0

UNWANTED LOVE CHAPTER SEVENTEEN


Report

DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER SEVENTEEN
Sinundan ni Bryan ang doktor na sumuri kay Brayll, pumasok sila sa opisina nito. Nagusap sila tungkol sa gagawing proseso at sinabi ni Bryan na sana gawin na kaagad.
Pumasok sila sa labolatoryo upang masuri ang dugo ni Bryan, nakuhanan na din ng dugo si Brayll kaya pwede na nilang imatch ang mga ito. Hindi nga nagkaila ang exam ng mga dugo nila, kung kaya kinuhanan agad si Bryan ng dugo para maisalin kay Brayll.
Kasalukuyan namang nasa operating room si Brayll at tinatanggal ang ilan sa mga white blood cells niya at saka na sasalinan ng dugo mula kay Bryan.
“Doc pwede bang magpagawa ng DNA test isama niyo na sa result ng examination ng dugo namin ng anak ko”, paki-usap ni Bryan.
“Sige sir, pero para saan eh anak mo naman yung bata”, nagtatakang tanong ng doktor.
“Hindi kasi alam ng ina niya na ako ang tunay na ama doc, kaya gusto ko ng itama ang pagkakamali kong itago ito sa babaeng mahal ko. Kaya please doc gawin niyo po ito nalang ang alam kong paraan para malaman niya ang totoo, at pakisigurado na makakarating ito sakanya” pagsusumamo ni Bryan.
Tumango naman ang doktor bilang pagpayag. Lumabas na siya para puntahan sina Trisha sa labas ng operating room pero wala doon ang hinahanap. Si Manang Saleng lang andoon dahil umuwi si Trisha para magpalit ng damit at kumuha ng pambayad sa hospital bills.
Hindi din alam ni Trisha na maooperahan na si Brayll, basta ang bilin lang niya ay kapag may nagmatch ng dugo ay operahan nalang ang anak kahit wala siya.
Makaraan ang ilang minuto ay nailabas na si Brayll sa operating room at successful naman ang operasyon. Mahimbing na itong natutulog at hawak ni Bryan ang mga kamay nito.
-Patawarin mo ako anak kung nadadamay ka sa pagtatago ko ng katotohanan sa mommy mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita- bulong ni Bryan sa anak.
Makaraan ng ilang sandali ay dumating na si Trisha, nagadala na din siya ng mga gamit ni Manang Saleng upang hindi na ito umuwi. Tumayo agad si Bryan at yinakap si Trisha.
“He’s ok now, sweetheart. Huwag kana masyadong mag-alala”, wika ni Bryan habang nakayakap. Gumanti naman ng yakap si Trisha.
“Uuwi muna ako para makapagbihis din, saka magluluto na din ako ng pagkain natin”, paalam ni Bryan at saka na umalis.
Magsasalita pa sana si Trisha upang tanungin kung saan nakakuha ng dugo pero tumalikod na ang binata. Kaya lumapit nalang siya sa anak at hinaplos-haplos ang ulo nito. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakipagkwentuhan na siya kay Manang Saleng.
“Manang, saan nga pala sila nakakuha ng dugo na isinalin kay Brayll?”, nagtatakang tanong ni Trisha.
“Alam mo anak, duda na talaga ako pero wala naman tayong proweba eh. Kay Bryan nila kinuha ang dugo, posible din namang mangyari kasi may magkakapareho naman ang blood type diba”, sagot ni Manang Saleng.
“Ibig niyo pong sabihin, kinuha nila kay Bryan? Eh paano natanggap ng katawan ni Brayll ang dugo ni Bryan ng ganun kabilis?”, nagtatakang tanong ni Trisha.
“Yun din...


ang iniisip ko eh”, sagot ni Manang Saleng.
Kinabahan na si Trisha sa mga nalaman, gusto man niyang iwaksi pero hindi na niya mapigilan ang iniisip. Isa lang ang makakasagot nun, ang doktor na sumuri sa dalawa. Tatayo na sana siya para pumunta sa opisina ng doktor pero pagbukas niya ng pinto ay papasok na din ang doktor na may dala-dalang envelope.
“Ma’am Trisha ito na ang results ng exam kay Brayll. Huwag na po kayong mag-alala ok na siya”, wika ng doctor at saka iniabot ang envelope. Nagpaalam na din ito na umalis.
Binuksan ni Trisha ang envelope at kinuha ang laman nito. Binasa niya iyon at tungkol lang naman sa dugo ni Brayll, hanggang sa napansin niya ang isang DNA test result. Binasa niya iyon at nakita ang pangalan ni Bryan Della Sella at sa baba nito ay pangalan ni Brayll. Kinakabahan na siya habang pinapasadahan ng tingin ang bawat detalye.
Umagos ang luha ni Trisha na kanina pa niya pinipigilan. -POSITIVE- Iyon ang nabasa niya. Linapitan siya ni Manang Saleng at hinaplos ang likod niya. Binasa na din niya ang DNA test result at maging siya ay nagulat.
“Trisha saan ka pupunta!?”, sigaw ni Manang Saleng dahil patakbong lumabas si Trisha. Hindi na niya ito sinundan dahil walang maiiwan kay Brayll.
Taxi nalang ang sinakyan niya pauwi, hindi na niya kayang magpadrive sa binayaran ng lalaking nangluko sakanya. Andami niyang tanong sa isip niya, all this time hindi nagawa ni Bryan na sabihin ang totoo. Bakit kailangan niyang malaman sa ganung paraan, bakit hindi niya agad sinabi noong unang pagkikita palang nila.
Pakiramdam niya tuloy ay pinagsamantalahan siya ulit ni Bryan. Ginamit niya si Brayll para mapalapit ang loo nito sa bata, ginamit siya nito at pinaibig. Wala naman siyang nais kundi ang magmahal at mahalin, ang maranasan ang maging masaya sa piling ng lalaking mahal niya.
Binigay niya ang buong puso at pagtitiwala niya kay Bryan pero sinuklian lang iyon ng pagsisinungaling. Anong kasalanan niya bakit nagawa ni Bryan ang makipagtalik sakanya? Alam nitong lasing siya pero bakit itinuloy parin niya bakit kailangang bumalik ang sakit na naramdaman niya noon sa ginawa ni Leo.
Si Bryan na akala niya ay totoong nagmamalasakit sa kanilang mag-ina, nagbigay sakanya ng kaligayahan, nagpakilig at nagpabago sa buhay niya. Si Bryan din pala ang dahilan ng pagkalugmok niya noon. At heto ngayon sinasaktan ulit siya, puro bakit ang mga nasa isip niya. Kinamumuhian niya si Bryan, she want this man out of her sight, out of her life.
Pero bago niya palayasin si Bryan ay gusto niyang ipamukha na hindi niya kailangan ang tulad niya. Kaya niyang buhayin ang anak ng wala siya, hindi na niya alam ang gagawin niya lalo na ngayong nasa ospital pa si Brayll. Basta ang alam lang niya ay galit at poot ang nararamdaman niya para sa lalaki. Ang pagmamahal ay napalitan na ng pagkamuhi.
Pinunas niya ang kanyang luha, magiging matatag siya at ipapakita kay Bryan na mali ang pagpasok nito sa buhay nilang mag-ina. Pagsisisihan ni Bryan ang panghihimasok nito sa buhay nila, at sisiguraduhin niyang magdudusa ito.
Maipagtatangol pa kaya ni Bryan ang paliwanag at dahilan kung bakit niya iyon nagawa? Abangan sa susunod na kabanata.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.