oo! ABANGAN NATIN KUNG ANONG ORAS TAYO PAPAUWIIN..

****Ano kaya ang mangyayari sa kwento ni Ana at Troy? Abangan ang mga susunod na pangyayari..

ANG MGA SUMUNOD NA PANGYAYARI….

***Nagpatuloy nga ang magandang pagkakaibigan ng anim. Sa madalas nilang pagsasamasama mas lalo pa silang pinagtutukso ng mga kaibigan. Nalaman nilang madalas nagkakatext si Troy at Ana.

Jeff: kumusta kayong dalawa? (ang tanong kay ana at Troy)

Ana: okay naman kami. Bakit mo naitanong?

Troy: Nagseselos ka ba jeff? (pangiting wika ni troy)

Jeff: WOW! HA! Gwapo lang troy?? (tawang sagot nito)

***Sa mga araw na mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan ng dalawa, si Troy ay madalas ng magbahagi tungkol sa kanyang nararamdam sa kasintahan.

ANG PAG-UUSAP NG MASINSINAN..

**SA ISANG LUGAR NA NAPAKAGANDA, PRESKO ANG HANGIN AT TAHIMIK SA MAY DALAMPASIGAN SILA AY NAG-USAP..*

Troy: Salamat sa pagsama ha! (ngiting wika nito)

Ana: ANO KA BA! Okay lang, andito lang ako makikinig saiyo.

Troy: di ko na kasi alam ano ba ang gagawin ko.. Mahal na mahal ko siya pero di ko alam kung mahal niya pa ako.. PAKIRAMDAM KO NAGBAGO NA SIYA.

Ana: NAG USAP NA BA KAYO?

Troy: Oo, sa TEXT!! At TAWAG! Kasi ngayon ay nasa maynila sya.

Ana: Anong sabi niya saiyo? Sinabi mo ba kung ano ang nararamdaman mo ngayon?

Troy: Wala Eh! Madalang kami makapag usap gawa ng wala sya sariling cellphone. Kailangan pa niyang maghiram sa tita nya para lang makatext sa akin.

Ana: yun naman pala, gumagawa parin sya ng paraan kahit busy sya.

**TINAWANAN NALANG ANG PINAGDADAAN HABANG NAGBABATO SA DAGAT**
NANG MGA ARAW NA IYON NA MAKITA NI ANA ANG KAIBIGAN NA SUBRA KUNG MAGMAHAL MAS LALO PA ETONG NAGING MAHALAGA SA KANYA, HANGGANG SA DI NIYA INAASAHANG BIGLA NALANG NIYA NARAMDAMAN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NYA INAAKALA….

ANG PAKIRAMDAM NI ANA…..
ILANG ARAW BAGO MATAPOS ANG KANILANG SUMMER JOB..

TROY: Nasaan si Ana? (tanong sa mga kaibigan)

MGA KAIBIGAN: (NAGSITINGINAN ) di namin alam, diba kayo ang madalas magkasama at nagkakatext?

JENNY: TEXT mo kaya sya??

*SA MGA ORAS NA YUN NAKIKITA SILA NI ANA, HABANG NAGTATAGO SA ISANG MALAKING PUNO,HINDI SYA MAKITA NG MGA KAIBIGAN DAHIL SA MGA GRUPO NG EMPLEYADO NA ANDUN.

(HUMINGA NG MALALIM BAGO PUMUNTA SA MGA KAIBIGAN.. PINIPIGILAN ANG NARARAMDAMAN KAY TROY)

**HABANG NAGLALAKAD…

Nerry: Oh!! Ayan na si Ana. Ana saan ka ba galling? Hinahanap ka ni Troy!

Ana: Huh! Bakit daw?

Jeff: hindi namin alam, may problema ba kayong dalawa? Andun sya sa loob nag In.

Gab: Pabalik na yun!

**HABANG PAPALAPIT SI TROY NAGYAYA SI NERRY AT JENNY NA MAG SNACKS SA PABORITO NILANG BAKERY*

Jeff: Oh! Sakto! Andito na si Troy! Mag snack daw tayo Troy.. Andito na din naman si Ana.

Troy: ” SAAN KA GALING?” Bakit ngayon ka lang? (tanung kay Ana)

Ana: Ah, Jan lang sa loob may inasikaso.. Bakit?

Nerry: Oi! Tara na! Doon na kayo mag-usap. Huling araw na nating eto magkakasama sa Trabaho.

