1

*2U* Chapter 25


Report

Final Chapter
+ hindi ko alam kung san ako dinala ng lucas to pero nasa second floor ako ngayun ng isang malaking bahay at nakagapos ang mga kamay. Nasa isang kwarto lang ako na nakaupo. ng maramdaman kong bubukas ang pinto agad akong tumayo at tumakbo sa isang balkonahe, pumasok yung Lucas at halatang nagulat ng makita akong nasa tangwa ng balkonahe.
Lucas- anong ginagawa mo?
Tanya- ikaw ang dapat tinatanong ko nyan! anong kaylangan mo sakin? ANO?!!!
Lucas- ano bang akala mo? OA mo naman, umalis ka nga dyan, ibabalita ko lang sayo na yung mahal mong si Syto hawak na ng mga pulis.
Tanya- ano?!!
Lucas- ano ba sa tingin mong mangyayare? Di mo pa ba inaasahan yun? Sa pag kaka alam ko muntik na nyang mapatay si Chris eh. Hayyyy di ko alam na ganun sya ka adik sayo.
+ dyusko, ano ng nangyare kay Syto!
Tanya- pakawalan mo na ko.
Lucas- wag ka mag alala, maya maya laya ka na.
+ ano ba talagang kaylangan ng taong to?
biglang bumukas uli ang pinto at lumabas ang isang babae, magandang babae, hindi ko sya makilala hanggang sa lumapit ito sakin.
Lucas- Clarrise.
+ Clarrise?
Clarrise- pasensya ka na, kinaylangan mo pang pag daanan to, sinabi ko naman kay lucas na wag kang pepwersahin pero mukang kinailangan nila.
Tanya- anong ibig mong sabihin?
Clarrise- ikaw ang girlfriend ni Syto hindi ba?
+ sya nga ba yung Clarrise na sinasabi nila? Pero ang sabi ni Jim wala na sya.
Clarrise- wag ka matakot, hindi naman ko totoong patay, kinaylangan lang ipalabas yun ng kapatid ko, well alam mo na para wala syang kahati sa yaman, sure ako magegets mo dahil isa yan sa dahilan kung bat kayo nagkaganto.
Tanya- wala ako maintindihan sa nangyayare.
Clarrise- Im Clarrise, ex girlfriend ni Syto. And Im here to help you, and you are here to help me too Magtulungan tayo, statement mo lang ang kaylangan ko para mapatibay ang laban ko kay kuya. Wag ka mag alala, wala akong balak kunin si Syto sayo. I’ve waited so many years for this, at tingin ko panahon na para pagbayarin si kuya.
+ dyusko, joke ba to?
(Jim POV)
+ nabaril ni Syto si Chris pero hindi ito binawian ng buhay, hinululi si Syto ng mga pulis dahil don, nakatanggap naman ko ng message at picture ni Tanya, nakalagay ang address nito, si Nathan ang humanap sa kanya ako naman ay sumama sa mga pulis para kay Syto. Isinugod pa sa ospital si Chris, alam ko ring magiging okay na si Tanya pag nahanap na ito ni Nathan, tanging si Syto na lang ang kaylangan kong pag tuunan. Ewan sa totoo lang para akong nabunutan ng tinik sa lahat ng nangyayareng ito, pakiramdam ko dito na mapuputol ang kasamaan ni Chris. Hinayaan ko naring hindi sila mag pang abot ni Tanya, alam kong di nya kakayanin. Pero after ng lahat ng ito, anong mangyayare?
(After 1 and a half Month)
(Syto POV)
Ken- kuya?
+ nakangiti kong hinarap si Ken.
Ken- kamusta ka na? Buti pinayagan kang ilipat dito.
+ tumawa na lang ako.
Syto- bakit ba ang seryoso mo? Syempre okay lang. Ikaw? Kayo ng banda?
Ken- alam mo namang ayos lang kami.
+ tumango tango na lang ako.
Syto- buti naman.
Ken- Si Tanya? Hindi mo ba sya kakamustahin?
+ napabuntong hininga na lang ako.
Ken- hindi na nya alam ang gagawin nya, hindi mo parin ba sya kakausapin?
Syto- sa tingin ko, mas makakabuti yun. Atsaka andyan naman si Nathan, alam kong hindi nya pababayaan si Tanya. Alam kong buhay pa si Chris, kaya tama lng na magkalayo kami ni Tanya
Ken- makulit ka parin hanggang ngayun kuya.
