0

TOO MUCH LOVE Thirteen


Report

by: Gail Montenegro
“Iiwan kuna ung kotse alagaan mu un uyy.. iyun ang pangalawa kong baby ,mayayare ka saakin kapag napuruhan yun.” Talak ni kaye sa kaibigang si jade habang pababa sila ng elevator ,dahil ihahatid sya nito sa may baba hanggang makasakay sya ng taxi pabalik ng maynila
“Sino yung una si ivy!” Kantyaw nya dito bago ito binigyan ng isang suntok sa braso na agad nitong naagapan
“Wala kang pake ,basta bilisan mo dito baka talagang puntahan ka ni ace dito” paalala nito sakanya
Pagbaba nila ng lobby ay mabilis silang naglakad patungo sa glass door ng hotel ngunit bigla ring natigilan ng marinig ang isang pamilyar na tinig at waring nakikipag away sa stuff ng five star hotel
“Speaking of the—”
‘Ssshh shut up ,hindi ko sya marinig!” Putol ni jade sa sasabihin ng kaibigan
“Mam pasensya na po talaga ,pero masyado pong pribado ang room ng dalawang guess namin kaya hindi po namin kayu mapapayagan umakyat doon kung wala kayung contact sa kanila.” Nakukulitan nang saad ng stuff sa may information desk ng hotel
“Please naman po ,kailangang kailangan lang po talaga ,emergency po ang sadya ko sakanya please naman po pagbigyan nyu naman po ako kahit saglit lang pangako.” Rinig nyang pakiusap ni chelsie
“Mam i’m sorry pero ako naman po ang malalagay sa alanganin oras na pinayagan ko kayu”
“Chelsie!!” Dina napigilang tawag ni jade dahil halos maiiyak na ito anumang oras base sa itchura nito
“Mam ,mam jade!” Tila nakaginhawang tawag nito sakanya ,tinignan nito si kaye na nasa likuran nya na parang naaalangan
“Hi.. chelsie!” Kaway lamang naman ni kaye na nginitian lamang ni chelsie
“May kailangan kaba dito sa hotel ,baka matulungan kita” alok nya dito
“Hmmmp..” napapapikit nyang ungol ,hiya ang nararamdaman ni chelsie lalo nata kasama pala nito ang kaibigan nito ,hindi nya tuloy alam kung paano sasabihin ang sadya nya
“Jade dude ,i need to go ,kanina pa naghihintay yung grab sa labas” singit ni kaye
“I’m sorry mukhang hindi na kita maihahatid” ani nya sa kaibigan
“Its ok ,alis na ako” sinilip ni kaye si chelsie saka kinawayan “bye chelsie!” Paalam nito na tinguan lamang nila ,bago tumalikod ay nagiwan pa ng isang makahulugang ngisi si kaye kay jade na ikinailing lamang ng dalaga ,kinawayan nya ito bago muling hinarap ang babaing tila kaylaki ng problema
“Chelsie , are you alright huh ,mukhang namumutla ka ata.” Tanong nya dito bago sinalat ang nuo nito ngunit wala naman ,nanlalamig panga ito sa halip na mainit kung talagang masama ang pakiramdam nito
Yumuko si chelsie at pinagsalikop ang mga kamay ,hindi malaman ang gagawin at sasabihin dahil inuunahan sya ng hiya nya “che kailangan mo ng pera ,kailangan mong kapalan ang mukha mo” kumbinsi nya sa sarili bago lakas loob na hinarap ang amo “mam ang sabi nyu po noong isang araw kapag kailangan ko ng tulong pwede po akong lumapit sa inyu at tutulungan nyu ko..” pagsisimula nya dito
“Yeah sinabi kunga yan ,so! May problema kaba?” Maang maangan nya ni jade dito
Ilang beses na napalunok...


si jade ,pinapakiramdaman nya ang sariling lalamunan dahil parang may nakabara’t hindi pa nya masabi ng deretcho ang sadya “pwede puba akong mangutang sainyu po.” Nahihiyang saad ni chelsie
“Utang!!!” Tila hindi makapaniwalang ulit ni jade
“O-opo m-mam k-kailangan lang po sana para sa papa ko po ,ang totoo nyan h-hindi kuna po alam ang gagawin ko” hirap na wika ni chelsie bago hinayaan ang mga luhang kumawala mula sa pisngi nya
“Hey…its ok with me ,tahan na” alalang hagod ni jade sa likod ng dalaga ,naisip nyang mukhang sumobra ang plano nya dahil nagmukhang depress na ang babaing pinakananais “halika sa room ko ,naroon ang gamit ko.” Kapagkwan ay yaya nya dito ,hinayaan nya itong maglakad at sumunod sakanya hanggang sa makasakay sila sa elevator patungo sa itaas
“I’m sorry mam ,wala napo kasi akong malapitan dahil hindi naman po namin maasahan ang mga kamag anak namin tulad namin ay gipit din po sila” muling paliwanag ni chelsie
Nginitian nya ang dalaga saka tumango ,pagbukas ng elevator ay agad nilang binaybay ang isang silid ,pagswipe at pagbukas nya sa room nya ay kaagad na syang pumasok kasunod nya si chelsie saka mabilis na kinuha ang kanyang checkbook upang bigyan ito ng pera “magkano ba?” Agad na tanong ni jade sa dalaga hinihiling na sana ay mas malaking halaga ang kailanganin nito para mas may pagasang sumang ayon ang lahat sakanya
Ng hindi magsalita ang dalaga ay binalingan nya ,nakapikit ito na parang nagdadasal ,nagiisip kaya natitigan nya ng mas matagal ,gusto nyang haplosin ang pisngi nito that time ngunit nagpigil sya ,hanggang sa magbanggit ito ng halagang kailangan
“550k po mam!” Lakas loob na hayag ni chelsie sa amo dahil ang sobra ay para sa kulang na gamot ng kanyang ama nanginginig ang kamay nya saksi ang dalawang mga mata nya kung paano mabilis na isinulat ng amo ang halagang kailangan nya bago iyun iniabot sakanya ,alumpihit nya iyung inabot saka binasa kung magkano at napanganga sya ng makita na sobra ang naisulat nito “mam.. sobra ho yata!” Paulit ulit nyang pikit dahil baka nanlalabo lang ang mata nya ang nakikita nya ay isang milliong libo
“Sinobrahan ko para sa iba mupang kailangan ,kapaga kailangan mupa ng dagdag magsabi kalang bibigyan kita.” Nakangiti nyang saad dito ,gayun nalang ang gulat ni jade ng bigla syang yakapin ni chelsie habang naririnig nya ang mga hikbi nito ,ngumiti sya aka hinagod ang likod nito “pasasaan bat matatapos rin ang lahat ng pagsubok ng pamilya mo” bulong nya dito na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga
“Thank u po ,pangako magsisipag ako para mabayaran ka, kung kinakailangan lagi akong magoovertime gagawin ko sumweldo lang ng malaki pambayad sayu” umiiyak nitong sabi habang panay ang hikbi
“Saka na natin pagusapan yan ,nagbreakfast kanaba? Baka pwede mokong sabayan” alok nya dito na sinang ayunan naman ni chelsie ,sabay silang kumain ng masasarap na almusal ,habang kumakain ay dama nya ang naguumapaw na kasiyahan sa puso nya “ito na ang umpisa!” Ani nya sa sarili habang nakanging pinagmamasdan si chelsie.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.