0

*2U* Chapter 23


Report

(Tanya POV)
+ halos isang araw na kaming magkadikit ni Syto. Ayokong humiwalay sa presence nya, ginawa ko lahat ng pwede naming paglibangan na dalawa para lang mawala sa isip namin ang mga problema, o sa madaling salita para makalimutan ko saglit ang lahat ng bumabagabag sakin ngayun.
Tanya- Syto.
+ tumingin sya habang umiinom ng tubig.
Syto- hm?
Tanya- natatandaan mo to?
+ ipinakita ko sa kanya ang isang video game. Napangiti naman sya ng makita yun.
Syto- pano ka nagkaron nyan?
Tanya- haha pinabili ko kay jim.
Syto- talaga?
Tanya- alam mo bigla ko namiss si Ken. Pati na ang buong banda nyo.
+ lumapit sya sakin at niyakap ako.
Syto- Miss ka narin nila. Lalo na ng bahay natin.
+ niyakap ko sya ng mahigpit.
Syto- kahit anong mangyare, uuwe at uuwe tayo.
+ sana..
Tanya- uhmm, ano? Laro tayo?
Syto- oo naman. Hindi nyo lang ako niyakag ni ken nung naglaro kayo eh, pero magaling talaga ako dito.
Tanya- niyakag ka namin nho. sige nga, talunin moko.
Syto- alam mong di ako umuurong.
+ at nagsimula na nga naming iset up ang video game, tama Tanya, ito na lang ang kaya mong gawin para mapangiti sya. Hindi mababayaran ang ngiting pinapakita nya ngayun, sa kanya ko lang makikita ang mga yun. Inubos namin ang oras na magkasama ng araw nato, hanggang gabi, ng inantok sya ay nakatulog sya sa mga hita ko, hanggang pagtulog nakangiti parin sya. Hinaplos ko ang mga buhok nya at tinitigan lamang sya, si jim naman ay tulog na sa kwarto, si Nathan na lang ang hindi pa dumarating. Si manang ay sa isang araw pa makakauwe. Tumayo muna ako at kinunan ng unan at kumot si syto dahil mahimbing na ang tulog nito sa sofa. Umupo lang ako sa sahig sa gilid nya. Maya maya ay narinig kong dumating ang kotse ni Nathan. Kaya lumabas ako saglit para salubungin sya.
+ ngumiti sya sakin dala ang isang paperbag.
Nathan- bat nasa labas ka pa?
Tanya- ahh tulugan nadin kasi sila, tsaka para salubungin ka din. Ginabi ka ata.
Nathan- ahhh, may mga bagay pang inayos eh.
Tanya- ahhh, tara na sa loob para makapag pahinga ka nadin.
+ papasok na sana ako ng hilahin nya pasara ang pinto kaya hindi ako nakapasok sa loob.
Nathan- sandali lang.
Tanya- hm?
Nathan- uhmmm, nakita ko kasi to kanina, naisip kita kaya binili ko.
+ nilabas nya sa paper bag ang isang denim jacket. Ngumiti sa sakin pagtapos ay isinuot yun sa magkabila kong balikat.
Nathan- pag natapos na lahat to. Gusto ko, suutin mo lagi yan, alam kong gusto mo laging lumabas kaya dapat lagi kang naka jacket lalo na pag gabi. Makulit ka pa naman.
Tanya- Nathan hindi mo naman na kaylangang—-
Nathan- ssshhhh…
+ hindi ko alam kung anong nasa isip nya kaya tiningnan ko na lang sya.
Nathan- sorry kung lagi kitang nakakagalitan tuwing lalabas ka. Tsaka sorry isa ako sa dahilan kung bat nandito ka.
+ bat ganun, parang ang lungkot ng mata nya sobra.
Nathan- sa ilang buwan na nagkasama tayo, gusto ko lang malaman mo na, hindi kita tinulungan dahil naaawa ako sayo o kaya dahil may koneksyon kayo ni Syto. Tinulungan kita dahil tinulungan moko. Tinulungan mokong magbago, kaya salamat.
Tanya- ano ka ba. Nung una palang kitang makita, alam kong hindi ka masamang tao kaya inintindi ko ang sitwasyon mo. Ako ang dapat nagpapasamat sayo, dahil tinuring mokong parang isang responsibilidad sa buhay mo, hindi ko alam kung ano na nangyare sakin kung hindi kita kasama dito.
