1

When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 69


Report

DAVID’s POV:
“SO WHAT’S YOUR NEXT PLAN, BRO?”, tanong ni Deo sa akin.
Nasa bar kami at kasalukuyan na umiinom ng wine.
Umalis na kami sa bahay at dito namin ninais na pumunta.
“Kakasuhan ko siya, kung ayon ang nararapat.”, turan ko sabay lapag ng alak sa mesa.
“Tama ‘yan. I’ll support you. Handa ako maging testigo laban sa kanya. At handa rin akong harapin ang mga kasalanan ko, kung sakali man na may nilabag ako.”, wika nito at pilit na ngumiti.
Medyo kampante na ako ngayon dahil tuluyan na ngang nagbago si Deo.
Sa kabila ng ginawa niyang mali sa akin, handa siyang linisin ito para lang mabalik sa maayos ang lahat.
For the last time, nilagok namin ang alak bago kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay.
Umuwi si Deo sa condo. Samantalang ako, balak kong silipin si Katrina.
Halos hindi ko na kasi siya nakakausap pa, kaya titingnan ko kung okay lang ba ang kalagayan nito.
Hindi pa rin mapawi sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kate.
Magkapatid sila at katulad namin ni Deo, kambal din sila Katrina.
Kaso hindi ko inaasahan na sa paghinto ko ng motor, si Sandra ang bumungad sa akin.
Hindi maipinta ang mukha niya na tila batang nakaupo sa may gate.
Yakap-yakap niya rin ang tuhod at bahagyang umiiling.
“What’s happening to her?”, mahinang tanong ko sabay alis ng helmet.
I walk towards to her.
Siguro naramdaman niyang may tao, kaya napatingin sa gawi ko.
“Ano bang nangyari? Did she hurt you?”, bigkas ko na may concern sa boses.
“D-david.”, utal na sambit niya sa pangalan ko.
Naluluha ito na may halong pagkagulo sa reaksyon.
“Si M-michael, b-buhay daw siya sabi ni Katrina.”, she continue.
Napakunot ang aking noo dahil sa biglaang pagsabi niya.
“Kate, are you okay?”, I asked her again.
Talagang tinanong ko siya kung ayos lang ba, dahil baka nilalamon lang ito ng pagka-ulila sa bata.
“I d-don’t know. Hindi ko alam. Pero simula nang sabihin ni Katrina na buhay si Michael, hindi na mapakali ang dibdib ko. She said, tinago niya daw ang bata para lang maging pamilya kayo.”, pahayag niya muli.
Umupo naman ako para maging kapantay siya.
And at this point, inayos ko ang buhok niya na tumatakip sa mata nito.
“Ako ng bahala ang kumausap kay Katrina. At kung totoo man ang sinabi niya, ibabalik ko siya sayo. Hahanapin ko si Michael.”, pagtuturan ko sa babae.
Mahigpit niya akong niyakap at tuluyan na itong napaiyak.
“S-sana nga buhay ang anak ko, David. Sana buhay ang anak natin. Kasi miss na miss ko na si Michael. Miss ko na siyang yakapin at halikan. At miss ko na ang dating tayo na masaya.”, wika niya habang patuloy sa pagbuhos ang luha sa aking tshirt na suot.
Marahan ko lang na hinaplos ang likuran niya para mailabas nito ang lungkot.
Maya-maya ay tumigil na ito at napaalis ng yakap.
“I also tried to have a DNA test. And s-she’s my sister. Magkapatid nga kami.”, aniya nito na tila mabigat sa kalooban.
I know and I feel her situation.
Ganito din kasi ang naramdaman ko nung nagalit ako kay Deo.
Pero darating ang panahon, huhupa rin ang galit niya kay Katrina.
“Wait for me here. Kakausapin ko siya.”, tanging saad ko at tumayo na.
Akma na sana akong papasok sa gate pero natigilan ako dahil nakatayo na si Katrina doon.
Matalim ang titig niya na animo’y sinapian ng demonyo.
Napatayo na rin si Kate nang masilayan ang babae.
“A-akala ko ba, tulog ka na?”, turan nito sa kapatid.
“Bakit? Nagulat ba kita, KATE?”, tanong niya na may kadiinan sa pangalan na binigkas.
“Sinasabi ko na nga ba, buhay ka...


