1

Way back 2015


Report

This is my real life story. Sana po ma inspire kayo.
Love: Papirpen

I was an adopted daughter of my father’s sister. Four years old pala lang ako ay doon na ako tumira sa kanila ni Tita na tinatawag kong Mama ngayon. Wala kasi silang anak kaya inampon na lang ako. Living with them was great, they treat me as their own child, yun nga lang ay mag-isa lang ako, wala akong kapatid at kalaro. I live with them for almost 7 years. Kahit na simple lang ang pamumuhay namin ay masaya parin ako/kami. Kahit mahirap yung buhay kinaya at kakayanin kaya lang one day my Mama had to leave the country para magtrabaho sa Dubai as domestic helper. Ang maswerte doon, ang amo niya ay pinoy at naging yaya rin siya nito dati sa Cebu.

Then my story starts.

I was 12 years old and a grade six student, hindi ko pa gamay ang mga trabaho sa bahay, at dahil ako lang ang anak ay walang tutulong sa’kin. Yes I have my Papa pero sabi nila mas maganda raw na may magulang na mag-aaruga sa’kin. They don’t have a choice but to send me back to my biological parents. They are happy about it and as I am. Kasi may kalaro na ako, madami na kami sa bahay.

Pinatransfer rin ako ng school kahit grade six na ako. Medyo nanibago ako sa bago kong environment, kasi araw-araw naglalakad lang kami papuntang school, bitbit ang mabigat na back pack na puno ng libro at notebook. Minsan nababasa pa dahil sa ulan at wala kaming payong pero kahit na ganun ay masaya parin kami. Living with the family is great kahit na mahirap. Naranasan ko ang hirap, kasi minsan wala kaming bigas, walang ulam, walang pambaon at kung minsan kumakain kami ng kamoteng kahoy, kamote at saging pantawid gutom. Wala pa kaming ilaw dati. But I had a great experience in life.

Teka, papasok na yung love story ko.
When I was in grade 7, nagkaroon ako ng crush sa kaklase ko. They told me crush din daw niya ako.

One day, hindi ko inaasahan na ililibre niya ako ng ice buko. Salamat sa snack na iyon dahil may chance ako para tingnan at ngitian siya ng harap-harapan. Then my feelings starts to grow, lalo na iyong kinakausap niya ako. May time pa na sasadyain kong dumaan sa bahay nila, kunyari dadaan lang ngunit lilingon, nagmukha akong stalker, nadidismaya pa kapag hindi ko siya nakikita.

That was January 13, 2015, the day that I thought would be an ordinary day for me.
Pagkauwi ko galing school hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa’kin. Hinayaan ko lang, baka hindi ako kailangan niya. Dati hindi po ako assuming.

Nagulat ako nung sinabi niyang “pwede tayo na lang?” Todo kilig pa ako, aba sinong hindi eh crush ko yung nagsabi niyon kaya sumagot ako. “Oo.”
Yung puso’t isip ko nagtatalo, ‘patay paano parents ko’ yun ang sabi ng utak ko. Ang laki kong tanga kasi sinagot ko siya agad ng hindi nagpapaligaw. Marupok lang pero hindi assuming.

By the next day, kumalat na yung balita tungkol sa’min, maraming chismis and that time I didn’t think about my image. Paki ko ba dati na may ganun pala. Sabi ko sa sarili ko ‘bahala na si batman. Sinimulan ko kaya tatapusin ko.’
Kapag may time siya ay inihahatid niya ako pauwi, kaya lalo pang kumalat ang chismis until one day after ng exam ay hinatid niya ako pauwi sa bahay, umuulan pa at ang lakas ng timing dahil nakasabay pa namin si Mama. Timbog kami.

