0

UNWANTED LOVE CHAPTER TWO


Report

UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER TWO
Sinasarado na ni Trisha ang kanyang shop ng biglang may tumawag sa pangalan niya, boses ng isang babae. Hindi niya iyon pinansin at patuloy lang siya sa ginagawang paglock ng pinto ng shop. Ayaw niyang makioag chismisan kanino man kaya kung may gustong makipagusap sakanya na hindi konektado sa negosyo niya ay nagdadahilan nalang siya, paraan upang maiwasan ang makipag-usap.
“Trishaaaa!”, ang sigaw ulit ng babae na nasa sasakyan.
Bumaba ang babae at lumapit kay Trisha. Hinawakan nito ang braso ni Trisha para mapansin siya.
“Trisha, best!”, ang sabi ng babae.
Humarap si Trisha at nakitang si Cindy pala iyon. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at kung paano siya nahanap ng dalaga.
“C-cindy? paanong. . .?”, ang tigil na sabi ni Trisha dahil nakita niya ang isang kotse at bumaba doon si Lester. Palapit na din ito sa kanila
“Sa wakas nakita na din kita, kumusta kana? Ano bang nangyari sayo bat bigla ka nalang nawala?”, ang naiiyak na sabi ni Cindy at saka yinakap ang kaibigan.
“Ok lang ako, may pupuntahan pa ba kayo? Sa bahay nalang tayo magusap”, ang paanyaya ni Trisha.
Sumakay nga sila sa kotse ni Lester. Habang nasa pauwi na sila ay ikwenento ni Cindy at Lester ang napagdaanan nila bago naging sila. Tatlong taon na silang magkasintahan, at balak na nilang magpakasal lalo na ngayon at nahanap na nila si Trisha. Sa apat na taong hindi nakita ni Cindy ang kaibigan ay sa wakas kasama na niya.
Pagkarating nila sa gate ay binuksan ni Manang Saleng ang gate ng bahay ni Trisha. Pamana na sakanya iyon ng kanyang ina at Tito Arnold. Dahil nakipagasawa ulit ang ina niya at doon na sila tumira sa bahay ng asawa niya sa probinsya kasama ang step sister niyang si Stephanie.
“Mommy, mommy!”, ang salabong ni Brayll na noon ay mag-aanim na taon na. Humalik ito sa kanyang ina at saka yinakap.
Mabait, matalino at malambing ang anak ni Trisha. Napakagwapo din nitong bata at sigurado siyang nagmana ito sa ama niya.
“May anak kana pala, asan ang asawa mo, gusto namin siyang makilala”, ang masayang sabi ni Lester.
Lumungkot ang awra ni Trisha, nahalata iyon ng dalawa kung kaya nagtinginan sila.
“Baby this is tita Cindy and tito Lester, remember them? Sila yung mga kwenekwento ko sayo na mga friends ko”, ang sabi ni Trisha
“Hello tita, hello tito”, ang masayang bati ni Brayll at saka yumakap sa dalawa.
“Pumasok na muna tayo, at ipaghahanda ko kayo ng meryenda”, ang paanyaya ni Manang Saleng sa kanila.
Si Manang Saleng nalang ang kasama ni Trisha sa bahay. Mula noong pinagbubuntis niya si Brayll at lumipat na ang pamilya niya, ay ito na ang nagaasikaso sakanya. Yaya siya ng kapatid niyang si Stephanie, kaya matagal na itong naninilbihan sa pamilya niya.
Pagkatapos ihain ni Manang Saleng ang meryenda ay kinuha na niya si Brayll para makapagusap sila ng maayos. Sinimulan ng ikwento ni Trisha ang nangyari sakanya.
Four years ago. . .
Naging masaya ang pagsasama nila Leo at Trisha bilang magkasintahan. Si Leo ang first love ni Trisha kung kaya pinangako niya sa sarili na mamahalin niya ito higit pa sa buhay niya. Ramdam ng dalaga na mahal na mahal siya ng binata, ngunit ang hinihiling niya na ipakilala siya sa parents ni Leo ay hindi magawa ng binata.
Lagi nitong rinarason na busy ang mga magulang niya, samantalang siya ay pinakilala...


