0

πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ βœοΈŽβ„‚β„π”Έβ„™π•‹π”Όβ„ π•Šπ”Όπ•π”Όβ„•π•‹π”Όπ”Όβ„•βœοΈŽ


Report

“OKAY kana ba talaga?” tanong ni Lara.
“Oo nga, ayos na ayos na talaga ako.” hindi na mabilang ni Claire kung ilang beses tinanong ni Lara kung okay na ba siya.
Tumingin siya sa salamin habang nagsusuklay, kinagat niya ang ibabang labi para hindi mapangiti at mapahagikhik.
🌧️ Bakit ba ako nagkakaganito? Naiisip ko lang si Rain napapangiti na ako kahit puro kahayupan yung pinaggagagawa niya sa akin dati. 🌧️
“Pero teka, akala mo ba makakatakas sakin ang hindi mo pag uwi sainyo? Aba, nagsinungaling lang naman ako sa nanay mo na dito ka sa amin natulog. Bruha ka!” nakataas pa ang kilay na sabi ni Lara.
Nag-aalangang ngumiti na lang si Claire sakanya.
“Tinamad kasi si sir ulan na ihatid ako sa bahay kagabi, saka wala naman kaming ginawa na labag sa batas,”
Pinaningkitan lang siya ng mga mata ni Lara na tila ba hindi siya naniniwala.
“Sus, hindi umaamin ang kriminal sa kasalanan niya.”
Napasimangot na lang si Claire sa sinabi ni Lara. “Grabe, hindi naman ako kriminal, eh.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” napapailing na sabi ni Lara.
“Mamaya mo na lang i-explain kung anong ibig mong sabihin. Naghihintay na sa akin si Mark sa labas. Bye!”
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
“Okay ka na ba?” Sinalat niya ang noo ni Claire.
“Okay na ako, malakas na ako ulit. Ikaw ha!? Napapansin ko sayo napapadalas na ang panlilibre mo sa akin.” natatawang sabi ni Claire at tinapik sa braso si Mark.
“Hindi libre to, babayaran mo to in the future,” sabi naman ni Mark na pinitik ang noo ni Claire.
Trip daw ni Mark na ilibre daw siya ngayon sa Jollibee. Saka hindi si Claire tumatanggi sa libre.
“Kamusta na si Rain sayo?” tanong ni Rain.
“Ganun pa rin masungit.” kibit balikat na sabi ni Claire.
“Buti naman.” bulong na sabi ni Mark na hindi niya masyadong narinig.
“Ha?” tanong ni Claire.
Umiiling si Mark saka tipid na ngumiti. “Wala.”
“Pero napansin ko medyo bumabait na siya sa akin, nakakapagtaka nga eh.” Sumeryoso ang mukha ni Mark sa sinabi niya.
“Mas nakakakaba kapag bumabait siya sayo,” Tumango si Claire sa pagsang-ayon.
“Oo nga eh, kapag ganon daw parang mamamaalam na daw sa mundo,” nakangiwing sabi ni Claire. Natawa na lang si Mark saka ginulo nito ang buhok ni Claire. Napaismid naman si Claire sa ginawa nito.
“Hindi iyon ang ibig kung sabihin pero sige,” natatawang sabi nito.
“Ano bang ibig mong sabihin?”
“Its nothing. Anyway, paano mo naman nasabi na bumabait sayo si Fuenteblanca?” tanong ni Mark.
Uminom muna siya ng coke float bago sumagot. “Ewan, hindi ko rin kasi sigurado. Baka naman bored lang siya,” sabi nalang niya. Ayaw niyang magkwento kay Mark ang mga pinaggagawa nila ni Rain noong may sakit siya.
Natigilan si Claire nang mapadako ang tingin sa pamilyar na kotse mula sa di kalayuan.
“Si sir ulan yon, ah!” sabi niya na nakatingin sa loob ng kotse.
“You’re right, but why is he here?” tanong naman ni Mark.
Natigilan si Claire ng tumingin sa kanya ng masama si Rain.
🌧️ Teka, ano na naman kaya...


