3

WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO


Report

EPILOGUE ____
KATE’s POV:
TODAY is our wedding day.
Annulled na ang kasal nila David at Katrina, kaya tinuloy na ulit namin ang kasal na pinangarap naming dalawa.
Ang daming nangyari sa love story namin ng lalaki.
But still, kami pa rin hanggang dulo.
Marami man ang sumira sa amin.
Pero kaakibat no’n, lahat sila nagbago.
Si Derick, he contiue his passion.
Pinalago niya ang kompanya kahit siya lang mag-isa. Hindi ko naman pinagdamot sa kanya si Michael dahil may karapatan siya sa bata.
Si Edward naman, nagpapagaling pa siya sa hospital.
Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil maayos ang trato niya sa anak ko, nung wala ako sa tabi nito.
May mabuting kalooban din pala ang binata na ngayon ay kapatid na rin ang turing ko.
So here I am, walking in the red carpet patungo sa mismong altar.
Suot ko ang mahabang gown habang hawak ko ang bulaklak.
Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak mula sa aking mata.
This is the tears of joy na sinasabi nila.
At legit nga na ganito ang mararamdaman mo kapag ikakasal ka.
Napadako naman ang tingin ko sa kaliwang banda kung saan nando’n sila Deo, Katrina at ang mommy ni Gino na magiging mama ko na rin.
Yes, invited silang lahat.
Pinili nilang pumunta sa kasal ko kahit na may mga posas sila.
Kailangan kasi nilang pagbayaran ang kasalanan na ‘yon dahil labag ito sa batas.
Hindi ko rin maiwasan na malungkot para sa kapatid ko.
I saw on her eyes the sadness and jealous na tila nasasaktan siya sa nakikita niya.
Hindi ko naman siya masisisi dahil minahal nito ng husto si David.
Siya ang nauna, kaysa sa akin.
Pero gano’n talaga, kahit nauna ka pa sa buhay niya, hindi ka pa rin sigurado na ikaw ang makakasama niya sa huli.
She’s the first, but I’m the last.
At sobrang sakit ‘yon sa side niya na makita si David na ikakasal sa akin.
And all I can say, I’m...


really proud to her.
Akalain niyo ‘yon, nakaya niyang i-let go ang lalaki na ginawa niyang mundo.
Huminto naman ako sa tapat ni Katrina at marahan ko siyang nginitian.
That smile, symbolizes my love and forgiveness to her.
Pinatawad ko na siya matapos namin makuha si Michael. Kaya tinanggap ko na siya bilang kapatid.
I continue walking again, hanggang sa matunton ko na ang pwesto ni David.
At sa pagkakataong ito, nasa altar na kami at harapan ni Father.
Yung wedding ceremony, tumagal ng isang oras hanggang sa sinabi nito ang katagang, “you may now kiss the bride”.
Kaya si David, marahan na ini-angat ang belo para halikan ako.
Hindi pa man siya humahalik, narinig ko agad ang hiyawan ng mga tao sa simbahan.
So I closed my eyes now at hinihintay na lamang na dumampi ang labi niya sa akin.
Sa palagay ko, ilang pagitan na lang, malapit ng magdikit ang labi namin sa isat-isa dahil naamoy ko na ang hininga niya.
Pero gano’n na lamang ang pagkabigla ko nang may humawi sa bewang ko at pumagitna sa amin si Michael.
“Mama, papa, doon na lang kayo sa kwarto magkiss. Huwag po dito, maraming tao. Mahiya naman po kayo sa mga walang jowa.”, singit nitong sabi dahilan para magtawanan ang lahat.
BWISIT!
Nabuhay nga ang anak ko, naging traydor ulit siya sa buhay ko.
Pero kahit gano’n, ako na mismo ang gumawa ng paraan.
I kissed David at wala ng nagawa si Michael.
And I’m happy to say, that this man beside me is now my husband.
I’m a SINGLE MOM who fell in love with the HOT CEO.
___
END OF THE STORY!
©Binibining_Timoji
Thank you for supporting this story from beginning ’til end.
I know na hindi po siya perferct but I really tried my best just to make you all happy.
I love you all.
SANA HINDI NIYO MAKALIMUTAN ‘TO AT SANA RIN KAPAG NAGING LIBRO ITO SOON AY KUMUHA KAYO NG COPIES OR BUMILI, HOPING😍


3 Comments

  1. it was so nice to read again and again your story i love it author,,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.