na niya ang kasintahan sa pamilya ng tito niya. Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya sa binata ay hinayaan nalang niya ang hiling na iyon.
Hanggang sa isang araw, nawasak ang puso ni Trisha. Hindi noon pumasok sa trabaho si Leo, may sakit daw. Hindi niya makontak kaya nagpasya siyang kunin ang information nito sa opisina ni Cindy at nakita nga niya.
Pinuntahan niya ang bahay nila Leo, isang mansyon iyon at katulong ang nagpapasok sakanya. Agad naman siyang linapitan ng isang babae na kasing edad ng kanyang ina. At sa palagay niya ay ito ang ina ni Leo.
“Good afternoon po ma’am dadalawin ko po sana si. . .”, naputol ang sinabi ni Trisha dahil biglang nagsalita ang babae.
“Ohhh andito na pala ang bastarda, anong kailangan mo sa anak ko?”, ang mataray na sabi ng ina ni Leo.
Nagulat si Trisha sa sinabi ng babae dahil paano nito nalaman ang tungkoo sa pagkabastarda niya.
“A-Ano pong ibig niyong sabihin?”, ang pagkukunwaring sabi ni Trisha.
“Kunwari kapa bastarda, mang-aagaw ng asawa ang ina mo. At sa wakas makakapaghiganti na ako, dahil ang anak niya ay andito ngayon magkakandarapa sa pagmamahal ng anak ko”, ang mapanglait na sabi ng ina ni Leo.
Nasasaktan at naguguluhan na si Trisha dahil sa mga narinig. Hindi niya alam ang tungkol sa pang aagaw ng ina niya.
“Para sabihin ko sayo hindi ka mahal ni Leo. Inutusan ko siya na lapitan at paibigin ka, at kapag napaibig kana niya iiwan kana. Para makapaghiganti ako sa ina mong malandi!”, ang sigaw na ng ina ni Leo sa kanya.
“H-hindi po totoo yan mahal ako ni Leo, alam ko yun mahal niya ako” ang umiiyak ng sabi ni Trisha.
“Leo! Leo! Leo! lumabas ka please magusap tayo. Kahit anong sabihin ng mommy mo naiintindihan ko kasi mahal kita. Please lumabas ka Leo!”, ang sigaw na ni Trisha para marinig siya ng binata.
Lumabas nga si Leo mula sa kwarto niya na nasa second floor ng mansion. Mukhang walang sakit ito at nagkukunwari lamang kay Trisha. Lumapit siya sa kinaroroonan nila Trisha at ng kanyang ina.
“Babe diba mahal mo ako, nagsisinungaling lang ang mommy mo diba?”, ang umiiyak ng sabi ni Trisha.
“Totoo ang sinabi ni mommy Trisha. We want a revenge on your mom, and i think this is enough. Na masaktan ko ang puso ng anak niya. At huwag kang umasa na minahal kita dahil kahit kailan hindi ko mamahalin ang bunga ng pagtataksil ng daddy ko”, ang sabi ni Leo.
“A-anong ibig mong sabihin magkapatid, at alam mo na yun nung una palang at hindi mo sinabi sakin dahil sa lintik na paghihiganti niyo?” galit ng sabi ni Trisha habang patuloy sa pag-iyak.
“Isa kang bastarda at kahit kailan hindi kita itinuring na kapatid”, ang sabi ni Leo.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Trisha kay Leo, sa harapan mismo ng ina nito. Hindi niya akalaing sa kabila ng pagbibigay niya ng buong pusong pagmamahal kay Leo ay masusuklian pala ng isang masakit na paghihiganti.
“Sana masaya ka sa ginawa mong ito, hindi kita mapapatawad!” ang sumpa ni Trisha at saka na umalis.
Pumara siya ng taxi at doon ay umiyak ulit. Tinanong siya ng driver kung saan siya pupunta at sinabing sa isang bar, yung malayo sa lugar na iyon. At sinunod nga ng driver ang sinabi niya.
Ano kayang mangyayari kay Trisha gayong nasasaktan siya at sa bar pa gustong pumunta? Abangan sa susunod na kabanata


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.