0

10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 3


Report

10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 3: unbelievable!
Kay daming pagkain ang naka handa sa mesa. Inisa isa ko itong binuksan at may ibat ibang kulay na kanin ang aking nasilayan. May itim, asul, dilaw at puti. Malayo ito sa kanin na aking na kain sa aming bahay.
Nalilito ako kung saan ang aking kakainin. Duda ako na baka may lason ang mga ito. Ang ulam naman ay halos mga gulay ang naroon.
“Saan ba dito ang pwede kong kainin?” tanong ko sa aking sarili at napakamot sa aking ulo.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya ng taong tinig lang. Hindi nga ako magkamali. “Mahal na Reyna Athena, nakalimutan kong paalalahanan ka. Lahat ng pagkain diyan ay pwede mong kainin huwag lang ang mga pagkain na may kulay itim baka pagsisihan mo sa huli.” Aniya.
“Bakit naman?” nagtatakang tanong ko habang nakamasid sa mga pagkain na naka lapag.
“Tanging kami lang ang pwedeng kumain sa pagkain na yan. Ang mga mortal ay mahigpit na ipinagbabawal na kumain sa pagkain iyan dahil maaring hindi Kana maka balik sa lupa na iyong pinanggalingan.” Paliwanag nito. Labis akong namangha sa kanyang tinuran. Hindi pala ito isang panaginip lamang, ako nga ay nasa kanilang puder.
“Kung ganon, bakit lagi mo akong tinatawag na reyna gayong hindi naman ako nabibilang sa inyo?” tanong ko
“Iyan ang habilin ng prinsipe sa amin. Ikaw daw ang magiging reyna sa palasyong ito. Hindi naman namin pwedeng suwayin ang aming mahal na prinsipe. Hindi ka naman nalalayo sa pagiging prinsesa, kita namin ang iyong kabaitan...


at wala na kaming maipintas pa sa iyong kagandahang taglay.” salaysay ng lalaking tinig.
“Maari ko ba kayong makita?” Tanong ko
“Maari mo kaming makita ngunit hindi pa ngayon. Maghintay ka lang malapit ng makabalik ang prinsipe dito sa palasyo, kayo ay magkikita ng muli.”
“Magkikitang muli? Bakit, nagkita naba kami noon?”
“Matagal na kayong nagkita, nagawa niyang mag anyong tao upang masilayan ka lang. Hindi mo siguro pansin o hindi mo lang pinapansin.” Turan niya.
“Hindi ko alam ang iyong sinasabi, ginoong tinig.” sambit ko at nagsimula ng kumain. Pinili ko kulay puti na kanin dahil hindi ko maatim ang kumain ng ibang kulay, hindi ako sanay.
“Kumain ka na mahal na reyna at magpahinga ka na pagkatapos. Mamayang alas onse ng gabi ay darating na ang prinsipe. Masasagot niya lahat ang iyong katanungan.” Sabi nito na nagbibigay ng pag asa sa akin. Sa wakas ay masasagot at masilayan ko na ang mga taong nasa aking paligid.
“Salamat sa iyong oras, ginoo.” sinserong sabi ko.
“Walang ano man, mahal kong reyna. Tungkulin ko ang pagsilbihan ka. Pero pakiusap huwag mong kuwestiyunin ang pag ibig ng aming prinsipe sa iyo kapag siya ay nagtapat na. Ayaw namin siyang masaktan. Oh siya, aalis na ako.” Paalam ng lalaking boses sa akin.
“Tika lang ginoo!” pagtawag ko sa kanya ngunit wala na ang kanyang presensya. Ang dami ko pang gustong itanong. Mas lalo akong naguguluhan. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman. At ano iyong pag-ibig na kanyang pinagsasabi? Imposible!
> >Salamat sa pag babasa my dear readers. Lovelots😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.