**SA DAAN PATUNGONG BAKERY INAASAR NI TROY SI ANA, KINIKILITI AT HINILA BIGLA HANGGANG SA NILAGAY NITO ANG KAMAY SA BALIKAT NI ANA*

NAKITA SILA NG MGA KAIBIGAN PERO HINAYAAN NALANG AT PINAG AASAR..

JENNY: Oh!! Ano yan?? Kayo naba?

Ana: Huh?? Anong kami! Hindi ah.. (Inalis ang kamay ni troy sa balikat at umakbang papalayo)

Troy: Ana!! OI! Teka lang! Hintay!

HABANG NASA BAKERY…..
***SA TAMBAYAN……

Dahil dito ang kanilang paboritong lugar ng kainan, tulad ng kanilang ginagawa sila ay Nag aambagan pagdating sa bayaran.

Ana: Troy, ikaw na ang sa sofdrinks. Ako ang sa tinapay at si Nerry daw ang sa pansit.

Troy: okay! Walang problema.. ilan ang gusto nyo? 3 bote? (tumatawang biro nya)

Jeff: BOTE?? HMMMM wag nalang Troy! Tubig nalang! Haha

Troy: haha mabuti tipid ako. (tinawag ang waiter) “MISS, ISANG PETSIL NGA PO NG TUBIG! “ Thank you!

Ana: Sus! Napaka kuripot talaga nito! Haha.
NAGING MASAYA PA RIN ANG KANILANG ARAW SA HULING ARAW NG TRABAHO.. AT HINANGAD NG BAWAT ISA NA SILA AY MAGKITA KITA ULIT PAGDATING NG ARAW..SI TROY AT AKO AY NAGING MAS MALAPIT NA KAIBIGAN PA.. MADALAS KAMING NAGKAKATEXT AT NAGKIKITA.. PUMUPUNTA KUNG SAAN KAHIT MAGKAIBA ANG SCHOOL NA PINASUKAN NAMIN NG KOLEHIYO. MADALAS KAMING NAGKIKITA SA ISANG MALL SA LUGAR NAMIN. KAPAG VACANT TIME KO AT VACANT TIME NIYA.

After 1 year of friendship…. 2nd year college na sila.

JENNY: bhest, saan ngayon si troy?

Ana: Nasa school nila, magkikita kami mamaya sama ka ha!

Jenny: sure bhest! Sila pa ban g girlfriend niya.

Ana: oo bhest sila pa ngunit nagkakalabuan na,, mahirap kasi ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP..

*ALAS 3:00 NG HAPON TUMAWAG SI TROY…NA TILA ANG BOSES AY UMIIYAK, NAIS NITONG MAGKITA KAMING DALAWA SA MAY DALAMPASIGAN..

NAGMAMADALING UMALIS AKO NG ARAW NAIYON..

ANA: bhest, di muna kita maisasama ha, mukang may problema ang isa eh!!

Jenny: ah sige bhest! Sana maging okay sya. Ingat ka!

NAUNA SI TROY SA TAGPUAN NILA NA NAKAYUKO SA ISANG UPUAN AT HALATANG NAPAKA LUNGKOT..NILAPITAN KO SYA NG DAHAN-DAHAN, NANG MAKITA NYA AKO TUMAYO SYA AT SABAY YAKAP SA AKIN.. NAPAKAHIGPIT ANG PAGKAKAYAKAP NYA AT UMIIIYAK! HINAYAAN KO SYA NUNG ORAS NA IYON SINANTABI ANG NARARAMDAMAN DAHIL KAILANGAN NIYA NG ISANG KAIBIGAN..

**Nang maging okay na ang pakiramdam niya tumingin sya sa mga mata ko at sinabi sa akin…

Troy: ANA.. WALA NA KAMI! (MALUNGKOT NA MUKHANG NAKAHARAP SA AKIN)

Ana: gusto mo kausapin ko sya?? At sabihin ko na gaano mo sya kamahal?

Troy: Wag na! ayaw nya na talaga.. kailangan ko lang ngayon ay matutunang tanggapin ang lahat..

WALA AKONG MASABI NG MGA SANDALING YUN.. KAHIT AKO AY DI KO ALAM KUNG PAANO SYA MATUTULUNGAN DAHIL PILIT KO DIN INIIWASAN ANG AKING LIHIM NA PAGTINGIN KAY TROY..

