1

When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 65


Report

SANDRA’s POV:
Hindi pwede!
Hindi maaari!
Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.
Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.
Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng ‘yon.
NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.
Halos ilang minuto ko ‘tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.
She told me that I don’t have a sibling.
So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she’s not my twin.
Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.
Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.
He’s a liar!
“Ikulong mo ng mabuti ‘yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na ‘yan hangga’t hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.”, utos ko rito.
Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki.
“Saan ka ba pupunta?”,
“I have something to do. Si Derick na mismo ang haharapin ko. Hindi ko na papatagalin pa ang lahat.”, tugon ko sa kanya.
“Ang gaga mo din talaga, Kate. Kaya ka naiisahan dahil ang bobo mo mag-isip.”, sambit ni Deo na talagang sumingit pa sa usapan.
Salitang bobo at gaga, dyan ako nagagalit at naiinis.
“Wala kang karapatan para sabihan akong bobo!”, usal ko naman.
“Bakit? Totoo naman ha? Kasi kung matalino ka, uunahin mong atupagin si Katrina.”, saad nito na talagang nag-suggest pa.
Ibang klase rin ang hayop na ‘to.
Matapos niyang sirain ang buhay ko, may gana pang tumulong.
“Patungo din naman kay Katrina ang gagawin ko. Kaya ‘wag mo akong pangunahan.”, asar kong wika.
“Okay. Goodluck, Kate. Basta ako, sinasabi ko na sayo ang katotohanan. Walang labis, walang kulang. Dahil ang hustisyang hinahanap mo ay nasa kamay mismo ng kapatid mo. So don’t stress yourself. I’m just concern.”, aniya ni Deo sabay ngiti pa.
Hindi ko alam kung nang-iinsulto lang ito sa akin o pinaglalaruan ako.
“Paano kung tama siya, Kate.”, bigkas ni David na parang naniwala agad sa kakambal niya.
“Come on, David. Demonyo ang kapatid mo. May demonyo bang tumutulong? Tsk.”, sakrastikong turan ko.
“Paano kung meron nga? Sometimes devil turns into an angel. May mga taong masama sa una, pero sa huli, nagiging mabait na.”, mahinang pahayag ulit nito.
“Tumigil ka na David. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay. So please take note of that.”, mataray kong sambit at tinalikuran ko na sila.
Sa Kompanya ang tungo ko ngayon para kausapin si Derick.
Hindi ko na ipapabukas ang nalaman ko dahil ayoko ng magsayang pa ng oras.
MABILIS kong drinive ang kotse papunta roon habang mahigpit akong nakahawak sa manibela.
Konting tiyaga na lang, makukuha ko na rin ang hustisya para sa anak ko.
“Where’s Derick?”, pagtatanong ko sa secretary niya.
“Naku Ms. Sandra, kakaalis niya palang po. Nagmamadali ‘yon kasi akala niya may nangyari sayong masama.”, saad nito kaya napakagat ako ng labi.
“Call him now and tell him that I’m safe. Sabihin mo na rin na bumalik siya dito. Bilis!”, agad na utos ko.
“Okay Ms. Sandra, noted.”, pagtutugon niya.
Pumasok na ako sa office ni Derick dahil dito ko na lang siya hihintayin.
Hindi pa man kami nag-uusap, mukhang sasabog na yata ang ulo ko sa...


galit.
Galit ako sa sarili ko dahil akala ko, mabuti siyang tao.
Pero maling akala pala ang tingin ko sa kanya.
Napagawi ang mata ko sa dingding kung saan may picture kami pareho.
That picture is the Kate, before.
Mahal niya nga ako. Pero dahil sa pagmamahal niya sa akin, gumawa pa rin siya ng mali.
Halos one hour din ang hinintay ko bago dumating si Derick.
Hingal na hingal siya na tila nagmamadali.
“Thanks God, you’re safe! Kanina pa ako tumatawag sayo, pero hindi ka sumasagot.”, aniya nito at yayakapin sana ako. Pero isang malakas na sampal ang natamo niya sa akin dahil para magulat siya.
“What’s wrong, Sandra?”, gulat na tanong nito.
“Why don’t you ask yourself, first?”, bigkas ko sa lalaki.
“Sandra, ano bang problema?”,
“You’re such a good actor! Congratulations Derick dahil nabilog mo ang utak ko!”, I shouted in a sarcastic.
“Anong–“,
“Isa pang sampal para maalala mo kung paano mo ako napaikot.”, turan ko rito.
Tiningnan ko siya ng matalim sabay tulak sa kanya.
“Alam ko na, Derick. Ako yung sumagot sa tawag mo kay Deo. Kaya hindi mo na ako mauuto pa.”, muli kong wika.
“S-sandra.”,
“Oh ano? Nabigla ka ba? Matapos mo akong tulungan, may gagawin ka rin pala na masama sa akin. Mas masahol ka pa sa hayop. Paano mo nagawa na lokohin ako?”, tanong ko na may namumuong luha sa gilid ng aking mata.
“I j-just love you, Kate.”,
“Mahal mo ako? Talaga ba? Kasi kung mahal mo ako, hindi ka gagawa ng ikakapahamak ko. So ano? Planado na pala ang lahat ha? Inutusan mo si Deo para sirain kami ni David? All this time, ikaw ang punot-dulo ng lahat, kung bakit namatay ang anak ko at ang anak natin!”, I said again.
“Kate hindi. Wala akong alam dyan. Maniwala ka sa akin, ngayon lang ako nakipagsabwat kay Deo.”, paliwanag nito.
“Matapos kong marinig ang boses mo sa cellphone, sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo?”, naiinis na sabi ko sa binata.
“Mahal kita, Kate. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsumikap. At nung napunta ka kay David, aaminin kong nagselos ako ng sobra sa kanya. Pero ni minsan, hindi ko nagawang sirain ang pamilya mo, lalo na ang buhay ng anak natin. Kate, ako ang ama ni Michael, at nasasaktan din ako na ibang tatay ang tinuring niya. But I respect your decision. Hindi ko na kayo ginulo no’n. Pero nung nakita kong umiiyak ka sa kalsada habang yakap-yakap mo ang kabaong ng anak natin, nadurog ako sobra. Galit na galit din ako.”, mahabang pahayag niya.
“Ano bang pinupunto mo ha? Na kasalanan ko ang lahat dahil hindi ako sumama sayo?”,
“I never blame you, Kate. I’m just explaining my side. Dahil ayokong nasasaktan ka. Nagawa ko lang ‘to dahil gusto ko, ako na lang ulit ang mahalin mo. Kasi handa akong gawin ang lahat at higitan si David para sayo.”, wika niya na may kalungkutan.
“It’s too late, Derick. Because I will never love you. Yung relasyon natin, hindi na maibabalik sa dati.”, sambit ko at tinitigan muna siya bago humakbang papunta sa pinto.
But before I leave his office, may iniwan akong salita na dapat niyang tandaan.
“Salamat na lang sa tinulong mo. But I still love, David. Siya pa rin ang pipiliin at mamahalin ko.”
END OF CHAPTER 65
©Binibining_Timoji


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.