pa. Kaya pala ibang-iba ang dating ni David sayo, dahil humihinga pa ang kambal ko!”, wika niya na may poot sa pananalita.
Base sa postura niya, halatang lasing ito.
Pero sa pagsasalita ni Katrina, parang nawala ang kalasingan niya.
“If you think na magiging happy ending ang love story niyo, hindi ko hahayaan na mangyari ‘yan. Hawak ko si Michael. Ano mang oras, pwede ko siyang patayin. Isang tawag ko lang sa tauhan ko, tiyak, malalagutan ng hininga ang bata.”, pahayag nito na tila hindi na tao ang kaharap namin.
“Katrina, please. Stop this. Tigilan mo na ‘yan. Si Michael, pamangkin mo siya. Hindi mo dapat ginagawa ‘yan.”,
“Oo, pamangkin ko siya. Kaya nga, sinagip ko ang buhay niya nung sinabi ng mama mo na lasunin ko ang bata. Pero kung hindi ka talaga mapupunta sa akin, I can kill a child, kahit kadugo ko pa ‘yan.”, she said in a devil voice.
“Why are you doing this? Nakakaya ba ng sikmura mo na pahirapan ang mismong kapatid mo at ang anak niya?”,
“Hindi ako ang nauna! Inagaw ka ni Kate sa buhay ko! So I’m just paying back. Kinuha ko si Michael para maging buo tayo. Kasi alam kong napamahal ka na sa bata.”, wika nito na may halong pagpapaliwanag.
Humakbang ako ng ilang pulgada para pigilan siya sa kanyang binabalak.
Hawak kasi nito ang cellphone dahilan para tawagan ang tinutukoy niyang tauhan.
“David, matagal ng plinano ng mommy ang tungkol sa pagpatay sa bata. She knows about Michael. At alam ko rin na kapatid ko si Kate. Kaya nung inutusan niya akong lasunin ang bata, hindi ko ginawa. Pampatulog lang ang inihalo ko sa pizza para sa gano’n sugurin si Michael sa hospital. Pero nung sinugod ang bata, pinalabas kong nalason ito dahil binayaran ko ang Doctor. And you know what, habang pinaplano ni mom ‘yon? May binili na akong bata na patay. Yung mukha ni Michael, pinagaya ko nang sa gano’n maging makatotohanan ang lahat.”, patuloy niyang kwento.
Habang sinasabi niya ito, hindi maalis sa labi ni Katrina ang ngisi.
“I’m so intelligent!”, proud na bigkas ng babae.
Wala na yata sa katinuan ang taong ito.
Kaya huminga ako ng malalim, bago ko hinawakan ang kamay ni Kat.
Nasa mismong tapat niya na ako ngayon dahilan para matitigan ko siya sa mata.
“I’m begging you. Kung talagang mahal mo ako, handa kang palayain ang bata.”, pakiusap ko rito.
“Please Katrina. Pleaseee…”, muli kong sambit.
Naiiyak siyang nakatingin sa akin at tila nagdadalawang-isip pa ito.
“I l-love you David. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita.”,
“Yes, I know. And same feelings, dahil minahal din kita. At mahal pa rin kita. Kaso yung pagmamahal na ‘yon, hanggang kaibigan o kapatid na lang siguro.”, wika ko sa kanya.
“David, h-hindi ko kaya. Hindi ko pa matanggap. Asawa mo ako eh. Kasal na tayo, diba?”, naluluhang tanong ng babae.
Pero sa halip na sagutin ko siya, I just hugged her.
“Gaya ng sinabi ko, minahal din kita. But you don’t deserve me. Kasi hindi ko kayang ibigay ng buo ang pagmamahal ko sayo. Kaya sana, palayain mo na ako, Kat. Hayaan mo na kami ni Kate. Huwag mong ipagkait sa bata ang maging masaya. So please, tell me, kung nasaan si Michael.”, mahinahon na saad ko.
Matagal din ito bago sumagot.
“K-kasama siya ni kuya Edward. Hindi ko naman kaya na ipahamak siya at ipahawak sa maling tao. Kaya kunin mo na siya.”, turan nito sa akin.
Habang binibitawan niya ang salitang ‘yon, ramdam ko na mahirap para kay Katrina na aminin ito.
Kaya kahit papano, natuwa ako sa naging desisyon niya.
END OF CHAPTER 69
©Binibining_Timoji


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.