+ hinwakan nyako sa magkabilang balikat at tumitig sakin.
Nathan- yun ay dahil hindi ko na matakasan ang nararamdaman ko sayo.
+ medyo nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako kumibo, pakiramdam ko kaylangan ko lang syang pakinggan.
Nathan- gusto kita Tanya. Gustong gusto kita, sa puntong pakiramdam ko mababaliw nako tuwing nakikita kang nahihirapan. Ayaw na kitang bitawan, ayaw na kitang pakawalan, naging komportable nakong nakikita ka. Hanggang umabot sa puntong inamin ko sa sarili kong mahal kita.
+ parang pinunit ang puso ko ng makita kong may luhang pumatak mula sa mata nya.
Tanya- Nathan—
Nathan- ssshhhh……
Tanya- Sorry pero—
+ hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila nyako at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit, at muli syang nagsalita
Nathan- pero syempre, hindi na pwede. Wag ka mag alala, hindi ako dadagdag sa kontrabida sa buhay nyo ni Syto, gusto ko lang ipaalam sayo lahat ng bagay na yun, kasi pakiramdam ko ito na yung pagkakataon.
+ bumitaw sya sa yakap at ngumiti sakin.
Nathan- uhm, wag ka ma aawkward sakin ha hehe.
+ nginitian ko rin sya at pinahid ang luha nya.
Tanya- wag ka nga umiyak! Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko kasi sinasayang mo luha mo. Tama na yan ha. Oo na naiintindihan kita, salamat kasi na appreciate mo ko, atsaka makaka asa ka na iingatan at susuutin ko to lagi hanggat nabubuhay ako, kahit pa taginit susutin ko padin to.
Nathan- sira ka talaga.
Tanya- haha, hay naku, mabuti pa magpahinga na tayo baka magising pa yung dalawa, mapraning na naman yun. Lika na.
+ pumasok na kami at hinayaan syang magpahinga sa kwarto nya. Grabe alam kong inalagaan nyako at pinahalagahan pero hindi ko alam na ganun na pala yung nararamdaman nya para sakin. Ayokong mawala sya bilang kaibigan, at para naring kapatid kaya kahit ano man yung maging dahilan para mag iwasan kami, eh hindi ko papayagan.
(Ken POV)
+ oh, long time no see guys!! Grabe tagal nadin. Nandito ako ngayun sa isang restaurant kaharap ang inirereto sakin ni lander na babae, ewan ko ba dun kung kelan nagkakaron n kami ng fans eh tsaka pa nya ginawa to.
Girl- bat di ka kumakain?
Ken- ah, sige lang busog na ko eh.
Girl- ahhh.
Ken- pano ka nga pala nakilala ni lander?
Girl- ahhh, sa pagkakatanda ko nung tumugtog kayo kina luis.
Ken- Luis? You mean yung ceo?
Girl- yeah
+ ahhh, naalala ko tuloy si Tanya, grabeng hirap ng pinag daanan nya kay kuya nung mga oras na naging malapit sya kay luis.
Girl- nagkausap kami bago pa kayo tumugtog nun.
Ken- ahhh, sorry hindi kita–
Girl- haha okay lang. Simula nun naka follow nako sa banda nyo kasi ang galing nyo naman talaga, hanggang sa nangyare yung aksidente sa vocalist nyo, nalungkot ako kasi napatigil kayo ng ilang buwan nun.
Ken- ahh hehehe. Kaylangan eh.
Girl- diba may girlfriend yung vocalist nyo?
Ken- ahh oo bakit?
Girl- sure ka bang sila pa? I was confuse kasi, bakit nasa Valencia na sya??
Ken- ahh oo, for some matters hehe.
+ ang dami nmang alam ng babaeng to.
Girl- may relatives kasi ako sa valencia and parang one time may nabanggit sila saking issue dun na yun daw girlfriend ng vocal nyo eh may asawa tapos ninakawan nya to ng mga mamahaling gamit.
Ken- asawa??
Girl- yes, sa pagkaka alam ko ang yaman nga nung napangasawa eh. Na shock nga ako kasi akala ko sila nung vocal nyo.
