0

What a Girl wants CHAPTER NINE


Report

What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER NINE 🍬
“THAT is so classy and so perfect, my dear. You got the heart of the press. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko na piliin ka. You are pretty smart,” sabi ni Kara na nagniningning ang mga mata. Parang nakakita ng diamante sa katauhan ni Claribelle.
“Thank you po,” kiming sagot niya.
Katatapos lang ng press conference para sa show at bukas na ang simula ng taping nila. Sa ngayon ay wala pang ipinapakitang mukha ng mga lalaking mag-aagawan sa puso ni Claribelle. Puro lower-half lang ng mukha o ang pangangatawan ng mga lalaki pati ang iba’t ibang activities na hilig ng mga ito ang ipinakita sa trailer. Kinakabahan tuloy siya.
“Even our host Vhon likes you. You are very professional at hindi ka raw nagpa-fan girl sa kanya, unlike other searchers.” Umikot ang mga mata ni Kara. “Hindi pa man nagsisimula ang program, they are already asking to hook up with him.”
“H-hindi naman po ako ganoong klaseng babae.”
Pinisil ng babae ang balikat ni Claribelle. “Don’t worry. Marami kang guwapong admirers. Makikilala mo na sila bukas. Ready ka na bang tumira sa mansiyon?”
Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Ma’am Kara, uhm….. Hindi ko lang po alam. Hindi po ako sanay na malayo sa bahay namin. Parang hindi po natural.”
Kumunot ang noo nito. “Our dating game is grand. You will be depicted as a princess. Like Cinderella. We can’t afford to see you living in a small apartment. Mahihirapan ang mga staff natin sa pag-shoot. How about this? You will still live a normal life. Kasama mo naman ang nanay mo sa bahay, diba? And the staff will take care of you. Makakalabas ka pa rin kasama ang mga kaibigan mo kung walang shoot.”
Hindi naman 24/7 na may nakasunod na camera sa kanya dahil ang mas focus ng program ay ang mga “suitor” niya. Kailangang makita ng mga tao kung ano ang ginagawa ng mga ito. One month ang itatagal ng programa. Sa pagitan niyon ay pwede raw mag-OJT sa radyo si Claribelle at iko-cover din iyon ng programa. Two birds with one stone. Pati ang mga kaibigan niyang sina Edmark at Marie ay secured na rin sa OJT at paminsan-minsan pa niyang makakasama sa programa kahit interns pa lang ang mga ito.
Pero ngayon pa lang ay hindi na makahinga si Claribelle. Hindi totoong normal pa rin ang buhay niya. Public property na siya ngayon. Kailangan niyang maging maingat sa mga kilos. Mas malala pa iyon kaysa noong lumabas ang pastillas video niya dahil araw-araw na siyang makikita sa national TV.
“Pwede po bang lumabas muna kami ng mga kaibigan ko ngayon? Kakain lang po kami,” paalam ni Claribelle kay Kara.
“Of course, my dear. Isama mo si Abegail,” sabi nito at ngumuso sa researcher dati na ngayon ay tumatayong PA niya. Magkasundo kasi sila ng babae at dahil mas matagal na niyang kilala ay mas komportable siya rito.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
SA ISANG Italian restaurant sa Tomas Morato sila kumain na magkakaibigan. Hindi sila gaanong nakakain sa presscon dahil na rin sa dami ng ginagawa. Nasa kabilang mesa si Abegail kasama ang driver para may privacy silang magkakaibigan.
“Ang bongga mo, girl. Kalalabas lang ngayon ng trailer ng “You Are The One For Me”. Gosh! Kinikilig ako,” sabi ni Marie na cake agad ang binanatan dahil kailangan daw nito ng sugar pagkatapos ng maraming trabaho sa presscon. “Para kang prinsesa habang nasa garden at parang pati ang sun rays ay sumusunod sa iyo.”
“Parang yummy ang mga boys kahit hindi pa ipinapakita ang buong mukha nila. Akin na lang yong mga aayawan mo, friend,” ungot ni Edmark.
“Pahati din ako ng biyaya,” pakiusap ni Marie.
“Mga sira talaga kayo,” umiiling-iling na sabi ni Claribelle. Pagdating sa mga lalaki ay alerto ang mga kaibigan.
“Okay na ba si Tita dito sa show mo? Wala siya dito ngayon,” tanong ni Marie at luminga sa paligid. “Nagtatampo pa rin ba?”
