1

๐‘ช๐’‰๐’‚๐’‘๐’•๐’†๐’“ 1: ๐—๐˜‚๐˜€๐˜ ๐—” ๐—™๐—ฎ๐—ป ๐—ข๐—ณ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€


Report

๐‘ช๐’‰๐’‚๐’‘๐’•๐’†๐’“ 1: ๐—๐˜‚๐˜€๐˜ ๐—” ๐—™๐—ฎ๐—ป ๐—ข๐—ณ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€
SAMANTHA’S POV
Hanggang ngayon na nakasakay na ako sa bus ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Kumakabog din ang puso ko habang papalapit nang papalapit na kami sa kumpanya. Can I really make it?
Medyo may kalayuan pa naman kaya naisipan ko munang makinig sa earphones. Wala sa sariling napili kong playlist ay ang kanta ng OT7s. Marinig ko pa lang ang boses ni Harvin ay talaga namang hindi ko maiwasang mamula. Ang ganda talaga ng boses niya!
Nasisiyahan na akong nagsa-soundtrip nang biglang may tumatawag sa ‘kin sa Messenger. Group chat call pa pala ito.
๐’€๐’๐’˜๐’‚๐’๐’‚ ๐’˜๐’‚๐’๐’•๐’” ๐’š๐’๐’– ๐’•๐’ ๐’‹๐’๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’—๐’Š๐’…๐’†๐’ ๐’„๐’‚๐’๐’.
Imbes na mainis ako dahil sa naudlot kong pagsa-sound trip ay himalang hindi ko iyon naramdaman. Iba talaga ang hatid na good vibes ng OT7s, especially ng boses pa lang ni Harvin. Kaya maging sa pagsagot ng tawag ay malapad pa rin ang ngiti ko.
“Wow, lapad ng ngiti ah? Natanggap ka na siguro sa trabaho ‘no, Ate Sam?” masayang saad ni Yowana. Ang cute at maalaga naming bunso.
“Hi, Ate Sam! Ay bongga, magkano sahod every month? Hehe” pabiro namang ani ni Livana, isa pa rin sa kapatid ko. Siya ang ikatatlo sa aming magkakapatid. At kagaya ko ay fan rin siya ng OT7s. Kung hindi ninyo naitatanong, magaling na mananayaw ang isang ‘to.
“What’s with the sudden call? Good thing we’re now on our lunch break. Kumusta, Sam?” si Ate Winter naman na pansin kong kumakain ng lasagna. Nakasuot pa rin siya ng uniporme pang opisina. Always the serious one but she’s a sweet Ate too.
Hindi ako agad nakasagot sa kanila. Ngayong naalala ko na naman ang tatlong kumpanya na tumanggi sa ‘kin ay bahagya akong nalungkot.
“What’s with the face, Sam? Kanina lang, kung makangiti ka e parang wala nang bukas.” tumawa si Ate Winter sa kabilang linya.
“I got rejected by three consecutive companies, Ate.” Pag-amin ko.
Nabakas ko sa mukha nina Yowana at Livana ang malungkot na ekspresyon. Ngunit si Ate Winter lang ang nakataas ang kilay.
“Hayaan mo sila, Sam. For sure there are still many good companies out there who are much deserving of you. Okay lang ‘yan, we know you did your best.” Ate smiled proudly at me.
“Subok lang ng subok, Ate Sam. Alam kong may mas magandang plano sa inyo si Bro.” Si Yowana naman.
“Yeah, we’re always proud of you, Ate Sam!” saad naman ni Livana.
Hindi ko na napigilang bumulalas ng tawa dahil sa nagawa pa ni Livana na mag-finger heart sa screen. Makal*kohan talagang babae.
“Hala, anong nakakatawa sa sinabi ko, Ate? Wrong grammar ba ang aking english? Sorry na me in advance” nahihiyang tumawa si Livana.