+ tumawa na lang sya.
Ken- aalis na muna ako kasi, may susunod pang gustong kumausap sayo.
+ tumingin ako sa kanya.
Syto- sino?
+ tumayo sya at pumasok ang isang babae.
Ken- sa labas po muna ako.
+ umupo ito sa harap ko. Nakangiti sakin.
Ginang- ako to, nanay ni Tanya.
+ nagulat ako at napatuwid ng upo. Natameme na lng ako at tumitig.
Syto- ano pong—
Ginang- gusto lang kitang makilala ng personal.
+ tumungo ako, hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko makakausap ang nanay ni Tanya.
Ginang- ilang taon ka dito?
Syto- labing limang taon ho.
+ huminga ito ng malalim.
Ginang- naiintindihan ko kung bakit ayaw mong makausap ang anak ko kaya ako na lang ang pumunta dito, nalaman ko lahat ng nangyare, hindi ko matanggap na wala akong ka alam alam sa pinasok ng anak ko.
+hindi ako makatingin sa kanya, alam kong tama ang lahat ng sasabihin nya.
Ginang- ilalayo ko na muna ang anak ko. Malayo sa lahat ng mag papa alala sa kanya sa mga nangyaring to. Nalulungkot ako sa sinapit mong ito, makukulong ka sa rehas nato ng labin limang taon para pagbayaran ang nagawa mo pero hindi kita huhusgahan, alam kong nagawa mo yun para sa anak ko. Hindi ko alam kung bakit kahit isang beses ayaw mo syang makita, nagpumilit pa syang pumunta sa hearing mo. Sana maintindihan mo kung bakit napagpasyahan kong ilayo muna sya.
Syto- naiintindihan ko po, kung ako ang tatanungin mas makakabuti pa nga yun.
Ginang- ginawa mo na ang lahat para sa kanya, hayaan mong ako naman ang pumrutekta sa anak ko. Magpakabuti ka dito, malaki ang pasasalamat ko sayo, nagulat ako sa mga desisyong nagawa ng anak ko, hindi ko akalaing magagawa nya yun dahil sa pagmamahal nya sayo. Pero mas nagulat ako sa mga naging desisyon mo para sa anak ko. Maraming salamat.
+ pumatak ang luha ko kahit anong pigil ko. Tumayo na sya at akmang aalis, tumayo ako at hinawakan ito sa kamay.
Syto- pwede nyo po bang sabihin to kay Tanya?
+ tumango sya.
Syto- pakisabi ho na, sana mapatawad nya ko. Alam kong ayaw nya na mananakit pako ng tao, masyado ng masasakit ang pinag daanan nya sakin, emosyonal at pisikal. Pakisabi ho sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na magbabago nako, na sa kanya na lang ako titingin, na dapat sya na lang ang hinanap ko. Sana din sa mga dadating na taon na wala ako, mahanap nya ang kaligayahan nya, at higit sa lahat Mahal na mahal ko sya. Salamat po.
+ hinaplos nya ang ulo ko.
Ginang- makakarating.
+ umiiyak ako habang umaalis ang nanay ni Tanya. Nakulong ako sa attempted murder case, 15-20 years imprissonment. maximum number of years dahil gumamit ako ng baril. Magkakalahating buwan nako dito, ayaw kong makita pako ni Tanya na ganito, mas magiging masaya din ko kung magiging masaya na sya habang wala nako.
(Clarrise POV)
Chris- nasan ako? Bakit ako nandito?
Clarrise- buti naman gising ka na kuya.
Chris- anong ginagawa mo dito? Diba pinadala kita sa Australia?
Clarrise- buti natatandaan mo pa, na pinatay moko sa isip ng mga tao at pinatapon dun.
Chris- anong ibig mong sabihin.
Clarrise- pasalamat ka binuhay ka pa ni Syto. Si Lucas ang tumulong sakin para magkalakas ng loob at makabalik dito. Tama na ang kademonyohan mo kuya, tatapusin ko na lahat. Walang mapupuntang yaman sayo kahit barya, patong patong na kaso ang kakaharapin mo sa tulong ni Nathan at Tanya.
Chris- hindi!!! HINDI MANGYAYARE YAN!!! AT SINO KA?? HINDI AKO BABAGSAK NG DAHIL LANG SA HAYOP NA SYTO NA YAN!!
