Your Secret Keeper



“Amara…”

“Jesus! Kanina ka pa ba diyan?” gulat na tanong ko kay Matthias ng makita ko siyang nakaupo saaking tabi.

Tinanguan niya ako na naging dahilan ng mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Shit. Wala na. Finish na. Mukhang nakita niya yata ang iginuhit kong hindi maganda.

“Don’t worry I won’t tell anyone.” paninigurado niya  na nakapagpahinga saakin ng maluwag. Tsaka siya umupo saaking tabi at seryoso akong tinignan saaking mga mata.”But tell me, bakit breakup scene nila Laszlo at Che ang naisip mong iguhit?” tanong niya saakin.

“K-kasi yan yung pangarap kong mangyari.” nahihiyang sagot ng hindi siya tinitignan ng diretso. Dahil ayokong makita ang magiging reaksiyon niya saaking sinabi. Alam ko namang mapagkakatiwalaan si Matthias dahil hindi naman siya gugustuhing maging kaibigan ng lahat kung hindi.

“Amy, look at me.” utos niya saakin kaya sumunod ako at humarap sa kaniya kahit pa nahihiya talaga ako sa  nasabi kong rason kung bakit breakup scene nila Laszlo at Che ang naisip kong iguhit.

Pagkaharap ko sa kaniya at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat sabay sabi saakin ng “I am so proud of you.”

Na ikinakunot ng noo ko.”Bakit naman?”

“Kasi, nagagawa mong umamin sa iba ng dahilan mo para sa isang bagay.” makahulugan na sambit niya saakin na mas lalong nakapagpagulo saaking isipin.

“Matthias, may problema ba?” out of blue kong tanong dahil medyo kakaiba ang inaasta niya ngayon. Hindi kasi siya yung Matthias na kaklase ko na nakasanayan ko ng palangiti na para bang walang problemang dinadala sa kaniyang...

buhay.

Umiling siya saakin, tsaka niya inilabas ang printed worksheet namin sa Business Math at sinimulang sagutan.

“By partner yan ha.” pagpapaalala ko sa kaniya dahil sa bilis niyang pagsagot ay natatapos na niya kaagad ang worksheet naming dalawa.

“It’s alright.” nabigla ako sa kaniyang sinabi kaya di ko napigilan ang magreact.”I object! By partner yan, ang unfair kung ikaw lang ang sasagot.”

Hindi niya ako sinagot at tinawanan niya lang ako. Mukhang nawiwili yata siya sa pagsagot sa worksheet naming sabagay Best in Math nga pala siya kaya mahilig siya sa solving. Pero di ko pa din mapigilan ang hindi makaramdam ng kaunting lungkot dahil wala manlang akong naitulong sa kaniya.

Sa paghihintay sa kaniya ay naisipan ko nalang na magdrawing, hanggang sa di ko namamalayan na tapos na pala siya at nakatuon na ang atensiyon saaking papel.

“Hala! Sorry! Ikaw ang naidrawing kong lalaking kasama ni Che imbes na si Laszlo.” pangunguna ko bago pa man siya magsalita. Sa sobrang pag-iisip ko na hindi ako nakatulong kay Matthias siya tuloy ang naidrawing ko.

At ang masaklap pa ay  hindi ito breakup scene, kundi romantic scene.

“Can I keep this?” tanong niya saakin na hindi ko inaasahan.

“Nagustuhan mo?” tanong ko muna sa kaniya.

Nginitian niya ako.”More than.”

“Paano? Eh si Che yung babae diyan sa drawing?” tila naguguluhan na tanong ko.

Muli kong tinignan si Matthias at nakita kong nakangiti pa din habang hinahaplos ang drawing ko sa sketchpad.

Napabuntong-hininga ako, mukhang alam ko na ang sagot saaking tanong.




One thought on “Your Secret Keeper