0

VANEESA CHAPTER 11


Report

“mama saan po tayo pupunta” tanong ni Stepen kanina pa siya nag tatanong kung saan sila pupunta dahil naka bihis silang lahat pati ang Lolo Baldo at Lola Pising nila kasama rin. Hindi naman sinasagot ni Vanessa ang anak . Kanina pa siya naka Ngiti habang nag aayos
Ayaw munang sabihin ni Vanessa sa mga anak kung saan sila pupunta dahi gusto niya itong isupresa
Matapos ng lahat ng kwentuhan nila ni Jego nung isang araw napag kasunduan nila na mag plano para kay Sebastian. Na kwento rin sa kaniya ni Jego lahat na ng yare kay Sebastian mula ng mawala siya.
Paulit ulit na nitong binabalak mag pakamatay. At nung araw ng kasal nila hindi matanggap ng binata ang ng yare kay vanessa kaya nagpaka lasing ito at dahilan ng para maaksidente, na comatose si Sebastian ng mahigit isang taon. Ng magising ito at gumaling. Araw gabi naman nag papakalasing. Kinakailangan pang turukan ng pampatulog para maka pag pahinga lang.
Kaya ganun nalang kasakit kay Vanessa ang balitang yun, sinisisi niya ang sarili dahil sa pag hihirap ng lalakeng mahal niya.
Ngayong araw ang birthday ni Sebastian , kaya naisip niyang ngayon ang mas mabuting timing . Miss na miss na niya ang ama ng mga anak niya.
” secret baby basta suprise ni mama yun sa inyo ” ani niya ayaw niyang sabihin para mas lalong ma excite ang mga ito.
inirapan lang siya ni Stepen kaya napa maang siya mas lalo niyang kina tuwa ang ginawa ng anak dahil nakikita niya dito si Sebastian. Ganitong ganito ang mukha ng ama kapag nag tatampo akalamoy babae ang hilig mang irap pag nag tatampo.
Natapos na silang mag ayos nasa labas na ang mga bata at si jenny.
” hello everybody goodmorning ” masiglang bati ng bagong dating na si Jego. 10 AM palang. Kailangan naka ready na sila dahil si Jego ang mag susundo sa kanila. Papunta sa kabilang isla.
” magandang umaga rin iho ” sabay bati ng mag asawa sa binata.
” ito lang poba mga dala niyo. ?”
“Ah oo iho, hinihintay lang si Jessa at vanessa nasa loob Pa. ” ani ni nanay pising.
“Sige po nay ipasok ko muna sa Kotse mga kamit niyo ” ani ng binata
Tatalikod na ang binata habang buhat buhat niya...


ang mga gamit ng biglang Humagalpak ng malakas na Tawa si Jenny.
“HAHAHAHAHAHAHAHHAA!! PARA KANG BAGONG TINULI KUNG MAG LAKAD JESSA ” malakas na pagka sabi ni Jenny habang naka hawak parin sa tiyan kakatawa.
Kaya napa lingon ang binata ,napanganga siya sa nakita dahil napaka ganda nito sa Suot na Pink Dress at kahit walang kahit na anong gamit sa mukha. Napaka natural ng ganda nito. Wala rin lipstick. Natural na pink na talaga ang labi ng dalaga. Bagay na bagay rin sa kaniya ang pagka tirintas ng mahabang buhok nito. . First time makita ng binata na mag suot ng pambabae si Jessa. Palagi kasi ito naka Oversized t-shirts at naka 3forth short. Palagi rin naka sumbrero ng patalikod.
Pero napangiwi siya ng mapansin ang pag lakad ng Dalaga. Pati siya nag pipigil sa pag tawa. Pano ba naman sakang na sakang at naka dipa Pa ang kamay para hindi matumba o matapilok.
Firstime kasi mag suot ni Jessa ng sandal. Hindi naman kataasan pero hindi talaga sya marunong gumamit at isama Pa ang pina suot sa kaniya ni Vanessa na Dress na hanggang Tuhod. Nangangati talaga sya at naasiwa pakiramdam niya para siyang nahuhubaran.
Sinamaan ni jessa ng tingin ang ate Jenny niya. Tawa parin ito ng tawa. Naka sunod naman sa kaniya si Vanessa sa likod.
“Tita ninang ang ganda niyo po like me ” turan ni Stepani.
“Tita nangangati kaba bakit galaw ka ng galaw at kamot ng kamot” si Stepen naman
“ATEEEEE VANESSA MAG SASAPATOS AKOOOO!! ” sigaw ni jessa dahil naiinis talaga siya lalo na nakita niyang naka ngisi sa kaniya si Jego
“Sige gamitin motong White shoes bagay naman sa Suot mo ” ani ni Vanessa diparin nawawala sa mukha niya ang pag pipigil sa pag tawa.
“Tara napo kailangan tayo ang maunang dumating ” ani ni Jego
Alam na ng mag asawa at mag kapatid ang pupuntahan. Maliban nalang sa Dalawang Kambal na walang alam sa pupuntahan nila.
Habang si Vanessa kinakabahan at excitement ang nararamdaman dahil sa wakas mag kikita na sila ni Sebastian. Lahat pupunta pati na ang daddy niya at mga Parents ni Sebastian maging ang mga kaibigan nila.
Hindi na siya mag tatago dahil handa na siyang harapin ang mga taong nag pahirap sa kaniya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.