5

A GANGSTER FALL IN LOVE WITH A TRANSFER GIRL CHAPTER 1


Report

A GANGSTER FALL IN LOVE WITH A TRANSFER GIRL
CHAPTER 1
“Hoy!”
“Ako ba? ” tinuro ko pa ang sarili ko at lumingon sa paligid baka kasi hindi ako ang kausap niya.
“Oo,ikaw”
“Bakit?” tanong ko.
“Transferee ka sa kabilang section? ”
“Ahh, oo, bakit pala? ”
“Kilala mo ba ‘ko? ”
“Hin–”
“STELLA!! ”
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si marky ang kaibigan kong bakla.
“Oy! Marky”
“Nandito kalang pala, kanina pa kita hinanap sa classroom niyo… Oh Klient ikaw pala, bakit mo kausap si Stella? ”
” Nothing ” ang cold naman non.
Naglakad na siya palayo sa’min.
“Marky, sino yon?”
” Ahh si Klient Guevara, leader ng gangster dito sa school, ”
“Ga-gangster?! ” literal na nakakagulat dahil may ganito pala sa school nila.
“Kasasabi kolang teh,diba! Kaya ikaw pag lalapitan ka ulit, umiwas ka agad baka madamay kapa sa gulo nila,”
“Pwede ba ‘yon dito? Wala bang nagagawa ang principal at Dean about dito? Diba bawal yon? ”
“Wala e, may-ari kasi sila ng school, lahat nagagawa niya. Tara nanga nagugutom na’ko, ”
_______
“Hilig mo pala magbasa, ”
Mabilis ako nagtaas ng tingin at nakita ko ang mukha ng isang gangster.
Napaatras ako dahil ang lapit ng mukha niya sakin at nakakatakot pa.
May uniform naman ang school na’to pero ang hilig niya sa itim na damit.
“A-anong ginagawa mo dito?”
“Are you scared?” halata ba? Gangster ka e.
“ No! W-why would i?!” Sigaw ko. Ngumiti naman siya sa’kin.
“Pst. Keep quit” napalingon ako sa librarian. Nakalimutan ko nandito pala ako sa library.
Tumayo nako at madaling niligpit mga gamit ko.
“ Saan ka pupunta pagkatapos nito?”
Nagulat pa’ko dahil nakasunod pa pala siya sa’kin.
Ano ba kailangan niya.
Napapikit nalang ako sa inis.
Huminto ako at hinarap siya.
“Look! Mr. Guevara, kung pinag titripan mo’ko dahil transferee ako sa school niyo, please itigil mona dahil ayoko ma-incounter at makausap ang gangster na kagaya mo. Aaminin ko nakakatakot ka sa porma mo, sa itsura mo at sa nakakatakot mong tingin. Siguro dahil ngayon lang ako nakipag usap sa isang gangster. G-gaya ngayon,”
Tinitigan niya ‘ko sa mata kaya medjo nakakailang. Umiwas ako ng tingin.
“Y-yon lang naman sasabihin ko, bye!”
Tumakbo na’ko palayo sakanya. Pumasok ako sa girls bathroom para ‘di siya makasunod sa’kin.
“Ano ba yong pinagsasabi ko! Patay ako nito” nasampal ko nalang yong noo ko at naghilamos para mahimasmasan.
______
“Ginabi ka yata,” siya na naman. Hayst.
” Sinusundan mo ba ako?”
“Hindi, hinintay talaga kita,” seryuso siya tumingin sa’kin nong sabihin niya yon. Wait! Ano daw?
“ Bakit naman ako hihintayin ng isang gangster,” natatawa pa’ko.
” Ihahatid kita. I heard ‘di ka masusundo ng driver mo,” stalker na rin ba siya.
“Hindi na kailangan,”
“Saan ka pupunta?!”
“ Wala kana don!”
“Sumakay kana sa motor ko,”
“Ayaw,”
“ Saan kaba kasi pupunta?!”
“ Sa may kanto mag aabang ng masasakyan,”
“ Mahirap makakuha ng sasakyan don,”
“ Ayos lang, maghihintay ako,”
“ Sumabay kana kasi sakin. Baka mapahamak...


