0

A Potion for the Wise Chapter One


Report

A Potion for the Wise❞
(Chapter One)
______________
𝘖𝘧𝘧𝘦𝘳
(𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩)
Nandito ako ngayon sa loob ng classroom at tulala. Iniisip ko kasi yung magiging resulta ng exam. Iniisip ko rin kung ano kayang makukuha kong score? Naka five, ten, fifteen, twenty kaya ako? O baka naman naka perfect ako? Well, wala namang masamang mangarap pero sana perfect score ako.
“Guys, lumabas na yung result ng exam natin!” Masayang anunsyo nang isa sa mga kaklase ko.
“Talaga? Excited na ko!” Nakangiting sabi ng isa.
“Basta ako kalmado lang kasi alam kong mataas score ko.” Mayabang na sabi ng isa pa.
“So mayabang ka na sa lagay na yan?” natatawang tanong ng isa.
Excited na rin naman ako sa magiging result ng exam. Medyo kinakabahan lang talaga ako sa score ko. Paano kung bagsak na naman ako? Tatalakan na naman ako nila mama at papa nito. Tapos ikukumpar- wala.
“Ikaw Samantha, sa tingin mo ano kayang score mo?” tanong ng kaklase ko.
“Hindi ko alam, baka zero.” Kinakabahang sagot ko.
Bigla silang nagsitawanan kaya napaiwas ako ng tingin.
“Hahahaha bahala ka.” Tipid na sabi nya kasabay ng pagbalik sa upuan nya.
Dumating na kasi ang teacher namin sa math subject at dala-dala nya yung mga exams namin na nachekan na. Kinakabahan lang talaga ako. Kumbaga, yung kaba na nararamdaman mo kapag may nagawa kang mali? Isa isa kaming nilapitan ng teacher namin at binigay ang test papers. May iilang napahiyaw dahil sa tuwa, may iilan ring napasimangot ng maibigay sa kanila ang test. At nararamdaman kong isa ako sa hindi matutuwa sa makukuha ko.
Lumapit sa akin si mam at iniabot ang test ko. Nakatalikod yung test paper dahil kinakabahan pa rin ako. Dahan dahan ko itong iniangat paharap sa akin. At nang makita ko ito, mas bumilis ang tibok ng puso ko.
“Zero.” Tipid na sabi ng katabi ko.
Nanlumo ako at nanghina. Tiyak kong malalagot na naman ako nito kina mama at papa. Kung twenty siguro yung sinabi ko kanina, siguro twenty yung makukuha ko?
“Better next time Samantha. Magiging one points rin yan.” Natatawang sabi ng isa sa mga kaklase ko.
“Oo nga e.” Wala sa kaloob looban kong sabi.
Napangiwi nalang ako at nag-iwas ng tingin. Iniinsulto ba nila ko sa nakuha kong score? O baka naman pinapamuka nila sa kin na bobo ako? Alin kaya dun? Bwiset sila ah? Tatalino rin ako, hintayin lang nila kung paano ako mag evolve. Ang babaho nyo! (╬ ̄皿 ̄)凸
__
Walang gana akong pumasok sa loob ng bahay at bored na umupo sa sofa. Nandoon sila mama at papa. Pati yung mga kapatid kong mataTALINOng busy sa pag-aaral na proud na proud sa kanila sila mama at papa. Inilapag ko ang bag ko sa sofa na agad namang kinuha ni mama at binuksan. Kinabahan pa ko dahil makikita ni mama yung test ko kung saan nakakuna lang ako ng……. zero.
“Ano to?” kunot noo na tanong ni mama.
“Edi papel! Ano pa ba sa tingin mo?” sarcastic na sabi ko.
“Hindi ako tanga para hindi malaman yung hawak ko. Ang tinatanong ko, kung ano to? Bakit zero ka lang? At sa math pa talaga ha!” Gigil na sabi ni mama.
“Wala lang yan. Akin na!” Bored na sabi ko kasabay ng pag-akmang pagkuha sa kamay ni mama ng test.
Pero naiiwas yun ni mama sa akmang pagkuha ko ng test sa kanya. Kaya napakagat ako sa ibabang labi ko at napairap.
“Anong wala lang to? E naka zero ka nga lang e! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mag-aral ka! Mag-aral ka! Ayan wala! Walang natututunan dahil sa kakagala mo! Puro ka gala tapos ano pagdating sa pag-aaral bagsak? Gayahin mo nga yung mga kapatid mo. Bukod sa matatalino sila, naii-akyat nila kami sa stage. E ikaw? Kelan mo ba kami nakitang kasama ka sa stage ha? Siguro kaya ka bumabagsak dahil sa kalandian mo? Lumalandi ka na no? Sa kakagala mo, ayan lumandi na! Sinasabi ko sayo, para rin sayo yung sinasabi namin ng papa mo.” Galit na sabi ni mama sa akin.
𝘈𝘯𝘰? 𝘒𝘢𝘭𝘢𝘯𝘥𝘪𝘢𝘯? 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘺𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘶𝘮𝘱𝘢𝘳𝘢, 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘺𝘰 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰? 𝘐𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘭𝘢𝘴𝘦 𝘬𝘢𝘺𝘰. 𝘔𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰?
Hindi ko nalang pinansin yung mga pinagsasabi ni mama at itinuon ang atensyon ko sa mga kapatid ko. Masaya silang nagsasagot sa math. Hindi ko tuloy mapigilang mainggit. Buti pa sila no? Bata palang pero may alam na pagdating sa math. E ako bukod sa walang kaalam alam, palagi pang pinapagalitan. Hindi ba nila maappreciate na nagsisikap akong mag-aral kahit sa totoo lang ayoko na talaga?
“Sinasabi ko talaga sayo Samantha! Nag-iinit yung dugo ko sayo! Mag-aral aral ka naman kahit minsan aba? Hindi yung gala ka ng gala jan!” Pahabol na sabi ni mama bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ko.
Lumandas ang mga luha sa pisngi ko. Pagpasok ko sa kwarto ko agad kong sinara...