Clarrise- kapatid kita pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mong gumising ka pa!!!! hindi si Syto and dapat mong sisihin, sarili mong katakawan sa yaman, na pati akong kapatid mo, sinira mo, nalaman na ni Mommy at Daddy lahat, tumigil ka na
Chris- Hindi ako papayag!!!!!!! HINDIIIIII!!!!!!
+ nagwala sya pero nakaposas na sya mismo sa hinihigaan nya dito sa ospital, lumabas ako ng kwartong yun kasabay ni lucas na naka alalay sakin. Salamat sa tilong nya, ni Nathan at Tanya, ang dating ako na di makalabas sa publiko dahil sa tinanggalan nyako ng identity ang kapangyarihan, ang pipigil sa lahat ng kasamaan nya. Dinalaw ko nadin si Syto sa kulungan at nangako na bibigyan sya ng safety sa loob nito, nagulat man sya pero masaya ako na nakita ko sa kanya ang dating Syto na punong puni ng pagmamahal, hindi na nga lang sa piling ko.
(after 12 years)
” ikaw ay pinahihintulutang makalaya sa loob ng labin dalawang taong pagkakakulong dahil sa magandang gawa na iyong pinakita sa loob ng kulungan, nangangako ka bang magbabago at tatanggapin ito bilang isang aral sa iyong buhay? ”
+ nakangiti akong sumagot ng
Syto- nangangako ho ako na magbabago at tatanggapin ito bilang isang aral sa aking buhay.
+ isang malakas na hiyawan mula sa mga kabanda ko ang sumunod matapos iaannounce na makakalaya nako pagkatapos ng labing dalawang taon. Tumakbo papalapit sakin sila Ken, Jim, Myel, Lander at si Sir na tumulong sakin para mas mapabilis ang paglaya.
Sir- Congratulations Syto.
Syto- salamat po.
+ Nakita ko rin si Clarise sa likod, pumapalakpak at nakangiti.
Ken- kuyaaa!!!
+ pinigilan ko sya sa pagyakap sakin.
Syto- tumigil ka, 31 ka na...


kumukuya ka pa.
Ken- syempre mas matanda ka parin eh.
Lander- congrats bro!!
Myel- akalain mo nga namang nagpaka bait ka.
Jim- ano namang tingin mo kay Syto, hindi alam ang word na bait?
Myel- manahimik ka.
Syto- tss!!! Kinasal na kayo at lahat ganan parin kayo.
Jim- ewan ko rin.
Ken- aba, celebration na agad!!
Lander- hahaha sabi ko na nga bat ikaw ang mauuna hahahhaha.
+ grabe, sobrang tagal ko nakulong pero wala silang pinagbago, para lang akong nawala ng isang taon. At tulad nga ng sabi nila pumunta kami sa bar at laking gulat ko dahil sobrang laki at ganda na nito. Tuloy parin ang pagtugtog nila kahit wala ako. Ibang iba na ang itsura nito pero walang nagbago sa pakiramdam ko.
Sir- tulad dati, you can have all the beer you want!!
Ken- yeyyyy!!!
Myel- alam mo bang ang lakas na nyan uminom?
Jim- eh kasi nga binasted.
Ken- kung alam ko lang na tatamaan ako ng husto sa kanya sana di ko na sya iniwan sa restaurant nung unang nireto mo sya sakin hayss.
Lander- syempre sira ka eh.
Ken-wag ka magsalita, ikaw nga walang lovelife!
Lander- aba!!!
Jim- wag ganun! Baka umiyak hahaha!!
+ para silang mga sira.
Sir- sya nga pala Syto. All your bank accounts have been restored, thanks to Nathan, inayos nya lahat.
Syto- salamat po. Nasan nga pala sya ngayun.
+ nag kibit balikat na lang si Sir.
Ken- alam mo kuya da best yung kapatid mo na yun, parang ikaw din pero laging nanlilibre di tulad mo!
Syto- gusto mo sapak?
Ken- joke!!! Hay naku uminom na tayo!!! Sakto alas 2 pa lang ng hapon, matagal tagal na inuman to!!!!! Yeyyyh!!!
“yeahhhhh!!! ”
(after 5 hours)
Jim- love ko.
Myel- hm??