***”AYUKONG MASIRA ANG PAGKAKAIBIGAN NAMING DALAWA!” mga salita sa isipan ko..

5 MONTHS LATER….

KAHIT ANONG GAWIN KO TALAGANG DI KO MAPIPIGILAN ANG NARARAMDA,MAN KO SAKANYA, SA BAWAT ARAW NA NAKAKAUSAP KO SYA AT NAKAKASAMA AY NAKIKILALA KO NG HUSTO.. ISANG TAONG SERYUSO PAGDATING SA PAG-IBIG..

***NAGYAYA SI TROY MAMASYAL..

NAGPUNTA KAMI SA ISANG LALAWIGAN DOON SA MAY DALAMPASIGAN...

HABANG KUMAKAIN KAMI NG ICE CREAM AY PUNO NG ASARAN..
(HAHA! ANG KALAT NIYA NAMAN KASI KUMAIN! NAPAKADUNGIS TIGNAN)
****Lahat gastos ni troy, Sa subrang saya naming din a naisipan ni Troy na aalis sila ng Nanay nya papuntang Maynila,, Hala! Alas 5:00 NA NG HAPON!! Saka pa lamang nya naalala..
Tawa siya ng tawa dahil alam niyang magtatampo ang nanay niya dahil nasa kanya ang ticket nila..

Troy: magagalit si mama pag uwi ko!

Ana: oh! Ikaw kasi bakit di mo sinabi sa akin na aalis kayo ngayon eh di sana!!
(biglang nagsalita sya)

Troy: SYEMPRE!! Gusto kong makasama ka ngayun!!

Ana: WHEE!! DI NGA?? HMMM ITIGIL MO NGA YAN!!

TROY: (Tawa ng tawa) AYAW MO BA??

ANA: Halika na! umuwoi na tayo at gagabi na! haha
(TAWANAN NAMING DALAWA)

HABANG PAUWI TINITIGNAN KO SYA SA PUSO KO’T ISIP AKO AY SUBRANG SAYA..PILIT KO MANG ILIHIM PERO ALAM KONG MAHAL KUNA SYA.. DI KUNA MAITATAGO ANG BAGAY NA ETO SA KANYA..

ANG PAG AMIN NG DAMDAMIN…..

Ano kaya ang mangyayari sa pagtatapat ng lihim na pag-ibig sa isa’t-isa..Magiging Sila kaya o Masisira eto..

**Di ko alam kong paano sasabihin,, “LORD! HELP ME PLEASE, GIVE ME SIGN LORD..KAPAG MAY RED ROSE AKONG NAKITA HABANG PAUWI KAMI SASABIHIN KO SA KANYA, PERO KAPAG WALA MEANING HINDI PA TIME… “ yan ang nasa isip ko ng mga oras na eto,,

HABANG TULOG SI TROY SA BYAHE MAY ISANG BATANG LALAKE NAGLALAKO SA KALSADA NG MGA ROSAS, NATANAW ITO NI ANA..

***HMMM LORD! ETO NA BA YUN?? WHOOO!! Okay, mamaya dapat masabi kuna eto sa kanya.. “LORD ISA PANG REQUEST PLEASE!! SASABIHIN KO KAPAG NAGTANONG SYA SA AKIN, mga dasal ng sandaling yun.

KONDUKTOR: Miss, pamasahe niyo po?

ANA: ah eto po kuya, dalawa po. (INABOT ANG PERA) Salamat.

NAGISING SI TROY…

TROY: Saan na tayo? Malapit nab a?

ANA: Opo! Malapit na.. kumusta an tulog mo? Saan kana nakarating? (PABIRONG WIKA NI ANA KAY TROY)

TROY: Ayos naman maganda,.(ngumingiting sinabi nito)

ANA: OH!! Alisin mo nga ang mga titig na yan sa akin.. (SABAY TALIKOD KAY TROY PERO KINIKILIG NAMAN )

TROY: (HINAWAKAN SI ANA SA KAMAY) **Tumingin ka sa akin..”ANA, ALAM MO BANG NAPANAGIPAN KO IKAW??

