0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 30


Report

Isang Linggo na ang nakalipas pero pakiramdam ko ay parang isang taon na sa tagal. Ang bagaL ng araw at ang bagaL ng oras para sa akin..
Ngayon ang araw ng graduation ni Boboy.. Grade 6 na sya ngayon at First year na sana sa susunod na pasukan .Sa tuwing titingnan ko si Boboy ay nankokonsensya ako ..
Di katulad ng dating grumadweyt kame ni Long na masaya ay kabaliktaran ang meron kame ngayon… Wala ang saya. Wala ang ngiti na makikita mo kela tito at tita. Wala ang mga matang ngumingiti dahiL sana proud sila kay Boboy dahiL Salutatorian ito.
Kahapon nga pala aydumating si mama galing maynila .Nakitawag si Tita kay Ante Ligaya at sinabing umuwe muna para may umattend sa graduation ni Boboy.. At saka para narin makpag usap sila.
“Alis na kame “,sabi ni mama sa amin..
Wala ngayon dto sa bahay si tito… Nakikipag inuman na nman at tiyak ko mamaya pag uwe nun ay madami na nman yung sumbat na isusumbat sa akin.
“pwede po ba ako sumama? ” paalam ko kay tita.
Di ako nito Pinansin at manatiling nakatutok ang mata sa pagawa ng pawid (yung ginagawang bobong sa bahay sa probensya.) ..ito muna ang pinagkukunan namin ng kita kase simula ng magalit si tito sa akin ay d na ito naghanap- Buhay pa.. Sa halip ay naging Lasingero na ito…
Yung dating tito ko na nagsusumikap para makakain kame ng tatlong beses sa isang araw ay bigLang nagbago dahiL din sa kagagawan ko. Subrang subrang pagisisi ko kung maibabalik ko lang ang panaho’y gagawin ko.
“Sasama ka? Tara na! “.si mama na nakangiti sa akin.
TiLa di pa nito alam ang nangyayare baka dahiL di pa nasabi ni tito at ni tita sa kanya dahiL kakarating lng nya khapon at hinayaan syang magpahinga muna.


/> Habang nasa daan ay ikwenento ko kay mama ang lahat.. DahiL tola sasabog na ang puso ko sa subrang bigat at di ko na kaya pa tong sarilinin.
Tahimik na nakikinig si mama sa akin samantalang si Boboy ay mas nauna ng kunti sa amin .Napakagwapo netong tingnan sa Togang puti na suot nya. At heto na ulit ang mga Luha kong makukulit. At pinilit si mamang mangako na wag nyang sasabihin kila tito na nagsabi ako sa kanya..agad din nman itong umuo.
Matapos kong ipagtapat ang lahat sa mama ko ay niyakap nya ko. Naiintindihan nya daw ako..Nagkamali man daw ako’y atleast ngayon ay pinagsisihan ko na at sana daw ay matoto na ko sa pagkakamaling yun.
Naiwan ako sa labas ng gate ng Plaza kung saan sa plaza ding yun ginanap ang pinakamasayang araw para kina tito at tita.. Pumwesto ako sa may bakod kung saan nakita ko si tito na nakatayo dati.. Nung masayang nakatingin ang mga mata sa akin…
Di ko napigiLan ang pag iyak. Walang katapusang pag iyak.
Gusto kong masaksihan ang araw ng pagtatapos ni boboy para khit papano ay mabawasan ang konsensya sa puso ko subalit mas lalo lang ata nadagdagan ito.
Matagal tagal din akong nakatayo ng may kumalabit sa akin..
Si Marya.
Pinapauwe na daw ako ni tita at hinahanap na daw ako ni tito. Pero sabi ko mamaya na at aantayin nalng namin si boboy at mama para sabay na kameng umuwe.
Na sana ay hindi ko ginawa. Sana ay nung sinundo ako ni Marya ay agad na sana akong umuwe para di nangyare ang dpat mangyare…
-itutuloy
Pakisabi po ng opinyon nyo sa bawat kabanata. Wag nman po puro NEXT 😭 kase parang nakakatamad na po mag update..
Para nman ganahan po ang author sa pagsusulat 😁


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.