“Liv, tama ang grammar mo. Naks naman.” anang Ate Winter.
“Syempre, Ate Winter iba talaga ‘pag inspired. Sino nga ulit ‘yon, Ate Liv?” segway naman ni Yowana.
Pabirong umirap si Livana sa sinabi ni Yowana. Ayaw kasi nito ang binabalikan ang mga dati niyang crush. E, sa nakikita ko naman ay doon siya muling iniinis ni Yowana. Ang mga bata talagang ‘toโ€ฆ
“Pauwi ka na ba, Sam?” tanong sa ‘kin ni Ate Winter.
“Hindi pa, Ate kasi may isa pa akong pag-a-apply-an. Susubok uli, coz why not coconut?” tawa ko.
“Ah, right that’s the spirit! Good luck, sis.” kinindatan pa ako ni Ate Winter bago siya nagpaalam dahil tapos na ang lunch break nila.
Kaya naman ay sina Livana at Yowana na lang ang naiwan para kausapin ako.
“Beke nemen, Ate Sam malaman namin next destination mo?” tanong ni Livana nang nakangisi.
“Dito lang sa tabi tabi, Liv. Mga ilang minuto nasa bahay na ako niyan.” tugon ko naman. Binelatan na lang ako nito.
“Good luck, Ate Sam! Papaalam na ‘ko kasi magsisimula na class namin. Bye po at ingat ka.” tipid na lang akong kumaway rito dahil mukhang nagmamadali na si Yowana.
Akmang ibababa ko na rin ang video call nang biglang tumili si Livana. Jusme, buti na lang naka-earphones ako kundi tawag-pansin ako rito sa bus kung nagkataon.
“Huy, ikalma mo Liv. Bakit ka ba tumitili-tili diyan?” mahina kong singhal sa kanya.
Sumenyas lang siya ng peace sabay tawa ulit. Napakunot noo na lang ako sa reaskyon ng kapatid ko. Nab*liw na ata.
“Oh my gosh, Ate! Alam mo na ba iyong hiring sa Up: Lift Lab under Vybe Labels?! Masyadong viral sa twitter. Omo!” punong-puno ng energy na saad ni Livana sa ‘kin.
“Yeah. Kanina ko pa nalaman. Huli ka na sa balita, Liv. Look oh.” ipinakita ko sa kanya iyong flyer na nabasa ko kanina.
“Kyaaaah!” tili niya ulit. Mabibingi na ata ako.
“Galingan mo, Ate Sam! Dapat matanggap ka. Jusme, minsan ka lang makalapit ng libre sa OT7s. Kung qualified lang ako, itabi mo na Ate, ako na gagawa para sa ‘yo.”
“L*ka ka talaga, Liv! Papatalo ba naman ako? Syempre, hindi! Lalo pa’t nando’n si Harvin, ‘no.” buong kumpyansa kong pahayag rito.
“Yes, yes. Basta Ate Sam, ‘wag mo akong kalimutang ipakilala sa bias ko. Kahit isang autograph lang ni Kenzo Reign Park, oks na talaga ako.”
Panaka-naka ang tingin ko rito sa malawak at malinis na lobby ng Vybe Labels Entertainment. Nanlalamig na rin ang mga palad ko hindi dahil sa aircon kundi sa kaba. Mahigit sa dalawampu na kaming nandirito at naghihintay sa lobby na matawag.
Inasahan ko na rin naman ang biglaang interview na magaganap. Pero ang isang nakapagpawindang sa ‘kin ay ang sunod-sunod na pagpasok sa building ng pitong lalaki. Matatangkad at mapuputi sila. At kahit pa naka-face mask sila ay hindi nagawang itago ang angkin nilang kakisigan.
I am very certain that they are the OT7s. Especially that one guy, wearing a black hoodie, track pants and black cap. Siguradong sigurado akong si Harvin Lee iyon!