ANA: SUS!! Ano ba yan Troy! *ITIGIL MO NGA YAN! (PAYUKONG SABI KO SA KANYA)

TROY: ANA, Seryuso nga! Alam mo ba sa panaginip ko Naging Tayo daw? (NGITING BANGIT NIYA SA AKIN)

**NANG ORAS NA YUN, DI AKO MAKATINGIN NG MAAYOS SA MGA MATA NIYA, KINAKABAHAN AKO SA MGA SUSUNOD NIYANG BIBITAWANG SALITA..

TROY: **ANA,, “MAHAL MO BA AKO?? “ ang wika ni Troy.
**NATULALA AKO NG SANDALING YUN, PARA AKONG NABINGI PERO ALAM KONG TOTOO, NARINIG NG DALAWANG TENGA KO,.. ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO! HINAWAKAN NIYA AKO AT TINANONG ULIT HABANG HINAWAKAN NIYA ANG AKING MGA MUKHA..

TROY: ANA, “MAHAL MO BA AKO?”

ANA: T-T-RO-Y!! Seryuso ka ba? (Napapataas kilay na tanung sa kanya)

TROY: **Okay! Magkaseryusuhan tayo! Oo! Seryuso ako Ana..”MAHAL KITA, noong umpisa CRUSH LANG KITA NGUNIT NGAYON MASASABI KO.. DI KITA GUSTO DAHIL KAILANGAN LANG KITA KAPAG MALUNGKOT AKO O KAILANGAN NG KAUSAP!! MAHAL KITA DAHIL MAHAL KITA..TANGAP KO KUNG ANO AT SINO KA!! (SERYUSONG NAKATITIG SA AKIN)

ANA: **TROY!!” GUSTO DIN KITA!” Sa simula alam kong mali dahil may Girlfriend ka, AYUKO MAGING DAHILAN NG PAGKAKALABUAN NINYO..AT AYUKONG MASIRA ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN..

TROY: **PERO MAHAL MO DIN AKO DI BA??

ANA: Oo Troy! Mahal kita at hindi ko maitatangi saiyo yun..
***NANG MARINIG NI TROY ANG SAGOT NI ANA.. NIYAKAP NIYA ETO BIGLA! MAGIGING OKAY ANG LAHAT.. HINDI KO HAHAYAANG MASAKTAN KITA.. SERYUSO AKO SAIYO AT IPAPARAMDAM KO SAIYO ANG MGA ETO..
ANA: NGUNIT TROY!!

NATAHIMIK AKO SAPAGKAT HINARANG NIYA NG DALIRI ANG PAGTAKIP SA AKING BIBIG AT SINABI:

TROY: ANA..”Liligawan kita ng maayos, maghihintay ako sa araw na handa ka nang sagutin ako.. (NGITING SABI NITO)

SUBRANG SAYA NANG MASABI NAMIN SA ISA’T-ISA ANG MGA NARARAMDAMAN.. NAKAKAGAAN NG LOOB AT HALOS HINDI NA MAALIS SA MGA MUKHA KO ANG KASIYAHAN…

***Ganito pala kapag IN-LOVE! Napapangiti ka kahit wala sya sa tabi mo, maisip mo lang sya pakiramdam mo kumpleto na ang araw ko!!
WHOOO!! (BUNTONG HININGA) Thanks God! Nasabi din namin.

NANG MAKARATING NA KAMI SA BAYAN NAMIN HINATID AKO NI TROY HANGANG BAHAY.. AT NADATNAN NIYANG NANDUN SI NANAY AT TATAY..
***Nagmano sya, at Nagbigay Galang..
TROY: **Hi po! Magandang Gabi, Ako nga po pala si Troy.. Kaibigan kop o si Ana simula ng maging kawork ko po sya sa City Hall.

Nanay: okay! Kumain nab a kayo? May pagkain sa loob, pasok ka muna at ng makakain..

Troy: Salamat po.. (pumasok eto sa bahay)

Habang abala si Ana at ang Nanay nito sa kusina, tanging si Troy at ang tatay ni Ana ang naiwan,,

***LUMAPIT SI TROY AT KINUHA ANG OPPORTUNIDAD MAGPAALAM NG MAAYOS SA TATAY UPANG MANLIGAW..

TROY: Hi po! Tito,, Ahhmm! May Itatanong lang po sana ako sainyo kung maaari po?

Tatay: anu bay un??

Troy: Tito,, Maaari ko po bang ligawan si Ana?? Kung okay lang po sainyo??
Tatay: **Nagulat si tatay ng marinig yun,, “Ah, e.. sa bagay na yan, bakit mo gustong ligawan ang anak ko?”