+ what the!!
Ken- baka naman nagkamali ka lang ng tingin.
Girl- no, wait the picture...


is still in our messages. I’ll show you.
+ hinanap nya yun at pinakita sakin, panong naging??
Ken- uhmmm, I think I have to go, may mga aayusin pa kasi ako. Sorry but maybe we can meet another time.
Girl- ha?
Ken- I’ll go ahead.
+nginitian ko sya at naglagay ng perang pambayad sa mesa pagkatapos ay lumabas na ng restaurant na yun. Hindi ako pwedeng magkamali si Tanya nga yung nasa picture, ang alam ko magkasama sila ni kuya pero bakit? Naguguluhan ako kaya agad akong tumawag ka kuya. Hindi sya sumasagot kaya si jim na lang ang tinawagan ko.
“bro? Bakit? ”
Ken- anong nangyayare?
“anong anong nangyayare? ”
Ken- I have a date and-
“ha? Abaaaaa.. ”
Ken- patapusin moko.
“okay ano ba yun? ”
Ken- my date show me a picture, nandun si Tanya, panong naging wanted sya at naging asawa pa? Ano bang nangyayare dyan, atsaka asan si kuya?
” what the hell, alam nyo narin? ”
Ken- anong ibig mong sabihin? Totoo??
” no, wag ka mag alala pakana lang yan ni Chris para makuha si Tanya. ”
Ken- ha? Hindi ba sobra naman yan?
“oo, pero ginagawan parin namin ng paraan, kaya wag ka mag alala, wag mo naring babanggitin sa banda okay? ”
+ bumuntong hininga na lang ako.
“nga pala, kamusta kayo? Si Myel? ”
Ken- hayyy, bakit kinakabahan ako. By the way okay naman, kasama ni lander si myel sa pag tulong kay sir sa office. Pls mag iingat kayo dyan nag aalala ako eh.
” oo na”
Ken- wag nyong hayaang mag isip ng mag isip si Tanya. Libangin nyo.
” yes poooo”
Ken- sige. Babalitaan moko ha.
“okay poooo”
Ken- tss!!
+ binaba ko na ang phone. Grabe na talaga ang pangongontrabida ng Chris na yun ah. Tsk! Natatakot tuloy ako para kay Tanya at kuya.
(Jim POV)
+ umuwe ako dala ang mga pinamiling pagkain at wine. Naabutan ko naman silang nag totongits?!! Hahaha marunong pala sila nun?
Tanya- oh? Teka mali naman tapon mo ih.
Nathan- alin ba dapat?
Syto- ito ito! Tapon mo yan sakin.
Tanya- edi na chow mo!! Madaya..
+ hahaha, ewan kung okay lang ba tong nangyayare sa kabila ng mga problemang naghihintay ngayun, ayokong sirain ang mood nila kaya sasakyan ko na lang. Alam kong ginagawa nila lahat para makalimutan ang problema.
Jim- tama na muna yan, kumain muna kayo.
Nathan- wine?
Jim- ahuh! Para naman makapag bonding tayo, mamayang gabi kasi susunduin ko pa si manang, nakakaawa naman kung pag cocomutin pa natin eh.
Syto- anong pagkain ba yan?
+ inilabas ko lahat, may sandwiches at burger tas softdrinks.
Nathan- wala bang vegetable sandwich?
Jim- wala!!!!
Nathan- edi wala. Teka dapat may cake tayo at barbecue.
Jim- teka tama ka. Sige ganto na lang bibili muna ako tapos ihanda nyo na ang ihawan.
Syto- pakisamahan ng pizza.
Jim- manahimik ka.
Tanya- teka, okay lang bang sumama ako?
Syto- Hindi.
Tanya- sige na para makapamili naman ako ng cake, hindi ako bababa ng kotse.
Syto- ako na ang mamimili.
Jim- uhmm mukang okay lang naman na isama ko si tanya, as long as nasa loob lang sya, isa pa, wala ba kayong tiwala sakin?
Syto- tss!! Siguraduhin mong di ka bababa ha!!
Jim- tsaka para makapag kwentuhan narin kami, diba tanya?
Tanya- yep. At may mahalaga pa kaming paguusapan diba jim?