ang pinto at ni-lock. Agad rin akong sumalampak sa kama at kinalma ang sarili ko. Sanay na ako sa mga sinasabi ni mama, palagi naman e. Pero ang hindi ko matanggap yung ginagawa nya.
𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘴𝘢𝘱….
Umirap nalang ako sa hangin at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko. In-open ko ang gallery app at nakita ko dun ang picture naming magkakapamilya. Masaya, walang galit, walang pagkukumpara. Basta lang nag-eenjoy.
𝘏𝘢𝘪𝘴𝘴𝘴𝘴 𝘬𝘦𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪?
Pum-westo ako paharap at nakipag titigan sa kisame. Inilagay ko sa tiyan ko ang cellphone ko at huminga ng malalim. Unti unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako dahil sa kakaisip.
__
𝗢𝗻𝗲 𝗯𝗼𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗒𝗈𝗎!
𝙂𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙢𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙖𝙡𝙞𝙣𝙤? 𝙃𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣. 𝙄𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙢𝙤. 𝙋𝙖𝙠𝙞 𝙛𝙞𝙡𝙡-𝙪𝙥𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙩 𝙞𝙥𝙖𝙙𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙗𝙧𝙖𝙣𝙘𝙝𝙚𝙨 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙮𝙤. 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙖𝙙𝙤 𝙠𝙖, 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨 𝙛𝙞𝙡𝙡-𝙪𝙥 𝙣𝙖! 𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩.
𝘕𝘢𝘮𝘦:
𝘈𝘨𝘦:
𝘈𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴:
𝘎𝘳𝘢𝘥𝘦/𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦:
𝘊𝘰𝘯𝘵𝘢𝘤𝘵#:
Binasa ko ang papel na ibinigay sa akin ng nadaanan ng sasakyan na lalaking nag-aabot ng mga papel. Nag-aalok ba to para maging matalino? Parang…. parang…. interesado ako. Itinuloy ko ang pagbabasa at inilipat sa likod.
𝙎𝙖𝙢𝙥𝙪𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙗𝙤, 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙩𝙚 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙡𝙞𝙣𝙤. 𝘼𝙣𝙤, 𝙝𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖 𝙣𝙖! 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙖𝙙𝙤 𝙠𝙖, 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨 𝙨𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙖! 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙪𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙠𝙖, 𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙤𝙣. 𝙇𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙩𝙤𝙘𝙠𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙮!
𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢𝘯. 𝘚𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘬𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘚𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘣𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘵𝘦. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘦𝘴𝘢𝘥𝘰 𝘬𝘢, 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘧𝘪𝘭𝘭-𝘶𝘱 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢.
𝙏𝙖𝙬𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙪𝙢𝙚𝙧𝙤𝙣𝙜 09624537879 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙙𝙚𝙩𝙖𝙡𝙮𝙚 𝗮𝘁 𝙠𝙖𝙩𝙖𝙣𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣…
Napangisi ako…. pwes kung hindi ako pinalad na mabigyan ng katalinuhan, ako na mismo ang gagawa ng paraan. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang papel at inutusang paandarin na ang sinasakyan kong kotse.
𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘵𝘰. 𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘦𝘴𝘢𝘥𝘰 𝘢𝘬𝘰!
Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number na nakalagay sa papel. Pipindutin ko na sana yung call button ng bigla akong matigilan.