Troy: Mabait po si Ana at napakasimpleng babae.. Nakilala ko na din siya at nakilala niya ako.. Mahal ko po sya kaya po ako ngayon humihingi ng pahintulot po sainyo?

Tatay: eh.. Aba! Tanungin mo ang nanay niya!

MULA SA KUSINA NARINIG NI NANAY ANG USAPAN NI TROY AT NI TATAY KAYA LUMABAS ETO..

NANAY: Oh,, anu ba ang pinag uusapan niyong dalawa at narinig ko ang pangalan ko??

Tatay: Nasaaan ba si Ana?? Papuntahin mo sya ditto..

Nanay: (Sumigaw tinatawag si Ana) *Ana! Ana! Halika po muna dito, tawag ka ng tatay mo..

Lumapit ako sa kanila at naupo sa Sofa.. Bakit po Tay??

Tatay: e.. kasi etong si Troy ay nagpapaalam sa akin!! E.. gusto daw niyang ,manligaw saiyo!! (Nakatingin tanung ni tatay)

Ana: aaa.. eee.. Tay! Opo nagsabi na sa akin si Troy.. di kop o aakalain na magpapaalam din sya sainyo..

Napatingin ako kay Troy at tumingin din sya sa akin na ngumingiti sa mga nangyayari,,

Tatay: oh,..Nay, sa tingin mo? Hahayaan mo bang manligaw si Troy sa anak natin??

Nanay: Kung sa ganyan bagay..kung pumayag na ang anak mo eh wala na tayong magagawa.. (TUMINGIN SA AKIN SI NANAY AT NAGTANONG)
“ANA, Pumayag kana ba manligaw sya saiyo??

Ana: Opo nay.. (ngiting sagot ko kay nanay)

Tatay: oh,dahil jan, e.. pumapayag na ako..

Nanay: ako din pumapayag na,, basta siguraduhin mong di masasaktan ang anak ko.. dahil kung dindi!! (ngiting sabi ni nanay kay troy) may itak na hahabol saiyo (ngiting biro ni nanay)

DAHIL SA PUMAYAG NA ANG MAGULANG NI ANA NA LIGAWAN SYA NITO..DI MAITAGO NI TROY ANG SUBRANG SAYA..KAYA’T NIYAKAP NIYA ANG TATAY NI ANA AT NANAY NITO..

***LUMAPIT SI TROY SA MAGULANG**

TROY: Tay! Nay! Salamat po! Salamat po.

***Tinginan kaming dalawa ni troy na tila nangungusap ang mga mata.

Nanay: Halina kayo at kakain na tayo!

**MATAPOS KUMAIN AY NAGPAALAM NA SI TROY PARA UMUWI..

TROY: Nay! Tay! Uwi nap o ako.. Salamat po pagkain.. Napakasarap po ..(ngiting wika nito)

Nanay: sus! Ang batang eto..parang nambubula pa!

Troy: nay! Di po ako nagjojoke hehe seryuso po yun,,

HINATID NI ANA SI TROY SA LABASAN..

ANA: BYE! Uwi kana . ingat ka po!

Troy: opo syempre!! Mag iingat ako,, Magiging tayo pa eh!! Hehe (PABIRONG SABI NIYA SA AKIN HABANG NASAKAY NG TRICYCLE)

***LUMIPAS ANG MGA ARAW NALAMAN NG MGA KAIBIGAN NAMIN ANG NANGYARI, NATUWA SILA PARA SAAMIN. SA BAWAT ARAW MAS LALONG NAGIGING SWEET SI TROY SA AKIN.. MADALAS DIN SYA NAPUNTA SA BAHAY AT SA MGA LUGAR NA AKING PINUPUNTAHAN PARA TUMAMBAY..

KELAN KAYA MAGIGING OFFICIALLY MAG GIRLFRIEND AT BOYFRIEND SILANG DALAWA?? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA NG “A SWEET SUMMER DAYS”.