Epekto ata ito ng pagiging certified OTceans ko o sadyang mahal na mahal ko lang talaga si Harvin, kaya kabisadong kabisado ko na ang lahat sa kanya. Basta mahal kita so much talaga, Harvin!
“Is it true? OT7s will also be the one to personally interview the make-up artists and stylists that they will be hiring?” pakinig kong usapan ng dalawang babae na katabi ko.
“Hmm, that’s what I heard, Tanya. Gosh, I’m quite nervous but at the same time really excited on meeting them.”
“I hope I could be one of the selected. Simula pa man noon pangarap ko nang maging stylist ni Harvin Lee!”
Agad namang nagpanting ang tainga ko matapos mabanggit ang pangalan ni Harvin. Ano kamo pangarap niyang maging stylist ni Harvin? Huh, good luck na lang girl dahil nandito na iyong fiancee. Charot nandito na ang hinahanap ni Harvin na stylist!
Inayos ko ang medyo gusot ko nang gray long sleeve dress. At pagkatapos ay eksaherada akong tumikhim. Hindi naman ako nagkamali dahil naagaw ko nga ang atensyon ng dalawang babae. Pinaghalong nagtataka at naiirita ang titig nila sa ‘kin. Papayag ba naman ako ro’n? Syempre, hindi. Kaya maarte kong hinawi ang mahaba kong buhok sa harapan nila sabay taas kilay.
“Yes? Do I owe you girls something?” seryoso kong tanong sa dalawa.
Sabi nila maamo naman ang aking mukha lalo na kapag nakangiti. Ngunit kapag hindi naman ay madalas napagkakamalang mataray ako. Iyong tipo na walang magkakamaling tumitig pang muli sa akin ng pangalawang beses. Kaya hindi na rin ako nagtaka nang sabay sabay silang umiwas sa ‘kin ng tingin.
Now, I love that impression I gave to others. It became my advantage at this moment.
Kay bilis talaga ng oras at heto na ako nakasalang na sa hotseat. Pakiramdam ko bumalik ako sa senior high, kung saan ngayon ang araw ng defense sa research. Ang buhay nga naman parang life.
“Hi, good morning po.” bati ko sa kanila matapos kong ibigay ang resume ko kay Miss Mclaine, ang Head of Human Resource Department.
Iminuwestra naman ng isa sa kasamahan ni Miss Mclaine ang isang high stool na nandoon sa harapan nila. Sinunod ko ang gusto nilang mangyari. Naupo ako roon habang hinihintay ang kanilang mga katanungan.
“Good morning, I am Mclaine Miranda the Head of the HR Department. This is Trevor Dominguez and Charity Saavedra. We are the assigned interviewers of Vybe Labels. Are you now ready for the interview?”
Wala sa sariling napalunok ako. This is it, Sam. You can do it!
“Good morning, I...


am Mclaine Miranda the Head of the HR Department. This is Trevor Dominguez and Charity Saavedra. We are the assigned interviewers of Vybe Labels. Are you now ready for the interview?”
Wala sa sariling napalunok ako. This is it, Sam. You can do it!
“Kindly introduce yourself to us.” nakangiting panimula ni Sir Trevor.
“Once again, good morning. I am Brynn Samantha Meneces, eighteen years of age. I graduated from Lorsh Mendelle University with a course aligned with cosmetics. I would love and honored to be part of your team.” nakangiti ko ring pagpapakilala ng aking sarili. Salamat naman at hindi ako nagkanda-utal utal.
Wala silang naging imik. Kaya naman ay mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko. Tahimik lang silang sinusuri at binabasa ang bawat detalyeng nakasaad sa resume ko. Olats na ba ako sa umpisa pa lang? Oh no.
“From your resume, Miss Meneces it states that you have no working experience. I believe you were informed that one of Vybe Labels’ requirements is an applicant who had a working experience. How is that so?” nakaka-intimidate ang titig na ipinukol sa ‘kin ni Miss Mclaine pero pinili kong ‘wag magpatinag.
