0

UNWANTED LOVE CHAPTER THIRTEEN


Report

DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER THIRTEEN
Makaraan ang ilang oras na pamamahinga ni Trisha ay kumatok si Bryan sa kwartong tinutuluyan niya. Inaaya niya itong kumaen na at pagkatapos ay saka sila pupunta sa bahay ng binata.
Pumasok sila sa isang village, mukhang bago palang ito dahil sa iilan lamang ang mga bahay doon. Magaganda at karamihan ay may tatlong palapag. May limang kalye ang village at nasa ikatlo ang bahay ni Bryan. Nakarating na sila doon at binuksan ng guard ang gate ng bahay.
Napanganga si Trisha sa ganda ng bahay ni Bryan. Mas malaki ito kesa sa mga nadaanan nilang bahay, kumbaga ay mansyon. Apat ang palapag nito at may elevator. Maraming mga ornamental plants, puro mga imported ang mga namumulaklak na halaman. Dahil mahilig si Trisha sa nga bulaklak ay talagang napanganga siya sa nakikita. Parang isang paraiso.
“Bunganga mo sweetheart baka mapasukan ng langaw ayaw ko ng halikan yan”, ang natatawang sabi ni Bryan.
-Kadiri to ayaw din naman kitang halikan- bulong ni Trisha.
“May sinasabi ka ba sweetheart?” tanong ni Bryan.
“Ah wala sweetheart, sabi ko ang gwapo ng boyfriend ko”, paglalambing ni Trisha.
Napakagat naman si Bryan sa labi niya, saka kinurapkurap ang mga mata. Bagay na ikinatawa ni Trisha ng malakas at pati ang guard at dalawang katulong ni Bryan na nasa labas ay napatingin sa kanila.
Nakita ni Trisha ang pool na nasa gilid ng mansyon, pinuntahan niya iyon at hindi lang pala basta basta pool kundi kagaya iyon ng resort ni Bryan na malaki dahil may mga slide ito.
“Let’s go inside mainit na dito”, paanyaya ni Bryan.
Pagpasok nila sa bahay ay muli na namang namangha si Trisha. Ang mga display na jars, tables at cabinet ay puro antique. Tinanong niya kung saang bansa galing ang nga ito at sinabing galing sa Italy. Malalaki din ang mga chandelier na nasa sala. Nalaman din niyang may labing limang kwarto ang mansyon. At mayroon pang pool sa rooftop nito.
Iniisip ni Trisha kung bakit wala siyang nakikitang pamilya ng binata sa bahay na iyon. At ni minsan ay hindi naikwento sakanya ni Bryan. Dahil siguro sa wala silang oras magkwentuhan kaya hindi nito nababanggit. Pano naman kasi lagi siyang busy sa work niya, kapag nagdedate naman sila kasama nila lagi si Brayll kaya hindi din sila makapagusap ng sila lang. Kapag nasa bahay ay inaasikaso niya si Brayll at natutulog na ng maaga si Bryan.
Doon na sila kumaen sa mansyon at pagkatapos nun ay inihatid na ni Bryan si Trisha sa hotel. Pero bago pa unuwi si Bryan ay hinalikan niya muna si Trisha, humawak naman si Trisha sa ulo ng binata at pasimpleng kumuha ng hibla ng buhok nito.
Pagkatapos ay umuwi na si Bryan, iniisip ni Trisha kung saan niya ilalagay ang buhok dahil wala naman siyang dalang plastic na may sealed. Kaya naisip niyang ilagay nalang sa panyo niya.
Kinabukasan ay umpisa na ng trabaho niya, habang kumukuha siya ng damit sa maleta niya ay nahulog ang panyong pinaglagyan niya ng buhok ni Bryan. Dahan dahan niyang pinulot at ng tignan kung andun yung buhok pero wala na. Nalamukos niya ang mukha niya dahil sa inis, palpak na naman ang plano niya.
Kinalimutan na muna ni Trisha ang tungkol sa DNA, alam niyang malabo siyang makakuha ng buhok o laway ni Bryan dahil madaming empleyado ang binata sa resort at mukhang honest pa naman ang mga ito sa boss nila. Minadali nalang niya ang landscaping, para makauwi na sila. Doon nalang niya gagawin ang plano, sigurado siyang wala ng ligtas ang binata sa pamamahay niya.
Makaraan ang dalawang linggo, pauwi na...