**NAGSIMULA NA NGANG MANLIGAW SI TROY SA AKIN, MADAMING EFFORTS ANG KANYANG MGA GINAGAWA TULAD NG PAGBIBIGAY NG MABABANGONG BULAKLAK, KAKAIN SA LABAS, AT HIGIT SA LAHAT ANG PAGPUNTA NAMIN SA MGA LUGAR NA NAPAKAGANDA PASYALAN. TULAD NA LAMANG SA BEACH NG SUBIC..SUBRANG SAYA KO NG MAKARATING AKO DOON, SYEMPRE FIRST TIME MAKAPUNTA SA GANOONG LUGAR AT KASAMA KO PA SYA…HINDI KO PA NAMAN SYA SINASAGOT NGUNIT PINARAMDAM NIYA SA AKIN ANG PAGIGING SPECIAL SA LAHAT..

5 MONTHS LATER NG PANLILIGAW…

***DUMATING ANG MGA KAIBIGAN KONG GALING MAYNILA NA SINA ELVIE, ANGELA, GWEN AT LARRY UPANG MAGBAKASYON SA LUGAR NAMIN. MATAGAL NA KASI NILANG GUSTO MAKAPUNTA DITO AT MAKITA ANG KAGANDAHAN NG MAYON.. HANGANG ISANG ARAW SA MAY RESTAURANT…***

“ ANG PAGPAPAKILALA KAY TROY SA MGA KAIBIGAN”

ANA: Guys!! Gusto ko pala ipakilala sainyo si Troy. (Nakangiting pakilala ko sa kanila)

MGA KAIBIGAN: “HI TROY!! (Pagbati nila habang nakangiti ang iba at ang iba naman ay tila ayaw kay Troy.)

TROY: HELLO, Kaibigan pala ako ni Ana.. Kumusta po kayo? (Wika at tanong nito)

ANGELA: Well, Nice to meet you Troy.. We heard a lot of you at tungkol sa panliligaw mo kay Ana.. (PATARAY NA SABI KAY TROY)

***SI ANGELA AY CHUBBY NGUNIT SEXY , MAGANDA AT ISANG SIMPLENG BABAE NGUNIT NAPAKA PRANGKANG TAO..HINDI YAN PAPATALO BASTA – BASTA LALO PA KUNG ALAM NIYANG TAMA SYA..19 YEARS OLD NA RIN ETONG SI ANGELA..SI GWEN NAMAN AY MATARAY DIN KAPAG TINIGNAN MO, PAREHAS SILA NI ANGELA PRANGKANG BABAE.. AT DAHIL NASAKTAN NG SUBRA KAYA AN DAMI NYANG MGA PAYO SA BUHAY, SYA ANG ATE NAMIN SA GRUPO, DI NAMAN SINASABI KONG MATANDA NA SYA AHEAD LANG SYA SA AMIN NG 5 TAON FOR SHORT 22 YEARS OLD NA SYA., ETO NAMAN SI ELVIE, BOYISH KUNG TITIGNAN AT TILA NAPAKATARAY NA BABAE** “ PERO OOOPPPSS!! WAG KA! HABULIN YAN NG MGA MANLILIGAW LOCAL AT FOREIGN..” 18 YEARS OLD PA LANG SYA, KAYUMANGI AT PINAY BEAUTY TALAGA.. SI LARRY NAMAN ANG BUNSO SA GRUPO NAMIN KUNG TITIGNAN MO SYA AY ISANG GENIUS..**”NAKA EYE-GLASS LAGI, MATALINO AND YES! NAG AARAL SYA SA U.P (UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES) ANG TAHIMIK NIYA AT HILIG LANG KUNG MAGBASA..EH DAHIL SIGURO 16 YEARS OLD PALANG SYA AT HINDI PA NAIINLOVE KYA SYA GANUN.**..”EH,PAANO NGA BA SYA MAIINLOVE KUNG NAPAKATAHIMIK NYA DI BA?? ETCHOZ! LANG HEHE PERO LOVE NAMIN ETO MABIRO DIN NAMAN SYA KUNG MINSAN AT HILIG KUMANTA”

GWEN: Yes, Anyway, taga saan ka ba troy? Laking bicol ka din ba?

TROY: Ah oo, taga dito lang ako sa bicol. Malinao ang lugar namin. (Ngiting sagot nito )

ANGELA: So.. Nakailang Girlfriend kana ba? Seryuso ka ba? At Ilang taon kana?

ELVIE: HMMMP! Seryuso ka ba sa kaibigan namin? Baka, Saktan mo lang sya!!

(TAHIMIK LANG NAKIKINIG SI LARRY SA USAPAN HABANG SI TROY AY KINAKABAHAN NA SA KUNG ANONG ISASAGOT NYA.)