Jim- shan nga ang bahay naten???
Lander- tsss! Bobo wala kang bahay!!
*pak*
Lander- aray!!
Myel- wag mo nga nigaganyan lablab ko!!! Gushto mo shapok?!!
Lander- nyenye!
Ken- *snoring*
+ hay, sabi na ih. Tumayo ako at lumapit kay Sir.
Syto- Sir.
Sir- oh?
Syto- pwede ko bang mahiram ang kotse nyo? Ihahatid ko lang tong mga to.
Sir- ako na ang bahala.kunin mo ang kotse oh. Alam kong may pupuntahan ka pa.
Syto- po?
Sir- kanina ka pa isip ng isip eh. Wag ka mag alala sinigurado kong walang titirang iba sa bahay nyo ni Tanya dati, bisitahin mo na yung bahay.
+ bumuntong hininga na lang ako at nginitian siya. Lumabas ako at kinuha ang kotse. Hindi ko alam kung tamang bumalik pa ako dun, pero nandun lahat ng memories namin ni Tanya kaya pinaandar ko ang kotse at nagtungo dun.
Malayo layo pa ay itinabi ko na ang kotse at naglakad na lang paparon. Hindi ko alam pero parang ang bigat ngayung tanaw ko na ang bahay, ng makarating ako sa mismong harap nito, napako lang ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung mas lalapit pako o mas tamang dito na lang. Pinagmasdan ko ng maigi ang bahay, parang pinupunit ang puso ko habang naaalala lahat ng nangyare samin ni Tanya sa loob nito. Napag pasyahan kong mas lumapit pa dito kahit parang sasabog ang puso ko, kapag naaalala ko yung mga panahong uuwe ako na nasa loob si Tanya, tumulo ang luha ko habang naiisip yun. Sa loob ng labindalawang taon, heto na naman ako, sinusubukang umasa tulad dati. Gusto kong makita ang loob, nandito nadin naman ako. Hinawakan ko ang door knob kahit di ako sigurado sa mararamdaman ko pag pasok dito, bubuksan ko na sana ng—
Nathan- kuya?
+ isang boses ng lalaki mula sa likod ko ang pumigil sakin, humarap ako at laking gulat ko ng nandun si Nathan na may hawak na batang lalaki at si Tanya sa likod nito. Katulad ng reaksyon ko, gulat na gulat rin sila.
Tanya- Syto..
+ hindi ako makapag salita. Binaba nya ang bata at lumapit sakin.
Nathan- kuya kelan ka pa nakalaya?
Syto- ha? Ahh, uhmm, kanina lang.
+ napatingin ako kay Tanya. Nakatitig lang sya sakin. Walang tigil ang kabog ng dibdib ko, gusto ko syang yakapin.
Syto- p-pasensya na, may family bonding ata kayo eh, uhmm baka bukas na lang siguro.
Nathan- ha?
Tanya- Syto sandali.
Syto- Sige ha, U-una nako…
Nathan- Kuya.
+ lalampasan ko na sana sila.
“papa? ”
+ tumigil ang mundo ko ng marinig ko yun. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Unti unti akong humarap uli sa kanila, nakita kong nagtakip ng bibig si Tanya at umiiyak. Tumingin rin ako sa bata na nakangiti sakin.
Umiiyak si tanyang lumapit sa bata.
Tanya- King anak, halika.
+ binuhat nya ito papalapit sakin.
Tanya- Nakikilala mo ba sya?
+ tumango ang batang lalaki.
King- opo, si Papa.
+ ngumiti ito sakin at nagpabuhat. Tumingin ako kay Tanya na umiiyak at nakangiti sakin.
Tanya- araw araw nyang tinitingnan at kinakausap ang picture mo sa loob ng 10 years. Si King nga pala, 11 yearsold, anak natin..
+ hindi ko maabsorb lahat ng sinabi nya, pero isang ang alam ko, ang batang to, anak namin. Tuluyan ng lumabas lahat ng luha ko at niyakap ito ng mahigpit.
Syto- anak?!!
+ tumango tango si Tanya. Lumapit din si Nathan na nakangiti.
Syto- sorry hindi ko alam.
Nathan- kala ko matatagalan ka pa eh. Pero wag ka mag alala, sinigurado namin ni Tanya na makikilala ka nya agad.
Syto- salamat!