“Ayaw sana niya pero wala naman siyang magagawa dahil nasa tamang edad na ako. Parte raw ito ng mundong pinasok ko. Gusto ko sanang kasama siya sa presscon pero gusto niyang bumalik sa trabaho. Kailangan niyang ibilin ang paggawa ng pastillas sa mga tauhan niya at may mga delivery pa.”
Nakabayad na sila sa utang sa tulong na rin ni Kara. In-advance ang bahagi ng talent fee ni Claribelle para daw hindi na mamroblema ang nanay niya pagkapirma ng kontrata. Pero parang hindi tanggap ng nanay niya ang paraang naisip niya. In-assure ito ng grupo ni Kara na iingatan siya ng programa. Mas subtle ang concept ng naturang dating game kompara sa “The Bachelor o The Bachelorette” ng Amerika dahil mas conservative ang audience sa Pilipinas. Si Reymart nga ay ilang buwan din siyang niligawan bago niya sinagot. Hindi iyon nagbabago sa kanya. Kahit nasa legal age na, hindi niya kalilimutan kung paano siya pinalaki ng ina.
Iba’t ibang challenges ang haharapin ng mga manliligaw ni Claribelle para makuha ang kanyang puso. Inihahanda na rin niya ang sarili sa mga mangyayari sa likod ng camera. She was working with a team now.
“Alam na ba ni Reymart ang tungkol dito?” tanong ni Marie.
“Siguradong magre-react iyon. Wala pa kayong three months na break,” paalala ni Edmark. “Lalo naman ang nanay niya. Siguradong titirik na naman ang mga mata ng ex-biyenan mo.”
“This is my life. Break na kami ni Reymart. Ano pang kailangan nila sa akin?” pagngingitngit ni Claribelle. Three months ngang hindi nagpaparamdam sa kanya si Reymart. Wala nga itong panahon sa kanya noon, lalo naman ngayong hiwalay na sila.
“Ibahin na lang natin ang usapan. Tignan natin kung ano ang sinasabi ng netizens tungkol sa program mo. Gusto mo, unahin natin ang reaction ng mga best friend mong sina Jessa at Venus?” nakangising tanong ni Marie. “Kunwari, ipinagmamalaki ka ng mga bruha. Friends daw kayo at sa kanila ka kumuha ng pagiging classy lalo na’t galing ka raw dati sa squatter’s area.”
“As if may kontribusyon siya sa improvement mo. Sila nga ang kontrabida sa buhay mo. If I know, inggit na inggit sila sa iyo,” sabi ni Edmark. “Ngayon naman, sumasakay sila sa kasikatan mo. Ang kakapal ng face.”
Nag-ring ang cellphone ni Claribelle at nagulat nang makitang si Reymart ang tumatawag. Ano ang kailangan nito? “Pupunta muna ako sa restroom,” paalam niya sa mga kaibigan. Tumayo na siya at nagmamadaling pumunta sa restroom. Nanginginig ang kamay niya nang sagutin ang tawag. “Hello, Reymart?”
“Claribelle, pwede ba tayong magkita?”
“What for?” tanong niya sa malamig na boses.
“I think we need to talk. Nakita ko ang commercial ng show mo. Y-you are joining the dating game?”
“Ngayon mo lang ako naisipang kausapin dahil sa dating game? Ano to? Aawayin mo ba ako dahil sasali ako sa dating game?” Sinapo niya ang noo. “Kung aawayin mo ako dahil diyan, never mind. I am busy. At sa palagay ko, mas busy ka kaysa sa akin.” Break na sila. Wala nang karapatan ang lalaki na komprontahin siya kung anuman ang gusto niyang gawin.
“Claribelle, I want to see you. Please? H-hindi mo ba ako gustong makita?”
Parang marshmallow na nadarang sa apoy ang puso ni Claribelle. Akala niya ay kaya niyang magmatigas pagdating kay Reymart. Pero oras na makiusap na ito, hindi niya alam kung paano humindi. Isa na lang siyang mahinang babae.
Huminga siya nang malalim. “Fine. Let’s talk.”
“Nasa cafΓ© ako sa Maginhawa Street.” Ibinigay ni Reymart ang address ng naturang cafΓ©. “Hihintayin kita dito.”
“Okay,” sagot niya at tinapos na ang tawag, saka bumalik sa mesa nilang magkakaibigan. “Guys, pwede bang umalis na ako?”
“Saan ka pupunta?” tanong ni Edmark. “Uuwi ka na?”