TROY: Wow! Dami nyo naman pong tanung hehe parang nasa HOT SEAT AKO!! (BIRONG SAGOT NITO) Pero isa isa lang ha..hehe. 18 Years old na ako, And Yes nagka Girlfriend na po ako 2 Years din naging kami at yun Nagkahiwalay hehe iniwanan ako eh.. Alam yun ni Ana. (Ngiting sagot nya habang nakatingin kay Ana) Seryuso ako kay Ana ramdam nya yun at Nagpaalam din ako kila Nanay at Tatay nya (PANGITING SAGOT NITO SA HARAP NG MGA KAIBIGAN) and kung Papayag din kayo, Maari ba maging kami ng kaibigan niyo?? (PASINGKIT NA TANONG NITO HABANG NANGITI)

**SA MGA ORAS NA YUN NAPAPATAWA SI LARRY SA MGA NANGYAYARI DAHIL SA KILOS AT PANANALITA NI TROY..AT ANG IBA NAMAN AY HALATANG NAGDADALAWANG ISIP SA UGALI NITO..

ANGELA: OKAY!! Grabe ka naman kung ngumiti nawawalan ng mata eh haha

GWEN: Sa tanong mo sa amin, depende yank ay Ana kung mahal ka nya at kung handa na sya sa relationship. (Seryusong sagot nito)

ELVIE: HMMM..(TAAS KILAY NA TUMINGIN KAY TROY) Incase naman na maging kayo at Masaya ang kaibigan namin ay Masaya din kami ngunit sa oras na saktan mo sya,,”LAGOT KA SA AMIN TROY!” (PATAAS NA BOSES NYANG SAGOT)

ANA: HAHAHA.. Ano ba yan?? OH! Larry, ikaw wala ka bang sasabihin? (ngiting tanong kay Larry)

LARRY: HEHE parang mabait naman si kuya Troy eh, Napaka higpit nyo naman (TINGIN SA MGA ATE NYA ) Parang nasa HOT SEAT nga sya kanina haha.

GWEN: Oi! BUNSO! Umayos ka.. Syempre ganito kami kasi nanliligaw yan sa Ate mo Ana.. Kung ikaw din ay Manligaw syempre kikilatisin din namin ang Babaeng yun kung sino man sya.. (PATAAS NA BOSES NA PAGKAKASABI KAY LARRY)

ANGELA: haha oo nga bunso! Love ka namin.

(TAWANAN NG LAHAT)

TROY: Ilang taon kana Larry? (ngiting tanong)

LARRY: 16 years old na po ako.

ELVIE: Tama! 16 years old pa lang sya kaya pag aaral muna hindi pag gigirlfriend di ba? LARRY? (NGITING BIRO KAY LARRY)

ANA: Larry.. may Crush kana din ba? Hehe Crush muna tayo kasi bawal pa sa bata ang Girlfriend.
ANGELA: Hehe merun nay an syempre! Di ba Bunso? (PATUKSONG BIRO KAY LARRY)

LARRY: Hala!! Ako na ngayon ang nasa HOT SEAT!! Kuya Troy, Ikaw dito maupo palit tayo. (NGITING SABI KAY TROY)

TROY: Hahaha.. AYUKO NGA!! (PASINGKIT NA NATATAWANG SAGOT KAY LARRY) Ligtas na ako eh.. hehehe Ano ba may Crush ka na? AYieee!! Mukang may Crush na sya.. (BIRO KAY LARRY)

LARRY: (NALULUNGKOT NA MUKHANG SUMAGOT) HMMmm Grabe kayo sa akin! Syempre may Crush din ako.. di naman ako Abnormal para di magkagusto.. (SERYUSONG SAGOT NYA)

**NAGTAWANAN PA LALO ANG LAHAT..

TROY: Hahaha Hala Nasaktan na si Larry! Iiyak nay an.
(PANG AASAR NITO)

ANA: Hahaha tama na nga yan! At baka nga maiyak si Larry maiwan pa natin yan dito haha (ASAR DIN NITO)

LARRY: HMMmmp!! Umayus kayo! NAMUMURO NA KAYO!! Malapit sa QUOTA!! (NAIINIS NA SAGOT NYA)

**NAGTAWANAN ANG LAHAT HANGANG NAPANSIN NILA ANG ORAS AY PAGABI NA AT KAILANGAN NA NILANG UMUWI..

ANGELA: Ohhh!! Larry! Tama na yan! Uuwi na tayo at gagabi na.

