3

A GANGSTER FALL IN LOVE WITH A TRANSFER GIRL CHAPTER 2


Report

A GANGSTER FALL IN LOVE WITH A TRANSFER GIRL
CHAPTER 2
Lumipas ang isang linggo, naging close nga kami. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan pero nandon padin yong ilangan lalo na pag naiisip ko na gangster siya at bigla nalang siyang matitigilan at titigan ako. Parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi. Curious tuloy ako.
“ Hoy Stella,” Marky.
“Hmm?”
Nandito kami sa cafeteria kumakain.
“ Curious lang ako about sainyo ni Klient, isang linggo na rin kayo palaging magkasama, ano naba status niyo?” napatigil naman ako sa pagkain dahil sa tanong niya.
“ Ano ba pinagsasabi mo dyan! Magkaibigan lang kami ni Klient,”
“ Kung ano paman yan, mag-iingat ka parin, marami na nakaaway si Klient baka sa palagi niyong magkasama pati ikaw madamay,”
__________
“Ano ginagawa mo? ”
“Ahh sinasagutan kolang yong Accounting ko bukas na kasi ‘to kailangan, ”
“Akin na, ako na sasagot niyan,”
Kasama ko pala siya ngayon dito sa library. Ewan koba sa lalaking ‘to gusto niya daw palagi akong kasama.
I felt comfortable to him pag kasama ko siya. Kahit sinasabi ng iba na gangster siya, palaging nasasangkot sa gulo. But every time na kasama ko siya ibang Klient ang nakikita ko.
He changed, yong pananamit niya, yong looks niya even though may mga earrings parin siya pero ‘di na masyadong madami katulad ng dati.
“ Problema mo? ”
“Huh?” huhkdog
“Kanina kopa napapansin nakatitig ka sa’kin, ”
napapansin niya parin yon kahit na sa papel lang siya nakatingin.
Ganon ba ang gangster kailangan matalas ang pakiramdam?
“ Hindi ako nakatitig sayo, assuming naman ‘to” pagsisinungaling ko.
“Okay. Oh ito tapos na,”
Inabot niya sa’kin ang papel.
“ Ang bilis mo naman magsagot, nahirapan pa ako nito kanina e,”
Kahit gangster pala matalino din.
“ Stella, ako maghahatid mamaya sayo pauwi, okay lang ba?”
“ Oo naman, araw-araw mo naman ako hinatid sundo ba’t parang naninibago ka pa dyan,” ang weird. Di ko nalang mapigilan ngumiti.
“ You look beautiful when you’re smile” natigilan ako sa sinabi niya. At heto na naman siya sa mga titig niya.
“P-pinagsasabi mo?!” sigaw ko para matago ang hiya at pamumula ng pisngi ko.
“Wala, susunduin kita sa classroom niyo mamaya. May sasabihin at itatanong ako sayo.”
Pagkatapos niyang sabihin yon lumabas na siya ng library.
‘Ano naman kaya yon?’
Naglalakad ako papuntang Cr pero papasok palang ako may naririnig akong nag uusap.
“Kilala mo ba yong palaging kasama ni Klient? ” sabi ng girl 1.
“...


I heard transferee siya sa kabilang section, ” ani ni girl 2.
“ Ang kapal ng mukha niya landiin si Klient, tapos ngayon nagiging close pa sila, ”
Hindi ko nakikita mga mukha nila pero alam ko na ako yong pinag-uusapan nila. Tsaka hindi ko nilalandi si Klient siya nga bumubontot sa’kin noh.
“Kaya nga e! Kailangan may gagawin tayo,”
“Turuan natin ng leksyon, mamaya pag uwian aabangan natin sa classroom nila,”
Naramdaman ko naman na palabas na sila kaya dali-dali akong tumakbo palayo.
“Grabi kung nakita nila ako don, siguro sa cr palang bugbog na’ko” hingal kong sambit. Napasandal ako sa may puno.
“Sino kaaway mo?”
Nagulat naman ako ng may nagsalita.
“Sino ka? Asan ka? ”
Bigla nalang may tumalon sa harap ko mula sa taas ng puno.
Yong itsura niya katulad ng kay Klient nong una ko siyang makita.
Klient version 2.0
“ S-sino ka? ”
“ I’m Drake, ”
“Student ka dito? Ngayon lang kasi kita nakita e, ”
“ No, tambay lang ako dito, ”
“ Ahh ganon ba”
Gosh! Wala akong masabi di ko naman kasi kilala ‘to.
“Kilala mo si Klient Guevara? ”
“Oo, bakit? ”
“H’wag kang lalayo sakanya kung maaari, I know he won’t let you down, ”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Ano ba point niya?
Hayst! Ang gulo talaga ng mga lalaki.
Iniwan pa’ko.
___________
Palubog na ang araw, kunti nalang mga tao sa school. Umuwi na siguro yong mga impakta kanina noh wala ng maghahabol sa’kin.
Malapit na’ko makalampas sa gate ng biglang may humila sa’kin.
“Saan ka galing?! Pinuntahan kita sa room mo dahil sabi ko susunduin kita pero wala ka don, pumunta nako sa bahay niyo dahil akala ko umuwi kana pero sabi ng parents mo hindi pa simula kanina, ”
Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa galit na siya at ang lapit pa ng mukha niya sa’kin.
“Ah.. eh.. ih? Oh.. uh–”
“STELLA!”
“Sa garden! Sa garden lang. ”
“ Hindi ka pumasok? ”
“Hindi, nakatulog din kasi ako don, ”
“ Bakit hindi ka pumasok? ”
“ Tinatamad ako” dahilan ko nalang. Dahil ang totoo ayoko pa makalbo sa mga impaktang nag aabang sa’kin.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
“K-klient”
“Sa susunod, h’wag mo’ko pinag-aalala ng ganito, ”
Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko.
“Mahal Kita”
Yong kabog ng dibdib ko kanina mas dumoble dahil sa sinabi niya.
At ang mas malala.
He kissed me.
—WAIT FOR NEXT PART—


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.