“Yes, Ma’am I do not have a job experience yet since I only graduated a few years ago. And I do also believe that a person’s competency is not always base on his/her job experiences. Because some really do great on their job even without experience. You usually do great things when you put your heart into it. I may have no experience but I will assure you that everything I will do is of its finest quality.”
“Alright, Miss Meneces. May we request of you to show us your skills as we will be calling one of our idols as your model for today.” ani naman ni Miss Charity.
“Y-Yes, of course.”
“Harvin, will you please go in front?” saad ni Miss Mclaine.
At laging gulat ko na lang nang mapansin kong sa likod pala ng lamesa nina Miss Mclaine ay doon rin nakapwesto ang OT7s. At mula rin sa likod ay nakita kong dahan dahan nang lumalapit sa gawi ko si Harvin. Wala na siyang face mask na suot kaya malaya kong nakikita ang kabuuan ng mukha niya. Gwapo. Ang gwapo gwapo niya talaga.
Halos matameme ako nang ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa. Ang gwapo na nga ang bango pa. Ano kaya ang pabango niya ‘no?
“Miss Meneces? Miss Meneces.”
“H-Ha? Ano po ‘yon?” sagot ko. Napabalik ako sa ulirat at nahihiyang hinagilap ang kung sinong tumatawag sa ‘kin. Si Miss Mclaine pala na kaunti na lang parang bubugahan na ako ng apoy.
“I repeat. I want you to assume that you and Harvin are preparing for his photoshoot. Now, the theme would be about summer vacation. Can you do that, Miss Meneces?”
Tipid na lang na tango at maliit na ngiti ang nagawa kong igawad sa kanila. Mabilis na naipahanda ang make-up kit na siyang gagamitin ko.
Halos mawalan ako ng hininga nang magtama ang tingin namin ni Harvin. Grabe, pati mata niya ay sobrang napakaganda nang titigan. Paano pa kaya ang buong mukha niya? Masyado naman atang perpekto ang pagkakagawa rito ni Lord.
Indeed, he was a beautiful art, screaming as a my favorite masterpiece.
Dahan dahan lang ang naging pagdampi ko sa kanya ng brush sa takot kong masaktan siya. Mabuti na lang ay pinili niyang pumikit dahil kung matagal ko pang matititigan ang mga mata niya ay paniguradong nakalimutan ko nang huminga. Edi ang lagay ko niyan, cause of death: namatay nang nasilayan ang magandang mata ni Harvin Lee. Charotttt.
Isang mababang tawa ang siyang nakapagpabalik sa aking muli sa reyalidad. Only thing to find out that it was Harvin Lee who chuckled after I finished his make-up.
“Cute.” He muffled.
Napanguso ako. Nakakaiyak talaga hindi ko man lang narinig iyong ibinulong niya.
“Miss Meneces, how would you describe Harvin’s look in two words?” tanong na sa akin ni Miss Charity.
“Fresh and captivating.” Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko. Dahil nang sabihin ko iyon ay nagawa kong salubungin ang mga mata ni Harvin.
Saglit din akong nagulat dahil sa nakita kong ngumiti siya matapos ko iyong sabihin. Wengya, tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako? Dahil sino ba naman ako para maging rason nang pagngiti ng isang Harvin Ethan Lee?
“Impressive.” pakinig kong komento ni Miss Charity sa ‘kin. Kaya napangiti ako.
“How do you see yourself after 7 years, Miss Meneces? Do you still see yourself as a stylist of OT7s and an employee of Vybe labels?” pakiramdam ko ay ito na ang huling tanong ni Sir Trevor sa ‘kin.
“Well, if ever I’m hired to your company, then after 7 years, I see myself still your loyal, diligent and hardworking employee and member of the stylists’ team. And yes, I will forever be contented and honored to served OT7s and your well-respected company.”
