0

VALENTINES: celebration turns to depression


Report

VALENTINES: celebration turns to depression
✍️:trishieees
___________________________________________
“Malapit na Valentines Day babe.”
Napalingon ako sa boyfriend ko ng sabihin niya ‘yun. Malapad ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.
“Anong gusto mong regalo sa Valentine’s day?” Tanong niya.
Napaisip naman tuloy ako. Ano nga ba?
“Wala akong gustong regalo.” Sabi ko.
Kumunot naman ang noo niyang napatingin sa akin. Parang hindi pa siya naniwala sa sinabi ko.
“Sure ka?” Nakangiting tanong niya. “Kahit chocolates? Flowers? Teddy bear?”
Umiling naman ako. “Ayaw ko ng ganu’n.”
“Eh ano?”
“Kahit ikaw na lang sa araw ng mga puso.”
Napatitig siya sa akin tsaka malapad na ngumiti. Wala siyang sinabi at tumango tango lang.
“Ikaw? Anong gusto mo?” Ako naman ang nagtanong.
“Bulaklak.”
Napakunot naman ang noo ko. “Sigurado ka ba?” Natatawang tanong ko. “Tinalo mo pa ang babae sa request mo ha.”
Tumango naman siya. “Basta gusto ko ng bulaklak babe.” Panlalambing niya. “Gusto ko tatlong bulaklak na kulay pula, ‘yung fresh pa.” Napatango naman ako. “Gusto ko ikaw mismo magbibigay sa’kin ha.”
Napakunot ang noo ko ng sobra pero agad ding napangiti ng yumakap siya sa’kin. His name is Brixton. We are 2 years in a relationship and still counting. Napamahal na ‘ko sa kaniya. Halos ayaw na namin bitawan ang isa’t isa dahil may plano na kami para sa future.
Kilala ako ang parents niya at kilala din siya ng parents ko. We are legal in both side. Marami na ang napagdaanan namin at ayaw na naming bitawan ang isa’t isa.
“Tatlong bulaklak na kulay pula, fresh flowes.”
Pagpapaalala ko sa sarili ko ng magdaan ang February 13. Naghanap ako ng bulaklak. Nakakatuwa pa dahil sa dami ng pulang bulaklak ay hindi ko alam kung ano pa ang pipiliin ko doon.
February 14. Valentine’s Day.
Pumunta ako sa paborito naming park. Dito kami nagkikita tuwing may espesyal na okasyon tulad nito. Napakunot pa ang noo ko dahil first time niyang malate. Sa aming dalawa ay ako ang paging late pero ngayon ay siya.
Naupo ako sa pwesto namin habang hawak ang tatlong pulang bulaklak. Napapatingin ako sa mga couples na gumagala.
Napalingon ako sa phone ko ng tumawag ang magulang ni Brixton.
“Hi po tita.”
[Dalian mo. Pumunta ka dito sa bahay.]
Halos dumaungdong ang kaba ko nang marinig ang pagbasag ng boses ni tita. Wala ako sa...


sariling tumayo at sumakay para makapunta sa bahay nila. Mahigpit ang hawak ko sa bulaklak at para bang nawawala ako sa isip.
Patakbo akong pumasok ng bahay nila. Nanlaki ang mata ko ng makitang nanghihina si Brixton at parang nahihirapan huminga.
“B-Brix. Brix. A-Anong nangyayari tita? Bakit dito pa ‘to? Dapat dinala niyo na sa hospital!” Dire diretsong sabi ko.
Nahinto lang ako ng hawakan ni Brix ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. Kinuha niya dito ang bulaklak at ngumiti.
Hindi nahinto ang pagpatak ng luha ko habang pinapanood siyang nahihirapan huminga habang nakatingin sa akin.
“S-Salamat at tinupad mo ang gusto ko.”
Para akong bata na sobrang lakas kung humagulhol. Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isang kamay niya ay hawak ang bulaklak na bigay ko.
“P-Pasensiya ka na k-kung hindi ko sinabing m-may sakit ako, d-dalawang taon ko tinago sa’yo. A-Ayaw kong mag alala ka. H-Hindi ko na kayang lumaban babe.” Mapait siyang ngumiti na lalo kong ikinahagulhol. “S-Siguro sapat na ‘y-yung dalawang taon n-na napasaya kita, n-na minahal kita hindi b-ba?”
Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “Proud ako sa’yo. Kinaya mo ng dalawang taon. Mahal na mahal kita.”
“M-Mahal din kita babe. M-Mahal na m-mahal kita.” Hirap na sabi niya na napapikit pa at lumuwang ang hawak sa kamay ko. “Kailangan ko ng magpahinga babe. P-Pwede na ba ‘ko magpahinga?”
Lalong tumulo ang luha ko tsaka napatango. “M-Magpahinga ka na babe. M-Mahal na mahal kita. Proud ako sa’yo. H-Happy Valentine’s Day babe.”
“H-Happy Valentine’s Day babe. I love you.”
Ngumiti pa siya bago dahan dahang pumikit at nawalan na ng hininga. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nasa kamay niya pa din ang bulaklak na bigay ko.
Umiyak ako ng umiyak pero hindi pa rin ‘nun kayang bawasan ang sakit na nararamdaman ko. Valentine’s Day. H-Happy Valentine’s Day.
Humagulhol ako ng iyak buong February 14. Nawala ako sa sarili. Alam kong wala na siya pero hinahanap ko siya sa park na palagi naming pinupuntahan.
Valentine’s Day. Dapat celebration ‘yun pero napunta sa depression. Nadepress ako dahil sa pagkawala niya. Hanggang mapunta ako sa punto na gusto ko ng sumunod. Wala na talaga ‘ko sa sarili at basta na lang kumuha ng lubid para magbigti.
See you in another life babe. Happy Valentine’s Day.
____________________________________________
END


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.