“Tumawag si Reymart. Gusto niyang makipagkita,” pabulong na sagot niya at saka luminga sa paligid.
“Akala ko ba wala ka nang pakialam sa ex mo?” tanong ni Marie na pinanlakihan siya ng mga mata.
“Kailan ba naman nawalan ng pakialam iyan sa ex niya?” sabi ni Edmark.
“I think……. I think inaalala niya ang pangalan niya na posibleng madawit sa pagsali ko sa dating game.”
“Wag kang mag-alala, friend. Susuportahan ka namin. Kahit naman hindi kayo happy ending, Team Reymart pa rin ako,” sabi ni Edmark.
Tumango naman si Marie.
Nagpaalam si Claribelle kay Abegail pero pinasama nito ang driver para daw may maghahatid sa kanya. Wala siyang choice dahil baka magkahinala pa ang babae kung ipipilit niyang mag-isa. Magta-taxi na lang ito at ang mga kaibigan niya.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
ALAS-DOS pa lang ng hapon kaya mangilan-ngilan pa lang ang bukas na mga kainan sa Maginhawa Street. Mas buhay raw ang lugar na iyon kapag gabi.
“Manong, magkape po muna kayo dito.” Inginuso ni Claribelle ang isang tindahan na katabi ng cafΓ©. “Papasok po muna ako sa loob.”
Tumango naman ang driver.
Parang walang tao at sarado pa ang Green CafΓ© dahil may “Close” sign na nakasabit sa pinto. Pero naririnig ni Claribelle na may music na nanggagaling mula sa loob. Nang itulak niya ang pinto ay bumukas naman kasabay ng pag-ring ng bell. Walang tao sa loob. Hindi halata na restaurant ang lugar. Mas mukha iyong bahay. Napaka-cozy. May yellow couch sa gilid, gawa sa hardwood floor ang sahig, at may mat para sa low table kaya pwedeng sumalampak.
Nang lumingon si Claribelle sa kaliwa, nakita niya si Reymart na tumutugtog ng piano. Hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan. Isa sa mga talent ng binata ang pagkahilig sa musika na madalang namang maipalabas sa telebisyon. Sa iilang pagkakataon lang nito naipakikita ang talento.
Tinutugtog ni Reymart ang kanta ng...


singer-actress na si KC Concepcion na “Since You’ve Been Gone”. Claribelle realized that she was holding her breath. Watching him play was the most beautiful sight. At tinutugtog pa nito ang paborito niyang kanta. She must stop this. Baka mabaliw na naman siya sa lalaki. Kailangan na niyang maging handa para sa dating game bukas. She couldn’t afford to mess it up just because she saw her ex-boyfriend. Na mahal pa rin niya ngayon.
“Reymart,” tawag niya.
Tumigil sa pagtugtog ang lalaki at nagniningning ang mga matang nilingon siya. “Claribelle!” Tumayo ito at nilapitan siya. “I’m glad you came.”
Hindi inaasahan ni Claribelle nang yakapin siya ng dating boyfriend. Hindi siya makahinga. Sobrang higpit ng yakap nito na parang miss na miss talaga siya. And she wanted this feeling. She wanted feel of his arms around her. She missed him. Dalawang buwan na niyang hindi nararamdaman ang init ng yakap nito.
(CLARIBELLE, MOVE! BUKAS NA ANG DATE MO KASAMA ANG SAMPUNG GUWAPONG LALAKI. YOU CAN’T KEEP ON DOING THIS. HINDI LANG IKAW ANG MASISIRA KUNDI ANG LAHAT NG MAY KINALAMAN SA SHOW. THEY WILL HAVE YOUR HEAD ON A PLATTER.)
Biglang natauhan si Claribelle. Iyon ang realidad. Hindi sila ni Reymart. Hindi ang mga yakap nito. “Reymart, baka may makakita sa atin,” paalala niya.
Hindi man lang lumuwag ang pagkakayakap ng lalaki. “This is my ninang’s place. Kabubukas lang last month. Pinagkakatiwalaan niya ang lahat ng mga tauhan dito. I…… I just want to hold you for a bit. Please?”
