0

๐— ๐—ฌ ๐—š๐—œ๐—ฅ๐—Ÿ๐—™๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—— ๐—›๐—”๐—ฉ๐—˜ ๐—” ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—จ๐— ๐—”


Report

๐— ๐—ฌ ๐—š๐—œ๐—ฅ๐—Ÿ๐—™๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—— ๐—›๐—”๐—ฉ๐—˜ ๐—” ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—จ๐— ๐—”
Written by: Ashy Bell Writes
Wattpad: MsAshyBell
//๐‘ป๐’š๐’‘๐’ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’Ž๐’Ž๐’‚๐’•๐’Š๐’„๐’‚๐’ ๐’†๐’“๐’“๐’๐’“๐’” ๐’‚๐’‰๐’†๐’‚๐’…//
“Mahal.” Tawag mo sa girlfriend ko. “May niluto akong pagkain para sayo. Tikman mo dali.” Dugtong ko pa. Lumapit naman siya sa akin at hinihintay ang susunod kung sasabihin.
Nasa bahay namin siya palagi dahil nag-iisa nalang siya sa bahay niya dahil ulila na ito. Si mama na rin ang nagsabi na mas mabuting dito siya para masigurado ang kaligtasan niya.
“Hindi ka naman siguro allergic sa hipon ‘di ba?” Pagtatanong ko sa kaniya dahil baka mamaya ay allergic pala siya ay baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay yumuko lang.
“Mahal, tinatanong kita. May allergic ka ba sa hipon?” Malumalay kung tanong ulit sa kaniya.
“May allergic ako.” Halos bulong na niyang sagot sa akin.
Inilapag ko ang platong pinaglagyan ko ng niluto ko, hindi pa ako nakakapagsalita ay biglang niyang kinuha ‘yung platong inilapag ko.
“K-Kakainin ko nalang para hindi sayang!” Ramdam ko ‘yung takot sa boses niya at napansin ko rin ‘yung kamay niyang nanginginig.
Susubo na sana siya nang agawin ko sa kaniya ang kutsara.
“Mahal! Hindi mo kailangan kainin, may allergic ka d’yan! Bawal sayo kaya ‘wag mong kainin!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa ginawa niya.
“I-I’m sorry, Mahal. A-Ayaw kung magalit ka sa akin p-paghindi ko kinain ang niluto mo.” Nanginginig nitong sabi.
Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ito. “Mahal, hindi ako magagalit, okay? Mas magagalit pa ako pagkinain mo ‘yung alam mong may allergic ka.”
“Pasensiya na, Mahal.” Paghingi niya ng tawad.
“Okay lang, ipagluluto nalang kita ng iba. Yung hindi ka allergic.” Nakangiting sabi ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo para mapanatag na siya.
**
“ABEGAIL!” Naisigaw ko ang pangalan ng girlfriend ko dahil sa gulat nang makarinig ako ng basag na baso mula sa kusina.
Dali-dali akong tumakbo papunta doon...


at naabutan ko ang girlfriend kung nanginginig habang nakatingin sa basong kanyang nabasag.
“Anong nangyari?!”
Tinignan niya ako at kita ko sa mga mata niya ang takot at napansin ko rin na parang malapit na siyang umiyak.
Nilapitan ko siya at niyakap ito ng mahigpit.
“Mahal, anong nangyari?” Tanong ko sa kanya habang yakap-yakap siya.
“M-Mahal, hindi ko s-sinasadyang mabasag ‘yung baso. B-Bigla nalang kasi dumulas.”
“Okay lang, Mahal. Baso lang ‘yan.” Hinipo ko ang buhok niya para mapanatag ang loob niya.
Tinignan niya ako. “Hindi mo ba ako pagagalitan?” Tanong nito sa akin, nginitian ko siya sabay iling.
“Baso lang ‘yan, Mahal.” Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ang ilang butil ng luha na lumandas sa pisngi niya.
“Doon ka mo na sa kwarto ko, manood ka. Lilinisin ko lang ‘to.” Pagkaalis niya ay saka ko nilinis ang basong nabasag niya.
Pagtapos ko ay pinuntahan ko siya sa kwarto ko at naabutan itong mahimbing na natutulong.
Nilagyan ko siya ng kumot pagkatapos ay hinalikan ito sa kaniyang noo.
Saya at lungkot ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya. Masaya ako dahil siya ang naging girlfriend ko pero nalulungkot ako dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang traumang iniwan sa kaniya ng ex-boyfriend niya.
Naikwento niya sa akin mga pinagdaan niya habang sila pa ng ex-boyfriend niya, pinapahirapan siya nito. Sinasaktan pag may nagagawang mali.
Kaya hindi ako nagsasawang iparamdam sa kaniya na mahal ko siya dahil alam ko ang mga pinagdaan niya noon at ayaw kung iparanas sa kaniya ‘yun.
Sobra na ‘yung ginawa ng ex-boyfriend niya at wala akong balak na dagdagan pa ‘yun. Wala akong ibang gusto kung hindi ang maging okay siya at makalimutan niya kung ano man ang nangyari noon sa kaniya.
Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat upang maging okay na siya.
-WAKAS-
Photo not mine (cttro)
Work of FICTION!
PLAGIARISM IS A CRIME! Don’t repost!
Open for criticism!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.