My mother was mad that time pagkauwi ko sa bahay “Sino yun? Bakit magkasama kayo? Bakit magkaabay pa?” Tanong niya. I was afraid that time ngunit sinubukan kong ibuka ang bibig. “Si Nicolas.” I answered. She was guessing and she found out the right answer. Nicolas was my boyfriend. Pinagalitan niya ako kasi ang bata pa raw namin para pumasok sa ganuong bagay. Palagi niya akong pinagsasabihan na hiwalayan ko si Nicolas but I didn’t listen. Nagpatuloy ang relasyon namin. Imagine? 14 years old ako dati at pinasok ko na ang isang bagay na mahihirapan akong labasan. Maging ang mga tiya atbtiyuhin ko, pinagsasabihan ako at si Nicolas na wala pa kami sa tamang edad at panahon, baka may mangyaring hindi inaasahan, and the what ifs.

Dahil mapupusok kami dati ay hindi namin pinakinggan iyon.

I said to myself, I’ll prove them wrong. I made a rule, no kiss allowed, no post to social media, no hugging, no PDA, privacy is a must. Good thing he respect it. Kaya nagpatuloy kami hanggang sa umabot ng isang taon. We’re grade 9 students, at sa kauna-unahang pagkakataon binigyan niya ako ng isang pink rose na pinitas niya sa kung saan, handog para sa akin para sa aming 1st anniversary. Sa loob ng isang taon, naging kontento na kami na makasama ang isa’t isa, tanging ang paaralang iyon ang naging komunikasyon namin, walang cellphone at internet. Kinaya namin at sa pamamagitan ng pagsusulatan sa isa’t isa ay naipapahayag namin ang aming damdamin. Kung gaano kami kasaya sa mga bawat araw na nagdaan.

Grade 10, nagkaroon ako ng cellphone, nagsimula na kaming magkatext at magkausap. #latenighttalks kumbaga. Pinapagalitan parin ako ng parents ko dahil late na kung matulog, at hihiwalayan si Nicolas. Naging matigas parin ang ulo ko at hindi sila pinakinggan.

Until one day pinatawag ang parents namin dahil na naman sa mga issue tungkol doon at nadamay kami. I was forced to let him go dahil ayokong lumaki pa ang issue at masira ang pangalan ng pamilya namin at ng paaralang iyon. Kahit masakit, kinaya ko, sa...


pamamagitan ng isang sulat, binitawan ko siya. Nais man niyang ipaglaban ako ngunit ako ang humindi. Ayokong palalain ang sitwasyon kaya mas pinili kong masaktan kaming dalawa.

Totoo nga ang kasabihan na saka mo pa makikita ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa tabi mo. Everytime I see him naaalala ko yung araw na magkasama kami, masayang nag-uusap, tumatawa at nangangarap. When hard time comes he was there, sa school projects tinutulungan niya ako, nagpapayo kapag may problema ako at tanggap ang pagiging bobita ko. Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti ay nasasaktan ako, sa tuwing may kasama siyang ibang babae na kaklase ko ay nagseselos ako. Lakas ng epekto niya sa’kin eh. Kaya after 3 months, nagdecide akong bawiin lahat ng sinabi ko, humingi ako ng tawad sa nagawa kong pagbitaw. Tinaggap niya ako at naging masaya kami ulit. Wala paring nagbago at lalo pa naming minahal ang isa’t isa. We celebrated our 2nd anniversary, with 15 roses and banner, na surprise ako at napaka thankful ko kasi gumastos pa siya para sa anniversary na iyon.

Alam ni Mama na nagkabalikan ulit kami ni Nicolas but she keepnon reminding me at sa panahong iyon tinatak ko na sa isip ko na baka nga ay ganito, ganyan kaya lalo pa akong naging mahigpit. Same rule as before. He was my top secret at hindi siya tanggap ng pamilya ko. Hinayaan ko na lamang iyon.

Hard time comes, may kabit ang Papa ko, Nicolas was there to comfort me, nung namatay ang Lolo ko, he was there too, help me recover. Sa tuwing hindi nagkakaintindihan ang parents ko at nauuwi sa sakitan ay siya ang naging sumbungan ko, naging panyo at pahinga. Those gentle smile, those comforting words and the four magic words “Everything will be fine” that he keeps on reminding me makes me lighten up.