PAALIS NA SILA NG MAGPAALAM SA ISAT-ISA AT SI TROY NAMAN AY HINATID NA SILA SA MAY SAKAYAN PAUWI..

TROY: Salamat! Nice to meet you all.. ang Ingat kayo pauwi.. (PAALAM NYA)

ANA: Bye!! Ingat ka din Troy.. Hehehe Salamat.

**NANG SILA AY NASA BAHAY NA.. NAGKAKWENTUHAN ULIT SINA ANA, ELVIE , GWEN AT ANGELA SA SALA HABANG SI LARRY NAMAN AY NAGPAPAHINGA NA SA KWARTO..

ANA: Kumusta? Anong masasabi niyo kay Troy? (TANONG NITO SA MGA KAIBIGAN)
ANGELA: Well!! Sa tingin ko naman ay napaka cool niya! Magaling makisama pero di ko alam kong Seryuso sya sayo!! (SAGOT NIYA HABANG KUMAKAIN NG CHECHIRIYA)

GWEN: HMmm Mabiro sya! Gaano muna ba sya kakilala?

ANA: Almost 2 Years na kaming magkaibigan ni Troy.. at 5 months na din sya ngayon sa panliligaw sa akin.. Di ko pa sinasagot kasi di pa ako Graduate sa College..

ELVIE: Anong Course ba ni Troy?

ANA: MECHANICAL ENGINEERING ang kanyang course..

ELVIE: Oohh!! Okay!! Mahal mo na ba sya?

ANA: Well, Oo.. Mabait naman kasi sya at lagi akong napapatawa kapag magkasama kami..

ANGELA: Nakapunta kana bas a kanila?

ANA: Yap!! Since nung 1 Year after we meet ininvite nya ako sa bahay nila para makilala ang family nya.. Mabait din ang magulang nya.. welcome ako sa kanila.. At close na din kami ng mga kapatid nya..

GWEN: So.. may balak kana bang sagutin sya?

***TINGINAN SILA KAY ANA HABANG NAGHIHINTAY NG SAGOT NITO.**

ANA: Hmmp!! Siguro? Oo? MMMmm hindi ko alam.. (SERYUSONG SAGOT NIYA)

ANGELA: Pero mahal muna nga??

ANA: To be honest Oo mahal kuna sya.. (ngiting sagot nya)

ELVIE: Natry mo na bang hindi magparamdam sa kanya kahit isang lingo?

GWEN: Correct! Hmm dapat nga isang buwan eh hindi lang 1 week..

ANA: hindi ko pa nasubukan.. madalas kasi magkatext at niloload nya ako lage,,

ANGELA: Eh di wow! Haha ikaw na may reloader ( BIRO NITO)

NAG-USAP SINA TROY AT ANA NA HINDI MUNA SILA MADALAS MAGKIKITA GAWA NG SUSULITIN NIYA ANG MGA ARAW NA KASAMA ANG MGA KAIBIGAN.. HALOS MADALANG DIN SILA MAG-USAP SA PAKIUSAP NI ANA PARA MAKAPAG POKUS NAMAN SYA SA KANYANG MGA PROJECT SA SCHOOL DAHIL MALAPIT NA ANG BAKASYON.. TINUON DIN NI ANA ANG MGA ORAS SA PAG-AARAL AT BONDING SA MGA KAIBIGAN BAGO BUMALIK NG MAYNILA, MADALAS SILA NAGTUTURO SA MGA BATA SA LANSANGAN..TINUTURUAN NILA ETO MAGBASA AT MAGSULAT, SINASAMAHAN DIN NILA NG MGA STORIES ABOUT BIBLE.. NAGING MASAYA AT MAGANDA ANG KANILANG BONDING NA MAGKAKAIBIGAN..

**DUMATING NA ANG ARAW UPANG BUMALIK NG MAYNILA ANG MGA KAIBIGAN, AT NINAIS DIN NG MGA ITONG MAKASAMA SI TROY BAGO UMALIS..

———-ANG UNANG OUTING NG MGA MAGKAKAIBIGAN SA DAGAT KUNG SAAN MADALAS PUMUPUNTA SILA TROY AT ANA.. ——-

***Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkikita ulit, Sasagutin na kaya ni Ana si Troy? O Tuluyan nang magbabago ang lahat?***




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *