0

TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 7


Report

TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 7
I wanted to cursed myself. Kahapon ko pa pala hindi na-replyan si Travis. Hindi man lang sumagi sa isip ko iyon! Siguro dahil sa daming ginawa pagkatapos namin sa library.
Dali-dali kong binuksan ang mensahe niya,
Travis;
“You’re with that boy again, Candace.”
Paano niya nalaman magkasama kami ni Hiron? My eyes roamed around, kung saan-saan napako ang paningin ko pero gaya kahapon… maski anino niya’y hindi ko nakita.
Huminto ako sa paglalakad para magtipa ng mensahe.
Ako;
“Sorry, wala akong load kahapon.”
Sabi ko na lang.
Again, my phone vibrated.
Travis;
“Who’s that guy? Answer me. Please.”
Tila nagsusumamong reply niya.
Ako;
“Si Hiron. Ka-klase ko. Why?”
Naghintay ako ng ilang segundo sa paparating niyang mensahe pero nabigo ako. Bumuntong hinga ako. At malungkot na sinuksok muli sa bulsa ang cellphone.
“Candace, Okay ka lang?” narinig kong tanong ni Hiron, na nakatingin pala sa akin.
Mapait akong ngumiti para iparating sa kanyang okay lang ako, “Tara na.” yaya ko.
I walked passed him.
Magtatanong tapos hindi naman magre-reply ulit! Magaling!
Pagpasok sa classroom, nakita ko agad sila Bana at Keith, mapanuri nila akong tinignan.
Nagkibit balikat ako, dumeretso sa upuan.
“Hoy! Bakit kayo magkasama ni Hiron?” Bana and her mouth again. As always, kukulitin na naman ako nito, wala akong choice kundi sagutin lahat ng mga katanungan niya. At nasa sa akin na iyon kung magsisinungaling ako o hindi.
“Hindi naman kami totally na magkasamang pumasok. Nakita ko lang siya doon sa may bungad ng gate at nakisabay na rin.” pabulong na parang kinakapos ako ng hininga.
Iyon ang safe na isinagot ko kay Bana, baka kapag sinabi ko ang totoo, tutuksuhin niya ako’t malaman pa ng buong klase. And that will give hope to Hiron. At iyon ang ayokong mangyari.
Hindi na siya muling nagtanong pa dahil dumating na si Ma’am Elyneia. Suot ang kulay-asul na blusa, na tinernuhan ng itim na slocks. ‘Gang balikat ang buhok nito, na nagpabata sa kanyang itsura.Dahil sa salamin niya sa mata ay nagmumukha siyang suplada at mahirap i-approach, pero ang totoo niyan ay mabait siyang guro at palangiti. Bukod sa maganda siya’y magaling rin siyang magturo. Hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Travis ‘pag ang katalinuhan ang pinag-uusapan.
It’s run in their family.
Habang patuloy na tumatakbo ang kamay ng orasan, makalipas ang segundo, na naging minuto, na tuluyan naging oras. Wala kaming ibang ginawa kundi mag-quiz sa ibang subject at ginugol ang ibang oras sa library.
Hanggang sa mag-uwian na ay wala pa rin akong natanggap na text kay Travis.
Nauna ng umalis sila Bana at Keith. Habang ako, nakatayo pa rin sa harapan ng gate at naghihintay ng masasakyan tricycle.
Nagpapadyak pa ako dahil sa inis. Sana pala nagpasundo na lang ako kay Mang Isko, but imagining my mother’s speech, mabilis nabura ang gumuhit na plano sa pagpapasundo.
Kinailangan ko pa ang isang linggo para kumbinsihin ang mga magulang ko na hindi na dapat ako sinusundo dito sa school. I’ve grown enough. Sapat na para sa edad kong ipakitang hindi na ako bata, at kaya ko na ang sarili ko.
Malakas ang ginawa kong pagtampal sa braso ko nang maramdaman ang kagat ng lamok doon.
Nang may biglang humintong itim na SUV sa harapan ko. Kilala ko ang sasakyan na ito, hindi ako nagkakamali. Ito ang sasakyan palaging ginagamit ng mag-asawang Gellego pagpasok sa school.
Napahawak ako sa lace ng ID ko, na parang doon ako kumukuha ng lakas, nang bumaba ang bintana ng sasakyan sa mismong driver’s seat. Kasabay noon ang paghigit ko ng aking hininga.
Mukha ni Travis ang nabungaran ko.
“Pasok,” maawtoridad niyang sabi.
“Huh?” nalilitong sabi ko. Batid kong ako ang tinutukoy niya dahil sa’kin siya nakatingin. Pero hindi lang talaga ako makapaniwala sa ngayon.
“It’s already late, ihahatid na kita sa inyo.”
Nag-aalinlangan pa akong sumakay. Hindi ko magawang i-galaw ang mga paa.
