1

We love each other but we give up


Report

Itago natin sa pangalang mark. He is a kind of boy that very handsome, chinito,mabait,matalino,at higit sa lahat napakamasayahin. Nakilala ko siya nung grade 7 kami sa totoo lang meron kaming tinatawag na barkadang Hi 5. Nung unang araw ng pasukan marami ng nag sasabi na bagay raw kami. Bagay nga ba talaga? HAHAHA ako yung babaeng mahiyain,minsan lang may kibo. Ngunit ng nakilala ko siya nawala lahat ng hiya ko. Sa unang chat namin tinawag niya akong best badoy ano. Hahaha tuloy2 yung chat namin nun lage niyang sinasabing napaka ganda ng pangalan ko unique raw kung pakinggan. Sympre kilig naman ako. Minsan lang ako nakaka tanggap ng ganung message eh. At ng nag tagal mas lalong naging close kmi ni Mark. Hanggang napa amin siya sken na nagugustuhan niya ako. Dumating din sa puntong nagugustuhan ko na din siya. Kaya ayun umamin kmi sa isa’t isa ng nararamdaman. Hanggang sa naging kami. Siya yung lalakeng mahilig nag effort lalo na kapag monthsary namin o di kaya birthday ko. Ang sweet namin sa mga araw na yun. Siya yung lalakeng grabe kung bumanat. Pero kahit anong effort pa pala yung nagawa niya may oras parin na nag aaway kaming dalawa,walang pansinan at sa dumating yung araw na pinakawalan na namin ang isa’t isa. Ilang taon din kaming di nag uusap di nag papansinan. Hanggang nalaman kong may nililigawan na siyang iba. Ako naman yung si iyak iyak ng iyak habang nakikita ko silang dalawang mag kasama. At dumating sa point na na principal office ako nun para lang ma ipaglaban yung minahal ko na mahal ako ngunit ngayon hindi na. Bumalik siya sa buhay ko. Pero marami ng nag bago. Di na pareho ng dati na palage na lang masaya kapag magkasama kaming dalwa. At ilang months na din ang naka lipas nabalitaan kong nililigawan niya parin yung babae kahit kami na. At dumating sa point na pinapili ko siya. Sabi niya sken di na ako yung mahal niya. At grabe yung kirot na naramdaman ko di ko tanggap na kahit kami yung mga oras na yun may iba pala siyang minahal. We end up again. Hanggang sa naka move on na ako. Tiniis ko ang sakit para lang makalimot. Pero kahit anong limot ng puso ko para sa kanya siya parin pala talaga. Pero binalewala ko ang nararamdaman ko. Naka tanggap ako ng message galing sa nga kaibigan niya itago natin sa...


pangalang Rex. Sinabi ni Rex ang lahat na nalalaman niya. At ang punto niya doon ay upang sabihing mahal na mahal ako ni mark. Grade 8 ako nung bumalik sa dati ang nararamdaman ni mark para sken. Ngunit sa mga oras na yun may nag papatibok ng puso ko. At sinabi ko kay mark na tama na pagod na ako nung mga panahong wala ka. Pagod na ako nung nga panahong may minamahal ka ng iba. Pero hindi tumigil si mark para patunayan na nag babago na siya. Nilagwan niya ako ulit kahit sinabi kong ayaw ko na pinag patuloy niya parin 8 months niya akong nilagawan. Ngunit hindi parin pala magiging kmi in the end. Kinausap niya ako pinakita niya sken kung gaano niya ako ka mahal ngunit di ko alam bakit nawala na ang lahat na nararamdaman ko sa knya. Mas mabuti na siguro sken na mag kaibigan na lang kami. Hanggang sa tumigil siya. Pagkalipas ng isang taon grade 9 na kami. May isang babaeng nag tapat sken tinanong niya ako kung may nararamdaman pa ba ako sa kay mark? Sabi ko wala kahit sa totoo lang oo. Na bigla ako nung mga panahong yun. At hanggang sa nalaman ko na sila na ni mark at yung babaeng nag tapat sken ng nararamdaman niya sa ex ko. 4 months na naging sila. At ako yung patagong babae na nag mamahal parin pala sa kanya. Bumitaw ako hindi sa hindi ko siya mahal bumitaw ako dahil sa takot na nararamdaman. Tuwing nakikita ko yung ex ko na umiiyak sa babaeng minamahal niya nndyan parin yung sakit kapag nasasaktan yung lalakeng yun yung lalakeng patago kong minamahal. Nung dumating ang aking kaarawan nais ko sanang imbitahin lahat na mga kaibigan ko. At sabi ng ex ko pupunta siya. Di ko inexpect na pupunta siya sa kaarawan ko. At nung kaarawan ko na may biglang tumawag sa phone ko. Sabi niya alam mo na ba? Grabe yung kaba ng dibdib ko sinabi ko ano yun? Sinabi niyang wala na si mark. At di ko napigilang umiyak. Hindi ko tanggap na mawawala siya sa buhay ko. Oo nawala siya siya sa buhay ko. Pero kahit hindi na kmi ng mga panahong yun nndyan parin yung pagmamahal ko para sa kanya. Minamahal ko parin siya ng sobra. Hanggang ngayon na marami na akong napagdaanan sa buhay ko.andyan parin siya sa puso ko.

1

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.