ang problema niya? 🌧️
Nasapo ni Claire ang noo, nang may naaalala siyang pinapapunta nga pala siya sa hideout.
🌧️ Bakit naman nakalimutan ko yung bagay na yon? Kung kailan bumabait na siya ng kunti sakin. 🌧️
Bumaba ng kotse si Rain at dumating si Angenica na may bitbit na mga paper bags. Kinuha ni Rain ang mga bitbit ni Angenica at nilagay yon sa kotse. Pinagbuksan naman niya ng pinto si Angenica. Nang makaupo sa drivers seat, agad na rin nitong pinaharurot ang sasakyan nang hindi naman siya nililingon.
Napapikit na lang ng mariin si Claire at saka umiling nang maramdamang may sumisipa sa puso niya.
🌧️ Dala ba ng lagnat ito? Kung ano-ano na naman ang nararamdaman ko. 🌧️
“Mukhang may pag-asa na silang magkabalikan, makakalaya ka na kay Rain.”
Hindi agad nakasagot si Claire sa sinabi ni Mark.
🌧️ Dapat masaya ako, bakit parang nasasaktan ako imbis na matuwa? Grabe, hindi na talaga normal itong nararamdaman ko. 🌧️
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
PAGDATING nila ng school ang daming kalat sa paligid na para bang isang taong hindi naglinis ang janitor.
“B-Bakit ganito ang school?” nagtatakang tanong ni Mark.
Nagtatakang napatingin si Claire sa mga estudyanteng walang habas na nagkakalat at nagtatapon kung saan-saan.
🌧️ Balak ba nilang dumihan ang buong school? Saka mahigpit ang school pagdating sa kalinisan, bakit nagkakalat ang buong estudyante?🌧️
Natigilan siya ng makita si Rain sa di kalayuan na nakatayo.
“Claire, hindi maganda ang kutob ko,” sabi ni Mark na hinawakan siya sa braso. Tipid na ngumiti lang si Claire at tinapik ang balikat ni Mark.
“Wag mo na akong isipin, sige baka ma late ka na sa klase mo. Salamat Mark, sa panlilibre mo ha?”
Pagkasabi non ay tinalikuran na niya si Mark at pinuntahan si Rain. Naglakas loob lumapit si Claire sa kanya.
“P-Pasensiya na kung hindi ako nakapunta sa hide out, nawala sa isip ko kasi———”
“Akala mo yata bayad ka na porket nagpakita ako nang konting kabutihan sayo.”
Napalunok si Claire sa sinabi ni Rain. Hindi lang seryoso ang boses nito, may bahid ding galit kaya mas lalong nakakakaba.
“Sorry, may iuutos ka ba? Gagawin ko para hindi kana magalit.” nakatungong sabi niya.
“You need to clean every part of this school,”
Pakiramdam ni Claire ay tumigil ang mundo niya.
🌧️ Seryoso ba siya? 🌧️
Natigilan si Claire nang mapansing walang bakas ng kahit anong emosyon sa mga mata ni Rain.
Napasinghap siya ng hablutin ang braso niya palapit sa kanya. Napalunok nalang si Claire dahil sa matalim na pagtitig sakanya.
“As long as Im still f*cking mesirable, your not allowed to be happy.”
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
πŸ’¦ πšπ™°π™Έπ™½’𝚜 π™Όπ™Ύπ™Όπ™΄π™½πšƒ π™Ώπ™Ύπš… πŸ’¦
Nakakainis kapag nakikita ko siya na kasama si Mark. Bakit siya nakangiti kay Mark? Bakit niya tinatawanan si Mark?
Dapat masaya ako tuwing pinapahirapan siya, dapat natutuwa ako.
Until i noticed something in the way she looks at me. Does she like me? I cant sleep at night thinking about it, am I just assuming things or what?
I was really disappointed when I saw her having lunch with Mark. How dare she smile and laugh at him like her world f*cking revolves around him!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.