Pumikit si Claribelle at hinayaan ang sarili na manatili sa mga bisig nito. “FINE. ONE MINUTE.” Pero nahiling niya sa sarili na huwag na siya nitong pakawalan. At ang isang minuto nito ay umabot nang magpakailanman. “REYMART, PLEASE DON’T LET ME GO”.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
TAHIMIK lang si Claribelle habang kumakain ng pesto pasta na in-order ni Reymart para sa kanya. Nakatitig lang siya sa lalaki na masiglang kumakain. Ayaw niyang magsalita. Ni ayaw nga niyang kumurap man lang sa takot na maglaho ito. Nabubuhay pa rin siya sa masayang mundo ng ilusyon kung saan masaya pa rin sila ni Reymart at hindi pa sila nagbe-break. Kahit sandali lang ay gusto niyang ibigay ang kaligayahang iyon sa sarili.
“How are you?” sa wakas ay tanong ni Reymart. “You look tired. Parang ilang araw ka nang walang tulog.”
“It has been a busy week,” sagot ni Claribelle. Parang roller coaster ride ang buhay niya nang mga nagdaang araw. Mula sa pagkaka-scam sa nanay niya hanggang sa pagtanggap niya sa pagiging searcher sa dating game, hindi pa napapahinga ang katawan at ang isipan niya. Mabuti na lang at magaling daw ang makeup artist na hahawak sa kanya. “Alam ba ng mommy mo na nandito ka kasama ako?”
“Ang alam niya nasa gym ako ngayon.”
Ngumisi si Claribelle. “Pwede mo naman pala akong makita kung gugustuhin mo. Kung gusto mo.”
Saglit na hindi nakakibo si Reymart dahil na rin siguro sa guilt. Magagawan naman ng paraan kung gusto talaga siya nitong makita noon. Hindi naman kumontra sa kanya ang binata pero nakita niya ang kaseryosuhan sa mga mata nito.
“Importante na makausap kita tungkol sa show. Sa dating game mo.”
“What is the problem with the dating game? I am single.”
Naningkit ang mga mata ni Reymart. “Pero bakit ka pumayag? Do you really want to replace me so badly?”
Natigilan si Claribelle. Sa tono nito, parang pagkasama-sama niyang babae. “Reymart, break na tayo. May karapatan akong gawin kung anuman ang gusto ko sa buhay ko. Nakita mo ba akong nag-react sa inyo ni Darling? Wala naman, diba? May kanya-kanya na tayong buhay.”
“Pero kakalkalin naman nila ang buhay mo. Hahanapin ka nila ng kahit anong kontrobersiyal sa buhay mo hanggang sa brand ng tissue mo para lang may maipalabas sila at….. At siguradong malalaman ng lahat ang tungkol sa akin.”
“Iyon ba ang inaalala mo? Na ibubulgar kita sa publiko para sa ratings?” Umiling si Claribelle. Isang malaking sampal iyon sa kanya. Asang-asa siya na nami-miss siya ni Reymart at sasabihing mahal pa siya nito. Pero iyon ang malupit na realidad. Nandoon lang ito dahil gustong protektahan ang sarili. “You have nothing to worry. Pumirma na ako ng kasunduan na hindi ko babanggitin kung sino ang ex-boyfriend ko. Not even a hint about you. Happy now?”
“No. It is not about me. This is about you. Bakit ginagawa mo ito samantalang mahal mo pa ako?”
Nahigit niya ang hininga. “Reymart…..”
“Why are you doing this? Naiintindihan ko ang tungkol sa pagkalat ng video mo. Pero ang sumali sa dating game, this is not you. May problema ka ba sa pera? Sabihin mo lang sa akin para matulungan kita, huwag mo lang ituloy ito.”
“Matutulungan mo ako? Reymart, kontrolado ka ng mama mo.”
“May investment ako sa stock exchange mula nang mag-sixteen ako. Twenty-one na ako ngayon at matagal na akong may kontrol doon. Magkanu ba ang kailangan mo? Sabihin mo lang para hindi ka na tumuloy sa dating game. Don’t do this. Kahit hindi ka bumalik sa akin, basta huwag ka lang tumuloy sa dating game. Nararamdaman kong hindi mo ito gusto.”
Pinagmasdan niya ang dating boyfriend. “Bakit ginagawa mo to?”
“Because I still love you. At hindi kita hahayaang gawin ang mga bagay na pwede mong pagsisihan sa huli. Iba ang mundo ng showbiz, Claribelle. Nandito ka sa mundo kung saan nabubuhay ang mga tao sa ilusyon at katotohanan ang sisira sayo. Hindi ka pa handa para sa mundong ito. This might ruin you. Ayokong mangyari iyon sa iyo. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka lang. So tell me why you are doing this. Handa akong tulungan ka kahit na maubos ang ipon ko.”