𝘛𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘴𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘬𝘰?
Nagdadalawang isip kasi ako, malaki laki rin kasi yung sampung libo na hinihingi. Baka kasi mapagalitan ako nila mama at papa kapag gumawa ako ng desisyon na hindi nila alam. Pero kasi, kapag ginawa ko to. Maipagmamalaki na nila ako. Pero sana naman totoo tong nasa papel.
“Mam nasa school na po tayo.” Sabi ng driver namin kaya bumaba na ko ng sasakyan.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin. Binabasa ko pa rin yung papel. Paulit ulit kong binabasa dahil nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ko o wag nalang. Makailang beses ko na rin sanang balak pindutin yung call button kaso sa tuwing naiisip ko yung mga sasabihin nila mama, napapatigil ako.
𝘛𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘰 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢? 𝘛𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘰 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢? 𝘛𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘰 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢? 𝘛𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘰 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢?
“Tutuloy?” napatigil ako sa pagsasalita ng may nagsalita sa likuran ko.
“O ms. Villamar. Bakit hindi ka pa pumapasok? Malapit na mag time.” Sabi ng teacher namin.
“Opo mam.” Walang ganang sabi ko at nauna na sa paglalakad.
Tinago ko sa bag ko ang papel at ibinulsa ang cellphone ko. Bahala na kung anong mangyari. Basta sigurado na ko, tutuloy ako.
Ten minutes na, wala pa rin ang teacher namin. Nabobored na ko at naiinis. Inilabas ko sa bag ko ang papel at binasa ulit yun. Nagdadalawang isip talaga ako kung tutuloy ba ko o hindi. Yung second thought na kapag ginawa mo yun maiisip mong may kapalit? Pero anong kapalit? Pinaglalaruan ng daliri ko ang ballpen na kanina ko pa hawak hawak habang nag-iisip ako.
𝘏𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢…
Umayos ako ng upo at nagsimula nang sagutan ang papel. Kinakabahan pa ko habang nagsasagot pero para sa kaligayahan ko at nila mama, gagawin ko to.
𝘕𝘢𝘮𝘦: Samantha Kristen Villamar
𝘈𝘨𝘦: 19 yrs. old
𝘈𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴:
𝘎𝘳𝘢𝘥𝘦/𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦:
𝘊𝘰𝘯𝘵𝘢𝘤𝘵#:
𝘕𝘦𝘦𝘥 𝘱𝘢 𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴? 𝘛𝘴𝘴… 𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨….
𝘕𝘢𝘮𝘦: Samantha Kristen Villamar
𝘈𝘨𝘦: 19 yrs. old
𝘈𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴: –
𝘎𝘳𝘢𝘥𝘦/𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦: Grade 10
𝘊𝘰𝘯𝘵𝘢𝘤𝘵#: 09534523684
Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos kong sagutan ang nasa papel. Binasa ko ulit yun sa ika- labing tatlong pagkakataon. Pakiramdam ko biglang umurong yung kamay ko, parang wag nalang… kaso nasagutan ko na e. Nandyan na kaya wala na kong choice at isa pa, baka ito nalang pala yung last chance na makatanggap ako ng ganito. Edi nasayang pa yung pagkakataon di ba?
Bigla namang dumating yung teacher namin kaya dali-dali ko na ring itinago yung papel, mahirap na baka mabuko ako sa gagawin ko. Baka hindi na mangyari yung inaasahan ko.
______________
A/N📜: Sa mga magtatanong jan kung anong genre to. Fantasy to hindi horror o kung ano pa man. Kaya sana, sa nagsabi jan na hindi naman to fantasy, pwes basahin muna bago i-judge.
«Work of fiction»
«Written by:𝗕𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆»


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.