Lumabas si Travis.
“Get in.” buo ang boses sabay hawak sa kaliwang siko ko, awtomatik na gumalaw ang paa kong sumunod sa kanya.
Naamoy ko agad ang pinaghalong pabango at natural na amoy ni Travis pagpasok sa loob. Tila gusto kong ikulong ang amoy na iyon sa ilong ko.
Habang nasa byahe, tahimik lang ako, ganoon din siya, walang gustong magsalita. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
Huminto ang sasakyan nasa unahan, sanhi upang itigil din ni Travis ang sasakyan. Nilingon ko siya. Seryoso at magkasalubong ang makapal na kilay nakatingin sa harapan, ilang beses tinatapik ang mga daliri niya sa manibela.
Pumikit ako ng mariin nang biglang kumalam ang sikmura ko, gustong kutusan ang sarili dahil sa kahihiyan.
Dahil sa daming ginawa sa school buong maghapon ay nakalimutan kong kumain kaninang tanghali. Kahit man lang sana kumain ng isang biscuit. Ngumuya at lumunok lang ang kailangan gawin, hindi ko pa nagawa!
Kagat ang labing tumingin ako sa kanya. Hindi naman niya siguro narinig ang pagkalam ng sikmura ko dahil wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Umusad ang sasakyan, pero nagulat ako dahil sa ibang daan siya dumaan. Imbes na pakanan sa’min, ay kumaliwa siya ng tinahak.
“T-teka, Hindi ito ang daan papunta sa’min.” sabi ko.
“Kumain muna tayo.”
Base sa sinabi niya, narinig niya ang pagkalam ng sikmura ko! I wanted to jump out of this car, at magpasagasa sa bisikletang nasa likuran namin. D*mn!
Bakit ngayon pa tumunog ang sikmura ko dahil sa gutom? Pwede naman pagkababa ko mismo sa sasakyan niya? Isang malaking turn off iyon!
Kakain na ako sa susunod!
As if naman may kasunod pa ito! kontra ng isip ko.
Sumimangot ako. Dumiretso ang sasakyan niya sa isang maayos at malinis na karinderia, at itinigil sa harap mismo.
Siya ang unang nagkalas ng seatbelt, nang akmang isunod ko ang akin, “Just wait for me here.” he said in a deep baritone voice.
Wala na akong nagawa nang lumabas siya.
Moments later, naramdaman ko ang presensiya niya pabalik. Nagulat pa ako sa dami ng inorder niya. Naguguluhan man...


ay inabot ko pa rin ito. Ang dami naman ata. Hindi na lang ako umimik pa at tinignan ang daang tinahak niya.
Makalipas ang ilang segundo. Lubak na daan ang tinatahak namin. Wala akong makitang mga bahay sa paligid kundi puro mga puno. Bahagyang gumagalaw ang mga sanga dahil sa kagagawan ng ihip ng hangin.
Pilit ko na lamang iwinawaksi ang mga kung anu-anong pumapasok sa isipan.
Huminto ang sasakyan, hindi pamilyar sa’kin ang lugar. “Saan tayo?” maang na tanong ko.
Bumaling siya sa’kin at kinuha ang apat na supot sa kandungan ko.
“Burol.” simpleng sagot niya.
Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya. The breeze of the wind touched my face. Inilipad nito ang ilang hibla ng buhok ko, inipon ko iyon at inilagay sa kanang balikat.
I was mesmerized by the lights, na nakikita ko sa ibaba ng burol, para silang mga bituin, pero sa totoo niyan, ilaw sila ng mga sasakyan, at mga kabahayan ng bayan ng Santa Alicia.
Nakita kong inilapag ni Travis ang pagkain doon sa hood ng sasakyan. At tumingin sa’kin. Tumutulong ang bilog na buwan para makita ko ng maliwanag ang kanyang mukha. Malalim at madilim ang kanyang mata, maihihintulad ko iyon sa madilim na kalangitan. ‘Yun nga lang, hindi ko kayang patagalin ang titig ko sa kanya.
Lumapit siya sa’kin, he grabbed my tiny waist using his strong arms and lifted me to the hood of his car. At walang kahirap-hirap siyang sumalampak doon sa harap ko mismo.
I cleared my throat, parang may bumara doon kung ano dahil sa pagdikit ng kamay niya sa baywang ko.
“Lagi ka ba dito?” tanong ko.
“Minsan,” nilabas niya ang laman ng supot. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya.
“Pag-galing sa klase. Dito din kami madalas nag-iinuman nila Aidan.” aniya.
“Kumain ka na,” malamyos na wika niya.
Tumango ako’t sinimulang kainin ang binigay. “Hindi ka ba kakain? Ang dami nito!” sabi ko nang nakatingin lang siya sa’kin.
Umiling siya, “Kainin mo lahat ‘yan. Look at yourself. You’re too skinny.”