A moment of silence remained inside the room. Medyo awkward nga lang ulit. Kabado na naman ako mga bente. Nang tumikhim si Sir Trevor ay dito na ako naalarma. Am I gonna go big or go home?
“Thank you for your time and for answering our every questions truthfully, Miss Meneces. And we are glad to welcome you as a part of the team at Vybe Labels. We’re looking forward on seeing you by Monday, next week. Congratulations, Miss Meneces!” masayang saad ni Miss Mclaine sa ‘kin. Binati rin ako nila Sir Trevor at Miss Charity.
Masayang masaya ako sa naging resulta ng pag-apply ko ngayong araw. Thank you, Lord dahil binigyan niyo po ako ng trabaho kung saan hindi lang ako masaya kundi mahal ko rin ang bawat gagawin ko sa trabaho.
I can’t wait for Monday to come! My first day of being together with OT7s. With Harvin.
Sa sobrang saya ko ay agad na tinawagan ko ang kung sino na mapindot ko sa contacts ko. Oo, gano’n talaga ang lutang. Lumulutang talaga ako sa mga titig na iyon ni Harvin kanina. Gosh!
“Hello, Ate Sam! Kamus–” bago niya pa man matuloy ang sasabihin niya ay nauna na ako.
“Liv! I made it. Tanggap ako. Ang sarap sa pandinig no’ng, ‘we’re glad to have you as a part of Vybe Labels. Waaaah ang pogi ni Harvin sobra!” Hindi ko na alintana ang mga taong napapatingin sa biglaang pagtili ko.
“Congrats, Ate. Si Kenzo ko, nakita mo ba?”
“Sadly, hindi e. Sorry, Liv masyado kasing nakakabulag ang kagwapuhan ni Harvin. Siya na lang ang nakikita ko.”
“Ate, alam mo gutom lang ‘yan. Umuwi ka na rito. Kasi nagluto si Mama ng champorado. Sige ka, walang sisihan kung maubusan ka ni Yowana. Hahaha”
“Sige lang. K, thanks bye.” tumatawa pa sa kabilang linya si Liv nang patayin ko na ang tawag.
Pagliko ko sa kanang hallway ay laking gulat ko nang salubungin ako ni Harvin. Akala ko umalis na siya. Kanina kasi matapos ko siyang maging modelo ay may biglaang tawag siyang natanggap. Kaya hayan, hindi niya nalaman na natanggap ako. Sa puso niya, when kaya?
Hawak niya ang telepono niya at nang magkatapat kami ay hindi ko na binalak pang salubunging muli ang maganda niyang mata. Tama na muna, sa Monday naman baka kasi makalimutan ko nang umuwi. Harvin or champorado? Edi, Har– champorado!
“Wait.”
Isang salita lang iyon mula sa kanya. Pero agad na namang kumabog ang puso ko. Wait? Bakit? O tama bang tanungin kung ako nga ba ang pinahihinto niya? Aish, bahala na nga lang.
Dahan dahan akong humarap pabalik sa kanya. Syempre, pasimple baka kasi mapahiya lang ako. At halos mapatalon ako hanggang 4th floor nang mariin siyang nakatitig sa ‘kin. So, ako nga t-talaga?
“Why, Harvi– I mean, Sir Harvin?”
“I heard about the news. Mclaine told me you were officially hired. Congratulations.”
“Y-Yes, yes po. Thank you.”
“Can I ask you something?”
“Yes, what is it?”
“What does pogi means?” he uttered curiously. He looked cute while pouting.
“Well.. it means..” Ikaw ‘yan, Harvin. So handsome mo talaga so much.
Ipinilig niya ang kanyang ulo bago ngumiti sa akin muli. Ako na naman ba ang dahilan ng pagngiti niyang ‘yan?
“See you on Monday, Samantha.” Napakurap-kurap ako nang nagawa pa akong kindatan ni Harvin pagkatapos niyang sabihin iyon.
~๐„๐ง๐ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ 1~


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.