0

NAGTAPOS AKO KAHIT WALA KANA


Report

NAGTAPOS AKO KAHIT WALA KANA ”
“ Ipangako mong nagtatapos ka ”
Wala pa sa wastong gulang ng ako
ay iwan mo , ngunit mula sa araw na iyon
ipinangakong magtatapos ako .
Iginapang ng aking mga magulang ang
aking pag-aaral , baon ko sa bawat pagsisikap ang kanilang mga pangaral , iniraraos ang bawat araw ng puno ako ng pagmamahal .
Hindi ko alam kung saan galing ang
perang iniaabot niyo , hindi ko alam kung anong
nagtatago sa likod ng mga ngiting nakikita ko ,
hindi ko alam kung ilang beses kayong inubo habang
nag tatrabaho , o ilang balde ng pawis ang inilabas para...


lamang sa kinabukasan ko.
Noo’y nais ko kayong tanongin mapabuti lamang ako ano ang kaya niyong gawin , ngayon alam ko na .
Alam kong sa pag-alis mo ama di ako mag-iisa , pagkat kahit kailan sa puso ko’y di ka nawala .
“ Nagtapos ako kahit wala na kana ”
Ngunit nais ko sanang kayo ang makasama sa itaas ng intablado, at sainyo isasabit ang medalyang bunga ng pawis niyo’t sakripisyo .
Ngayo’y nakadungaw sa iyong lapida kasama ang mahal kong ina , iba parin ang pakiramdam na magtapos ng may Ama .
— Llian’s poetry —
Dd: para sa mga anak na nagtapos ng walang Ama.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.