sila ni Bryan. Miss na din niya ang anak, tunatawag siya lagi kay Manang Saleng pero iba parin kapag kasama niya ang anak.
“Mommy! Daddy!”, patakbong sigaw ni Brayll ng bumusina si Bryan. Ang bata na din ang nagbukas ng gate.
Mahigpit na yinakap ni Trisha ang anak, bitbit naman ni Bryan ang mga pasalubong. Sa gabing iyon, kinausap ni Trisha si Manang Saleng tungkol sa plano niya.
“Manang duda na talaga ako kay Bryan, gusto ko ng malaman ang totoo. Ipapa DNA test ko sila ni Brayll”, ang wika ni Trisha.
“Mas mabuti pa ang gagawin mong yan anak, pano kung si Bryan nga ang ama ng anak mo?”, tanong ni Manang Saleng.
“Iwan ko po, siguro magagalit o matutuwa, Hindi ko po alam ang gagawin ko”, malungkot na tugon ni Trisha.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig sa kanila si Bryan. Alam niyang desidido na ang kasintahan na malaman ang totoo at hindi niya ito pipigilan. Alam niyang isa sa mga gamit niya ang kukunin ni Trisha, kung kaya inayos niya ang pwede nitong kunin.
Ang damit niya, towel, at toothbrush niya, sisiguraduhin niyang bagong gamit lang niya ang mga ito para malakinang chance na malaman ni Trisha ang totoo. Pero paano kung lumayo na si Trisha sa kanya at ilayo pati si Brayll hindi niya ito kakayanin.
Pagkaalis ni Bryan at pumasok si Trisha sa kwarto niya, laking pagtataka niya ng hindi nakalock ang pinto ng kwarto. Sa banyo siya pumasok at kinuha ang toothbrush ni Bryan, may kapareho siyang dala kaya ipinalit niya ito. Kumuha siya ng plastic na may sealed at kumuha ng buhok kay Brayll na hindi nito namamalayan.
Bago siya pumasok sa flower shop at dumeretso muna siya sa ospital at ibinigay ang mga dalang gamit. Babalikan nalang niya ito pagkatapos ng trabaho niya. Habang inaayos ni Trisha ang mga papeles sa misa niya ay pumasok ang isa sa empleyado niya.
“Ma’am may bisita po kayo kaibigan niyo daw galing abroad”, wika ng empleyado.
“Papasukin mo”, wika ni Trisha. Alam niyang sina Cindy at Lester na ang mga ito, tapos na siguro ang honeymoon nila.
Matagal na sila sa Hongkong kaya ngayon na siguro naisipang umuwi. Pero laking gulat niya ng makitang hindi sila ang pumasok.
“I-ikaw?”, halo halong emosyon ang nararamdaman ni Trisha. Galit, pagkasuklam at pagkadismaya.
“How are you?”, ang nakangiting wika ni Leo.
“How dare you to say that”, pasigaw ni Trisha.
“Kukumustahin ko lang kayo ng anak ko bawal ba?”, tanong ni Leo.
Natigilan si Trisha sa narinig, dahan-dahang lumapit si Leo sa kanya at sa bawat hakbang nito ay linulukob ng kaba si Trisha. That time naaamoy niya ang pabangong gamit ni Leo, same as Bryan’s cologne, same as the man’s cologne in the room where she gave her body.
“You can’t scape now, may karapatan ako sa bata, alam mo na siguro ang ibig kung sabihin”, ang wika ni Leo.
“By the way your father need you”, patuloy niya.
Napakunot noo naman si Trisha, halo-halo na ang iniisip niya. That time gusto niyang tumakbo kay Bryan.
“Yes your father, hindi naman pala tayo magkapatid. Kaya ngayon wala ng hahadlang para ipagpatuloy ang relationship natin together with our son”, wika ni Leo at saka na umalis.
Wala ng lakas si Trisha para magsalita at saktan sana si Leo. Tanging luha lamang ang lumabas sa mga mata niya dahil sa epekto ng pagpapakita ulit ni Leo.
Abangan sa susunod na kabanata kung sino ang totoong ama ni Brayll, dahil tanging isa lamang sa kanila ang magsasabi ng totoo at isa sa kanila ang nagsisinungaling.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.