kapa sa daan.”
“ Ayoko parin,”
“ Tigas din ng ulo mo noh! Bahala ka nga!”
Napatigil ako ng pinaandar niya ng mabilis ang motor. Iniwan nga ako. Napaka ungentleman talaga.
Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Malapit na’ko sa kanto pero napatigil din dahil sa ‘di kalayuan may nakita akong grupo ng mga lalaking nag iinuman at halatang lasing na.
Gusto ko bumalik sa dinaanan ko kanina pero masyadong malayo at gusto kona umuwi. So, no choice kundi maglakad palapit sakanila.
Naramdaman ko agad mga titig nila sakin. Mahigpit ang kapit sa bag ko at nanginginig mga kamay ko. Napayuko nalang ako at patuloy sa paglalakad.
Bigla akong napaatras ng may mabangga ako.
“K-klient,”
“Ba’t kaba nakayuko? Pa’no kung poste yong nabangga mo, kawawa naman yon,” di ko siya pinansin.
Tumingin ako sa nag iinuman. Nakatingin sila sa’min at may balak pa lumapit.
“K-klient diba ihahatid mo’ko, tara na!” Ayoko makasama ang gangster na’to pero no choice ako ngayon palapit na sila. Hinila kona siya pero agad din napahinto ng napalibutan na kami ng anim na lalaki.
“Hi miss,” sabi ng payat na lalaki.
“Oh! Sino naman ‘to? Mga fans mo?” siraulo mukha ba akong artista.
“ Miss, wala ka bang gagawin ngayon, samahan mo naman kami uminom. Iuuwi ka din namin pagkatapos,”
Kinilabutan ako sa mga ngiti nila kaya napakapit ako sa damit ni Klient.
Nagets niya naman na natatakot ako. Tinago niya ako sa likod niya.
“ Hindi pwede, kasama niya ‘ko at ako ang maghahatid sakanya.” Nakita kona naman ang nakakatakot niyang awra.
“Sino kaba?!”
“Boyfriend niya!Bakit?!” nagulat ako sa sinabi niya. Kailan pa siya nanligaw? Kailan ko pa siya sinagot?
Inakbayan niya naman ako.
“H’wag kana umangal, baka mapahamak pa tayo,” bulong niya sa’kin.
Tumango nalang ako bilang pagpayag.
“Sige mga brad, alis na kami. Medjo gabi na kasi baka pagalitan na itong GIRLFRIEND KO,” nang-aasar pa e.
Lalampasan na sana namin sila pero hinila si Klient at sinuntok.
“F*ck! Problema niyo?!”
“Umuwi ka nalang pre kung ayaw mong mabugbog, iwan mona sa’min ang girlfriend mo, siya lang naman kailangan namin,”
Ngumisi siya. Pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.
“ Sa tingin niyo ba natatakot ako sainyo at ano ako tanga para iwan ko siya sainyo. Sa pagmumukha niyo palang para na kayong rapist. Hindi ako makakapayag na hawakan niyo siya kahit dulo ng daliri niya,”
Lumingon naman siya sa’kin.
“Lumayo ka muna,”
“Klient,”
“Sige na, mabilis lang ‘to, pumikit kalang,” tinitigan kopa siya bago ako pumikit.
Nakarinig ako ng kaluskos at daing na parang nasasaktan. Ilang minuto pa bigla nalang tumahimik.
“Stella, Okay na, ”
Minulat ko ang mata ko at nakita ko siyang maraming sugat sa mukha.
Hahawakan ko sana pero umiwas siya.
“Marami kang sugat, ”
“Ayos lang ako, tara na hatid na kita, ”
“Salamat sa paghatid at sa pagtanggol mo sa’kin kanina, ”
“ May bayad yon, ”
“Huh?Ano?”
Tinitigan niya ako ng ilang sigundo.
“Pwede bang h’wag mona akong iwasan at h’wag mona akong katakutan.”
—WAIT FOR NEXT PART—


5 Comments

  1. gusto ko pa Ng part 2 po Kasi maganda siya basahin at na kakakilig po Ang kwento niyo po pls lng po part 2 lang po

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.