0

WHY DO PEOPLE CHEAT?


Report

Bakit ba nga nagloloko ang isang tao? Ito ba ay dahil sawa na o naghahanap pa ng iba? Minsan nasabi mo na rin sa sarili mo kung bakit may isang tao sa mundo ang hindi makuntento sa isa? Male’s and Women are just both an ass, they’re just like their arousal penis and womanhood who are just don’t stick to one, pasok ng pasok at tanggap lang ng tanggap dahil heaven nga raw hindi ba? Ito ba iyong tipong sarap na hindi na maalalang may tao silang pinangakuan at ngayon ay palihim na sinasaktan?
Basta makaraos, okay lang?
Napaka toxic ng pagmamahal, iyong tipong ginawa mo na nga ang lahat para sa kaniya pero in the end may kulang pa pala, hindi pa raw sapat kaya maghahanap ng panakip butas. Sawa na raw paano’y paulit-ulit raw ang putaheng nakahanda sa hapag, hindi mo naman pinilit na makipag relasyon sayo pero Ikaw pa nangmukhang mapilit sa relasyong isinuka na raw niya matagal na panahon na ang lumipas.
“Kaloka.” Ani ni Juliana habang binabasa ang post ng kaklase niyang si Rina habang ni-iscroll ang kaniyang news feed, mukhang naloko na naman ang gaga. “May punto naman siya!” Wika niya at tumango-tango pa. “Pero puwede rin namang huwag ng makipag relasyon kung magloloko rin naman diba?” Dagdag pa niya.
“So sinasabi mong, dapat hindi mo na ako sinagot ganon?” Ungot ng lalaking nakahiga sa hita niya.
“Bakit magloloko ka ba?” Tanong niya rito sabay baba ng tingin sa long time boyfriend niyang si Nero.
Nasamid ito at umiling pa. “Of course not, wala akong balak na lokohin ka.” Wika nito at tumatawa pa.
“Siguraduhin mo lang!” Irap niya rito.
“Naku, huwag kang maniwala diyan kay Nero. Juliana, may babae yan!” Sabat ni Gina sabay upo sa tabi niya.
“Inggit ka lang, paano single ka.” Pangangasar naman ni Nero rito.
“Dimo sure.” Ngisi nito sa kanila.
Minsan sumagi na rin sa isipan ni Juliana kung paano isang araw mag cheat nga ang boyfriend niyang si Nero, matatanggap niya kaya? Siguro’y wasak na wasak siya kapag dumating ang araw na iyon Nero was her first boyfriend, first love and first of everything. Kaya naman ginagawa niya ang lahat masatify lang ito sa kaniya, ngunit hindi talaga natin masasabi ang mga bagay-bagay. Kapag ginusto maraming paraan kapag ayaw maraming dahilan, parang sa pag-ibig. Kapag pinagsawaan, itatapon na lang.
“Babe! Anniversary natin ngayon! You should be here! Tita prepared for us!” Wika niya habang kausap sa telepono ang boyfriend niyang si Nero.
“[Sorry, babe. May emergency sa clinic eh, babawi na lang ako next time. Promise, bye I love you!]” Anito sabay baba ng tawag.
Nang gabing iyon, pinasya na lamang ni Juliana na paniwalaan ang boyfriend niya minsan talaga Hetic ang schedule nito sa hospital kaya naman naiintindahan niya ito ngunit sa kabilang banda hindi niya maiwasang magtampo at masaktan. Anniversary nila ngayon pero mas inuna pa nito ang trabaho kaysa sa kaniya.
“Are you okay, iha?” Tanong ng Tita Marie niya, ang mommy ni Nero. Mabait ito sa kaniya kaya gustong-gusto niya ito bukod roon nagkakasundo rin sila sa mga bagay-bagay tulad na lamang ng pagluluto.
“Hindi ho makakarating si Nero, Tita. May emergency raw po kasi.” Aniya.
Tumango ito at ngumiti. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, bukod sa atin ay talagang isinabubuhay na rin niya ng magligtas ng tao hindi ba? Hayaan mo’t babawi iyon sayo.” Tapik ng ginang sa kaniya kaya wala sa loob na sumang-ayon siya.
Sinubukan niyang tawagan si Gina para sana pakiusapan itong samahan siya sa gabing iyon ng Anibersaryo nila ng Fiance niya, ilang buwan na rin mula ng magpropose si Nero sa kaniya.
“[Ah shit! Yes, Hello?]” Sagot nito sa tawag, hindi niya alam ngunit ramadam niya ang pagbabago sa boses ni Gina ng sagutin nito ang tawag, ganiyang-ganiyan ang boses niya kapag may nangyayari sa kanila ng Boyfriend niyang si Nero.
“Hello, Gina. Si Juliana ‘to.”
“[Ohh yes, Juliana?]” Rinig niya ang langit-ngit ng kama sa linya. “[Oh shit! Ah yes, make...