+ hindi ko mapigilan ang mga luha ko, hinila ko si Tanya at niyakap rin sya ng mahigpit habang buhat ko si King.
Syto- I love you..
+ ibinulong ko yun sa kanya habang yakap sya.
Tanya- I love you too..
+ bumitaw ako saglit.
Syto- teka, panong?
Tanya- tss, sa kotse.
Syto- what the!
+ totoo ba? Yung nangyare samin sa kotse. Tumingin ako kay king at napangiti.
Tanya- sshh!!
+ natawa na lang ako, oo nga naman, sa kotse.
Nathan- hayyy, sya bubuksan ko lang ang bahay para makapasok na tayo.
+ nginitian ko na lang si Nathan.
King- papa, sabi ni tito Nathan nawala ka daw kasi sobrang love mo si mama.
+ napangiti naman kami ni Tanya.
Syto- oo anak, pero nandito na uli si papa, hinding hindi na mawawala si papa okay?
King- promise?
+ hinalikan ko sya sa noo.
Syto- Promise.
Nathan- King, halika diba may gift ka kay papa pag uwe nya kunin mo na dali.
King- opo, papa may gift ako sayo, wait lang po ha.
Syto- o sige.
+ binaba ko sya at tumakbo sya papasok ng bahay. Tumingin naman ako kay Tanya, masama naman ang tingin nya sakin.
Syto- oh? Bakit?
Tanya- tss!! Bat ngayun ka lang nagpakita?
+ haha, niyakap ko sya ng mahigpit.
Syto- sorry na, hindi ba sinabi sayo ni Tita.
Tanya- tsk! Sinabi pero hindi pwedeng ganun lang.
Syto- ahh baka kulang ang sinabi ni Tita.
Tanya- anong kulang?
+ hinila ko sya sa muka at hinalikan sa labi.
Syto- Na mahal na mahal kita.
+ inisnob nyako pero ngumiti sya.
Syto- sus, sya nga pala, yung pangalan ni King, san galing yun, sa pagkaka alam ko Syto ang pangalan ko at Tanya ang pangalan mo.
Tanya- nahiya kasi ako sayo Emperor, sya na lang ang ginawa kong king.
+ ahhhhh.
Syto- ang corny mo.
Tanya- ano?!!!
Syto- wala po, teka loko sila Ken ah, bat wala silang sinabi sakin. tara na sa loob? Hahahah
+ niyakap ko na sya at niyakag pa loob. Ang sarap makitang muling maliwanag ang bahay namin ni Tanya, walang masyadong nagbago siguro dahil ayaw nyang baguhin. Niyakap naman ko ni Nathan, sobrang laking pasasalamat ko sa kapatid ko na to, sya ang gumabay at tumulong kay Tanya habang wala ako. Yung regalo naman na sinasabi ni King ay singsing, yun daw ang gamitin namin ni Tanya pag ikakasal na kami hahaha. Hindi ko akalaing ito ang sasalubong sakin, pero sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng ito, lalong lalo na sa girlfriend kong matibay pa sa bakal ang pagkatao. Salamat at hinintay moko. Lahat ng kwentong sinimulan ni Tanya, ako ang tatapos. At hinding hindi ko hahayaang may sumira pa nito.
Ps.
Guys thank you sa mga nag abang padin. Hanggang dito na lang po ang kwento nila Syto at Tanya. Sobra po akong nagpapasalamat sa inyo, at along with the story wala tayong naging basher, kayo ang the best readers. May susunod pa po tayong estorya na sana abangan po ninyo at suportahan. Sa totoo lang this is my first story sa group na to at grabe po ang pagtanggap nyo, lalo na po dun sa mga araw araw nagaabang, kilalang kilala ko na po kayo, hanggang sa susunod na story po, di ko kayo bibiguin. Salamaat po ♥️♥️♥️ I will post the Next Story mamayaang gabi or maybe bukas ng umaga po. 💕💕💕
PS.
– magbago man ang panahon, bumagal man ang takbo ng buhay, tumigil man ang saya at mangibabaw ang lungkot. Tadhana parin ang masusunod. Ikay magtiwala dahil ikay nagmamahal. –


One Comment

  1. You really make it seem so easy with your presentation but I find this matter to be actually something that I think I would never understand. It seems too complex and extremely broad for me. I am looking forward for your next post, I will try to get the hang of it!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.