0

UNEXPECTED LOVE CHAPTER 3 – Meet He’s Girl


Report

UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️ CHAPTER 3: .•°Meet He’s Girl°•.
.•°❤️°•.Mae’s pov;
Kasalukuyang nasa biyahe kami ngayon ni kuya Jc, sabi nito ay pupunta daw kami ng Mall upang mamili ng mga gamit ko sinabi ko ditong kahit sa mga ukay-ukay nalang sa labas ay ayus na sa akin basta maisusuot. Hindi ito pumayag kaya napilitan na lamang ako, dagdag pa ang medyo kinakabahan ako dahil ipapakilala niya daw ako ngayon sa girlfriend.
“Ilang taon na po kayo ng girlfriend mo po kuya?” Basag ko sa katahimikan, nakita ko pa itong ngumiti bago sumagot.
“4 na taon” sagot nito. “Wag kang magalala mabait yon” dagdag pa ng binata kaya midyo nakahinga rin siya. Sana nga ay totoong mabait ito.
Pagkarating nila ng Mall ay agad na pinagbuksan siya nito ng pinto, bawat galaw na pinakikita ng binata ay nasasabi niya nalang na napakaswerte ng girlfriend nito.
Ilang hakbang pa lamang ng biglang may sumigaw sa likod nila na babae na siyang kinalingon niya.
“Hi Honey, i miss you” Bati ng babae sabay niyak*p at hinal*kan sa pisngi ang binata. Malambing din namang tinugunan ng binata ang y*kap nito. “I miss you too Hon” Sagot ng binata. Habang si Mae ay hindi na napigilan ang kaba sa puso, paano kung ayaw sa kanya nito? Paano kung pag-isipan siya ng masama nito? Hindi siya masamang babae, tanging nabubulalas na lamang niya sa isip.
“Btw Hon, this is Shaila Mae. Mae, siya naman ang girlfriend ko si Patricia” pagpapakilala ni Jc sa dalawa.
Nilapitan siya ng babae at kinamayan pagkatapos ay tiningnan ng mapanuri. Para bang kinikilatis siya nito dahil kung makatingin ito ay mula ulo hanggang paa. Akala niya ay mamaliitin siya nito ngunit nagulat siya ng bigla itong nagsalita.
“Kaunting ayus lang ay tiyak tatalbug ang ganda mo, huwag kang mahiya sa akin hindi ako nangangain ng magagandang gaya mo” sabay pa siyang kinindatan nito. “So, let’s go inside” pag-aaya pa nito.
Naging maayos ang pamimili nila, pamimili lamang ng gamit ngunit nagpunta narin sila sa salon. Nahihiya na siya ng subra sa kuya Jc niya dahil malaki na ang nagagastos nito dahil lang sa kanya. Pero wala siyang magawa dahil ang dalawa ay parihong mapilit. Habang inaayosan hindi niya maiwasan na makaramdam ng inggit sa dalawa, siya kaya kailan kaya siya makakahanap ng kanyang pag-ibig.
Halos isang oras din bago natapos ang pag-aayus sa dalaga, lahat ng nasa loob ng salon ay napanganga, simpleng make up lang naman ang ginawa nila dito dahil iyon ang sabi ng dalaga, habang si Jc ay napatitig na lamang sa kagandahan ni Mae habang si Patricia naman ay napapalakpak pa.
“You’re so pretty Mae, how old are you?” Puri at tanong sa kanya ni Patricia. Naghihiya naman siyang sumagot.
“Ahm 18...


po”tipid na sagot niya.
“You know, smile is so important, diyan tayo mas gumaganda kaya wag kang sumisimangot” saad nito ng nakangiti. Nginitian niya na lamang din ito.
.•°🍱°•.RESTAURANT .•°🍱°•.
.•°❤️°•. Patricia’s pov;
Hi I’m Patricia Marie Villamor I’m 25 years old, mas matanda lang sakin ng buwan si Jc. Almost perfect narin ako gaya ni Jc kaya maraming nagsasabi na bagay daw talaga kami, almost 4 years nadin kami at malapit na 5th anniversary namin. When I saw a girl i realized something mas higit ito sa akin. Simple pero subrang napakaganda na, mukhang mabait naman kaya walang rason para maging masama ako dito. Ang pinag-aalala ko lang ay ang ibang tao baka hindi niya makayang ipagtanggol ang sarili niya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magpaalam ako sa kanila para magbanyo pero sumabay nadin si Mae kaya sinama ko na ito.
Hindi pa kami tuloyang nakakapasuk sa banyo ng biglang nahilo ako buti nalang at nasalo ako ni Mae.
I am pregnant pero pariho kaming hindi na magtatagal sa mundo, bigla nalang ako napaubo na may kasamang dug*. Nakita ko ang gulat at pagkabalisa ni Mae, halos umiyak na ito.
“A-ate ok k-kalang po?” Pumipiyok at nauutal na tanong nito.
Ngumiti ako dito tyaka inayos ang sarili, inaasahan ko na itong mangyari kaya agad akong pumanta dito sa banyo, hindi ko naman akalain na sasabay si Mae. Kweninto ko narin sa kanya tungkol sa sakit ko, i have a cancer nasa last stage na ito kaya may 3 months nalang akong natitira, noon ayaw kung mawala dahil alam kung mahihirap si Jc pero dahil kay Mae masaya na akong mawawala ang tanging kailangan ko lang gawin ay magawang mapaibig ko sa kanya si Jc.
Pariho na kaming palabas ng banyo ng makasalubong namin ang isang lint* na mukhang kagagaling lamang sa impyern*. Makita ko lang ito ay laging sira ang araw ko.
“Oh look, may naiwan atang basur* dito, ano ba yan nangangam*y na” hinawakan pa nito ang ilong niya na parang may basura talagang nangangamoy. Tsk napakaarte.
“Kaya nga ehhh, hindi na siguro kinaya ng mga basurero dahil sa subrang sama nito kaya pinabayaan kaya ngayon tuloy pagala-gala” taas kilay kung sagot dito.
Nakita ko naman nakayuko si Mae, lint*k kasi itong babae na ito baka isipin pa ni Mae siya tinutukoy ko.
Lalagpasan kona sana ito ng akmang hahawakan niya ang braso ko ngunit agad ko itong tinapik papalayo, napahawak nalang ito sa ibabang kamay niya, siguro nasaktan ito sa ginawa ko.
“How could you to do that!” In*s na saad pa nito ngunit agad ko nang hinila si Mae ng mabilis papalayo sa babaeng iyon at baka ano pa magawa ko.
A/N: sana magustuhan niyo, patuloy niyo sanang subaybayan ang kwento hanggang sa last chapter ❤️


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.