Grade 11, we had to separate kasi nga babalik ako sa Gamut kung saan doon na muli akong mag-aaral. LDR ang peg namin, that time nagkalabuan kami, madalang na kung magkausap, madalang na kung magkita at kung minsan ay nagkakatampuhan pa. But we still hold on. Hanggang sa umabot ng 3 anniversary, binigyan niya ako ng wrist watch that reminds us of time, to each other.

However, the destiny played its role.
We broke up, this time siya na ang bumitaw. I keep asking for reasons, but he said, masakit umasa, maraming rason, top secret ko siya. That was May 21, 2018. Lahat panghihinayang ko, iniyak ko. Nilunod ang sarili sa luha ng panghihinagpis. I was so down that time, Papa Joel had its love affair, Nicolas wasn’t there, I struggle in my school works he wasn’t there, and for almost one year O cried silently every night asking for God’s help to ease the pain I had but he didn’t answer me too. I felt like being dump and left. No one was there, and that’s the reason kung bakit may nasabi akong hindi maganda kay Nicolas. “Kung kailan mas kailangan kita ay wala ka.” I badly wanted him to listen for my sufferings not knowing he suffers too, he was busy and he have too much in his plate at dinagdagan ko pa. We’re both broken that time.

Until one day, binitawan na nga niya ako.

Akala ko tapos na yung paghihirap ko kasi hindi na ako damay sa problemang mag-asawa. Ngunit mali ako, ang mabuhay ng walang Nicolas ay hindi madali. Every night pain is killing me, those memories and thoughts came crashing down on me. But I tried my best to stand up and I found myself starts to fall in love with my cousin, that time we didn’t know. I was happy to be with him pero hinahanap parin ng puso ko yung saya na kay Nicolas ko lang mararamdaman. For almost 2 years, I was silently crying in vain, seeing Nicolas happy and in love with the other girl. Parang ang saya niya na nagkahiwalay kami. Minsan sisisi ko siya at minsan yung sarili ko.

I am not that desperate to be called because for 1 year I was waiting for his comeback ngunit bigo ako. So, I decided to have fun too, nakipag relasyon din ako sa kaklase ko. 1st year collage pa ako nun. Friends kami ni Nicolas but I hate that idea, because I might loose him again pero wala eh, masaya talaga siya habang ako may jowa mga pero hinahanap parin ko parin siya. I was so in love with that man kahit hindi kagwapuhan. He have this characteristics na mas nagustuhan ko sa kanya. I and Ian are taken for words not for feelings. Sa relasyon namin ako ang pumapasan, ako ang nagdadala. It’s far from being with Nicolas.

Until pandemic came. It happened last year, Nicolas keep coming on me. Having a time to talk to me and I wasn’t expecting na sasabihin niyang “hindi naman sa nang-aagaw ako, pero Pie gusto ko lang bawiin kung ano ang akin.”

I had to choose, and I choose to be happy while hurting and breaking someones heart. Hiniwalayan ko si Ian at nakipagbalikan kay Nicolas. That was June 01, 2020. At first nagdududa pa ako sa desisyon ko baka hindi mag work out ang relasyon namin. But it prove me wrong dahil naging open kami sa pamilya ko, tanggap siya ng parents ko, we are legal at isa iyon sa pinapangarap niya.
And now, pinagpatuloy namin ang ikalawang kabanata ng aming kwento. Sabay naming inaalala ang kahapon at sabay na hinaharap ang hamon ng ngayon para masayang bukas.
Belated happy 4 years of love Pieandsky 13.

Spread the love and inspiration.😘😘


One Comment

  1. wowwww cool po ng story nyo samantalang ngayon grade 3 palang may mga jowa na sana all joke

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.