1

Wala lang pala…


Report

Itago niyo sa pangalang christian. Transferee ako sa CDD (Colegio de Dagupan) nakaraan lang at galing PAMMA (Pangasinan and Merchant Marine Academy) oo dati akong marino pero dahil sa tinamad ako pinili kong mangtransfer at CDD taking BSA (Bachelor of Science and Accountancy) layo diba? Pero dahil pangarap yun ng mama ko para sakin at isa sinusustentohan ako ni tita pinilit ko para sakanila. To make the story short, kakalipat ko lang that time sabihin na nating 1st day of school at that day 1 girl snatch my sight. Tinabihan ko siya hindi dahil sa Love at First sight ika nga pero that girl is crying… believe me she was crying at what reason? Dahil daw broken-hearted, ung iba broken-hearted dahil niloko pero siya iba ang rason niya she was crying because her bf was left hindi dahil may gustong iba ang bf niya ito ay dahil iniwan siya talaga. As in iniwan na siya ng bf niya ng wala na talagang balikan kahit na naniniwala pa siya sa second chance, and that made me curious not about their love story kundi kung bakit mahal na mahal niya yung guy so I ask her but she does’nt answer kaya ok lang then binigay ko nalang yung panyo ko para pamunas ng luha niya.

The next day nabigala nalang ako dahil classmate ko pala siya in one subject, so I get the first move after class kunwari...


tatanungin ang class report. And when the days goes by naging bestfriend ko nasiya tuwaan, lokohan at syempre outing-outing ganun we made that in one semester, pero i know that I fell inlove with my bestfriend pero narealize ko rin yung kasabihan na “pag kaibigan, kaibigan lang” baka nadadama ko lang yun kasi nga dahil bestfriend ko siya kaya ganun nalang ang pag aalaga niya😊 oo grabe siya mang alaga para ka niyang syota. Kaya after a week napag decide ko na wag nalang muna siyang pansinin at lumayo pero mahirap pala talaga lalo na pag tinamaan kana talaga. Lalo na pag nag chat siya na miss kana daw niya? Ay nyemas ang nakakakilig na katawan biglang tiklop sa pride eh hahaha.

One night i was drunk as in lasing na lasing and that night nagkaroon ako ng lakas ng loob para aminin yun sakanya but you know what is hurt the most? Yung sagot niya na “wala lang ang lahat ng iyun akala ko nakikisakay kalang sorry pero di ko maibibigay ang sagot na hinahangad ko, sana di mawala ang pagkakaibigan natin…” magmula nun hanggang matapos ang semester di ko na siya pinansin. Pero pag nakikita ko siya ngayon is ayaw talagang pumigil ang aking luha bigla-bigla nalang papatak.

Anu ba talaga ang kailangan kong gawin? Nakakainis lang kasi pinipilit ko siyang kalimutan pero syempre same school kami di ko maiwasan. Kunting advice lang po.

1

One Comment

  1. Hi Christian, i know at naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo, kasi ako ilang beses na rin na reject siguro hindi na mabilang, pero lagi kung sinasabi sa sarili ko makakahanap din ako ng mas deserving at lagi ko rin sinasabi sa sarili ko na siguro kaya lagi akong bigo sa pagibig kasi hindi ko pa nakikita yung taong para talaga sa akin yung bigay talaga sa akin ni GOD…alam mo kahit anong gawin mong paglimot hindi mo yan makakalimutan kasi nangyari nayan nasa isipan natin yan, lalo’t pat same kayo ng school at classmate mo pa, siguro ang mapapayo ko lang sayo ay ibaling mo nalang sa ibang bagay ang atensyon mo, at saka ituon mo nalang sa pag-aaral, at saka okey lang yan part yan ng life..makakahanap ka pa rin ng taong mamahalin ka at the same time mamahalin mo…hindi yung ikaw lang nagmamahal hahha…ang bilis mo kasi mafall eh ..hahha…minsan kasi ingatan din natin ang puso natin, wag dapat madaling maniwala sa mga mabulaklak na salita kasi diyan yan nagsisimula…good luck and pagbutihin ang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.