it fast, Hon!]” Rinig niya ang malakas na pag-ungol ni Gina. Natatawang napailing na lamang siya pagkuwa’y pinatay ang tawag. That’s was epic, Juliana!
“Tumawag ka pa talaga kung kailan may maiinit na kaganapan.” Ngumiti na lang siya atleast may taong nagpapaligaya sa kaibigan niya, matapos kasi nitong makipag break sa 5 years boyfriend nito ay hindi na ito muling sumubok makipag relasyon kaya masaya siya para kay Gina.
Itinulog na lamang ni Juliana ang ang gabi ng anibersaryo nila ng fiance niya, total naiintindahan naman niya ito kaya bukas na lang siyang magdedemand rito kapag hindi na ito busy. Nang magising siya kinabukasan nasa tabi na niya si Nero. Tulog na tulog ito at nakayakap pa sa kaniya ng mahigpit, napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Gwapo si Nero, katunayan ay papasa ang itsura nito sa pagmomodelo, matangkad rin ito at matcho kaya hindi niya alam kung bakit napasakaniya ang greek god na ito.
“Good, Morning. Babe.” Bati niya sabay halik sa pisngi nito.
“Good morning, hon.” Bati nito saka ngumuso hinihintay na dampian niya ito ng halik, nagugulahan man siya ay hinalikan ngunit niya rin ito sa labi. Hon? Babe ang tawagan nila ng fiance niya, never siya nitong tinawag sa ganoon endearment.
“Hi, babe. Aga mong nagising ah?” Wika nito sabay mulat ng mata, humalik ito sa noo, pisngi, ilong at labi niya. Sa ibang pagkakataon siguro’y kinikilig na siya pero dahil sa binanggit nito kanina, hindi niya maiwasang maguluhan.
“Did you call me, hon?” Tanong niya rito.
Saglit itong natigilan at pasimple sinundot ang ilong niya. “Of course not, babe ang tawagan natin bat kita tatawagin sa ganoong endearment?”
“Yes, babe. Ang tawagan natin but you called me hon!” Pagalit niyang sabi rito.
Umiling. “No, I did not. Baka mali ka lang ang intindi mo, maaga pa babe. Huwag mo akong sermunan, pagod ako sa trabaho. Go, prepare my food.” Utos pa nito sa kaniya bago muling humilata sa kama.
Saglit pa siyang tumitig rito bago mapagpasiyahang lumabas ng silid, minsan nagiging bossy ito sa kaniya. Para bang katulong siya sa bahay nito, kung makapang-utos ito ay para bang ito ang amo at siya ang utusan. Ipinilig niya ang ulo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Tulad nga ng utos nito sinimulan niya itong gawan ng breakfast. Matapos iyon ay binalikan niya ito sa silid nila para yayaan na itong bumaba at makakain na.
“Yes, I’ll be there tonight.” Wika nito habang may kausap sa kabilang linya. “Don’t worry she doesn’t know about this, just prepared yourself. Bye.” Anito bago pinatay ang tawag saka pumasok sa shower room.
Hindi alam ni Juliana ngunit para siyang pinigtisan ng hininga sa narinig ang pag-uusap nito sa kabilang linya, may babae ba ang fiance niya? Lakas loob siyang pumasok sa loob ng silid nila at kinuha ang hinubad nitong polo shirt. Pinagmasdan niya iyon, halos manlaki ang mata niya ng may makita siyang lipstick sa kuwelyo nito. Nanghihina siyang napaupo sa kama.
Hindi! Hindi niya puwedeng pagbintangan agad ang fiance niya kailangan niyang makumpirma muna ito. Kailangan niyang alamin kung may babae ba talaga si Nero at sino ito!
“Calm yourself, Juliana. Calm yourself.” Pagpapakalma niya sa sarili.
Matapos ng ilang minutong paghihintay na makalabas si Nero, inilagay ni Juliana sa labahan ang polong ginamit ng fiance niya.
“Hi babe, tapos ko ng iprapare iyong food halika kumain na tayo.” Salubong niya rito, nakasuot na ito ng white polo at black slack.
“Sige, susunod na lang ako.” Anito sa malamig na boses, tumango na lamang siya sa palabas na sana ng silid ng biglang magtanong ito.
“Nasaan ang polo ko kanina?” Tanong nito.
Humarap siya rito at matamis na ngumiti. “Nasa labahan, lalabhan ko iyon mamaya.” Aniya rito.
“No, just throw it away.” Saglit pa siyang natigilan bago tumango at umalis sa harapan nito, ramdam na ramdam niya ang sakit, may hinala na siyang nagloloko ang fiance niya! Niloloko siya nito! Kailangan niyang alamin kung sino ang babae nito, kailangan niyang malaman!
To be Continued….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.