+tiningnan nyako ng sarcastic, ano naman yun? isinama ko si tanya, para narin makamusta ko sya, nakasunod naman ng tingin yung dalawa na kala mo kikidnapin ko si tanya hahahha. Sumakay na kami sa kotse at pinagmask at hat namin sya. Hanggang sa makaalis kami nakatanaw yung dalawa.
Jim- Uy!
Tanya- hm?
Jim- okay ka lang?
Tanya- oo naman.
Jim- kausap ko nga pala si ken kanina.
Tanya- talaga?
Jim- kinakamusta ka kaya sabi ko okay naman.
Tanya- hayy, kelan ko kaya uli makikita yun.
Jim- wag ka mag alala, gagawin lahat ni syto para makauwe na kayo. Pati si Nathan.
+ bumuntong hininga sya.
Tanya- pasensya ka na ha, nadamay ka pa.
Jim- nope! I decided to go with all of you, alam kong kayang kaya nyong malampasan to. Isa pa si Syto. Hindi nmin sya kayang iwan na lang sa ere.
Tanya- nahihiya narin ako kay Nathan, kasi ilang buwan nakong nakasandal sa kanya.
Jim- okay lang yun.
Tanya- sya nga pala jim, may kasalanan ka sakin.
Jim- ha, bat ako? Ano yun?
Tanya- nabalitaan ko kasing tinutukan ng balisong ni Syto si Nathan nung magkita sila dito.
Jim- ahh hehehe.
Tanya- Diba pinatago ko na sayo yun?
Jim- hehe, alam mo naman si Syto.
Tanya- tss!!!
Jim- eto na lang, wanna know some updates?
Tanya- hm?
Jim- may laban tayo kay Chris.
Tanya- anong ibig mong sabihin.
Jim- kami ni Nathan, we tried to get a copy of your fake marriage certificate, kaso hindi madali, so nag switch kami ng plano, yun pala maraming records na hawak si Nathan sa mga illegal businesses ni Chris, nung una malabo pa ang mga evidence nya, pero tingin ko sapat na yun ngayun. Kaya wag ka na mag alala.
+ tumungo sya.
Jim- bakit? Okay ka lang ba talaga?
Tanya- kilala ko na si Chris hindi sya ganun basta basta mapapabagsak.
Jim- alam ko, pero kaylangan parin natin humanap ng paraan.
+tumango na lamang sya, malapit lapit na kami sa bakery ng biglang may humarang samin na itim na van kaya bigla akong napa preno. May mga bumabang lalaking nakamask.
Tanya- Jim?
Jim- wag kang bababa.
+ nilock ko agad ang mga pinto at pinaandar uli ang kotse, napaatras naman yung mga lalake ng paikutin ko pabalik ang kotse!
Tanya- Jim! Anong nangyayare.
Jim- kung di ako nagkakamali, mga tauhan ni Chris yun!
Tanya- HA?!!!
+ pinatakbo ko pa ng mas mabilis ang kotse, nakasunod lang sila sa likod.
Tanya- Jim, bilisan mo pa, aabutan nila tayo.
Jim- basta kumapit ka lang dyan!!!
+ napaka hirap talagang kalaban nito! Nagawa pa nya kaming hanapin!! Kita ko sa salamin na takot na takot si Tanya. Kaylangang malaman ni Syto to! Kukunin ko pa lang sana ang cellphone ko ng bigla na lang may bumangga saming isa pang itim na van mula sa harap. At dahil mabilis ang takbo namin, malakas na pagkakauntog ang natamo ko sa manubela, parang gumewang gewang ang paningin ko, naramdaman ko namang humawak si Tanya sa damit ko mula sa likod, blurred na ang paningin ko pero ramdam ko pang may pumasok sa loob at tumabi sakin, tanging tawa na lang ng isang lalaki at boses ni tanya na tinatawag ako ang naririnig ko hanggang sa dumilim na lang lahat at hindi ko na alam ang sunod na nangyare.
Itutuloy…….
Last 2 chapters na tayo mga Madaam 💕 paka abangan po ang huling yugto ng kwento ni Syto at Tanya. Siguradong di kayo mabibigo. Salamat po sa suporta.
At abangan din po natin ang susunod kong iuupload na kwento, I am very excited for this next story po ♥️♥️ titled : (I’m the Master of the CEO)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.