Tinignan ko ang inorder niya, nakabukas lahat iyon mula sa lalagyan. Fried chicken, pritong bangus, at barbeque. Binaba ko ang hawak na kutsara, na gawa sa plastik, at tinignan siya ng nakataas ang isang kilay.
“I’m not! Gusto mo ba akong ma-impatso? Hindi ko kaya lahat ng ‘to!” angil ko.
He chuckled, saka umiling. “Okay! Okay! Ubusin mo lang ang kaya mo. Now, eat, Candace,” his eyes roamed around my body and examined it.
“Kumain ka ng marami.” sunod na sabi, hindi pa rin nawala ang ngising nakapaskil sa kanyang mapupulang labi, like he’s having fun in our argument!
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya, labas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. At kinindatan ako.
“Come on, Candace. Eat all of this para makauwi na tayo.” hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.
Awtomatik namang sumunod ang katawan ko at nagsimulang kumain. Pilit iwinawaksi ang kabang nararamdaman.
Naiilang man sa titig niya, nagawa ko pa ring kumain ng maayos, pero hindi ko maubos iyon lahat. Sa dami ba naman ng inorder niya! Pangtatlong tao iyon! Eh mag-isa lang akong kumakain!
Bakit ba kasi ayaw niyang kumain?
“Ayaw mo ba akong kasabay?” ngumunguyang tanong ko.
“Hindi sa ganoon,” maingat ang bawat salitang binitiwan.
“Bakit ayaw mong kumain?”
“Simple lang dahil hindi ako nagugutom.”
I almost rolled my eyes at his remarked. Oo nga naman, Candace. Gamitin ang utak, Hindi puro landi lang.
“Ah, Okay.” sabi ko na lang.
Maingat ang mga galaw ko, pupunasan ang labi kahit wala namang dumi doon. Ngumu-nguyang napadako ang mata ko kay Travis dahil biglang tumahimik ito.
Nakahiga siya’t ginawang unan ang kaliwang braso, ang isa’y nakasuksok sa bulsa sa suot na pants. Naka-flex ang kanang tuhod, enough to rest the sole of his foot firmly on the hood. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay malaya kong pinagmasdan ng malapitan ang kanyang mukha. Nakapikit ang parehas na mata, kahit sa pagtulog ay magkasalubong pa rin ang makakapal niyang kilay. Matangos ang ilong, katamtaman ang nipis ng kanyang mapupulang labi, ang panga niyang mas lalong nagpabagay sa bawat kurba ng mukha niya. Lumunok ako, bumaba ang tingin sa adam’s apple niya….
Sinuway ko ang sarili dahil sa kung saan-saan na naman naglalakbay ang isipan ko.
“Bakit mo pala ako dinala dito? Bakit mo natanong kung sino ang kasama ko? Why you didn’t reply to my text?” magkakasunod na tanong ko para doon mabaling ang atensyon ko.
Matagal muna bago siya nagsalita, “Do I need to answer that all, hmm?” his voice was huskily under the moonlight.
Nagkibit balikat ako kahit hindi niya iyon nakita, “Nasa’yo kung sasagutin mo o hindi.”
“Then, I won’t answer it.” I pouted my lips, sana sinabi kong gusto ko talaga pakinggan kung ano man ang sasabihin niya.
Hindi na muli siyang tinanong pa’t pinagpatuloy ulit ang naudlot sa pagkain.
Nang hindi ko na kayang ubusin lahat ay tinawag ko siya, “Trav, ayoko na. Busog na ako.”
Tumayo siya, “Wait,” may kinuha siya sa loob ng sasakyan.
Mineral water ‘yon. Binuksan niya iyon.
“Give me your hands.” Nagulat ako sa lumabas sa bibig niya.
Nakaupo sa hood ng sasakyan ay nahihiyang inabot ko ang aking ginamit na kamay sa pangkain, nang hindi ako kompartable sa kutsara’t tinidor kanina.
Lumayo siya ng kunting dangkal sa’kin para mahugasan niya ang kamay ko at para hindi mabasa. Maingat ang ginawa niyang paghagod sa kamay ko habang binubuhusan iyon ng tubig. Dumagdag ang lamig no’n sa panginginig ng kamay ko.
“Here,” sabi niya pagkatapos, sabay abot ng panyo niya.
Wala sa sariling kinuha ko iyon at pinunasan ang sariling kamay.
Kumaripas ako ng takbo paakyat sa’king silid nang maihatid niya ako. Tumalon pa ako, kasabay nang pagtalon ay tumili ako dahil sa kilig na nararamdaman. Baka kapag hindi ko nilabas iyon ay baka mabaliw pa ako!
Inamoy ko ang unipormeng suot, naaamoy ko pa rin ang pinaghalong pabango at natural na amoy ni Travis, nanuot iyon sa’king damit at sa buhok ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.