Parang may bumara sa lalamunan ni Claribelle habang pinagmamasdan ang lalaking mahal niya. Mahal pa rin siya ni Reymart. Nararamdaman niya ang sincerity nito. Handa itong solusyonan ang mga problema niya. Pero dahil nabubuhay siya sa mundo ng realidad, kailangan niyang harapin ang mga responsibilidad. Nakapirma na siya ng kontrata. At hindi niya gugustuhing sukuan ang mga taong tumulong sa kanya kung kailan kailangan siya ng mga ito.
Ayaw rin niyang ipapasan kay Reymart ang mga problema niya. Pinaghirapan nito ang perang iyon. Para iyon sa kinabukasan nito at hindi para sa kanya. Kapag tinanggap niya ang tulong ng dating nobyo, parang pinatunayan na rin niyang pera lang ang habol niya. At kahit bumalik pa sila sa isa’t isa, hindi rin mawawala ang mga problemang kinaharap nila dati na nagtulak kung bakit sila naghiwalay. Wala pa ring magbabago.
Malungkot na ngumiti si Claribelle. “Reymart, may kanya-kanya na tayong buhay ngayon. Salamat sa alok mo pero mag-focus ka na lang sa career mo.” Tumayo na siya. “Hayaan mo na lang ako.” Kung anuman ang problema ng kanyang pamilya, ayaw na niyang idamay pa si Reymart. Pangangatawanan niya ang mga ginawang desisyon.
Pinigilan siya ni Reymart sa braso. “Anong kailangan kong gawin para bumalik ka sa akin? I want you back.”
Napaisip si Claribelle. Pwede ba niyang habambuhay na tanggihan si Reymart? May pag-asa pa ba para sa kanila? “Ligawan mo uli ako. Ipakita mo sa akin kung gaano mo talaga ako kagusto.”
“What?” bulalas ng binata.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Kaya mo bang makipagsabayan sa mga manliligaw ko?”
Tumayo ito. “I am Reymart Ferrer.”
Of course, he was the hottest leading man now. Nagkakandarapa ang mga babae kay Reymart. Pinapalabas ng dating boyfriend na dahil mahal pa niya ito, kailangan niyang tanggapin na lang ito basta nang walang kahirap-hirap.
“And you being Reymart Ferrer doesn’t mean much to me now. Single ako ngayon at lahat ng gustong maging boyfriend ko, kailangang manligaw. Kasama ka na. Kung gusto mo, sumali ka sa dating game.”
Tumawa ito. “That is absurd. Alam mong imposibleng mangyari yon.”
Nagkibit-balikat si Claribelle. “Then, it is good-bye, Reymart. Wish me luck?”
“Sure.”
Hinawakan ni Reymart ang kanyang pisngi at nanlaki ang mga mata ni Claribelle nang angkinin ng lalaki ang mga labi niya. It was not a timid and light kiss that he used to bestow her. She was being kissed by an expert. Saka niya naalala na isang magaling na artista ang dating nobyo at hindi na bago ang kissing scene para dito. Hindi lang nito ginagamit sa kanya. But now, he was branding her with that sizzling kiss that was enough to fry her brains. Muntik nang bumigay ang mga tuhod ni Claribelle sa panlalambot nang putulin ni Reymart ang halik at bitawan siya. There was a satisfied smile on his lips.
“There. I am your poison, Claribelle. Tignan ko lang Kung nagkainteres ka pa sa ibang lalaki. You will always think of me. Maaalala mo lagi ang mga yakap at halik ko.”
Totoo. Mahihirapan talaga siyang maka-get over sa halik na iyon. But she still had self-preservation. May mga bagay na hindi niya pwedeng talikuran para sa yakap at halik o kahit pa para sa pag-ibig ni Reymart.
“But that is not enough to make me stay. Not enough for me to take you back. Ipapaalala ko lang sa iyo na kung gusto mo, ligawan mo ako. See you around, Reymart Ferrer.” Sinadya ni Claribelle na idiin ang pangalan nito bago tinalikuran at naglakad palayo. Oo nga at ito si Reymart Ferrer. Pero siya lang si Claribelle. Mayroon o walang dating game, gusto pa rin niyang paghirapan ni Reymart kung gusto nitong bumalik siya rito.
Iyon ang bagong kabanata ng buhay niya. Kung gusto siya ni Reymart, he must step up. Hindi na siya ang Claribelle na lagi na lang maghihintay. She wouldn’t be a doormat girlfriend anymore. If he wanted her, he must work for it.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.