0

When a Single Mom meet the HOT CEO CONTINUATION OF CHAPTER 66


Report

Sandra’s POV:
PABALIK-BALIK ako sa paglalakad ngayon.
Pakiramdam ko, lumilipad ang aking utak dahil sa ginawang desisyon ni David.
Ang tanga niya!
Sa sobrang katangahan nito, hindi ko mapigilan ang mang-gigil dahil sa binata.
Konti na lang, sasabog na ako sa galit.
Pero buti na lang at hindi ito natuloy dahil sa tawag na natanggap ko mula sa tauhan na inutusan ko kanina.
“Ma’am, tapos na po. Nakuhanan ko ng buhok si Mrs. Katrina. Pinasok ko ang bahay niya nung umalis siya. Kaya kinuha ko ang suklay na ginamit niya.”, pagbabalita niya.
“Very good!”, komplimento ko rito.
“Hintayin mo ako dyan sa tagpuan natin.”, I continue.
This is the only way to know the truth.
Kaya hindi ko na papalampasin pa ang bawat segundo at minuto.
Kung si David, nabibilog na agad ng kapatid niya.
Pwess, ako hindi.
Dahil gagawa ako ng paraan para makuha pa rin ang hustisya ng anak ko.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko pabalik sa pinag-usapan namin.
“Nasa’n na?”, I asked him.
“MA’AM, eto na po.”, magalang na tugon nito.
Kinuha ko na ang hawak niyang suklay na nakalagay sa maliit na plastic.
“Thank you.”, aniya ko.
After that, I drive again.
But this time, sa private doctor ako tutungo.
Sa doctor na maaasahan ko.
Malaking halaga ang binigay ko sa kanya para lang dito sa DNA. Dinoble ko ang pera, nang sa gano’n, malaman ko agad ang resulta.
It takes more than 24 hours bago niya ako kausapin.
Kaya oo, isang araw din ang tinagal ng pag-DDNA.
“Sigurado ka na ba?”, tanong nito na tila binibigyan pa ako ng pagkakataon para umatras.
Bagong araw, pero nandito ako sa clinic niya.
Dito ko naisipan magpalipas ng gabi para makita ko ang bawat kilos ng Doctor.
“I paid you already, ngayon pa ba ako aayaw?”,...


inis kong sambit.
“Naniniguro lang ako Ms. Sandra. Ayoko lang kasi madisappoint ka.”, wika ng doctor.
“Bakit Doc? Nagdadalawang-isip ka ba sa ginawa mo? Kasi kung oo, maghihintay ako ng tamang araw.”, pahayag ko naman.
But deep inside, gusto ko na talagang marinig ang katotohanan.
“Ms. Sandra, hindi ko ugali ang magdalawang-isip. Yung buhok ni Mrs. Katrina at buhok mo, ay tugmang-tugma.”, he said.
“What?”,
“I told you. Ayokong madisappoint ka, pero dahil mapilit ka, yes, confirmed! 99 percent, match kayong dalawa. So in short, kapatid mo siya. Kapatid mo si Ms. Katrina.”, paliwanag nito na halos mangalay ang paa ko.
I can’t believe this.
Etong doctor na kaharap ko ngayon, kilala ako bilang CEO ng kompanya. Kasi nga naging tampok ang pangalan ko dito sa Pilipinas. At malamang, kilala niya rin si Katrina dahil nga sikat na model ito.
“Are you kidding me, right? Tapos na ang buwan ng april. So stop making april fools.”, saad ko muli.
“Magaling ako sa ganito. Kaya ‘wag mo sana pagdudahan ang result ng DNA. Nandito ka habang ginagawa ko ‘yon. Nandito ka at naghihintay. So there’s no reason para dayain kita. Besides, wala akong pakialam sa family background niyo. Labas na ako do’n, Ms. Sandra.”, direktang turan niya.
Kung sabagay, sino ba siya para mangialam sa buhay namin.
“I’m sorry.”, pagpapaumanhin ko sabay tingin sa envelope.
“Can I see it?”, turan ko ulit.
“Of course. Sa’yo talaga ‘yan.”, ngiting pahayag ng Doctor.
Nanginginig ko pang ikinuha ang brown envelope.
Pinipigilan ko na huwag huminga habang dahan-dahan kong nilabas ang resulta.
“N-no. No. It can’t be. Bakit siya pa?”, iling na bigkas ko sa sarili.
Kapatid ko si Katrina.
Kapatid ko ang babaeng sumira ng buhay ko.
Ang babaeng pumatay sa anak ko, na pamangkin niya.
END OF CHAPTER 66
©Binibining_Timoji


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.